"J—JOREV..." Hindi niya alam kung pakiusap o ano ba ang tono na ginagamit sa kaniya ni Tangerine nang galit niyang lapitan 'to—oo, nang hubo siya dahil hindi naman din siya nito binigyan ng pagkakataon na makapagbihis!
Umatras din 'to nang umatras hanggang sa makarating silang dalawa sa pinto ng k'warto niya na automatic na nagsara nang maatrasan nito. Gumawa 'yon ng ingay na nagpapikit sa bilugan na mga mata ng babaeng matigas ang ulo.
"May katigasan ang ulo mo, Tangerine," aniya, ikinulong niya 'to sa dalawang braso niya at niyuko dahil mas matangkad siya rito.
He tilted his head and stared down at her. He even squinted his eyes, para malaman nitong hindi siya natutuwa na kakaligo niya lang ay binuhusan na siya nito ng ice cream— fvck it, malagkit 'yon!
"Normal lang!" matapang na pabulyaw nitong sagot sa kaniya, sinalubong ang mga mata niyang naniningkit na sa inis dito.
He smirked. Kahit nakakainis naman talaga 'to sa mga sandaling 'yon ay hindi niya maitatanggi sa sarili na ginugulo siya nito magmula pa no'ng unang beses niyang napuna ang pag-pout ng mga labi nito at pagkagat sa mga 'yon sa tuwing may nagagawa 'tong kapalpakan.
Gaya na lang ngayon.
Pagkaasik kasi nito sa kaniya ay napakagat-labi na lang 'to nang ma-realize siguro na imbes na sawayin siya nito o lambingin para siya ay kumalma kahit pa'no ay mas pino-provoke pa siya para mas lalo siyang mainis. Na mas lalo siyang mapeste.
With a conceited smirk in his lips, mas niyuko niya pa 'to upang mas magpantay ang mga paningin nila. "Normal lang ba na matigas ang ulo mo, Tang?"
"Oo!" What can he say? Talagang matapang ang isang 'to. Imagine, napakalapit nila sa isa't-isa at nakahubad pa siya pero matapang pa rin siyang nilalabanan talaga nito!
"Sabagay," he whispered, na para bang automatic na bubulong siya para magtunog lambing na ang susunod niyang sasambitin, "'yong ulo ko rin kasi naninigas na sa 'yo," he said in a playfully teasing manner.
Napamulagat pa 'to muna saglit bago siya sagutin, "Nabigla lang 'yan sa lamig ng ice cream."
The heck of this woman!
God help him dahil gusto sana siyang tumawa sa mga oras na 'yon kung hindi lang ang awkward talaga dahil dapat na tinatakot na niya si Tangerine. Dapat sa mga babaeng katulad nito ay tinatakot at hindi nilalambing. Ikaw ba naman na basta ka na lang buhusan ng ice cream, matutuwa ka ba?
"E pa'no ba 'yan? Lagkit na lang ang naiwan sa katawan ko, wala na ang lamig na sinasabi mong nakakabigla pero matigas pa rin siya."
Alright, hindi niya sinasadya na parang nakikipag-flirt na siya rito pero ang ngisi niya ay nauwi sa malawak na ngiti nang alisin nito ang mga mata sa kaniya para ibaba 'yon sa tinutukoy niyang 'naninigas' pa rin.
Gusto niya bang tumawa ulit? Of course not! Walang kasing init ang isang babae na harapan na pagmamasdan ang kaibigan niyang proud at kung hindi 'yon alam ng babaeng 'to, patawarin na lang siya nito pero...
"Wala bang remedyo para lumambot?"
"Tang ina naman, Tang!" hindi na niya naawat ang sarili na mapabulalas sa labis na frustrations niya sa mga oras na 'yon. Why, NBSB nga pala 'to!
"Parusa ba 'ko?"
At nakuha pang magtanong talaga!
