Hello, Stranger Chapter 4

Hello's POV:

SIGURO NGA kasali ako sa mga tinatawag nila na minalas. Naisip ko lang out of the blue. Naisip ko lang habang pinagmamasdan ko kung paano hinaharap ng kapatid kong si Hiraya ang kasalukuyan na nagaganap sa kaniya. Kung paano siya nahihirapan sa mura niyang edad habang chine- check up siya ngayon ng mga doktor. Kung paano siya halos patayin ng sakit na 'yon na nasa kaniya mula pa nang ipanganak siya. Sakit na nakuha niya dahil sa hindi niya naman pinili. Sakit na ibinigay na sadya sa kaniya ni Aling Carol.

Dahil ang putang ina namin, ininuman lang naman ng gamot pampalaglag na nabibili sa harap ng simbahan ng Quiapo si Hiraya. Hayun tuloy, Kidney journey is real ang kapatid ko. Ang siste, kailangan na talagang mapalitan ng kidney ni Hiraya. Na hindi ko alam kung saan ko kukunin.

Siguro nga kamalasan na ngang talaga 'to. Kamalasan ni Aling Carol, nadamay lang kami. Paanong hindi? Ilang lalaking may asawa ba ang pinatulan ni Aling Carol? Ilang pamilya ang winasak at patuloy pa na winawasak. Kaya heto, kami yata ang sumasalo. Tapos, ang init ng ulo ko naman ay sinalo ng boss ko. Kaya hayun, wala na 'kong trabaho ngayon. Malamang nga ay tama ang sinabi ko kay Stranger. Pagod na 'ko. Napapagod na 'ko. Pero sa lahat naman ng pagod, ako pa 'yong nakuhang makipag- sex nang ganoon katindi.

Ah, naalala ko na naman ang lalaking 'yon. Kahit ilang ulit ko pa na i- play sa utak ko ang eksena namin ay hindi naman na 'yon mauulit. Bakit pa nga ba walang tigil ko 'yon na naiisip?

"Na- settle ko na ang bills," untag sa'kin ni Vincent.

Si Vincent na buti na lang ay mapera. Na buti na lang ay nagkataon na nasa bahay noong atakehin si Hiraya ng sakit niya. Hindi kasi na- dialysis si Hiraya noong nakaraan at walang pera. Ang sakit ni Hiraya ay afford lang ng tulad ni Vincent. Tanggap ko naman.

"Ah, sa--salamat," tanging nasabi ko. Tulala pa rin talaga 'ko.

Sa tuwing sinusumpong si Hiraya ng sakit niya. Sa tuwing pinapahirapan siya niyon ay natutulala na lang ako. Napakamalas namin ng kapatid ko. Hindi man lang kami nakapili ng tamang nanay. Oo, sinisisi ko si Aling Carol sa sakit ng kapatid ko. Halata naman, kanina pa.

"She need an operation. Immediately, Hello," saad ni Vincent.

Muntanga.

Sasabihin pa 'yon na para namang hindi ko alam ang bagay na 'yon. Pero s'yempre, kailangan ko siyang ngitian. Kailangan makipag- plastikan. Para sa kapatid ko. Para kay Hiraya.

"I know..."

"You look tired..."

Kitam? Muntanga talaga 'di ba? Sinasabi niya kung ano ang obvious naman. Ganoon si Vincent. Minsan nakakairita na nga e. Kaya lang ay wala naman akong magagawa at aminin ko man o hindi, malaki ang pakinabang ko sa kaniya mula noong nakilala ko siya. Mula noong mabaliw siya na makuha ako.

Don't ge me wrong, hindi ko iniisip na napakaganda ko o ang Diyosa ko naman at nagustuhan ako ng isang bilyonaryo. Pero oo e, 'yon na nga ang nangyayari ngayon at hindi ko na maawat pa 'yon dahil sa sitwasyon ng kapatid ko. Dahil sa journey ng kapatid ko. Dahil sa ayaw ko naman na sukuan ng kapatid ko ang sakit niya. Dahil ayaw ko rin na sumuko. Siguro naman ay may pag- asa pa.

