"YOU'RE doing great huh," may ngiti sa labi na anang sa kaniya ng boss niyang si Jio nang makababa sila ng kotse nito at ngayon ay tinatahak na nila ang elevator na maghahatid sa kanila sa floor ng bahay nito.
Ang trabahong binigay nito sa kaniya ay nakagulatan niyang na-enjoy niya. Challenging kumbaga, bago kasi sa kaniya. Sa trabahong 'yon din niya nalaman na matalas pala ang memory niya, basta naka-focus. Nature na rin kasi niyang maging dedicated sa tungkulin na ginagampanan sa kaniyang trabaho.
"Thanks, Sir Jio. Nakakagulat nga rin na kinaya ko ang trabahong 'to," tugon niya sa boss niya, nakangiti rin siya kahit na gusto sana niya 'tong tanungin kung kumusta ang naging lakad nito at ni Marge Morales.
Kanina kasi ay inabot din 'to nang dalawang oras bago magbalik sa office nito pagkatapos lumabas kasama ang babae.
He chuckled. "Nakakagulat ang talas mo nga. Mas matalas pa ang memorya mo kay Art ah."
"Naku, hindi naman po siguro. Itsura lang ni Arthur ay..."
"Itsura lang ni Art ay?" nakangiti ang boss niya, nasa mood na nagbibiro 'to kaya napahagikgik siya.
"Naku, minsan talaga ay matabil ang dila ko, pasensya na Sir Jio," natatawang aniya rito.
"Oh, come on, ituloy mo na ang sasabihin mo habang tayo lang dalawa naman ang nandito." Nakangisi nitong sambit.
Napabungisngis siya. "'Yon nga, itsura lang ni Arthur ay seryoso, maraming alam at mas matalino."
Inaasahan niyang tatawa ang boss niya ngunit hindi 'yon nangyari, bagkus, ang malapad nitong ngiti ay unti-unting naglaho pa nga habang matiim na nakatitig 'to sa kaniya.
Nang hindi ito magsalita matapos ay ilang segundo at nanatiling nakatitig lang sa kaniya habang nakasandal sa gawing sulok ng malamig na pader ng elevator, nakapamulsa ang dalawang palad, medyo nailang na siya, hindi lang niya pinahalata.
Gano'n naman siya 'pag kasama 'to. Hindi nagpapahalata na may malaking epekto sa kaniya ang titig at ngiti nito. Iniisip niyang normal lang 'yon dahil magandang lalaki ang boss niya.
Nakatayo sila sa bawat sulok ng elevator pareho, gano'n na parati ang puwesto nila sa tuwing nasa elevator. Siya nasa kaliwang bahagi, malapit sa pinto. Habang ito ay nasa kanan na side sa may sulok. 'Pag may ibang lulan naman sa mga elevators na sinasakyan din nila, saka lang sila tumatayo nang magkatabi.
"Don't move," biglang sabi ng boss niya.
Nagtaka siya, napakunot ang mga kilay niya, lalo at umalis sa prenteng pagkakasandal si Jio sa stainless wall ng elevator at tila lalapitan siya...
"S—Sir... bakit po...?" hindi niya alam kung bakit hindi nga siya nakagalaw matapos niyang mapasiksik sa sulok ng elevator unconciously...
Wala rin sa loob na napapikit siya nang halos ilang dipa na lang ang pagitan nila ng boss niya.
Ah, ang ritmo ng puso niya, parang tunog tambol ngayon... lihim na lang niyang dinasal na sana ay intact pa rin 'yon hanggang mamaya...
Intact pa kaya hanggang mamaya? E para kasing ngayon pa lang ay gusto nang tumalon ng puso mo at magsayaw ng budots, Ceska!
Paano ba naman kasing hindi, damang-dama na niya sa pisngi niya sa mga sandaling 'yon ang mainit-init na may pagka-mint na hininga ng boss niya...
Ang lapit na niya, 'wag na 'wag kang didilat, Ceska!
Ano ba naman ang ginagawa kasi ng boss niya? Hahalikan ba siya nito? Ang tanong, kung sakali ngang halikan siya ay ano naman ang gagawin niya? Hahalik din?
Ngiii, 'yon ang first kiss niya kung sakali kaya ano va naman ang malay niya sa paghalik?!
O kung hindi man siya halikan nito, bakit may paglapit ng mukha sa kaniya gayong aware naman siguro 'to na makalaglag panty ang kagandahan nitong lalaki? Saka kung hindi hahalik, bakit may pagbuga ng hininga sa balat niya?
Sh't, ngayon lang niya napagtanto na ang rupok niya pala sa hininga, lalo yata kung gano'n kabango ang hiningang 'yon...
Argh!
"Don't move, Cess," O, bongga, inulit pa nito ang sinabi kanina, dangan lang at sa pagkakataong 'yon ay parang ang lambing sobra ng tinig nito.
Malambing... may suyo—malandi pala ang boss niya!
Hindi pa man siya tapos sa paglilibang sa sarili niya ay malakas na siyang napasinghap at napatalon!
Habang nananatiling nakapikit kasi ang mga mata niya kasi ay naramdaman na lamang niya ang init ng palad ni Jio sa leeg niya. Humaplos 'yon sa leeg niya kung saan malakas ang kaniyang kiliti!
At oo, nagdulot ng malakas hanggang sa papahina na boltahe ng kuryente ang haplos nitong 'yon dahil kahit mayaman ang boss niya, panlalake pala talaga ang mga palad nito... magaspang na malambot... sakto ang hagod... mas lalo siguro kung sa buong katawan na niya 'yon maglalakbay...
"Relax, Ceska. You can open your eyes now..."
"O—Open?" nautal niya pang wika.
Nasaan na ang hinihintay niyang halik? Bakit may paghawak 'to sa leeg niya kung hindi naman pala siya hahalikan? Ang akala niya talaga ay...
Gah, bakit ka naman niya hahalikan, Cess? Kanina lang ay kasama niya ang ex girlfriend niya na kaya niya nagung ex ay dahil lang sa nakalimutan niya 'to pagkatapos ng aksidente niya!
Pagak 'tong natawa. "Oo," tipid na sabi nito.
Kumurap-kurap siya. Unti-unti niya nang binuksan ang mga mata niya. "Ano ba kasi 'yon..."
"I honestly don't know what is this," anito, nakaumang ang nakabukas nitong palad sa kaniya at naroon ang isang balahibo na kulay puti. "But someone said to me na puwede raw mag-wish sa munting balahibo na 'to e."