"TUMATALSIK naman kasi!" 'yon lang at nagtatatakbo na si Tangerine palayo sa harap ng kalan.
Tatawa-tawa si Jorev, in-off niya sandali ang kalan para sunduin ang babaeng hindi niya maintindihan kung bakit sa loob ng halos dalawang linggo na pananatili na rin nito sa bahay niya ay hindi pa rin talaga matuto na magluto.
Well, kung may ikakabilib naman siya rito, 'yon ay ang sinusubukan nito talaga sa abot nang makakaya nito ang matuto. Ngayon nga ay hindi na 'to nakakabasag ng pinggan at baso sa tuwing naghuhugas. Marunong na rin 'tong maglaba kahit paano.
Bumuga siya ng hangin nang makita niya 'tong nakatago sa likod ng fridge na parang bata. Nakayuko at magkasalikop ang mga palad.
"Tang?" untag niya rito. Nag-angat naman 'to ng tingin sa kaniya kaya nagulat siya na umiiyak pala 'to.
Hindi naman nahiya na ipakita 'yon sa kaniya, matapang pa nga na pinahid 'yon ng likod ng palad nito. Wala ring arte na suminghot 'to sa harap niya.
Ah, ganitong-ganito ang babaeng 'to noong mga bata pa sila. Tatakbo sa labas ng CR ng mga babae, tatalungko ro'n at uupo pero tatayo rin 'pag nahimasmasan na. Ito rin mismo ang nagpapahid sa sariling luha kahit ubod pa 'to ng arte para sa kaniya.
Alam niyang lumaking papa's girl 'to kaya may kaartehan sa katawan. Napuna na niya 'yon noong unang beses nilang manirahan ng mga kapatid niya sa probinsyang 'yon kasama ang kanilang ina. Kaya nga nag-elementarya sila ro'n ng dalawang taon din halos. Sa tuwing nag-aaway kasi ang mommy at daddy nila, lumalayas si Jasmine San Martinez tangay sila.
"Bakit kasi pork 'yong pina-prito mo? Ang talsik tuloy, galit na galit ang mantika!" Nakanguso nitong sumbat sa kaniya.
He chuckled. "Kaya nga 'yon ang pinaprito ko para magalit ang mantika talaga. Noong mga nakaraan kasi ay na-petiks ka sa mga fish. Okay na rin ang adobo mo, sa pagtagal ma-pe-perfect mo na 'yon. 'Yang pagpapakalma na lang sa mantika ang problema natin sa 'yo."
Inirapan siya nito. "At sa tingin mo talaga ay kakalma 'yong mantika na 'yon?"
Shrugging his shoulders, he answered, "Oo naman."
"How? E, galit na galit no'ng masayaran ng taba!" reklamo pa nito na siyang kinahalakhak na niya dahil nandilat talaga ang mga mata ng housemate niya.
Kawawa rin naman.
"Sorry, natatawa lang ako sa reaction mo," aniya nang tapunan siya nito ng masamang tingin.
Pagkuwa'y mahina niya 'tong pinitik sa labi dahil hayun na naman ang panunulis ng nguso nito na parang bata.
"Aw!" kaagad naman nitong reklamo.
"Parusa 'yan sa kakanguso mo."
"Ha?"
"You don't even think twice whenever you do that," he said, saka niya 'to tinalikuran na.
"Ano? Wala akong ma-gets!"
Sa patamad na paraan ay sinulyapan niya 'to. "We can just ordered food na lang, bukas na lang natin ituloy ang pag-fry ng pork."
Nahuli pa niya ang malawak na pagngiti ni Tangerine. S'yempre, panalo 'to this time. Walang ipiprito na pork ba naman.
Shaking his head, tuluyan na niya 'tong tinalikuran.
Well, dahil hindi niya gusto ang pakiramdam na tila nais niyang halikan 'to sa tuwing pinapatulis nito ang nguso. Honestly, 'yon sana ang gusto niyang parusa na ibigay rito but of course, his ego won't let him. Hindi niya gusto na matakot 'to sa kaniya.
Fvck, hindi mo gusto na matakot siya sa 'yo pero gustong-gusto mo naman na dumikit sa kaniya. Seriously, Jorev? What are you up to?
Nang makarating siya sa k'warto niya ay hinawakan niya ang phone niya at hinahanap ang numero ng mga kapatid. Magpapahanap sana siya ng babaeng puwedeng maka-do ngayong gabi.
But heck, nang nakatapat na ang daliri niya sa numero ni Jio, ita-tap na lang niya ang call button ay bigla naman siyang nawalan ng gana sa hindi niya malaman na rason.
Nababaliw na yata siya. Hindi rin kasi niya dapat sinanay ang sarili na may kasamang babae sa bahay niya. Kaya nga siya nagsolo sa bahay niyang 'to na nasa liblib na lugar sa probinsya para makapag-isa pero 'yon na nga, pagkatapos ni Pilipinas ay si Tangerine naman ang pumalit.
Oo, sariling bahay niya 'yon pero siya rin mismo ang napepeste!
Fvck. Maigi pa na iligo na lang niya 'to.
TUWANG-TUWA na binuksan kaagad ni Tangerine ang dinagdag niyang limang ice cream pint sa pina-order na food delivery ni Jorev. Kaagad niyang inilagay sa fridge ang apat na pint, hawak niya ang isa dahil kakainin niya na 'yon.
Kailangan niya ng ice cream ngayon dahil nasugatan siya kanina sa talsik ng mantika. Naniniwala siyang matapang siya pero ang mahina ang loob niya talaga sa mga sugat.
Yes, comfort food niya ang ice cream at kahit malaking kabawasan 'yon sa savings niya, okay lang.
