Pinagmasdan ni Phoenix ang paglubog ng araw Reef Bar sa Pico de Loro sa Nasugbu, Batangas. Hindi man iyon kasing ganda ng sunset sa El Nido para sa kanya pero nagagandahan pa rin siya sa atmosphere ng lugar. Just perfect for a honeymoon.
Moderno ang facilities doon. Isang itong hotel-resort para mga nais mag-relax o magtrabaho habang nagre-relax. May eleganteng pool at clubhouse ang naturang resort. May billiards room din, tennis court, smash room at iba’t ibang beach sports amenities na ino-offer na tiyak na mae-enjoy ng mga guest. Not as intimate as she expected though. Di gaya sa beach house ni Vance sa El Nido kung saan solo nila ang mundo. Pero mas mabuti na ito kaysa wala talagang honeymoon ni Vance.
Isang premiere room ang kinuha ni Vance na nakaharap sa malawak na lagoon. Isang bedroom lang din naman ang kinuha nila subalit sa kasamaang-palad ay nagbabad agad sa laptop at cellphone nito si Vance pagdating nila. Ang sabi nito ay magpahinga muna siya pero di siya makatulog. Papunta doon ay nakatulog na siya habang nagmamaneho si Vance. Pagdating niya doon ay wala ba itong ipapagawa sa kanya kundi ang matulog?
Kaya pinili na lang niyang aliwin ang sarili na mag-isa. Ni hindi nga niya magawang basahin ang Kamasutra book na bigay ni JK dahil sa sobrang pagkadismaya. Kaya naman pumunta na lang siya sa may lagoon para maglakad-lakad hanggang makarating siya sa tabing-dagat.
Intindihin mo na lang. May obligasyon si Vance sa kompanya.
Hahanapin kaya siya nito? May pakialam kaya ito kung nasaan siya?
Of course. Dinadala mo ang anak niya. Hahanapin ka niya.
Paano kung wala talaga siyang pakialam sa akin? Paano kung trabaho lang ang importante sa kay Vance?
“Kanina pa kita hinahanap,” narinig niyang sabi ng boses ni Vance sa likuran niya.
Gulat siyang lumingon. “O! N-Nasundan mo ako?” Akala niya ay mas gusto lang nitong magkulong sa kuwarto nila.
“Tumawag sa akin ang Reef Bar. Sabi mo kasi i-charge sa room natin ang in-order mo. Baka nilalamig ka na dito. Pumasok ka sa loob," nag-aalalang wika nito at nilagyan ng shawl ang balikat niya. Umupo ito sa tapat niya. “Masarap ba ang pagkain nila?”
Tumango siya. “Yes. Naubos ko nga.” Hindi siya halos nakakain kaninang kasalan kaya mukhang bumabawi ang katawan niya. “Saka maganda ang sunset dito.”
“Bumalik na tayo sa kuwarto,” sa halip ay sabi nito.
"Hindi ba tayo mamamasyal? The sunset is nice."
Gusto sana niyang maglakad-lakad kasama nito sa tabing-dagat habang papalubog ang araw. Mas magiging komportable sila sa isa't isa ni Vance kung gagawin nila ang dati nilang ginagawa. It would surely bring back good memories.
"Mamaya sa dinner," sa halip ay sabi lang nito.
"Pwede rin naman na dito tayo mag-dinner,” aniya at sumandal sa rattan chair para ipakita na komportable na siya doon.
"Hindi pwede. May mga prospective investors ako na kasama nating magdi-dinnner."
Napanganga si Phoenix. Tama ba ang narinig niya. Prospective investors? Hindi siya makapaniwala. “Honeymoon natin pero may dinner tayo kasama ang prospective investors mo?” di makapaniwala niyang usal. It was absurd. Ngayon lang siya nakakita ng honeymoon na may kasama pa silang kliyente.
“Matagal nang naka-schedule ito. Isang Filipino investor ito na naka-base sa South America. It would be a waste to let him go. Hanggang bukas na lang siya sa Pilipinas.”
“Yes. At naisingit lang ang honeymoon natin,” aniyang may himig ng sarkasmo.
