This is what a wedding should be. She finally felt like a bride. Hindi tulad dati na parang hinatulan siya ng kamatayan at parang babarilin siya habang naglalakad sa aisle papunta sa altar at hinihintay ni Nelson. Natitiyak din niya na walang buntis na babaeng basta na lang susulpot mula sa kung saan at sasabihing nabuntis ni Vance. Tuloy na tuloy na ang kasal nila.
She was looking forward to spending a lifetime with him. Handa siyang isantabi ang mga agam-agam niya kay Vance. Hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon para bumuo ng pamilya kasama ang taong mahal nila.
Kumakabog ang dibdib niya habang palapit ng palapit sa binata. Katulad din ba siya nito? Was he also looking forward to spending a with her? The bouquet she was holding said it all. He wanted a happy life with her. Gusto nitong maging masaya siya.
Subalit naglaho ang ningning sa mga mata nito nang hawakan ang kamay niya. He went back to being cold and distant. Hindi niya maintindihan. Napapangitan ba ito sa suot niya? Pangit ba ang make up niya? Baka naman hindi nito gusto ang ayos ng buhok niya.
Baka kinakabahan din si Vance kagaya ko. Wedding jitters. After all, ito ang unang beses niyang ikakasal. It will pass.
Habang naglalakad sila papunta sa hukom ay naramdaman niya ang mahigpit na paghawak nito sa braso niya na parang takot na takot ito na makawala siya. That was it. Natatakot siguro ito na tumanggi siyang magpakasal dito o kaya ay takasan niya ito.
"Vance, relax. I am not going anywhere," mahina niyang sabi dito.
"What?" gulat nitong tanong at nilingon siya.
"I am not going anywhere. Hindi mo ako kailangang hawakan ng mahigpit."
"Sorry," anito at bumuga ng hangin. At lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya. Binitiwan siya nito nang kaharap na nila ang judge.
Mabilis lang ang seremonya. Palabiro si Judge Tolentino na sa palagay niya ay nasa singkwenta na. Akala mo ay isa lang itong ama na nagpapayo sa kanila. Paminsan-minsan din ay nagpapatawa ito dahilan para magtawanan ang lahat ng nasa sala at bahagyang ngumiti si Vance.
Bago pa niya namalayan ay tinatanong na siya ng hukom kung gusto niyang maging asawa si Vance at umo-“oo” na lang siya. At gayundin si Vance. Hindi masyadong mapalabok di gaya ng kasal nila ni Nestor. Parang napaka-mechanical at di pormal ng procedure. Ganoon lang at tapos na. Weird. Kasal ba talaga ito? Parang nagpa-practice lang sila ni Vance.
Ayaw sana niyang maniwala hanggang maramdaman na lang niya ang malamig na simpleng plain na platinum band ay isinusuot na ni Vance sa daliri niya katabi ng engagement ring. A pink diamond that she had choosen out of spite and jealousy. Pero ang wedding ring na pinili nito ay ang nakita nila sa jewelry store sa Greenbelt at gusto rin niya. Hindi ito namili ng iba.
Nanginginig ang daliri niya nang isuot ang malamig na singsing sa daliri nito. “Easy,” bulong ni Vance.
Huminga siya ng malalim at pinagmasdan niya habang isnusuot dito ang nag-iisang piraso ng alahas sa kamay nito. Ibig sabihin ay nakatali na sila sa isa’t isa bilang mag-asawa. Nakangiti niyang tiningala siya Vance at nakita niya ang init sa mga mata nito. Ang nakakapagpalungkot lang sa kanya ay wala silang wedding vows habang sinusuot ang singsing. Kung pwede lang sabihin niya ang pangako niya dito. Kung gaano niya kagusto na maging masaya ang pagsasama nila bilang mag-asawa. Na hindi man siya nito mahalin ngayon ay darating din ang panahon na magiging iisa lang ang tibok ng puso nila. Subalit naipit sa lalamunan niya ang sasabihin niya. Baka hindi pa iyon ang tamang oras para sabihin niya. Baka bigla itong ma-pressure na wala itong marriage vows. Pinili niyang tumahimik na lang. Sasarilinin na lang niya ang marriage vows niya para dito.
“Kayo ngayon ay mag-asawa na. You may now kiss the bride,” deklara ni Judge Tolentino. Ibig sabihin ay mag-asawa na sila. Ganoon lang kabilis lumipas ang ilang minuto at mag-asawa na sila. Whew!
Bago pa siya makahuma at makakurap sa katotohanang iyon ay hinawakan ni Vance ang balikat niya at ihinarap siya dito. Tumingala siya kay at pinagmasdan ito na puno ng pagmamahal. Pigil niya ang hininga nang dahan-dahang bumaba ang mukha nito palapit sa kanya. Finally! Their first kiss as husband and wife.
Hindi na mahalaga kung ilang minuto lang ang kasal nila. Okay lang kahit na walang marriage vows. But she wanted this kiss to be like a dream. She wanted it to be perfect. She wanted to feel Vance’s passion once more. A kiss that would be the start of their forever.
Naliyo niya nang masamyo niya ang panlalaking pabango nito. Napasinghap siya nang madama ang init ng hininga nito nang malapit na ang labi nito sa labi niya. Napapikit na lang siya. Naramdaman niyang dumampi ang labi nito sa gilid ng labi niya. Her heart kicked against her chest. Na-excite siya. That was an exciting prelude to a hot and passionate kiss. Siyempre naman. Ipapakita nito sa lahat ng bisita doon kung anong mayroon sa kanila.
Matapos ang dampi ng halik na iyon ay hangin na lang ang naramdaman niya. Naghintay siya ng kasunod na halik sa labi niya pero wala nang kasunod. Nang dumilat siya ay nakaharap na si Vance sa mga tao. Iyon na ba ang wedding kis nila. Parang dampi lang. Natapos lang sa isang pitik. Ni hindi nga sumayad sa mismong labi niya.
Parang sabik naman siya dito at ito ay wala nang pakialam sa kanya. The kiss was too conservative and passionate. O parang napilitan lang itong halikan siya dahil kailangan siya nitong halikan. Animo'y pormalidad na lang ang lahat.
Hindi alam ni Phoenix kung paano niya nagawang ngumiti at magmukhang masaya habang niyayakap at binabati siya ng mga bisita. She was dying inside. Sana sinampal na lang siya ni Vance. O kaya sana ay ihinanda man lang siya nito. Pakiramdam niya ay nahihiya siya sa sarili niya. Yes. Kung may choice lang siya, di ka naman niya pakakasalan.
“Congratulations, Mr. and Mrs. Antiporda,” bati sa kanila ni Doctor Ambrosio na siya lamang nakarating sa mga kasama niya sa excavation project sa El Nido. Yumakap ito sa kanilang dalawa ni Vance. “Akala ko hindi ako makakahabol.”