HIDING FROM MY HEARTLESS HUSBAND Chapter 13

Rachell POV

Hindi ko alam kung paano ko itatago ang pagmumukha ko na panigurado akong namumula na sa sobrang pagkapahiya. Ang tanging ginawa ko nalang para maitago ang mukha ko ay ang isubsob ang mukha ko sa leeg ni kevin.

"Mom!" Tila saway ni kevin sa ina niya.

"Anong ginagawa nyo dito?" Dagdag tanong pa nito. Halata sa boses nito ang pagkainis sa hindi ko malamang dahilan.

"Oh? Bakit? Masama ba na bisitahin namin ang baby boy ko?"

"Mom!" Apila pa nito.

"Bakit? Palibhasa may asawa ka na kaya ayaw mo nang maging baby namin ng papa mo." Saad ng ina ni kevin. Bakas sa boses ng ginang ang pagtatampo sa nagiisang anak na lalaki.

Hindi ko alam pero natatawa ako sa mga naririnig ko. Kevin Sy Riego na sobrang laki ng katawan at mukhang barako tinatawag palang baby ng mommy niya?

HAHAHA bakit ngayon ko lang to nalaman?

"Dad please." Tila humihingi ng tulong na saad nito sa ama

"Melinda tigilan mo na nga yang anak mo sa kakababy dyan matanda na yan at sa nakikita ko kaya na nyan gumawa ng baby-." Rinig kong saad ng ama nito.

"Dad!"

Hindi ko maiwasan di matawa sa mga naririnig at nakikita ko. Ganito pala si kevin.

"Okay... okay... hintayin ka namin ng mommy mo sa baba may kailangan tayong pagusapan." Sumusukong saad ng ama na mukhang binibiro rin sya.

Wala akong narinig na sagot mula kay kevin pero narinig ko ang mga yapak ng paang palayo sinyales na wala na ang mga magulang nito at ama ko sa kwarto ni kevin.

Narinig kong bumungtong hininga si kevin bago ko naramdaman ang dahan-dahan pag lapag ni kevin saakin sa kama nito at maingat na binalot nito ang makapal na kumot sa katawan ko.

"Magpahinga ka na muna, nasa library room lang ako kasama Sila mommy at daddy mo may paguusapan lang kami okay?" Mabining bulong nito saakin. Ewan ko pero pakiramdam ko hinihila ako ng mabining boses nito sa pagtulog kaya tanging pag tango nalang ang naisagot ko dito.

"Goodmorning mi amor, sleep tight." Nakapikit at unti-unti na akong hinihila ng antok ng maramdaman ko ang pag halik nito sa noo ko.

"te amo mi amor." Potek! Minumura ba ako ng lalaking to? Pasalamat sya at antok na antok na ako kaya hindi ko na ito nagawa pang komprontahin.

Liwanag mula sa malaking salaming ng kwarto ni kevin ang gumising saakin mula sa pagkakatulog. Pupungas pungas ang matang bumangon ako mula sa pagkakahiga syaka ako lumingon sa orasang maliit na nakapatong sa small kabinet na nasa tabi ng kama ni kevin.

Nanlaki ang mata ko nang makita kong 10:59 na pala ng umaga. Napasarap ata tulog ko. Mabilis akong kumilos makalipat sa kwarto ko at makapag linis at makapag ayos ng sarili.

"Mukhang pinagod ka ng anak ko kaya ganitong oras ka na nagising." Muntik ko nang mabitawan ang basong hawak ko ng makarinig ng boses mula sa likod ko.

Kababa ko lang kasi at nadatnan kong walang tao sa sala o kahit dito sa kusina inisip ko nalang na baka nag grocery lang saglit si manang dahil araw naman talaga ngayon ng paggrogrocery ni manang at malamang kanina pa pumasok sa trabaho si kevin na paniguradong sumabay na ito sa mga magulang nito paalis. Mukhang nag kamali ako dahil nandito pa papala ang ina ni kevin.

