Hello, Stranger Chapter 28

MAG-ISA siya sa buhay kaya marunong naman siya sa mga gawaing bahay. Hindi rin siya anak mayaman kaya dapat lang na matuto siya ng mga gano'ng bagay na hindi naman required ng skills.

O hindi nga ba required?

Dahil nang buksan niya ang cupboard sa kitchen para maghanda ng dinner ay naloka siya sa nakita. Mga hindi pamilyar sa kaniya ang mga naroon!

"Hala, ano ang mga ito?" namamangha na pagtataka niyang bulong sa sarili.

Kinuha niya isa-isa ang mga naroon, binasa niya't sinino. Umaasa siyang kahit kaunti man lang o kahit pang adobo na ulam ay mailuto niya ngayong hapon para sa dinner ng boss nila. Simpleng adobo na alam niyang mapapasarap niya. Kaso lang ay...

"Shocks!" wika niya sa labis na frustrations na naramdaman. Naitapik niya ang sariling palad sa noo niya.

Mga sosyal ang mga pangsangkap na naro'n. Mga sosyal, hindi siya pamilyar at ano pa ba ang dapat niyang maramdaman? Kakasimula pa lamang niya sa trabahong 'to, stress na siya kaagad!

Tsk, akalain ba naman niya na gano'n pala kakomplikado ang maging kasing yaman ng mga San Martinez?

So, ano nang lulutuin niya?

"Naku, ang sabi pa naman ni Arthur ay in less than twenty minutes parating na daw si si Sir Jio!" tarantang bulong niya pa sa sarili.

Oo, gano'n pala ro'n. Kahit nagsabi si Arthur sa kaniya kanina na aalis din pagkatapos ng halos kalahating oras na makaalis ang amo nila, sabay pala rin na uuwi ang mga 'to. Nagsasabi pala 'to sa maid kapag pauwi na 'to kasama ng boss. Hindi raw kasi gusto ng boss nila na hindi mainit ang kinakain na kanin at ulam. Maselan, bagong luto talaga dapat kahit may oven naman na naka-install sa kitchen nito.

Napakamot siya sa leeg niya. Kahit anong bulong niya ro'n at pagrereklamo, hindi naman mababago niyon ang mga nakikita ng mga mata niya ngayon. Kaya kumilos na rin siya kahit hindi niya sure kung ano ang lulutuin niya o kung may maihahain ba siya sa boss niya.

Bahala na...

NAKAKAPAGOD ang buong araw, 'yon ang nasa saloobin ni Jio nang sa wakas ay lulan na siya ng elevator na maghahatid sa kaniya sa bahay niya.

"It's been a tiring day," aniya sa kasama niyang right hand man na si Arthur.

"Oo nga e, nakabakasyon na ang isa niyong kapatid, pati ang isa ay magbabakasyon na rin dahil magpapakasal, Sir Jio."

He chuckled. "Soon ay babalik na si Jorev."

Si Arthur naman ang pagak na natawa. "Soon din ay magpapakasal na siya, meaning, maiiwan sa 'yo na naman ang pamamahala ng company niyo," anito, inayos ang suot na salamin sa mga mata, na siyang nakagawian na nitong gawin.

"Ang galing mo sa sinabi mong 'yan," aniya sa tamad na tinig.

"But of course, I'm always will," may pagyayabang nitong turan, tatawa-tawa.

He just rolled his eyeballs. "Kumusta ang bagong maid?"

Tinaasan siya nito ng kilay nang sulyapan siya, hindi rin niya napigilan ang sarili na magtaas ng kilay.

"'Problem?"

"Wala lang, naalala ko lang na maid nga pala ang mga mapapangasawa ng mga kapatid mo, Sir Jio."

Tumawa siya. Real laugh. High pitch. Nasapo niya pa ang sariling t'yan. Pero hindi 'yon alintana ni Arthur, sanay na sa ekesenang gano'n. Sanay na sa boss.

Well, siya rin naman ang nagpatigil sa sarili niya nang tumunog na ang elevator, indikasyon na naroon na sila sa floor ng bahay niya.

Tumikhim siya. "'Yan na sana ang huling joke mo about it, Arthur, please," seryosong wika niya, walang makakapagsabi na kanina lamang at tumawa siya nang tumawa habang ang kasama niyang 'to ay pinanood lang siya.

"Pero maganda ang maid mong si Cess. Actually, sanay siya sa gawaing bahay. Walang problema, ang linis nga kaagad ng kitchen mo nang utusan ko siya kanina. Pero parang may kakaibang sinasabi ang guts ko sa kaniya."

Tumaas ang sulok ng labi niya. "Parati namang ganyan 'yang guts mo e."

"Parati rin siyang tama kung matatandaan mo."

He just shrugged his shoulders. "Bahala ka."

"Palagi rin na ako ang bahala," pahabol pa nitong sagot sa kaniya.

Nginisian lang niya 'to. "Maid needed na 'ko talaga, 'yong room ko hindi ko na naaayos."

