"P—PAPA..."
"Por Diyos, Tangerine!" kaagad na sinalubong siya ng yakap ng madrasta niyang si Regina, pagkatapos ay ang papa naman niya ang mahigpit na yumakap sa kaniya.
"Ano ba ang nangyari sa 'yo? Nabalitaan namin na nando'n ka kay Jorev San Martinez, na magnobyo na kayo at—"
"Tama na, 'Pa, ayaw ko na po na marinig ang pangalan ng lalaking 'yon," aniya sa ama.
"Bakit? Ano ang ginawa niya sa 'yo? Pinangako niya sa amin ng Tita Regina mo na aalagaan ka niya!" Patiling sambit ng madrasta niya habang inuupo siya sa sofa ng bahay nila.
"Oo nga! Pero katulad din pala siya ng iba, ngayon na hayan at umiiyak ka na, Tangerine."
Napatitig siya sa madrasta niya saka niya 'to nginitian. Sa pagkakataong 'yon ay walang halong sarcastic. Just pure smile.
Pagkagaling niya sa clinic ay kaagad siyang umuwi sa bahay ni Jorev kanina. Siguro nga ay mas malakas ang topak niya sa huli dahil kaagad niyang pinasok ang k'warto nito sa sobrang inis niya sa nasaksihan dito at kay Pilipinas. Pumasok siya sa k'warto nito at pinagsisisira niya ang gamit nito bilang ganti.
Sa nagawa niya ay tumambad na nga sa kaniya ang mga papel kung saan naroon ang mga reports na investigator na hinired nito. Hindi nila 'yon napag-usapan na sa mga nagdaan na buwan, 'yon pala ay wala nang dapat pag-usapan dahil malinaw na nakasaad do'n na mas mapera ang madrasta niya sa papa niya. Na kaya pala hindi nagpapakasal pa ang dalawa ay dahil nga sa lamang ng pera ni Regina at sa ego naman ng kaniyang papa.
Doon din sa report ng investigator na inupahan nito niya nalaman na malinis ang hangarin ng madrasta niya sa ginawang pagpapakasal niya sana kay Clyde Trillanes, na talagang naniniwala kasi 'to na iyon ang makakapagpabago sa 'bahala na' lifestyle niya. Kung mapapangasawa nga naman niya ang huli ay mapipirmi na siya sa bahay, magiging responsible na maybahay siya nito plus lalaki pa ang negosyo ng papa niya since nasa iisang linya ito at si Trillanes ng negosyo.
Nakakahiya man na aminin, naging self-centered siya masyado nang hindi niya pala nalalaman.
"I'm sorry, Tita Regina, 'Pa, hindi ko kayo dapat na pinagmalakihan at tinakasan."
"Hija, ako nga ang dapat na mag-sorry sa 'yo, naging intrimitida ako nang ipakasal kita sana kay Clyde, iniisip ko kasi na sa kaniya ay mapapabuti ka at ang business ng papa mo. Pero late ko na na-realize na hindi dapat gano'n ang mentality. Anak ka ni Jerry kaya kahit ganyan ka, dapat ka naming sawatahin nang ayos at hindi basta ipasa na lang sa kung sinong lalaki."
Natawa siya sa sinabi ng madrasta niya. Gets naman niya ang hugot nito dahil kahit nga siya ay nais 'tong maglaho sa landas nila ng papa niya. Mali lang ang naisip na way nito ng pagdidisiplina pero ang hangarin nito ay malinis naman. Kaya nakakahiya siyang talaga sa pag-iisip ng kung ano-ano.
"B—Buntis po ako, Tita Reg, 'Pa..." saad niya sa pagitan ng pagpahid ng mga luha.
TATLONG buwan ang matulin na lumipas.
Nakakagulat, tatlong buwan na pala nang layasan niya basta na lang si Jorev noon sa bahay nito. Tatlong buwan na rin pala siyang walang balita rito.
Well, wala naman siyang pakialam. Mukhang gano'n din naman 'to at sa loob ng mga panahon na 'yon ay ni ha, ni ho, wala siyang narinig mula rito.
Paano kang may maririnig, e nagpunta ka sa Manila? Paano kang maha-ha o ho no'ng tao, e, hindi ka na nagbalik sa Sta. Fe?
Oo nga naman. Hindi na siya nagbalik sa lalawigan nila pagkatapos niyang ipaalam sa madrasta at ama na buntis siya at wala siyang planong manganak sa Sta. Fe dahil maliit na bayan lang 'yon at halos lahat ng tao ay mga tsismosa.
"Madam, uuwi na po ba kayo?" Nalingunan niya si Clea, ang secretary niya na naging malapit na rin niyang kaibigan nitong mga nagdaan na buwan dahil ito lang naman ang kasa-kasama niya sa trabaho.
Oo, may posisyon na siya ngayon sa company ng papa niya.
And oh, about Clyde Trillanes, sa kung anong rason ng tadhana ay sa kaniya lang nito inamin ang tunay nitong pagkatao. Kaya pala siya kinukulit nito, NBSB kasi siya na siyang nais ng papa nito na mapangasawa nilang apat na magkakapatid na lalaki.
Ah, oo, Clyde is not straight. Nakakagulat pero aaminin niyang nakawala siya sa tinik na nakabara sa lalamunan niya magmula nang ipahiya niya 'to.
Oo, tama si Jorev. Pinahiya niya 'to at hindi lang basta tinakasan. Ngayon niya na-realize ang kaibahan niyon. Na hindi niya pa nga gustong mag-asawa plus nagrerebelde siya sa pamilya niya dahil deep inside her, naniniwala siyang ang love lang niya ang nararapat para sa papa niya.