“As if you are really looking forward to this honeymoon.”
“Sabi mo nga. I-I don’t think I brought an appropriate dress for business dinner.”
“Bumili si Judith ng mga damit na magagamit mo sa ganitong okasyon. Isa pa, ginawan ako ng pabor ni JK at siya ang nag-empake ng damit mo. Sigurado ako na nakapili siya ng suitable na damit para sa okasyong iyon,” anito at pinaglaruan ang tirante ng dress niya. “And besides, this is one of your duties as my wife. We must project a good image to my clients and investors. You are married to the company as well, honey.”
Parang binuhusan si Phoenix ng malamig na tubig. Of course, she was not just some wife now. Siya na si Phoenix Villaviray-Antiporda, asawa ni Vance Antiporda na siyang nagdadala sa Villaviray Construction. May responsibilidad na rin siya sa kompanya. It was like a business marriage. Nagmamahalan man sila o hindi, kailangan niyang gawin ito at unawain. Kailangan niyang manatili sa tabi nito at suportahan ito.
Bumuntong-hininga siya at pilit na ngumiti. “I understand. Anong oras ang dinner natin?”
“Around seven. May oras ka pa para i-enjoy ang sunset mo. I will see you later,” anito at tumayo. “Sumunod ka na lang sa suite natin.”
Napaangat siya sa upuan. “Saan ka pupunta?”
“I have some important calls to make. May mga trabaho sa kompanya na kailangang ako mismo ang humarap. I know you will understand.”
“Fine. See you later.”
Tiningnan niya ang magandang view ng papalubog na araw pero parang nawalan na siya ng gana dahil wala na si Vance sa tabi niya. Some kind of honeymoon. Hindi ito kasama sa inaasahan nila sa pagsasama nila bilang mag-asawa. Ganito ba sila sa buong pagsasama nila? No more romantic nights? Puro business dinners?
You married the guy. You signed up for it. Nagsisimula ka pa lang. Hindi mo pa nailalabas ang secret weapon mo. Hindi pa ito ang oras para magmukmok at sumuko.
Ibang klase ang determinasyon niya nang bumalik siya sa suite nila ni Vance. Pinagbuksan lang siya nito ng pinto habang ang cellphone ay nakatutok pa rin sa tainga nito. Sinenyasan lang siya nitong pumasok at tumuloy na siya sa kuwarto niya.
Hinalughog agad niya ang bag na ihinanda ni JK para sa kanya. Isang black lacy gown ang nasa luggage niya. Hindi pa niya naisusuot ang isang iyon. Umangat ang gilid ng labi niya. It was decent yet seductive. Kinuha niya ang make up kit na inilagay ni JK sa bag niya. May iron curler din para sa buhok niya at may sticker na nakadikit doon na may instruction kung anong gagawin sa buhok niya. Her friend had everything thought of. Wala itong iniwang detalye.
Now I must make this work.
Sa loob ng isang oras ay inayos ni Phoenix ang sarili. Pakiramdam niya ay naglalaro lang siya. Like a teenage girl on a first date. Pero higit pa ito sa first date. She was a woman on a mission. She would seduce her husband. She would set the tone of their marriage. Their marriage nights won’t consist of lonely nights on her part. Hindi na rin kailangan ni Vance na humanap ng ibang babae. Siya lang naman ang hinihintay nito.
Kahit siya ay nagulat sa transformation niya. She looked every inch a seductress. Hindi gaanong makapal ang make up niya pero in-emphasize niya ang mga mata niya para maging smoky. Ang V-neck na dress niya na nalilinyahan ng mga diamond studs ay nag-emphasize sa dibdin niya at humakab sa katawan niya. Hindi pa halata ang tiyan niya dahil tatlong buwan pa lang naman. She wished it was enough to make a statement.
“Perfect!” usal niya nang mapagmasdan ang sarili sa salamin.
The first step in seduction was complete. At kung si Vance naman mismo ang mang-aakit sa kanya, mas hindi na siya mahihirapan. Kung pagbabasehan niya ang reaksiyon sa kanya ni Vance noon, kahit paano ay di naman ito immune sa alindog niya.