Pag- asa...

"Ahm, puyat din kasi at... wala ng trabaho. I quit on my job," pa- eme na sabi ko kay Vincent.

Paawa effect. Effective 'yon kay Vincent.

"Aw, really? Well, that's okay. Ikaw lang e, matagal ko naman nang sinasabi sa'yo na hindi mo kailangan na magtiis sa company ni Yngrid."

Si Yngrid Moreno ang dominant boss ko sa YM company. Na nilayasan ko na nga kailan lang.

"I can get you a job, as soon as possible."

Nang kunin ni Vincent ang palad ko ay napilitan na pagmasdan ko ang mukha niya.

Sa totoo lang, disenteng tao naman si Vincent. Naglalakad na ATM machine-- In the truest meaning of it. Mataas na lalaki rin. Halos abutan ko lang ang chin niya. May sexy stubbles sa paligid niyon na nakadagdag sa appeal niya. Moreno. Manly. Tipo ng lalaki na papangarapin mo na makuha kasi nga mayaman na, sigurado pa na mabibigyan ka ng magandang lahi.

"I can hired you too. Or..."

"Yes."

"Hmn?"

"Yes. Magpapakasal na 'ko sa'yo, Vincent."

Isang mahigpit na yakap ang sinagot ni Vincent sa'kin. At halakhak na dama kong genuine, in fairness naman. Type na type talaga ako ng bilyonaryo. Huwag lang na may magtanong sa'kin kung type ko siya dahil hindi ko sure. I mean, nakikita ko naman na okay ang physical attributes ni Vincent, pero kasi wala akong maramdaman na spark.

Spark. 'Yon bang nararamdaman na kahit man lang kaunti na makakapagsabi na inilaan kayo para sa isa't-isa. Na siya na ang para sa'yo. Na bagay kayo. Na soulmate kayo.

Isa pang pero kasi, hindi naman mapapagaling ng spark na hinahanap ko ang kapatid ko. Hindi naman spark ang makakapagpalit sa kidney ni Hiraya. Hindi naman spark ang kailangan ni Hiraya para madugtungan ang buhay niya. Hindi spark ang doktor sa sakit ni Hiraya.

Pera. Operasyon. Bilyonaryo: Ang mga ito ang kailangan ng kapatid ko. At ako lang ang makakapagbigay niyon sa kaniya. Ako lang ang may kakayahan dahil ang tatlong nabanggit ko ay walang kahirap-hirap na maibibigay ng lalaking nasa harap ko ngayon at tuwang- tuwa na yakap ako nang mahigpit.

Spark. Kuryente. Malakas na boltahe sa sistema na guide ng isang tao para masabi na siya na nga.

Spark na noong una ay akala ko ay kathang- isip lang ng libong manunulat ng PHR Romances na nababasa ko noong high school ko. Not until naramdaman ko 'yon.

Spark. Kuryente na dadalayo sa kaibuturan mo lalo na 'pag pinag- isa niyo ang mga katawan niyo.

Tulad noong naramdaman ko while having sex... kay Stranger...

Stranger's POV:

KUNOT- NOO kong sinipat maigi ang plaka ng isang makintab puting kotse, ilang metro ang kalayuan mula sa'kin, na obviously ay pag- aari ng mayaman na tao

at may dalawang bodyguards kasi na nakatayo sa tabi niyon habang nakaparada 'yon sa isang public hospital.

Oo, public hospital. Kaya nga nagtataka ako at ano ang ginagawa niyon doon? Ano ang sadya ng may- ari ng kotse na 'yon sa gano'ng klase na ospital? Ah, unless magdo- donate pala. Puwede rin.