"Hindi," at sumasagot pa rin talaga siya! "Gusto kong parusahan ka, 'yon ang akma. Kakaligo ko lang, tapunan mo ba naman ako ng ice cream." Tiim-bagang niyang saad.
Titig na titig 'to sa kaniya, pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng mukha niya...
"Bagong ahit din pala ang balbas mo," ani 'to, parang no'n lang napuna na bagong ahit nga siya samantalang kanina pa sila nito magkaharap.
"I just feel the need," he simply replied. Ginantihan niya ang pagmamasid na ginagawa nito sa mukha niya.
Nang mapuna nitong nagtagal ang tingin niya sa labi nito ay napalunok 'to. Wala rin sa sarili na binasa ang mga labi bago siya tugunin, "Pasensya na, nakakainis kasi ang mga sugat na tinamo ko sa mantika, ice cream lang sana ang makakapagpa-comfort sa 'kin para hindi ako maiyak na parang bata katulad kaninang makita mo 'ko dahil nahihiya ako sa 'yo. Kaya lang, ikaw rin naman ang naging rason kung bakit natunaw na 'to." Sabay nilang niyuko ang lalagyan ng ice cream na hanggang ngayon ay hawak pala nito.
Talaga palang ibinuhos lang sa kaniya ang laman kanina— sa gulat niya ay muli nitong itinaktak sa katawan niya ang natitirang laman niyon! She faked a gasped after.
Hindi naman siya nagpakita ng reaction. "Saan banda ka ba nasugatan? Ba't ngayon mo lang sinabi sa 'kin na nasugatan ka na pala?" he seriously asked instead. Ininspeksyon niya ang braso nito at palad.
Masyadong mahal at na-spoiled ng papa nito ang babaeng kaharap niya kaya normal din na gano'n ang maging reaksyon nito sa kapirasong mga sugat na natamo. Normal ang kaartehan sa katawan na pilit ngang hindi ipinapakita nito sa kaniya sa mga nakalipas na araw ng pagsasama nila sa iisang bahay.
"It's nothing, really," ani Tangerine, binawi ang braso sa pagkakahawak niya. "Hindi na masakit. May ointment naman daw para mawala ang peklat nito e."
He let out a breathe. "Magbibihis lang ako, hintayin mo 'ko sa 'baba, may ointment ako rito hahanapin ko lang para magamot natin 'yan." Kaagad niyang tinalikuran 'to bago pa magbago ang isip niya't mahalikan na niya 'to this time.
Ngunit ang akma niyang pagtalikod ay naudlot nang pumasan sa kaniya si Tangerine.
"Never been kissed, never been touched ako. Is it too much to ask, Jorev, please be gentle?" bulong nito na parang sinadya na magbuga ng mainit na hininga sa tainga niya.
Hindi niya kahit kailan narinig sa ibang mga babae 'yon kaya hindi niya sigurado kung tama ba na parang may humaplos na kung ano sa puso niya nang itanong nito 'yon sa kaniya.
Pero mas hindi niya alam kung tama bang reaksyon na gano'n na lang pagpintig ng puso niya nang simulan na ni Tangerine na dilaan ang binuhos nitong ice cream sa katawan niya na nasa gawing leeg niya... na oo, habang nakapasan 'to sa kaniya...
"BAKIT mo binigay ang sarili mo sa 'kin?"
Tangerine rolled her eyes. For the umpteenth time, tinanong na naman ni Jorev 'yon sa kaniya. Kanina ay habang nasa ibabaw siya nito, tapos habang dinadampian ng halik ang likod niya, ngayon naman ay habang pinapahiran na nito ng ointment ang mga sugat niya.
"Honestly, naramdaman ko lang kanina na 'yon na ang tamang oras, tamang tao na mag-popped ng cherry ko," pag-amin niya naman.
He grinned. "Talaga ba?"
Inirapan niya 'to. "Nagtatanong tapos ayaw maniwala, the heck!"
