"LET me in, I need to talk to your boss."
Nakakunot ang mga kilay na nag-angat ng tingin si Cess sa bagong dating na ngayon ay nakakrus ang mga braso at nakaingos sa kaniya.
Babae 'to. Kulot ang mahabang buhok na hanggang mga balikat ngunit halata naman na fake ang pagkakulot niyon. Namumula ang labi at shiny, may malaking loop na mga hikaw. Nakasuot ng mini skirt at simple turtle neck na itim. Kung sa ibang lugar makikita ang ganitong klase ng babae—pananamit and such, siguradong masasabihan nang hindi tama. Ngunit hindi sa ganitong lugar.
"Miss? Oh, please, 'wag kang basta tumulala lang d'yan!" Iritang sambit nito nang mainip siguro.
Buntonghininga na tumugon siya. "Ma'm, may I know who you are? I will ping my boss, then when he say yes, I will let you in to his private office," magalang niyang sabi. Intensyon niyang ipaunawa sa kausap na private ang offic ng boss niya at ang mga tulad nito ay hindi puwede ro'n.
Well, of course, nang tinitigan niya 'to kanina ay kinilala na niya 'to kaya naalala niyang hindi siya nagkakamali, ayon sa listahan na ginawa ni Arthur, ang babaeng nasa harapan niya ngayon ay si Marge Morales, brat na anak ng may-ari ng MM Corp. Ex ng boss niya na hindi ma ulit nabigyan ng pansin ng isang Jio San Martinez dahil nga nakalimot na 'to.
Nakilala niya 'to kahit natagalan bago rumehistro sa kaniya dahil ang mga babae na na-involved o nagpupunta kay Jio San Martinez ay ni-least priority niya gaya na rin nang utos nito sa kaniya.
Tinaasan siya ng kilay ng babaeng sosyalera. "Paano kung surprise visit? Bawal pa rin ba 'kong pumasok sa office niya?" anito, pointing the door of his boss' office na nasa gawing likuran ng mesa niya.
Yes, daig pa niya ang secretary sa mga napapanood niya at nababasa na ngayon nga ay heto, may kaharap siyang makulit na babae ng boss niya.
"Ahm, kailangan po kasi na alam niya muna, madam," magalang pa rin niyang turan sa kausap. "Mahigpit ang bilin niya na walang surprise, na sasabihan siya bago magpapasok ng kahit na sino."
Tila sa sinabi niya ay nag-init ang ulo nito sa hindi niya malaman na rason. "Why? Girlfriend niya 'ko, baka naman may ibang babae sa office niya ngayon kaya ayaw mo 'kong papasukin?"
Napaamang siya. "Po? Naku, wala po! Hindi po, ginagawa ko lang ang trabaho ko. Ang kung anong trabaho na siyang binigay na instruction sa 'kin ni Sir Jio." Iiling-iling niyang sambit.
Medyo hindi siya maka-relate sa inaasal ng babaeng kaharap dahil never siyang naghabol ng isang lalaki. Okay, never siyang nag-entertain ng lalaki dahil naniniwala siyang hindi siya maaaring maging totally masaya habang hindi pa niya nahahanap ang kapatid niya.
Pero siguro, kahit sa kaniya mangyari naman ang gano'n, na nakalimutan na siya ng boyfriend, ganito rin yata ang magiging reaction niya.
"Who are you, anyway? Ngayon lang kita nakita rito ah, where's Arthur?" maanghang na tanong nito pagkuwan, sinipat siya mula ulo hanggang paa, mula paa hanggang sa mukha niya.
Nang magtama ang mga mata nila nito ay nagulat na lang siya sa biglang pagpitik ng kung ano sa dibdib niya.
Ang mga matang 'yon... parang pamilyar 'to sa kaniya...
"P—Parang... kilala kita..." hindi napigilan na usal.
Mas lalong tumaas lang ang kilay nito sa kaniya.
"Ano ang nangyayari rito?" Pareho silang napalingon ng babae nang lumabas si Jio San Martinez sa office nito.
Kunot-noong pinaglipat nito ang tingin sa kanilang dalawa.
Tumikhim siya, composing herself, saka siya nagsalita, "M—May bisita po kayo, Sir Jio, si Margaret Morales, the heiress of MM Corp," aniya, sadyang hinabaan ang pagpapakilala sa bisita sa pormal na paraan upang ma-recall nito kung sino 'yon. "Pasenya na't hindi ko po nasabi sa inyo kaagad, halos kadarating lang naman niya."
Her boss just nodded. "Sige na, ako na ang bahala kay Marge," sagot naman nito.
Nakahinga siya nang maluwag nang sabihin nito ang pangalan ng babae. Ibig sabihin lang niyon ay naalala na nito ang taong 'yon.
Yup, 'yon ang naging tila secret code nila—sasabihin niya ang tunay na pangalan ng isang tao, habang babanggitin naman nito ang bansag sa taong 'yon ng mga nakararami o ang palayaw niyon gaya nang ginawa nito ngayon, 'yon ang indikasyon na naaalala na nito at puwede na niyang hayaan 'to sa taong 'yon.
"Okay, Sir." Nakayuko na aniya na lang sa boss niya.
Sinulyapan niya si Marge nang umangkla na 'to sa braso ng boss niya. Hindi nga siya nagkamali, susulyapan din siya nito ngunit hindi niya inaasahan na naglaho na ang kaninang pagsusungit nito.
Oo, umasa talaga siya na hahamakin siya nito sa pamamagitan ng tingin o ngiti gaya sa mga palabas sa TV at movies o sa mga novels na nababasa niya, 'yong 'pag nariyan na ang boss at pumabor dito ang sitwasyon ay lihim na magtatawa 'to, ngunit hindi nga 'yon ang nangyari.
Nang magtama kasi ang kanilang mga mata ng heredera, tila siya nanalamin sa repleksyon niyon—curiosity.
Oo, tila pareho sila na kinikilala ang isa't-isa nang may pagtataka sa mga isipan though may kung anong inaapuhap din naman mula sa kaibuturan ng mga 'yon...
Ah, dapat na yata siyang mag-luch at kung ano-ano na ang pinapasok niya sa kukote niya.
Tama, kesa kung ano-ano ang pinapasok niya sa kukote niya!
Sinabi lang niya 'yon sa sarili niya pero nasumpungan na lang niya ang mga kamay na binubuklat ang listahan na ginawa ni Arthur at tsinitsek ang bio ni Marge Morales...