"Kayo po pala, ginulat nyo naman po ako." Nahihiyang nilingon ko ang ginang na mabining nakatingin saakin habang may maaliwalas na ngiti sa labi.

"Oh? I'm sorry, magugulatin-."

"H-Hindi po akala ko po kasi umalis na po kayo nasanay na po kasi ako na wala nang natitirang tao sa bahay na to bukod saakin kapag ganitong oras at araw pa ng lunes." Nahihiya ko pa din saad dito.

Nakita ko ang pag kunot ng noo nito tila nagtataka sa sinabi ko "ahh... ano po pumapasok po kasi ng maaga si kevin at si manang naman po tuwing lunes naggogrocery." Maagap na sagot ko dito sa mag tatakang tingin nito.

"Yang anak ko talaga napaka hard working, hayaan mo iha at pagsasabihan ko yang asawa mo para baguhin na niya yang routine niyang pagpasok ng maaga."

"Nako wag na po, ok la

ng naman po e. Nasanay na din po ako." Saad ko sa ginang.

"Bakit po?" Naiilang na nagtatakang tanong ko sa ginang dahil sa kakaibang titig nito saakin.

"Wala naman iha, napansin ko lang na medyo tumataba ka." Saad nito habang sinisipat ang buong katawan ko.

"Po?" Tumaba? Tumataba na ba talaga ako?

"Ano pong ginagawa nyo?" Nagtatakang tanong ko sa ginang nang maramdaman ko ang paghawak nito sa palapulsuhan ko na Tila inaalam nito ang pag tibok ng pulso ko.

"Wala naman iha." Wala? Pero weird ang ngiti nakikita ko sa labi at mga mata ng mommy ni kevin.

"Mom, anong ginagawa nyo sa asawa ko." Sabay kaming napalingon ng ginang sa boses na mula sa pintuan ng kusina. Doon ay nakita kong nakatayo si kevin katabi ang ama nito.

Hindi siya pumasok? Sa nakikita ko mukhang hindi nga.

Pero bakit?

"Wag kang ano kevin, kinakamusta ko lang ang asawa mo at sa nakikita ko mukhang maganda naman ang pagsasama nyo. Look tumataba na ang asawa mo na dating patpaten sa kapayatan." Saad ng ina niya sa kanya.

Ang kaninang kunot noo nito ay napalitan ng maaliwalas syaka ito naglakad palapit saakin at pinulupot ang braso nito sa bewang ko na tila mawawala ako kapag binitan niya ako.

Heto nanaman ako, umaasa sa mga bagay na alam kong malabong mangyari. Malamang sa malamang ginagawa niya lang ito para ipakita sa parents niya na okay kami at nagmamahalan kahit ang totoo ay kabaliktaran ang nangyayari.

"Malakas na po kasi kumain ngayon ang asawa ko kaya siguro sya tumataba kakakain ng kakakain ng kung ano ano." Saad niya sa ina at ama nitong natutuwa sa nakikita saamin dalawa.

"Aba'y tama lang ang ginagawa ng asawa mo, pero iha dapat kumakain ka rin ng mga prutas at gulay wag puro matatamis or maaalat hindi maganda sayo yun." Saad ng ina ni kevin saakin.

Tumango nalang ako sa ginang ewan ko pero hanggang ngayon naiilang parin ako sa mga magulang ni kevin.

"Narito po pala kayo ma'am, sir sana maaga akong namalengke at nang nakapagluto ako ng kakakain nyo."Saad ng ginang mula sa pinto. Naroon si manang na kadadarating lang at buhat buhat pa ang mga pinamili nito.

"Manang kayo po pala, nabili nyo po ba yung pinabibili ko." Tanong ko sa matanda habang lumalapit ako dito.

"Oo iha nabili ko ginawa ko nang Tatlo, dahil pansin ko na na kulang sayo ang dalawang buong pinya kada kakain ka sa isang araw."Saad nito na kinangiti ko.

