Hello, Stranger Chapter 25

"SAAN ka galing?" agad na tanong ni Tangerine kay Jorev nang bumungad na 'to sa pintuan.

Narinig niya na ang pagdating ng sasakyan nito kaya kaagad siyang bumaba para hintayin niya 'to sa sala. Siniguro niyang bubungad siya sa pagbukas nito ng ilaw na in-off niya na kaninang bago siya umakyat dahil alas onse na pasado ng gabi ay wala pa 'to. Inakala na nga niyang wala na 'tong planong umuwi, ang paalam lang naman sa kaniya kanina ay may pupuntahan lang na mahalagang bagay.

Of course, pagkatapos ng nangyari sa kanila ay natutulog na siya ngayon sa k'warto nito. Kaya lang ay ibang usapan na ang pag-uwi nito ng alanganing oras, na ngayon lang naman nito ginawa.

"T—Tang, nakakagulat ka naman," ani 'to, nasa itsura nga na nagulat at napasapo pa sa sariling dibdib. Yumuko para mag-alis ng suot na sapatos at medyas. "Gabi na ah, ba't gising ka pa?"

"Right, gabi na, bakit ngayon ka lang umuwi?" ganting tanong niya rito.

He chuckled. "Ngayon nga lang ako umuwi—"

"Again, oo. Buti ay alam mo." Tumayo siya, pinagkrus ang mga braso niya sa dibdib para ipakita rito na inis talaga siya rito.

"Kumain ka na ba?" Kaagad siyang niyakap nito nang matapos maghubad ng sapatos. Saka siya hinalikan sa noo niya.

Mas kinainis niya 'yon, sa totoo lang. Maghapon kasi siyang naghintay rito. Ni hindi nito naisip na mag-isa lang siya ro'n, cellphone lang ang libangan niya, tapos pagdating nito ay halik sa noo lang ang mapapala niya?

"Hey, bakit simangot na simangot ka naman?" nakuha pa nitong itanong sa kaniya.

"May pagkain pa ro'n, kumain ka na ba sa labas?" bagkus ay sumusukong tanong na lang din niya rito.

Lately ay inis na inis siya kay Jorev. Para sa kaniya ay lahat ng mga ginawa nito ay kapalpakan. Gaya na lang ngayon. For her, wala namang k'wenta ang nilakad nito, to think na nagawang iwan siya maghapon and yep, kahit pa ba alam niyang sa tagal na nilang magkasama sa bahay nito ay wala siyang natatandaan naman na basta na lang siyang iniwan nito maghapon para sa wala lang. Pero nagsasabi kasi 'to noon. Iba ngayon dahil wala 'tong detalyadong rason na sinabi sa kaniya sa kung ano ang lalakarin nito.

"Halika nga." kaagad na hinapit siya nito nang talikuran niya na para mauna sana siya sa hapag kainan. Nasanay na kasi siyang ipinaghahain 'to.

Ah, marami na ang nagbago sa kaniya nang dahil sa lalaking kasama niya ngayon. Sobrang dami na, mula sa mga gawaing bahay na ni hindi niya man lang nagawa noon hanggang sa pagluluto na hindi niya akalain na kaya pala niya. Recently nga ay sarap na sarap si Jorev sa niluto niyang caldereta.

Kung may magtatanong sa kaniya ngayon kung nanaisin niya pa bang umuwi sa kanila, sasagot siya na hindi na, na ayaw na niya sana. Kaya nga ba naisip niya nga rin na kausapin si Jorev patungkol sa papa at madrasta niya.

"Bakit may sumpong ka ngayon?" Jorev pinched her nose. "Nainip ka ba sa paghihintay?" malambing pa nitong tanong.

"H—Hindi naman sa gano'n, pasensya ka na," hinging paumanhin niya kaagad. Kahit naman kasi sa sarili niya ay naaartehan na siya. Nature na talaga niya ang mag-inarte.

He chuckled again. Napapikit na lang siya at tila nanghinang sumandal sa dibdib ni Jorev dahil nang i-back hug siya nito ay kaagad na tila sinilaban ang nagkadikit nilang mga katawan.

Sh't, nagke-crave siya. Kay Jorev San Martinez. Partikular sa nararamdaman niyang tumutusok sa gawing pang-ibaba ng likuran niya ngayon...

"J—Jorev..."

"Hmn, why?" malambing na tanong nito sa kaniya, dinadampian ng halik ang nakalitaw niyang balikat.

"I—I think..." hindi na niya natapos ang sinasabi niya nang sabik na siya nitong sinibasib ng halik.

Ang sumunod sa pagitan nila ay siya na ang mas naging agresibo. Habang magkahugpong ang mga labi nila ay siya na ang marahan na tumulak dito paupo sa sofa. Siya na rin mismo ang naghubad ng damit niya.

Gaya noon, sa tuwing nakikita na nito ang mga dibdib niya ay parang kumikislap ang mga mata nito sa tuwa. Dangan lang at sa pagkakataon na 'yon ay natigilan 'to.

Natigilan, hinawakan ang chin niya tapos at masuyong hinaplos ang pisngi niya. "Nagamit mo na ba 'yong pinabili mo sa 'kin na pregnancy strip?"

"H—Ha? Ah..." Hindi. Hindi niya naalala na gamitin.