"Hindi mo naman kasi dapat na pagurin ang sarili mo, maraming maid sa mansion niyo."

Pagak siyang natawa. "You're talking about the maids of San Martinez Mansion again." Iiling-iling niyang sagot dito.

Ito naman ang napangisi. "Oo nga pala, doon galing ang bagong star niyo, si Bebeng."

"Yeah," tipid niyang sambit.

Nang makatapak na sa bahay niya ang paa niya ay awtomatikong kumalam amg sikmura niya. May gano'ng effect talaga ang bahay niya sa kaniya. Or sabi nga ni Arthur e, gano'n ang trip niya, pag-uwi niya ay naaamoy niya ang foods. Parang fetish na, kumbaga.

"Cess?" tawag ni Arthur sa katulong.

Nitong mga nakaraan ay naisipan niyang si Arthur na lang ang maging kasa-kasama niya sa mga lakad niya dahil hindi naman siya ang uri ng tao na nanaisin na may sekretarya at maid. Mahalaga kasi ang pribadong buhay niya para sa kaniya.

'Yon nga lang, gaya nang nasabi ni Arthur sa kaniya, busy ang mga kapatid niya kaya no choice siya kundi ang kumuha ng maid na makakatulong niya sa paglilinis ng bahay, paglalaba at etc, na siyang solong gawain ni Arthur sa kaniya noon.

Oo, lalaki talaga ang gusto niyang kasama na umaasiste sa kaniya. Kaso lang ay may trust issue siya so, pinagtiisan niya na lang ang bigay sa kaniya na maid ni Grace. Sa babae kasi kumukuha rin ang mommy niya ng maids. May agency kasi 'to for that. Hindi nga lang sila dumaan sa tamang process ni Grace dahil masyado siyang busy the past few days.

"What's our ulam?" kaagad na tanong niya habang inaalis niya ang sapatos niya.

"I think it's... omelette?" si Arthur ang tumugon, wala naman kasi ang maid do'n. Mukhang nasa ibang parte ng bahay.

"Omelette?"

"'Yon ang naaamoy ko sa hangin."

Hmn...

"Pakitawag mo ang maid, sabay-sabay na tayong kumain, Arthur."

"'Got it." Kaagad naman na sumunod sa kaniya si Arthur.

Hindi naman niya gusto na tatlo na nga lang sila ro'n ay hindi pa sila magsasabay-sabay sa pagkain. Sana lang ay 'wag mailang ang maid.

Nang maiwan siya ro'n ay agad niyang tinignan kung ano ang niluto ni Cess. Para lang magulat siya sa nakita…

"CESS, Arthur! Come here!" may kalakasan na tawag niya sa dalawang kasama niya sa bahay.

Sino ba ang hindi mapapasigaw? Hindi nakakatuwa ang nakita niyang ipapakain sa kaniya ng maid na dinala sa kaniya ni Grace kaninang umaga!

"Sir, pasensya na, medyo natagalan lang at nasa banyo po kasi ako," kaagad na sambit ni Cess nang makarating sa harap niya. Nasa likod naman kasunod nito si Arthur.

Mukha ngang galing sa banyo ang maid. Nakasuot na nv terno pajama, naghahanda na sa pagtulog. Ang buhok na may kahabaan pala at ang length ay hanggang dibdib na nito ay basa. Bagong ligo.

"Are you freaking serious na 'yan lang ang ihihingi mo sa 'kin ng pasensya?!" hindi makapaniwalang bulalas niya kay Cess, sa lakas ng boses niya ay napaigik 'to sa gulat.

"P—Po, Sir Jio?"

Iiling-iling na nilapitan siya ni Arthur, tinapik ang balikat niya. Nakita na kasi nito kung ano ang pinagpuputok ng butsi niya sa mga oras na 'yon. "Calm down, dude," bulong sa kaniya ni Arthur.

Pero hindi siya marunong kumalma 'pag nainis na siya. "Ano ang tawag mo rito sa niluto mo, ha?"

Nag-angat ng ulo mula sa pagkakayuko si Cess at sinalubong ang tingin niya. "Po? E, Sir Jio, torta po—ah mali, scrambled egg po yata—" natigilan 'to sa sinasabi nang magulat 'to sa biglaan na pagdamba niya sa takip ng ulam. Ceramic pa naman 'yon kaya gumawa ng ingay sa mesa niyang babasagin ang nakapatong.

"Kahit ano pa ang tawag mo d'yan sa niluto mo, ang tanong, tama ba na 'yan ang ihain mo sa 'kin ngayon?" Hindi na naawat ni Jio ang sarili, mas kinaiinis pa niya ang pagiging tanga-tangahan ng maid.

Inangat niya ang isa niyang palad kay Arthur upang maiparating niya rito na hayaan siyang sabunin ang maid na Cess dahil hindi naman tama ang ginawa nito.

"I'm asking you, naghihintay ako sa sagot mo." Nakakrus ang mga braso na turan niya kay Cess.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.