"Salamat manang." Masayang pag sasalamat ko dito. Akmang tutulungan ko na si manang sa pagbubuhat sa mabigat na pinamili ni manang ng pigilan ako ng mommy ni kevin.

"No! Stop! Hayaan mo si kevin ang tumulong kay manang iha. Hindi ka dapat nag bubuhat ng kung ano anong mabibigat na bagay." Saad nito na kinalito ko at nila kevin bukod kay manang. Tututol sana ako kaso ayaw talaga ni manang ibigay at ipabuhat saakin ang mga pinamili niya.

"Tama ang mommy ni kevin iha, sige na kaya na namin ito." Saad ni manang na May kasamang pagtapik ng bahagya sa balikat ko.

Kahit na nalito ay bakas sa mukha ni kevin ang pagtataka ay sinunod niya pa din ang mommy niya sya ang bumuhat ng mga pinamili ni manang at nilapag niya ito sa ibabaw ng lamesa malapit sa lababo.

"Teka sandali magluluto lang ako ng makakain nyo." Saad ni manang habang hinahanda nito ay inaayos ang mga pinalito nito.

"Naku wag na manang paalis na din kami may kailangan pa kasi akong asikasuhin sa opisina at ang asawa ko sa flower shop." Saad ng papa ni kevin.

"Ah? Ako? Wala naman akong gagaw-." Nagtatakang tanong ng mommy ni kevin sa asawa.

"Meron hon, remember? Gagawa pa tayo ng kapatid ni kevin? Bulong nito sa asawa pero tama lamang para marinig namin.

"Dad! Matanda na kayo pwede ba? Ang lalandi nyo." Singit ni kevin ng tila nakalimutan na ng mag asawa na nasa harap nila kami ng anak nila.

"Naku anak hayaan mo na yang mga magulang mo di ka pa nasanay sa kanila. Ganyan talaga ang mga yan kahit noong wala ka pa. Sadyang mahal na mahal lang nila ang isa't isa kaya sigurado akong hindi kakayanin ng papa mo na mag hanap ng iba kahit wala na ang mommy mo. Naaalala mo nag away ang parents mo dahil sa lolo mo ipinag laban kayo ng daddy mo sa lolo mo para lang mabuo kayo at hindi mo maranasan ang buhay na narasan ng daddy mo." Mahabang lintanya ni manang habang nakatitig sa mag asawang hanggang ngayon napakatibay ng pagsasama.

Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko ngayon para bang naiinggit ako sa nakikita ko sa mga magulang ni kevin.

Hiniling ko noon na sana di totoong wala na ang mommy ko, hiniling ko na maging buo muli ang pamilya ko na sana hindi nalang nangyari ang pangyayaring nakapagbago sa buhay namin ng papa ko at nang magasawa muli ang papa ko inakala ko na mararamdaman kong muli ang yakap, pagaalaga, at pagmamahal ng isang ina at hingit sa lahat ang mabuo muli ang pamilyang akala ko hindi mabubuwag ng kahit na sino ngunit nagkamali ako dahil nang mawala ang mommy ko kasabay nun ang pagkawala ng papa ko saakin.

Nakalimutan niyang may anak pa sya.

Ngayon napantanto ko na, na kahit anong gawin ko kung hindi ako mahalaga sa kahit na sino itutulak at itutulak pa din nila ako palayo. Palayo para hindi ako masaktan pero anong magagawa ko? Wala naman akong choice kahit lumayo ako o manatili masasaktan at masasaktan pa rin ako.

Ganun siguro kapag nagmamahal hindi pwedeng puro saya lang kasi hindi ka mamaging matatag at palaban kung di ka masasaktan. Pero sana hindi nalang nilikha ng diyos ang ang salitang sakit.

Nang di ko ito nararamdaman ngayon, sobrang sakit pala masaktan.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.