Hello, Stranger Chapter 21

"KAILANGAN kong malaman talaga ang maling ginagawa ng madrasta ko sa papa ko bukod sa yup, hindi ko mahal si Clyde. Pinaasa ko lang silang dalawa ng stepmother ko sa kasal. Sinadya ko 'yon."

Jorev frozed. Sinong hindi hihinto sa paglalakad gayong dama niya ang kaseryosohan sa salita ni Tangerine?

"Pinaasa? Tang, pinahiya mo sila sa ginawa mo," kusang nanulas ang mga salitang 'yon sa bibig niya. Kung nagulat man si Tangerine lalo na sa itinawag niya rito, gano'n din siya.

Hinarap siya ni Tangerine saka siya sinagot, "For me, pinaasa ko sila kasi nga nag-agree ako sa kasal kahit na alam ko naman sa sarili ko na tatakasan ko rin sila. Pinaasa ko si Trillanes na dapat nga ay alam niya na, ayaw ko sa kaniya no'ng una pa lang. Kung sa tingin niya ay pinahiya ko siya, siya lang ang nakakaramdam no'n dahil alam naman namin pareho kung ano ang motibo niya sa kasal na sana ay magaganap sa amin."

Kumunot ang noo niya sa pagtataka sa mga sinaad nito. "I don't get you, really. I mean, so, sinasabi mo sa 'kin ngayon na hindi mo siya napahiya sa ginawa mo dahil para sa 'yo ang pagtakas na nagawa mo ay pagpapaasa lang? Nasaan ang sense ro'n? Fvck, why did you agree to marry him in the first place, when you already knew to yourself that it's impossible for you to love him?"

"E, bakit ka galit? Ikaw ba si Trillanes?"

Okay, nagulat siya sa tanong. Oo nga naman, ba't siya galit, hindi naman siya si Clyde. Hindi naman siya ang napahiya. Pero kung sasabihin ba niya sa kausap na minsan sa buhay niya ay nangyari na 'yon sa kaniya ay mauunawaan kaya nito?

Again, tulad ni Pilipinas ay weird din sa fashion sense ang kausap niya't babaeng naiuwi. 'Yong ngang daster na binili niya para rito ay sinira nito sa bandang t'yan gamit ang gunting, winakwak 'yon at ibinuhol sa likuran ang natastas na tela, hindi nga lang niya pinansin pero napuna niya na 'yon kanina pa. At baka kailangan na rin niya idagdag na katulad ni Pilipinas ay marami ring ipinaglalaban sa buhay ang babaeng 'to.

"Hindi ako galit. Gusto ko lang matawa kasi paano na lang kung kami ang gumawa sa inyo niyang katulad sa nagawa mo? Hindi ba at pamamahiya 'yon sa inyong mga babae?"

"Depende."

"Ano?"

"Depende kung ang babaeng iniwan o tinakasan sa simbahan ay ako, tapos ang tatakas ay si Clyde, go lang, cheer ko pa siya."

Napailing siya. "You're crazy." Baka dapat na niyang iwan ang babaeng 'to para makapahinga na 'to at kung ano-ano na lang ang nasa utak e. Para makapagpahinga na rin siya.

"Maybe I am, hindi ko rin kasi gets kung bakit may mga taong katulad ng papa ko na hindi pa nakuntento sa love na kaya kong ibigay at naghanap pa ng bagong asawa. Crazy thoughts, right?"

Akala niya ay makakaakyat na siya nang walang sagabal, hindi rin pala. Isang malaking sagabal sa nananahimik niyang buhay si Tangerine, sa totoo lang.

"Hindi ka pa na-in love 'no," alright, it was more that a statement than question, kung nahalata ni Tang, mukhang hindi nito balak ipakita sa kaniya 'yon dahil neutral pa rin ang mga facial expression nito.

"Why? Kailangan ba ay ma-in love muna ako bago malaman ang sense sa salitang contentment?"

"Nope, sa naririnig ko mula sa 'yo ay umaapaw na nga sa sense ang mga salitang lumalabas sa bibig mo. Pero kung hindi ka pa nga na-in love, then you don't know what is the feeling of being in love and being loved back."

Umingos 'to. At oo, maaari niyang sabihin ngayon na 'yon na yata ang ingos na napakaganda for him dahil hindi lang mga mata at ilong nito ang gumalaw, maging ang mga mata— sabay-sabay, na ito lang yata ang may kakayahan na gumawa.

"Jorev San Martinez, ano naman ang alam mo sa love? E sa pagkakaalam ko, ayon sa mga kuwento sa tabi-tabi, sinaktan mo 'yong ex mo— er, I'm sorry, hindi ko 'yon dapat sinabi," kaagad na bawi nito sa sinambit. She even bite her lower lip.

Again, honestly, hindi na niya ikinagulat na nabanggit nito ang tungkol do'n. Sa bahay na 'yon din kasi sila nagsama ni Pilipinas dahil do'n naman siya pinuntahan nito nang gabing wasted din siya dahil sa hindi niya na-closed na deal noon.

Hindi niya nakuha ang deal na 'yon ngunit nakuha 'yon ng kapatid niyang si Jio na pinakakalmado nang maituturing sa kanilang tatlo pagdating sa negosyo. Dahil sa labis na inis, naglasing siya nang gabing 'yon at sa bar na 'yon na pinag-inuman niya ay nakilala niya si Pilipinas.

