PANIBAGONG mataas na building ang papasukan nila ng boss niyang si Jio San Martinez ngayong araw na 'to na sinama siya nito. Gaya nga nang napag-usapan nila, naiwan na nga sa bahay si Arthur.
Kanina ay naipakilala sa kaniya ng boss niya ang driver nito. Isang may edad nang lalaki 'yon na magiliw naman at palabiro.
Huminto na ang kotse na minaneho ng driver ni Jio na si Mang Kanor sa tapat ng gusali kung saan may malaki at golden na mga letrang SMC stands for San Martinez Corporation ay hindi pa rin naipapaliwanag sa kaniya ng boss niya kung anong magiging trabaho niya rito from now on.
"Let's go, Cess," untag sa kaniya ni Jio. Bumaba na 'to sa kotse, pinapasunod na siya, na siyang ginawa niya naman.
Tuloy-tuloy 'tong naglakad patungo sa elevator, mabilis ang mga hakbang, ni hindi lumilingon o pinapansin ang mga bumabati rito na nakakasalubong nilang security guards dahil nasa parking area pa lang naman sila ng building na 'yon.
"This is a private elevator," anito sa kaniya nang makasakay sila sa elevator.
Sa tingin niya ay hindi naman na dapat na sabihin nito 'yon sa kaniya dahil obvious naman na private elevator ang sinasakyan ng mga taong nagma-may-ari ng gano'ng kumpanya pero lihim niyang pinagkibiy-balikat na lamang 'yon. Tahimik na lang siyang tumayo sa gawing kaliwa nito.
"Ang trabaho mo sa 'kin ay simple lang, Cess. Kailangan mo lang na maging memorya ko."
Kumunot ang noo niya. Memorya? Ano raw?
"Po?" tanong niya, nilingon niya rin 'to.
Nagbuntonghininga 'to. Hindi naman siya nilingon, tagusan lang na nakatingin sa metal na pinto ng elevator.
"Naaksidente ako six months ago—"
"Hala! May amnesia po kayo?!" gulat niyang bulalas, oo, inantala niya nga ang sinasabi ng boss niya't namimilog ang kaniyang mga mata na hinawakan 'to sa braso upang maiharap niya 'to sa kaniya.
Naaalibadbaran na tinignan nito ang mukha niya, pagkatapos ay lumipad ang tingin nito sa palad niyang nakahawak sa braso nito.
"Ay, naku, sorry! Sorry, Sir Jio, nabigla lang po ako." Nakangiwinh hinging pasensya niya, binitiwan niya naman agad ang braso nito.
E sa nabigla naman talaga siya, memorya raw naman kasi, aba, ano ba naman ang iisipin niya? E, 'di may amnesia nga 'to!
Muling bumuntonghininga 'to. "By the way, I like your formal attire today."
Ano raw?
"Hindi ko akalain na ganyan kabilis kang maikukuha ni Arthur ng maisusuot."
"Ah... ahm, opo, Sir Jio, nagulat nga rin ako nang ibigay niya 'to kaninang umaga, saktong namomroblema ako sa isusuot dahil nakikita ko siya na naka-long sleeves at slacks." Totoo 'yon. Kung sasama kasi siya sa boss niya dapat lang na katulad ni Arthur ang suot niya.
Jio chuckled. "Maaasahan talaga si Arthur, hindi ko inutos 'yan pero hayan, ginawa na niya," anang boss niya, nasa tinig na pinagmamalaki nito ang assistant.
Oo, assistant nga yata ang magiging trabaho niya rito...
"Agree ako, Sir, e, kaso lang, baka hindi ko po kayanin ang trabaho niya..." ganyan na sobrang bilib kayo sa kaniya, ngali-ngali niyang idagdag.
Hinarap siya nito. At hindi naman ito ang unang beses na ginawa nito 'yon maging ang matiim na titig na 'yon nito sa buong mukha niya, hindi niya alam kung bakit parang babaliktad ang sikmura niya ngayon na hindi niya mawari, e, nagkakatitigan lang naman sila...
"Kaya mo, believe me."
