"'MORNING Manang Sel," kaagad na bati ni Jorev sa matandang katiwala at all around na rin niya 'pag hindi siya nahihiya na tawagin 'to gaya ngayon na wala siyang choice.
Sa totoo lang ay nahihiya siya kay Manang Selya at sa asawa nitong si Manong Ando dahil may edad na kasi ang mga 'to, kaya lang ay 'yon nga, wala naman siyang choice.
Noong isang araw pa siya nagke-crave sa lutong-bahay kaya nga hindi na siya nagdalawang-isip na iuwi rin ang runaway bride, kaya lang ay hindi naman pala 'to marunong magluto.
Malay ba naman niya, may mga mayayaman naman na nakahiligan ang pagluluto dahil well, mahal ang kursong 'yon.
Anyway, napaaga ang gising niya ngayon dahil naamoy niya ang tinapa na talagang sinadya niya sa palengke para maalmusal kapares ng sinangag. Sa mansion kasi nila ay hindi niya natitikman ang gano'ng pagkain kaya nagke-crave talaga siya ro'n.
"Magandang umaga hijo," ganting bati naman nito sa kaniya. "Huwag mo sanang mamasamain, 'yong babae ba na kasama mo ngayon ay ang ikakasal dapat sa simbahan natin?"
Nginuya niya muna ang kakasubo lang niyang kanina at tinapa bago siya tumugon. "Opo," 'yon lang naman ang maitutugon niya.
"Santisima! Bakit? Hijo, hinahanap na siya ng papa niya. Balita ko ay inatake sa puso, nasa ospital."
Natigilan siya sa nalaman. "Kumusta naman daw po ang lagay?" Wala siyang dapat na ipaliwanag sa kung kanino kaya lihis talaga ang inilabas ng bibig niya sa alam niyang inaasahan ng kausap niya.
"Okay naman na raw."
"Glad to know he's fine," tipid niyang komento.
Masaya naman na marinig na okay lang ang isang tao na na-ospital.
Nang mahalata siguro ni Manang Selya na wala 'tong mapapala na sa kaniya ay nagpaalam na 'to na maiwan na siya. And of course, pumayag siya—kaagad.
Again, gaya nga nang nasabi na niya, maliit na bayan lang ang lalawigan nila, mas lalo ang lugar kung saan sila naninirahan pero alam niyang walang mangangahas na puntahan si Tangerine sa bahay niya.
"Oh my gosh!"
Napaso ang dila niya sa mainit na kape na plano niyang dahan-dahanin sana ang paghigop pero hindi siya nagtagumpay dahil nagulat na siya sa maingay na pag- 'oh my gosh' nino pa ba, e 'di ng bisita niya!
"Geeez, nakita mong umiinom ng kape e," naiinis na sambit niya, walang nagawa na inilapag niya na lang ang tas ng kape para mapunasan na rin niya ang mga kakapirasong patak ng likidong may kape sa kung sa'n-sa'ng parte ng katawan niya nang dahil sa gulat niya.
"I'm sorry, nagulat lang ako kasi kumakain ka pala ng tinapa?!"
Genuine naman ang pagkagulat at pagkamangha nito, so, he kept quiet about it but he just rolled his eyeballs at her. "Ano naman ang akala mo sa 'kin? Alien?"
"Uh—huh."
"Ano?"
"Alien ka naman talaga. Noong maliliit pa tayo ay madalas kitang nakikita na tahimik lang tapos sa tuwing masasalubong pa kita, umiiwas ka."
Natigilan siya na inalala ang mga kakasabi lang nito. Tapos ay napatikhim siya nang maalala na rin niya ang mga particular events na 'yon. Pero ang mga gano'ng events na nangyari na at hindi naman na mababago ay hindi dapat nang mas intindihin ngayon.
"Did you check your phone today?" Tanong na lang niya pagkuwan, naalala kasi niya ang nangyari sa papa nito na binalita nga ni Manang Selya kanina sa kaniya.
"No, nag-deactivate ako ng mga social media accounts ko. Inalis ko rin ang sim ko since tama ka naman, temporary lang ang pananatili ko rito so, hindi ko na need ng mga clothes ko, pagt'yagaan ko na lang 'yong mga binili mo."
Tumaas ang isang kilay niya sa napiling salita nito na pagt'yagaan. But he felt at ease sa nalaman na wala na muna 'tong plano na makipag-communicate kahit sa maid nito, at least, safe 'to sa guilt na kakain panigurado sa sistema nito sakaling malaman na nitong nasa ospital ang ama.
Yep, wala siyang plano na sabihin 'yon dito sa ngayon. Maybe soon but not now.
"How about the bra?" naalala niya na naghisterikal nga pala 'to tungkol do'n, so, baka 'yon ang sinasabing titiisin nito.
"Huh?" Pagkatapos magkasalubong ng mga mata nila ay sabay silang napayuko sa... dibdib nito...
Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto niyang wala itong suot na bra!
Sh't.
Humagikgik 'to saka mahina tinampal ang pisngi niya. "Huwag mo nang tignan, halata naman na wala akong suot na bra dito pa lang sa balikat ay malalaman mo na dahil backless 'tong daster na binili mo e," sabi nito pagkatapos.