"Tang, parang mas naging full kasi 'to." Hinawakan nito ang tinutukoy na mas naging full. Sa pagkakadaiti ng balat nito sa kaniya ay halos mapugto na ang hininga niya to think na hindi naman 'yon ang first time nila. "At nagtataka ako kung bakit parang mas nagwawala ang hormones mo ngayon," he said, more of a statement than a question.

"So... uhhh... what do you mean...?" nagawa niya pang itanong dito kahit sobrang aware na ang mga senses niya sa mga haplos nito.

"Kailangan natin na magpunta sa clinic bukas. I don't care about Clyde Trillanes and Regina anymore, mas mahalaga na pareho natin na maunawaan 'to. I guess you're pregnant, Tangerine."

BUSY na naman ngayong araw na 'to si Jorev sa hindi malaman na dahilan ni Tangerine.

Kasama naman niya 'to kanina magpunta sa clinic kung saan nga siya kasalukuyan na naghihintay sa pagtawag ng duktor para sa turn niya, kaya lang ay biglang may tumawag dito kaya kinailangan nitong umalis at iwan siya ro'n.

Walang sinabing rason, importante lang daw. Kaya heto, naiwan siyang nagngingitngit dahil may mas importante pa ba sa pagpapa-check up niya? Seriously? Alam naman nila pareho na positive ang result ng strip na ginamit nila kagabi pagkapaalala pa lamang nito e. Tapos ay iiwan na lang siya ngayon nito.

Ayaw niyang magpaka-childish at magpabebe sana pero kasi naman, hindi niya maiwasan.

"Ganyan talaga ang nagbubuntis, sensitibo," untag sa kaniya ni Manang Selya.

Oo nga pala, nakalimutan niyang banggitin na kay buti pa rin ng nobyo niyang si Jorev dahil hindi naman siya totally pinabayaan dahil pinapunta muna nito si Manang Selya sa clinic para may kasama siya bago 'to umalis— sarcastic nga lang ang pagkakasambit niya ng thank you, ang bait mo rito kanina. In fact, dinagdagan pa niya 'yon sa isipan niya na sana ay kunin na 'to ni Lord. But of course, joke lang 'yon. 'Pag naiinis talaga siya ay gano'n siya. Kaya kawawa sa kaniya talaga 'to mamaya.

Oo rin, ang pag-uwi na nito ang nasa isip niya kahit kaaalis lang naman sa tabi niya. Kakatayo lang ng boyfriend niya, actually.

"Pakisabihan naman po si Jorev na dalhan po ako ng atis na walang buto mamaya," aniya na lang kay Manang Selya, na nang sabihin naman niya'y sumulyap sa cellphone niya na nasa palad niya. "Wala po kasi akong load." but of course, lie 'yon. Naka-plan ang phone niya, dimwit.

"A—Atis na walang buto?" mulagat na tanong ni Manang Selya, hindi makapaniwala.

"Opo. Pakidagdagan na rin na kaya gano'n po ang request ko ay 'yon kasi ang request ng anak niya," kaswal niyang sagot naman. Sa sobrang kaswal nga niya ay alam niyang si Jorev na kaagad ang pinagtitipahan ni Manang Selya. Gani'n 'to kabilis dahil bilin ng boss nito kanina na huwag na hindi ito balitaan about her.

"Ano po ang sabi?"

"Ahm, wala, wala pa hija, hindi pa nag-reply si Jorev."

Aba, himala. Dati naman ay agad 'tong nagre-reply, tumatawag pa nga 'pag gano'n na binub'wisit niya.

"Text niyo pa ho siya na dagdagan na rin ang iuuwi. Gusto ko rin po kasi ng ubas na seedless pero ang isang piraso sa tumpok ay meron kapiraso at iisang buto."

Mas napamulagat sa kaniya ang ginang. "Aba, hija, hindi na yata nakakatuwa ang mga gusto mo. Hindi naman bayani ang nobyo mo."

"Bayani po 'yon, nakita niyo at umalis para asikasuhin ang isa pang babae niya," naiinis niyang sambit.

Tumayo kasi siya para mag-CR sana, sakto naman na napasulyap siya sa bintana ng clinic kung sa'n niya nakita pa na naroon ang owner type jeep ni Jorev, at oo, hindi siya gumagawa lang ng k'wento, may kausap talaga 'tong babae sa mga oras na 'yon.

"P—Pilipinas!" bulalas ni Manang Selya, nakisilip na rin pala sa binta nang hindi niya namamalayan. Naka-focus na kasi siya sa dalawang tao na tila nagkakatulakan pa sa simula hanggang sa tila pareho naman na nagkamabutihan dahil saglit lang niyang sinulayapan si Manang Selya, pagbalik niya ng tingin ay nakapulupot na ang mga braso ni Pilipinas sa nobyo niya.

O nobyo nga ba niya? Nobya pa nga ba niya 'to?

"Siya po pala 'yan?" Tiim-bagang niyang tanong kay Manang Selya.

The old lady answered, "Oo, hija, siya nga 'yan. Si Pilipinas!" hindi pa rin makapaniwalang bulalas ni Manang Selya.

"Ah, baka aksidente silang nagkita rito," nagawa pa niya sabihin kahit nagngingitngit na siya sa selos.

Hah! Aksidente man o hindi na nagkita ang dalawa ro'n, paano naman ipapaliwanag ng mahusay na tatay ng magiging anak niya na hayun at nagkandirit na rito at naglambitin sa mga batok nito si Pilipinas!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.