Hello, Stranger Chapter 29

NAGTAAS-BABA ang dibdib ni Cess sa biglaan na pag-usbong ng inis sa sistema niya.

Sino ba ang hindi maiinis? Pagkain naman ang nakahain, ulam pa rin naman 'yon, ano ba ang inaarte nitomg boss niya?

"Sir Jio, pasensya na po ah, pero ulam pa rin naman po 'yan. Itlog nga po 'yan. Wala po akong nakikitang mali na inihain ko 'yan ngayon sa inyo," pangangatwiran niya sa boss na nakatiim ang mga bagang habang nakatitig sa kaniya't magkakrus ang mga braso.

Alam naman niyang mayaman ang mga 'to pero 'pag mayaman ba, hindi kumakain ng itlog?

"So, sinasabi mo ngayon sa 'kin na kakainin ko naman 'yan? Na maiuulam ko 'yan?" maanghang na tanong pa nito sa kaniya.

"Wala pong mali na kainin o ulamin ang itlog, 'yan po ang inang ulam kung tawagin ng lahat." Taas-noo niya naman na sagot.

Aba, mahirap lang siya pero hindi siya papadaig dito, kahit pa nga ba ma-sample-an siya ng sabi-sabing temper ng mga San Martinez.

"Hah, inang ulam? Seriously?"

Naikot niya ang mga mata. "Kakasabi ko lang po, anyway, kung hindi niyo po gustong kainin 'yan, ako na lang ang kakain. Tutal naman ay hayan na't nagluluto na si Sir Arthur." Oo, nakaharap na nga sa kalanan si Arthur, naka-apron pa nga. "Pasensya na po ulit," paghingi niya ng pasensya dahil hindi naman tama na magmalaki siya at boss niya 'to, hindi nito nagustuhan ang niluto niya, so, ang magagawa na lamang niya ay humingi ng pasensya rito.

Tatalikuran na niya sana 'to dahil natulala naman 'to sa sinabi niya at tila wala nang balak magsalita, kaya lang ay naalala niya ang kapatid na hinahanap…

"Maalala ko Sir Jio, baka dahil d'yan ay alisin mo 'ko sa trabaho ko ah? Ang sa akin lang ho kasi ay hindi pamilyar sa 'kin ang laman ng cupboard niyo, 'yan ang madaling lutuin na alam ko kaya 'yan ang niluto ko. Uulitin ko, pagkain naman po 'yan at maiuulam. Kung ayaw niyo ay pakiiwan na lamang d'yan, kainin ko po mamaya."

Tinaasan siya nito ng kilay. Hindi niya 'yon pinansin dahil kung papansinin niya pa ay hahaba lang ang pagtatalo nila nito. Dapat niyang alalahanin na boss pa rin naman niya 'to. Pasusuwelduhin siya nito. Puwede naman mangatwiran pero hindi sa puntong mawawalan na siya ng respeto rito as her boss.

"Mauna po ako kung wala na kayong sasabihin."

"Wait, bakit hindi ka pa sumabay sa 'min ni Art na kumain?"

Natigilan siya. Kanina lang ay halos umusok na ang ilong nito sa galit, ngayon naman ay inaaya siyang sumabay sa mga 'to.

May topak nga yata!

"Nabanggit nga po ni Arthur na sumabay na 'ko sa inyo pero hindi po muna sa ngayon siguro at mainit ang ulo niyo," sinserong sabi niya rito.

"Ah, n—nagulat lang ako, you know, hindi ganito ang inaasahan kong makukuha kong maid."

Nakagat niya ang ibabang labi. Oo nga naman. Sira rin ang ulo niya minsan!

"Pasensya na po talaga."

"Nabasa ko ang resumé mo, nagtrabaho ka pala sa munisipyo bilang encoder," pagsingit ni Arthur, nang lingunin niya 'to ay namangha siya na halos tapos na pala 'to sa niluluto— niluluto na amoy pa lang, masarap na!

"Ha? Ah, oo," tipid niyang sagot.

"I have a suggestion, Sir Jio," anito sa boss nila, "bakit hindi na lang siya ang isama mo sa office at ako na ulit dito sa bahay? Mahirap kasi para sa encoder ang mapahinga rin sa trabaho."

"Ha? Naku, hindi na po!" Kaagad niyang tanggi, nakakahiya naman sa mga 'to. "Mapag-aaralan ko naman ang pagluluto ng mga kinakain niyo, kanina ay wala na kasing oras—"

"Good idea," putol ni Jio San Martinez sa pagprotesta niya.

Lihim na nag-thumbs up si Arthur sa kaniya, na hindi niya naman gaanong naintindihan pero minabuti na lamang niya na huwag magsalita.

Puwede rin naman. Kung mawawala siya sa bahay ni Jio San Martinez at maisasama nito saan man 'to magpunta, mas malaki ang tsansa na makita niya ang hinahanap na kapatid.

"Sige po, kung 'yan ang gusto niyo."

"Pero ikaw pa rin ang maglalaba, hindi marunong si Art na maglaba."

"Wala pong problema."

Laba lang pala e, sisiw!

"Sige na, maaga tayo bukas, 7 AM sharp," bilin nito sa kaniya. Tumango.

Noon lang niya napuna na tila pagod na pagod ang itsura ng boss niya. Bigla tuloy ang dating ng reyalisasyon sa kaniya ng katangahan na nagawa niya.

Mayaman 'to tapos ay pakakainin niya ng itlog. Nakakahiya rin siya talaga madalas!

"Noted po, Sir Jio."

"Bukas ko na lang din ipapaliwanag sa 'yo ang magiging trabaho mo sa 'kin."

"Okay. Pero sana naman ay makaya ko, baka kasi..."

"Huwag kang mag-alala, kayang-kaya mo," ani Arthur.

Bumuga ng hangin si Jio. "Simple lang naman ang trabaho ni Arthur, ang problema ko lang, ngayon lang may gagawa ng trabaho niya sa 'kin na babae."

Hindi siya nakaimik. Hindi niya alam ang sasabihin.

"Ayos lang naman 'yan. Mabait naman 'tong si Cess," si Arthur ulit ang nagsalita.

Umingos ang boss nila. "Mabait?" saka nilingon siya. "Pagkatapos akong sigawan ni Cess, sinasabi mo talaga 'yan in my face, Arthur?"

Tumawa si Arthur. Tila masaya talaga sa narinig mula sa boss. Siya naman ay napatanga.

"Wala pang nakagawa sa 'yo niyan, Sir Jio—er, meron na pala ngayon, walang iba kundi si Ceska Adriano," wika ni Arthur pa sa boss nila.

Sa totoo lang ay naiilang siya na naroon siya pero pinag-uusapan siya ng mga 'to. Kinagat niya ulit ang lower lip niya para mapigilan ang sarili niya na matawa rin o makapagsalita pa sa boss nila. Baka sa susunod na bukas niya ng salita ay ma-offend na niya 'to.

"Talaga yatang sa lahat ay may first time," anang boss nila. Tumitig sa kaniya, hinuli o hinintay na tignan niya rin 'to.

Nang salubungin naman niya ang tingin nito ay halos mawalan siya ng ulirat sa napagmasdan na ngiti nito...

Mula kaninang ma-meet niya 'to ay seryoso lang ang facial expression nito hanggang sa umuwi 'to kaya hindi yata napaghandaan ng puso niya ang ngiting 'yon...

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.