"Gusto ko 'yong tamang tao."
"Uh—huh, g'wapo mo ngayon na nakapag-ahit ka na e," biro niya rito. "Besides, adults naman na tayo."
"Adults na ni hindi gumamit ng protection."
She shrugged her shoulders. "So what?" Inalalayan siya nito nang bumangon siya mula sa pagkakahiga. Tapos na rin kasi 'tong lagyan ng ointment ang mga sugat niya.
Mahinang pinitik nito ang ilong niya. "Rebelde ka talaga, ikaw."
"Hindi naman ah. Kung rebelde ako, e 'di sana wala kang na-popped d'yan!"
Jorev laughed out loud. "Baliw talaga 'to."
"Baliw sa 'yo."
"Baliw sa ice cream." Nakaingos nitong turan, siya naman ang natawa. "Hey," agad nitong saway sa kaniya nang dahan-dahan siyang kumandong dito.
Yep, they were still unclothed. Kaya gano'n na lang kung maka-hey 'to na akala mo ay gagahasain niya.
"Maglalambing lang."
He beamed. "Okay, paano ang lambing?"
"Ganito," game niyang sambit, pinulupot niya ang mga braso niya sa batok nito at pinagpingki niya ang mga ilong nila. "Alam mo ba na ultimate crush kita no'ng elementary, mister?"
"Scam!"
Pagak siyang natawa. "It's not! Kung makakapunta lang tayo sa bahay ay maipapakita ko sa 'yo ang diary ko na ang POV ay kabataan ko pa. Kung gaano ako ka-sad girl nang umalis ka na kang bigla rito at sa school no'n. Cringe nga e pero naisip ko, may rason pala kaya ko 'yon sinulat, pagtatagpuin pala tayo ulit."
"Malayo ang crush sa love."
"Malayo rin ang sex sa love, and I definitely knew it, so ano pa ba ang ipo-point out mo sa 'kin na baka hindi ko alam?"
"I guess, you're still on your rebel mode. Sa family mo, sa ginawang pagreto sa 'yo ng stepmom mo."
"Ano naman ang alam mo sa nararamdaman ko?"
Shrugging his shoulders he replied, "Opinion ko lang naman."
Napahagikgik siya nang samyuin nito sa pabirong paraan ang kili-kili niya. "Alright, e ikaw Jorev, bakit mo pa tinuloy kung hesitant ka sa nangyari sa 'tin?"
Natigilan 'to na hinarap siya, inayos ang upo niya sa kandungan nito at hinawi ang buhok niyang nakatakip sa kaniyang mukha. "Who told you na hesitant ako?"
"You kept on asking me, kaya ko nasabi 'no!" Nakaingos niyang tugon.
"Hindi lang ako makapaniwala. No'ng nakaraan pa kasi kita iniiwasan—"
"Aha! Sabi ko na nga ba e!" Tatawa-tawa niyang sambit.
"What?"
"Sabi ko na nga ba crush mo na rin ako e! Lagi kitang nahuhuli na nakatingin sa 'kin lately."
"Crush? Seryoso ka?"
"Puwede pa naman ang crush. Isipin na lang natin tapos na tayo sa crush, so, itong nangyari sa 'tin ay ligawan stage na."
Natawa si Jorev. "Lukaret ka talaga."
"Kaya ko namang maghintay kung kailan ka magiging ready o kung magiging love ba 'yang crush na 'yan, Jorev."
Jorev stared at her intently. "Kung kaya mo, kaya ko rin naman."
Niyakap niya 'to. Mahigpit. 'Yon lang naman ang agreement na gusto niya, nothing else. Ibinigay naman niya ang sarili niya rito dahil gusto niya, dahil gusto ng katawan niya. Kung ang puso niya ang tatanungin niya, hindi niya pa sigurado sa ngayon.
Hindi pa nila sigurado pareho.