"So can I still fix this problem? Sa palagay mo ba pwede pa kaming magsama nang normal ni Vance? Kasi sa nakikita ko parang wala na siyang interes sa akin."
"Oo naman. Ipakita mo kay Vance na gusto mo talaga siya. Na hindi mo siya ginamit para lang magkaanak at mapalago ang namana mong kayamanan sa tiyuhin mo,” pagpapalakas ng loob sa kanya ng kaibigan at pinisil ang kamay niya.
"Paano ko gagawin iyon?" puno ng interes niyang tanong.
Sumilay ang ngiti sa labi JK. "Simple lang. Akitin mo."
Nanlaki ang mata ni Phoenix at biglang tumayo. "What?" Umiling siya. "No. That is crazy."
Iniikot nito ang mga mata. "Come on. That is the only way that you can show him that you really want him. Alalahanin mo na importante ang sex life sa pagsasama ng mag-asawa. Kapag hindi ka gumawa ng paraan, ikaw din ang kawawa. Gusto mo ba na humanap siya ng ibang babae lalo na’t di mo nagagawa ang responsibilidad mo bilang asawa niya?"
Umiling siya. Hindi na lang niya binanggit sa kaibigan niya na natatakot siya na tumakbo si Vance sa ibang babae dahil binigyan niya ng permiso ang binata. Baka mabatukan siya ng kaibigan. Nanlumo siya. Nakita niya kung anong klaseng babae ang lumalapit kay Vance. Paano siya makikipagkumpitensiya sa isang international fashion model gaya ni Krissy na komportableng mang-akit ng mga lalaki.
Bumagsak ang balikat niya. "H-Hindi ko kaya."
"Huwag ka ngang pa-virgin diyan. Ngayon ka pa nahiya. Magkakaanak na nga kayo."
Pumadyak siya. "Kasi naman hindi ko alam ang gagawin ko. I am pregnant. Dati nga di na ako kompiyansa na kaya ko siyang akitin. Mas lalo naman ngayong buntis na ako.”
Dati ay wala siyang inhibisyon. She felt so free whenever he makes love with her. Ngayon ay hindi na lalo na’t di naman siya nito pakakasalan dahil naaakit ito sa kanya kundi dahil sa responsibilidad nito sa magiging anak nila.
“Walang problema. Mas sexy nga daw ang buntis para sa ibang lalaki. At dahil diyan, ako ang bahala sa iyo.” Mula sa gilid ng kama niya ay may kinuha itong paper bag. " May regalo ako sa iyo na sexy lingerie at dress. Gamitin mo sa honeymoon ninyo. Ito ang kailangan mo."
Nanlaki ang mata niya nang makita ang tatak ng bag. Victoria’s Secret. Paghatak niya sa damit ay lumadlad sa kanya ang fuschia pink baby doll na may black lace na lining. May mga lacy undergarments din na kasama iyon. “Whoa! H-Hindi ko isusuot iyan.”
“Ang arte mo. Ngayon ka pa nag-inarte ng ganyan. Di ka na virgin. Do you think this will work?” tanong niya. “Maakit siya sa akin?”
“Oo naman. Kapag nakita ka ni Vance na suot ang mga ito ay di ka niya matatanggihan,” anito at kumindat.
Niyakap niya ang kaibigan at di maiwasang maluha. “Oh, thank you! I love you, JK.”
“Kaya nga best friend mo ako, di ba?” Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. “Huwag kang umiyak. Masisira ang make up mo. Nakalimutan kong sabihin sa iyo na sobrang ganda mo ngayon. Now you are a radiant bride.”
A radiant bride. She finally felt like a bride. Vance’s bride.
Natigil ang pagdadrama nila nang may kumatok. “Ako na ang bahala,” anang kaibigan.
Pinagbuksan ni JK ng pinto ang sekretarya ni Vance na si Judith. "Oh! You look wonderful!" excited na sabi nito. "Kung nandito lang si Sir Mauricio tiyak na matutuwa siya."
"Thank you. Sana nga masaya si Tito sa kung nasaan man siya. I miss him."
"Hindi naman siya umalis. Nasa tabi mo lang siya kasama ang mama mo. Kaya huwag kang malulungkot kasi nag-iwan siya ng mga taong magbabantay sa iyo. Kami at si Vance, ang groom mo." Inabot nito sa kanya ang orange na rosas. "Here is your bouquet."
"Oh! Nawala sa isip ko. I mean, hindi na kailangan kailangan ng wedding bouquet dahil civil wedding lang naman ito."
"Vance insisted that you must have one. Isn't he the sweetest thing?" Niyakap siya nito. "Finally, kayo rin ang magkakatuluyan. I am so happy for you two.”
Akala niya ay walang pakialam si Vance. He made sure that she has a bouquet. Siguro ay gusto rin nitong mag-work out ang relasyon niya. He was trying. Kailangan lang siguro niyang mag-reach out dito. She must meet him halfway.
“Come. Kanina pa naghihintay sa iyo ang groom mo," sabi ni Judith sa kanya at lumabas na sila ng silid niya.
Tiningnan niya ang larawan ng tiyuhin niya na nakasabit sa dingding sa puno ng hagdan. "Tito, final na ito. Kapag di pa ako nakasal, ewan ko na lang. Despite your disappointments, I hope you are happy with my decisions now.”
Pakakasalan na ni Phoenix ang lalaking pinili nito sa kanya. Ang pinili ng puso niya. At ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat para maging masaya ang pamilya nila.
Bumaba siya sa hagdan. Sa sala gaganapin ang wedding ceremony. May mga upuan nang nakahilera doon. Naghihintay na ang humigit-kulang na tatlumpung saksi kasama ang mga kawaksi ng mansion.
Nakaabang na rin ang hukom na magsasagawa ng wedding ceremony. Malayo sa magarbong kasalan sa garden ng villa. Kaunti lang ang bisita. But she felt lighter. Na parang di siya napipilitan lang. Na parang hinintay niya ang pagkakataong ito nang buong buhay niya.
Dahil pakakasalan niya ang lalaking mahal niya. Ang lalaking naghihintay sa kanya sa baba ng hagdan. Ang ama ng anak niya.
Vance looked so elegant and more handsome in his black tuxedo. Pormal ang mukha nito. Yet she noticed the warmth and wonder in his eyes as he watched her walk down the stairs. Katulad ng lamlam ng mga mata nito tuwing hinihintay siya nito sa sala kapag magde-date sila. Kapag kasama nito ang Tito Mauricio niya. Those days when they were still happy and everything was perfect. Pwede pa namang dugtungan iyon simula sa araw na ito.
Pakiramdam na naman niya ay nasa fairy tale land siya. Na sa bawat paghakbang niya ay tumutubo ang mga halaman at sumisibol ang mga bulaklak na iba't ibang kulay. Nagliliparan ang mga paru-paro. Naririnig niya ang huni ng mga ibon.