"What the heck?" hindi niya naawat ang sarili na mapabulalas. Hindi lang niya masabi talaga rito na sa laki ng bo'bs nito, hindi puwedeng parati na lang na wala 'tong bra sa loob ng bahay niya!
"Anong what the heck ka d'yan? Uy, may nipple tape 'to 'no! Eto 'yong suot ko kahapon sa kasal. Saka umorder na rin ako online ng at least limang pares just in case."
"And what the hell is that nipple tape?" May gano'n ba? Ngayon lang niya narinig... ngayon lang niya nalaman...
Inirapan siya nito. "E 'di tape na tinatapal sa nipple!"
Ah, wala siyang maunawaan. Masyado na yata siyang nagpapaka-ermitanyo sa liblib na lugar sa probinsyang 'yon kaya wala na siyang alam sa mga makabagong gamit. Ni wala nga siyang social media. Pero ang maisip kung paanong ikakabit 'yon sa mga hinaharap ng mga babae ay hindi naman kailangan na siguro na maging eksperto pa siya dahil ngayon pa lang ay iniisip na niya na parang masaya na alisin 'yon gamit ang mga ngipin niya— argh!
Seriously? Dude, kailangan mo na yata talaga na lumabas ng bahay kahit isang gabi at kung ano-ano na ang pinag-iisip mo!
"I have a problem, Jorev," untag ni Tangerine sa kung saan-sa'n nang lumipad na diwa niya.
Lumunok muna siya at tumikhim, buti na lang kumakain siya. "Ano 'yon?"
"Hindi ako kumakain ng tinapa."
Kilay niya ang sumagot dito sa pagkakataon na 'yon.
"Pero I can eat bread naman saka coffee."
"Magsawsaw ka sa kape?"
"Oo, bakit? Masarap kaya 'yon."
"Whatever," sabi na lang niya. "Basta huwag kang magpagutom."
"Aw, touch naman ako."
"Ha? Bakit? Wala bang nagsasabi sa 'yo na nakakabaliw ang magpagutom? No wonder pala na ganyan ka..."
Mali yata na yumuko siya, napitik kasi ni Tangerine ang tenga niya!
"Ouch! Ano ba?!"
"Nagsasabi ka na huwag akong magpagutom pero hindi mo man lang naisip na baka hindi ko kinakain ang mga pinaluto mo. Hindi ako tulad ng ibang babae na mabubuhay nang walang rice!"
He shrugged his shoulders. "May bigas d'yan, may rice cooker, may mailuluto na ulam, so, hindi ka magugutom."
Sa gulat niya ay tumili 'to. "Jorev, hindi nga ako marunong magluto!"
"Maraming tutorial online, may wifi naman ako rito, connect kita pagkatapos kong kumain."
Napabuga 'to ng hangin. "Grabe, ipu-push mo talaga na mag-maid ako sa 'yo?"
"But of course! Hindi kita bisita rito, and mind you, ultimo nga ang bisita ay may ginagawa 'pag nakikitira."
She rolled her eyeballs. "Oo na, oo na!"
"Good, naisip ko kasi na kaysa maglaklak ako nang maglaklak, bakit hindi na lang kita turuan na magluto para naman may magawa akong kapaki-pakinabang habang nandito tayong dalawa."
"Huy, ang sabi mo sa 'kin sasamahan mo 'ko sa Manila," wika nito sa kaniya habang humihigop na 'to ng itinimpla nitong kape para sa sarili.
"Manila? Bakit kita sasamahan do'n? Anong gagawin natin do'n?" Nagtatakang tanong niya naman dito.
"Hayst, sabi mo tutulungan mo 'ko sa problema ko sa stepmother ko!" Nakanguso nitong turan sa kaniya.
Alright, hindi niya napaghandaan na ngungusuan siya nito na animo 'to batang munti. Medyo nabigla siya ro'n kaya dinaan niya ulit sa pagtikhim ang biglaan na pagkailang na nadama niya.
"Bakit naman kailangan ko pang magpunta ng Manila?"
"E, nando'n po kasi ang business ng papa ko." Paismid nitong turan.
"Kahit na. Besides, even your dad and your stepmom ay narito nga sa province natin. Every Friday lang sila gumagawi sa Manila, right?"
Namilog ang mga mata nito. "P—Paano mo nalaman 'yan...?"
"Tsk, ikaw na rin ang nagsabi na isa akong San Martinez and yet, hindi mo alam kung ano ang mga capable kong gawin. Tangerine Lopez, anak ni Jerry Lopez na may madrasta na nagngangalan na Regina Clavio, hindi kasal sa tatay mo, walang anak, ang tatay mo pa lang ang napangasawa. Ninang pala siya ni Clyde sa binyag. Naniniwala siyang sa pagrereto niya sa 'yo kay Clyde ay magtitino ka dahil para kang bulateng inasinan sa kaka-travel goals mo."
"O. M. G..."
"Oh my g talaga dahil nalaman ko rin na NBSB ka pala."