S'yempre ay hindi nadaragdagan ang savings niya ngayon dahil wala siya sa bahay nila. Papa lang niya naman ang nagdaragdag do'n kaya hindi siya nauubusan ng pera kahit mag-travel siya ng limang beses sa isang buwan o kahit buwanan pa.
Napapikit siya sa tamis ng ice cream nang sumayad na 'yon sa dila niya.
"Ang tagal naman ni Jorev na bumaba," bulong niya sa sarili, naalala kasi niyang baka mawala siya ng gana na kumain ng rice kung mauubos niya ang isang pint ng ice cream na hawak niya.
Nagpasya siyang umakyat na upang puntahan 'to, bitbit niya ang ice cream. Ipapatikim na rin niya 'yon dito at 'yon kasi ang bagong flavor mixed ng paborito niyang ice cream brand.
Nang mapatapat siya sa k'warto nito ay napuna niyang nakabukas naman ang pinto niyon kaya bahagya na lang niya 'yong sinipa para mabuksan.
"Jorev—"
"Oh, fvck!"
Namilog ang mga mata niya sa dinatnan— si Jorev, nakahubo pa pala! Ang mas intense, nag-aahit 'to ng buhok sa ibabang bahagi parte ng katawan sa harap ng salamin!
Saglit na para siyang natulos sa kinatatayuan. Bago niya naalala na dapat siyang magulat sa nakita!
Er...
"O. M. G!" gulat niyang bulalas kahit late na, "I—I'm sorry, Jorev!" tarantang hinging-paumanhin niya.
Kaagad din siyang tumalikod, 'yon nga lang, dahil pasarado pa lang ang pinto na automatic pala na marahang nagsasara once na mabuksan, nasalubong pa 'yon ng noo niya. "Ouch!" Hawak niya sa daliri ang spoon ng ice cream na napahimas tuloy siya sa kaniyang noo!
"Bakit kasi bigla kang pumapasok?!" Mas gulat naman na tanong ni Jorev sa kaniya.
Sabagay nga naman, ngayon lang siya pumasok sa k'warto nito sa tagal na nilang magka-housemate. 'Yon nga lang, kung kailan naman naisipan niyang pumasok basta saka pa gano'n ang nadatnan niyang eksena nito!
"E bakit kasi ngayon mo pa naisipan na mag-ahit?!" Napapikit siya sa sariling tinuran nang ma-realize niyang walang kuwenta 'yon.
Grabe ka na sa katangahan for today's bidyow, Tangerine!
"What?!" Hindi tuloy makapaniwala na bulalas nito sa kaniya.
"N—Nothing— ah, magbihis ka na lang..."
"Haist, ano pa nga ba?!" Inis nitong sabi sa kaniya.
Palibhasa ay hindi kasi siya puwedeng palabasin nito basta dahil papasok ang bukas ng pinto, walang ibang paraan para siya makalabas nang hindi niya 'to hinaharap muna.
Dinig niya sa likuran niyang nagbibihis na nga 'to. Parang tukso pa nga na naglaro sa isipan niya ang mga ginagawa nito sa likod niya. Magbabanlaw ng maselang bahagi ng katawan dahil may sabon 'yon bago nito 'yon suotan ng underwear...
Parang tukso na nagbalik sa diwa niya ang naghuhumindig nitong kaibigan na aksidenteng nakita niya kanina na kinakalbo nito...
Tama 'to sa sinabi na NBSB siya pero hindi siya inosente sa mga gano'n. In fact, ilan nga sa mga kaibigan niyang nakakasama niyang mag-travel ang talagang nagdu-do sa harapan nilang magkakaibigan.
Oo na, medyo rebelde nga siya pagdating sa napiling klaseng circle of friends pero ang maipagmamalaki niya sa papa niya, kahit gano'n ang mga sinamahan niya ay never been kissed, never been touched siya. Masyado kasing intimidate ang mga lalaki sa kaniya, 'yon lang naman ang nakikita niyang rason kaya hindi siya naligawan ever. Brand lang kasi ng sapatos at bag niya, magba-back out na ang lalaki e.
Pero... hindi ang isang Jorev San Martinez...
Pilya siyang napangiti sa mga naglaro sa isipan niya. Ewan din niya kung saan galing ang biglaang pag-iinit na nadama niya bigla. Buti na lang may ice cream siyang hawak.
Nang maalala niya ang ice cream ay agad siyang kumutsara niyon pero nadismaya siya nang mapuna niyang tunaw na 'yon.
Nakasimangot na hinarap niya tuloy ang salarin kung bakit 'yon nalusaw!
"Nakakainis ka naman e!"
"Hoy! Teka, hindi pa 'ko tapos mag—" hindi na nito natapos ang sinasabi, basta na lang kasi niya 'tong nilapitan at hinagis sa katawan nito ang ice cream na lusaw na.
Nabigla siya sa inakto niya, oo. Pero mainit na kasi ang ulo niya kanina pa nang dahil sa tatlong sugat niya dahil sa mantika.
"I—I'm sorry, Jorev... kasi..." Nasapo niya ng sarili niyang palad ang noo niya nang ma-realize niya ang nagawa niyang kamalian.
Sinundan ng mga mata niya ang ice cream na umaagos na ngayon sa katawan nito... paibaba...
"You are sorry? Well, I guess, mukha namang hindi, Tang, dahil tang ina naman, Tangerine, nakahubad ako pero sige ka pa rin sa tingin!" mataas ang boses na sambit nito sa kaniya, galit ang tono talaga.
Kasing galit ng 'kaibigan' nito 'down there'...
Uh—oh, ito na yata ang sinasabi nila na 'topak' ng mga San Martinez!