Minabuti ko na pumarada roon kasi at bumili na rin ng buko. Nang matanawan ko nga ang pamilyar na 'yon. Kotse 'yon ni Vincent. Minsan ko na 'yon na nakita. Minsan na rin kasi akong pinuntahan ni Vincent sa apartment kung saan ako umuuwi.

Mabait naman si Vincent sa'kin. Hindi tulad ng tatay niya.

Hindi iba ang turing sa'kin ni Vincent. And actually, sa Hanford Family ay si Vincent Hanford nga lang ang daan ko palagi. Si Vincent din ang naging daan para matanggap ako ng patriarch ng Hanford. Ni Don Vince Hanford. Mayaman na lolo ni Vincent.

Lolo namin ni Vincent Hanford.

Hello's POV:

"SO, PUMAYAG ka na ngang talaga. Wala nang awatan 'yan? Wala na talagang bawian?"

Maingay ang pinawalan kong pagbuga. Ang tanong na 'yon ng kaibigan ko ay matagal nang may sagot. Kaya ewan ko ba kung bakit patuloy niya pa na tinatanong sa'kin 'yon.

Pinasya ko na tumango na lang.

"Hay, Hell aka Hello Garcia, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa'yo ngayon."

I smirked. Binanggit pa talaga ni Yna ang tunay na pangalan ko sa sobrang frustration niya sa naging desisyon ko, "Bantot talaga ng pangalan na 'yan. Kasing bantot ni Aling Carol."

Sabay kami na natawa sa sinabi ko.

Oo, 'yon ang pinangalan sa'kin ng nanay ko na si Aling Carol. Dahil ako ang una niyang anak, panganay. Dahil daw sa'kin kasi ay nasira ang pag- aaral niya. Kaya hayun. Impyerno raw kasi ako sa buhay niya.

Isa pang oo ay hindi totoo ang sinabi ko noon kay Stranger na rason kung bakit Hello ang pangalan ko. Alangan kasi na sabihin ko sa kaniya na Hell nga ang real name ko. Kasinungalingan na siyang aral na aral ko nang sabihin sa ibang tao dahil 'yon at 'yon na ang pakilala ko sa lahat. Ang pinapaalam ko sa lahat na rason kung bakit Hello ang pangalan ko.

Ako lang ang nagdagdag ng letrang O sa pangalan ko actually. Nagsinungaling din ako sa mga teachers ko at sa mga kaklase ko noong nag- aaral pa 'ko. Sabi ko sa kanila ay nagkamali lang ng lagay sa birth certificate ko. Kinulang sa O. At ang walang kamatayan at scripted na kasinungalingan na 'yon ay ang nagligtas sa'kin sa maraming beses na. Kung alam lang nila. Kaya nga pinangatawanan ko na.

Ang kasinungalingan na rin na 'yon ang nagpatatak sa kukote ko na hindi lahat ng kasinungalingan ay masama. Minsan, ah, madalas, naiiligtas ka pa niyon. Kahit ikaw lang ang nakakaalam sa kung paanong paraan.

"Wala na. Kailangan e." Sagot ko kay Yna sa pagitan ng paghithit ko sa sigarilyo.

Katorse anyos pa lang ako nang matuto akong manigarilyo. Dahil din kay Aling Carol. Pinapabili niya 'ko ng sigarilyo niya at pinapasindi niya 'yon sa'kin. Kaya ako natuto na manigarilyo rin.

"O, siya, ano pa ba nga ba ang magagawa ko? Alam mo naman na nasa'yo palagi ang suporta ko."

"Salamat."

Nang kabigin ako ni Yna ay parang gusto kong umiyak na ewan. Siguro dahil... ang mundo na papasukin ko ay hindi ko gamay at malabo ko pa na magamayan kasi ay milya ang layo niyon rito sa squatter's area...

"Anong drama 'yan? Ngayon pa kayo nag- drama, e, sa buong buhay mo naman ay ngayon ka lang may ginawa na tama!"

Nag- igtingan ang mga panga ko sa sinabi ng bagong dating.

Si Aling Carol...

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.