Ah, love, Jorev is right too when he said it's too complicated to handle. Kaya nga yata nang mahuli niya 'tong kahalikan si Pilipinas ay hindi na nito naawat ang sarili at hinalikan na rin ang huli.
"A—Ahm, y—yup," tipid niyang tugon kay Clea. Bigla na lang din kasing may kung anong bumara sa dibdib niya nang maalala niya ang eksena nina Jorev at Pilipinas.
"Naku, kaya niyo kayang mag-drive?"
"H—Huh? Why?" Oo naman kaya niyang mag-drive, doon nga lang siya mahusay bago siya matuto ng gawaing bahay at pagluluto e.
"Umuulan kasi, Madam Tang."
Oh. "Okay lang, kaya ko 'yan." Mahina pa lang naman ang ulan nang sulyapan niya ang window mirror ng gusali kung saan sila naroon.
"Sige, ingat, Madam! Alam mo naman, poor ako at hindi marunong mag-drive." Nagbeso sila ni Clea.
"Ikaw rin, ingats you," bilin niya rin sa sekretarya.
Tinunton niya na ang elevator upang makababa siya sa parking lot kung sa'n nando'n ang kotse niya.
"Hmn, ako lang ang sasakay talaga?" hindi niya napigilan na sambit sa sarili nang mapuna niyang siya lang mag-isa ang sasakay sa elevator.
Pag-aari ng papa niya ang gusaling 'yon kaya normal lang na magtaka siya kung bakit sa ilang buwan niyang pagtatrabaho yata ro'n ay ngayon lang siya nawalan ng taong nakasabay o makakasabay sa lobby o sa elevator man.
Sabagay, maaga pa naman para sa uwian na alas singko ng hapon.
Kahit may pagdududa sa sariling katwiran ay buntonghininga na lang siya at pinalis 'yon sa isipan.
Sa sobrang tahimik tuloy ay dinig na dinig niya ang tunog ng takong ng sapatos niya nang itapak na niya 'yon papasok sa elevator.
Nang tuluyan na siyang makapasok sa elevator at napindot na niya ang button papunta sa parking lot ng gusaling 'yon ay wala sa sariling kaagad niyang nayakap ang sariling mga braso. Pinasya niyang yumuko na lang at tumutok sa sapatos niyang kakapiraso ang takong kumpara sa dati niyang sinusuot pero kanina ay ang tunog niyon sa sahig dahil nga tahimik ang paligid.
Nasa gano'ng ayos siya kaya nakagulatan niya nang may pumasok na isang tao sa elevator, lalaki. Napasadahan siya sa peripheral vision niya pero hindi niya 'to nilingon. Namataan din niyang sa parking lot din ang tungo nito.
Kanina ay naghahanap siya ng tao, ngayon naman na mayroon na siyang kasama ro'n, ni ayaw niyang lingunin para batiin o kilalanin man lang. Bawal ang naka-cap sa building nila. At oo, naka-cap nga ang lalaki na nakatabon na halos sa mukha nito.
"Bawal po ang naka-cap sa building na 'to, mister," hindi na nakatiis na aniya rito.
Patlang.
"Pribadong gusali kasi 'to at ang lahat ng daanan ay may CCTV cameras. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusuot ng cap sa babae man o lalaki dahil malabong makilala sa CCTV—" naudlot ang sinasabi niya nang tumunog na ang lift, hudyat na naroon na sila nito sa parking lot. "Next time, at least alam mo nang bawal," pahabol niya pang sambit sa lalaking ewan niya kung iniintindi ba siya.
Nang bumukas na ang pinto ng elevator ay nagulat siya sa tunog na bumungad sa kanila ng lalaking kasama niya ro'n. Sinalubong sila ba naman ng tunog na tila na-flat na gulong, naitakip niya tuloy ang mga palad sa magkabila niyang tainga sa gulat. Saglit siyang pumikit din pero kaagad siyang dumilat nang maramdaman niyang hinawakan siya sa pulsuhan ng lalaking kanina niya pa kasama sa loob ng elevator!
"Tang— ang ingay niyo naman, hindi naman 'to suspense film!" pagalit na turan ni... Jorev— oo, ito nga! Ito nga ang kasama niya kanina pa sa elevator!
"Sorry na, bro, excited lang!" Tatawa-tawang turan dito ng mga kapatid nito.
Oo, ang mga kapatid nito at ang hinahanap niyang mga tao kanina ang siyang bumungad sa kanila sa parking lot. May mga party hat na suot pa ang mga 'to!
"Tangerine, papakasalan mo 'ko sa ayaw mo at sa hindi."
Lumipad pabalik ang tingin niya sa lalaking ikinulong na naman siya sa bisig nito. At sa pagkamangha niya, nilayasan nila ang mga tao kanina sa parkung lot— pinindot na pala nito pataas ang elevator ulit!
"Kung kasi ay naghintay ka, malalaman mo sana na ibinalik lang ni Pilipinas ang pera na ninakaw niya sa 'kin—" Halik niya ang nagpatigil sa sinasabi nito.
Ngayon lang kasi niya na-realize na wala nang halaga ang mga sinasabi nito sa kaniya. Ang mahalaga na lang kasi sa kaniya ngayon ay ang kanilang nararamdaman.
Miss na miss na niya 'to.
"Te—Teka—" awat sa halik niya ni Jorev.
"W—Why?"
"Masyadong masarap ang halik mo, baka makalimutan kong sabihin na I love you, Tangerine."
Malawak siyang napangiti. "I love you too, Jorev."