Napapitlag siya nang marinig ang katok sa pinto ng shower room. “Phoenix, we only have ten minutes to go to dinner. Nandoon na si Mr. Faustino. We must make an impression.”
“Just give me a minute,” wika niya at inayos ang buhok niya sa balikat niya.
“Okay. Hihintayin kita sa sala.”
Nang lumabas siya ng shower room ay isinuot niya ang black pumps niya na dalawang pulgada lang ang tangkad. Hindi niya pwedeng ipakipagsapalaran ang pagsusuot ng mataas na takong kahit pa sabihing para sa fashion. Kailangan niyang mag-ingat para sa anak niya. Inalala din niya ang mga paalala sa nabasa niyang Kamasutra book.
Excited siyang lumabas ng kuwarto. Naabutan niya si Vance na pabalik-balik ng lakad sa sala habang may kausap sa cellphone. “I am ready,” nakangiti niyang wika.
Tinapos nito ang tawag at humarap sa kanya. Hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha nito nang hagurin siya ng tingin mula ulo hanggang paa. “Good,” anito sa flat na tono at flat din ang ekspresyon sa mukha nito. “Let’s go. Katatawag lang ni Mr. Faustino. Looks like he is really anxious to do business with us.”
Her smile faltered. Iyon lang? Good lang? Parang sinabi nito na di naman siya ganoon kaganda. O kaya ay boring siya.
Pilit ulit siyang ngumiti. “O-Okay.”
Business first. She would work on seduction later. Baka kailangan lang ni Vance na mag-focus sa trabaho ngayon. At bilang asawa niya ay kailangan niyang unawain iyon.
Sa Brisa Bar ginanap ang dinner. Open area iyon na may magandang tanawin ng dagat. Malamig ang ihip ng hangin. May ilaw ng kandila ang mga mesa habang pumapailanlang ang jazz music.
Sinalubong sila ng isang lalaki na sa tantiya niya ay nasa mid-fifties na. “Finally, you are here. And who is the lovely lady with you.”
“My wife, Phoenix Villaviray-Antiporda,” pagpapakilala ni Vance sa kanya. It sounded like music to her ears. Iyon ang unang beses na ipinakilala siya ni Vance bilang asawa nito.
Kinamayan siya ni Mr. Faustino. “I am Antonio Faustino,” pagpapakilala ng mas matandang lalaki at inabot ang kamay sa kanya.
Kinamayan niya ito. “Nice meeting you, Sir.”
“And this is my daughter Misty Jane,” pagpapakilala naman nito sa babaeng may balingkinitang katawan, halos anorexic na ito sa sobrang payat. Mukhang nasa late twenties na ito dahil sa kapal ng make up pero sa palagay niya ay mas bata pa ito kaysa doon. Baka nasa early twenties lang ito baka wala pa. Mukhang isa ito sa mga kabataan na gustong magmadaling mag-mature at angkinin ang mundo.
Umikot ang mata ni Misty. “Papa, Misty is fine. You know I hate being called Misty Jane. Hindi na ako batang paslit.”
“Hello, Misty,” nakangiting bati niya.
“Hello, Vance!” anang si Misty at ikinarayod ang hintuturo na may mahabang kuko na may fuschia pink nail polish sa mahabang manggas ng polo ni Vance. “This a surprise realy. Akala ko pa mandin forever bachelor ka. That’s a sad news for me then. Kailan ka pa ikinasal?”
“Just this morning,” wika ni Vance.
“Oh, I am brokenhearted.” Pinapungay ni Misty ang mga mata at saka pinahaba ang nguso. “Akala ko pa naman hihintayin mo ako.”
“Misty, behave,” wika ni Antonio. “Why don’t we take a seat? Ang balita ko masarap ang pagkain nila dito.”
Lumapit sa kanila ang waiter at inabot ang menu. “Thank you,” usal niya. Di niya alam kung kailan magsisimula ang usapang business pero ihinahanda na niya ang sarili na maging invisible sa loob ng ilang sandali. Tutal ay parang palamuti lang siya doon.