Ah, medyo nakakagalit pa rin ang alaala pero sinasariwa ng babaeng kasama niya ngayon 'yon. Na heto sila, magkasama sa bahay niyang 'yon kung saan siya palagian na naglalagi sa tuwing nais niyang takasan ang mundo.

Katulad nila noon ni Pilipinas...

Katulad nang gabing pinuntahan siya ng huli at ipinilit ang sarili sa kaniya, na kalaunan, kahit na ginawa naman niya ang lahat ay umalis na lang 'to bigla. Nalaman na lang niya ang mga nalaman at kakabanggit lang ni Tangerine ngayon— nagsumbong kasi no'n sa chairman nila si Pilipinas, sinaktan daw niya. Ni hindi niya nga alam kung saan nakuha nito ang pasa na iprinesenta sa baranggay no'n. Putsa lang, napakalaki niyang tanga. Na-in love siya sa magandang pinakita nito sa kaniya, na-in love siya sa pag-aasikaso nito pero kasinungalingan naman ang sinukli nito sa kaniya.

Oo, nakakahiya man na aminin, nakakahiya man na sabihin—planado ni Pilipinas ang pagkakalapit nila dahil ninakawan siya nito nang tumakbo 'to sa baranggay na may pasa sa mukha at braso.

Planado siya ni Pilipinas katulad nang ginawa ni Tangerine kay Clyde. Dapat ay nagagalit na nga siya sa babaeng kaharap niya ngayon dahil napakaraming pinapaalala sa kaniya nito. Mga katangahan niya ang siyang pinapaalala pa nito.

But no, hindi siya gano'ng klaseng lalaki. Hindi niya ni minsan na masasaktan o makakanti ang babaeng walang laban sa tulad niya. At 'yon ang mas nakakagalit sa ex niya. Gagawa na lang ng k'wento, gano'n pa. Nakasama niya 'to ng tatlong buwan din, puwede naman siyang nakawan na lang, kung bakit ginawan pa siya ng kuwento na makakasira sa kaniya, hindi niya maintindihan dahil wala naman siyang naaalala na ginawang hindi maganda rito.

"Tama ka, Tangerine."

"H—Huh? A—Ahm," she swallowed. "Jorev, pasensya na, minsan talaga ay matabil ang dila ko—"

"You're right. Wala talaga akong alam sa pag-ibig. Ni hindi ko napaghandaan na kaya rin akong pagplanuhan ng babaeng minahal ko, katulad sa pagpaplanong ginawa mo ngayon kay Trillanes."

Napasinghap 'to. Ewan niya ba kung awa ang nababanaag niya sa mga mata nito sa mga sandaling 'yon o pagmamalasakit lang, masyado na siyang nalunod sa kalungkutan nitong mga nakaraan kaya hindi na niya ma-assess nang maayos. Masyado na rin mahaba ang limang buwan na nakatengga siya sa bahay niyang 'yon mag-isa at ito pa lang ang taong napalapit sa kaniya pagkatapos niyang piliin na iburo ang sarili ro'n.

"J—Jorev..."

"Maybe I can thank you, you know, dahil sa 'yo, nalaman kong walang pag-ibig na nabubuo sa sandaling panahon—"

"No!" Kaagad nitong awat sa kaniya. "Nag-e-exist ang love at first sight!"

Napakunot noo siya sa tonong ginamit nito, masyado yatang defensive 'yon. "And what do you mean by that?" Hindi rin niya alam kung bakit niya naitanong, kung curious ba siya o ano...

"Nag-e-exist ang love at first sight dahil gano'n ang sinimulan ng mama at papa ko."

Tinaasan niya 'to ng kilay. "Let me tell you this— love at first sight ang rason ni Pilipinas sa 'kin kaya niya raw ako sinundan dito sa bahay ko that particular night."

Napanganga 'to, saglit lang, tinikom din kaagad ang bibig.

"Kung ang love sa pagitan ng mama at papa mo ang basehan mo, then I guess, dapat ka na ngang ma-in love muna, Tangerine." Dapat na niya 'tong talikuran. Kung may topic man na ayaw na ayaw niya ay ang love 'yon.

Love for him is too complicated to handle. Period.

Para sa kaniya, mas akma ang komplikado ang love kaysa sa sinasabi nilang misteryoso 'yon. Na kaya lang naman naging misteryoso dahil hindi 'yon nakikita pero intense kung maramdaman.

"Ibabalik ko ang tanong sa 'yo, ano ba ang alam mo sa pag-ibig?"

Ah, ang kulit ng babaeng 'to. Unang pagsasama at pagkakakilala pa lamang nila, kinukulit na siya.

Huminto siya sa gitnang baitang ng hagdan at nilingon niya 'to. "You know what? Naisip ko ngayon lang na wala nga akong alam kundi love is too complicated to handle and too blind also. So, naisip ko lang, tutal naman ay wala akong ginagawa rito sa bahay ko at ako naman ang magde-decide kung kailan ako magtatrabaho ulit, ba't hindi kita samahan na tuklasin 'yang problema mo sa madrasta mo para naman bumalik na sa normal ang mundo kong tahimik?"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.