Nagbaba siya ng tingin. Baka maduwal siya kung hindi niya 'yon gagawin. "Sir, kailangan ko po ng konkretong explanation sa magiging trabaho ko sa inyo," bagkus ay sambit na lamang niya rito.
She can't afford to entertain anything or any feelings. Lalo na sa boss niyang 'to na alam niya naman kung gaano kayaman. Baka sa kangkungan pulutin ang ganda niya kung mahulog siya rito. Kung sa ibang lalaki ay malakas ang loob niya na walang dating sa kaniya, pagdating sa isang 'to, pakiramdam niya ay hindi.
Ikaw ba naman na g'wapong-g'wapo sa boss mo, Ceska Adriano!
Hindi siya nag-e-entertain ng lalaki sa buhay niya dahil itinaga niya sa sarili na bago siya magsaya, hahanapin niya muna ang kapatid niyang siya ang rason kaya nawala.
Oo, 'yon ang rason kaya boring ang buhay niya. Siya rin ang nagpa-boring. Ang konsensya niya.
"Napuna ko na parang sobrang seryoso mong tao, hindi ka bagay sa maid.
"H—Ha?"
"Bagay ka sa trabahong 'to ni Arthur. Seryoso ang taong 'yon, marami ring pinaglalaban sa buhay na tulad mo."
"Po?"
Jio chuckled. "Wala, don't mind me." Winagayway pa nito ang palad sa harap nila.
Nagtataka man ay tumahimik na lang siya. Mukha naman kasing may weird traits ang boss niyang 'to.
"Anyway, mas accurate na sabihing personal assistant ang trabaho ni Arthur sa 'kin."
"Okay," tipid niyang tugon, pinaparating niya rito na nakikinig siya sa mga sasabihin pa nito.
"I hired Arthur to be my special personal assistant, he's my cousin, by the way, pamangkin siya ni Dad."
Oh, kaya pala magandang lalaki rin...
"Pinsan ko siya na matalik kong kaibigan na rin kaya siya ang nasa posisyon na papapalitan mo."
"Puwede naman na temporary lang, Sir Jio. I mean, kung sa kaniya kayo kumportable..."
"No, walang problema sa bagay na 'yan. Tama rin naman si Arthur, kailangan kong lumabas sa comfort zone ko, which is to be with him all the time."
"H—Hindi ko po maintindihan..."
He chuckled again. "Yeah, my bad. Anyway, I had an accident months ago, nag-result 'yon ng amnesia sa 'kin, tama ka naman."
Minabuti niyang makinig lang dahil napuna niyang nasa pitong numero na lang ang pagitan ng floor na pupuntahan nila.
"Amnesia na agad naman na nagbalik ang alaala ngunit pira-piraso 'yon."
Napakunot-noo siya. May gano'n pala?
"S—Seryoso..." hindi napigilan na bulong niya.
"Yep, gano'n nga kaseryoso. That's why I hired Art, ang trabaho niya ay ipaalala sa 'kin ang mga pangalan ng mga investors, ng kahit sinong tao na makakasalamuha ko, mas lalo ang hindi ko ma-recall."
"Huh? P—Paano ko magagawa 'yon? I mean, hindi ko rin sila kilala..."
"'Wag kang mag-alala, may lists na ginawa si Art, kumpleto 'yon, pictures, bio ng mga taong 'yon, pinag-aaralan ko rin naman 'yon kaya lang ay hindi pa nga stable ang memory ko, kumbaga sa isang flash drive, hindi maka-recall ng sobrang files ang memory ko."
"So, sa madaling salita, pagbalik na rin ng memory mo ang trabaho."
Tumango-tango ang boss niyang may deep set talaga na mga mata.
"And make it private also, of course. Kahit ang pamilya ko ay hindi alam ang tungkol d'yan dahil magagamit sa 'kin ng mga kalaban namin sa negosyo, for your info, sa ngayon ay mag-isa akong nagma-manage ng company dahil busy sa lovelife nila ang mga kapatid ko."
E, kayo po? Wala po bang planong maging busy sa lovelife niyo?