Kevin POV
"Here, mga picture patunay na may nangyayari kay franz at dyan sa santasintita asawa mo." Walang imik kong kinuha ang sobreng nilapag ni arinne sa harapan lamesa namin ng hindi ko ito kunin mula sa mga kamay niya.
Kunot noo. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Ang alam ko lang double at halo halo na ang mga emotion na nararamdaman ko simula ng padalhan ako ni arinne ng mga picture na mag kasama palagi si Rachell at si franz mula noon hanggang ngayon kasal na kami.
"Oh ano? Hindi ka pa din ba maniniwala? Ilang proweba or picture at video pa ba ang kailangan kong ipakita sayo para lang maniwala ka? Bakit ba naman kasi pinakasalan mo pa ang babaeng yan sa simula palang naman sinabihan na kita na hindi ma pag kakatiwalaan ang babaeng iyan at mas lalong di ka magugustuhan niyan. Dahil ang mga tipo nyan mga kauri niya hindi ka bagay sa magaya niya kevin." Tuloy tuloy na Saad nito.
"Ako! ako kahit kailan di ko gagawin yan sayo kahit na fake lang lahat ng meron tayo noon para pag selosin si Rachell pero totoong minahal kita mula noon hanggang ngayon-." Dagdag pa nito.
"arinne alam mo kapatid lang Turing ko sayo at walang mababago doon kahit... Iwan pa ako ng asawa ko. Magagalit lang ako at mag tatampo sa kanya pero patuloy at hindi ako titigil na mahalin sya kahit niloloko na niya ako." Putol ko dito.
Hindi ko na ito pinansin pa kahit na nagsasalita pa din ito nakatutok nalang ang buong atensyon ko sa mga picture na ang laman ay ang babaeng minamahal ko ng patago noon hanggang ngayon.
"Ang sakit pala no? Kahit na hawak na kita hindi ko pa din pala hawak ang puso mo." Bulong ko habang nakatitig ako sa nag iisang letrato na tila masaya sila at mukhang nasa hospital sila.
Anong ginagawa nila dyan? tanong ko sa sarili sabay tungga sa bote ng alak na kanina ko pa iniinom.
Rachell POV
"You're one month pregnant congratulations!" Masayang anunsyo na tumingin saakin. Marami pa ito sinabi pero hindi ko na ito tinuunan pa ng pansin. Alam ko naman na aaaring mangyari ito at nararamdaman ko naman na ang mga sintomas ng pagiging buntis pero hindi ko pa din naiwasan di mabigla sa nalaman ko.
Totoong masaya ako sa biyayang ipinag kaloob saakin ng taas. Blessing ito e. Ang iniisip ko ay ang magiging reaction ni kevin.
Magiging masaya kaya sya? O kabaliktaran ang mangyayari?
"Anong sabi?" Bungad tanong saakin ni franz ng makalabas na ako ng opisina ng doctor na tumingin saakin.
"B-buntis ako." Bulong ko ngunit tama lamang para marinig nito.
"Buntis ka? Talaga?." Tuwang tuwang tanong nito na sinagot ko ng marahang pag tango. Nang makumpima nito ang narinig ay agad ako nitong niyakap ng mahigpit " congrats!" Masayang saad nito habang nakayakap saakin.
Si kevin kaya? Ganito kaya sya magiging masaya kapag sinabi ko sa kanya na buntis ako? Na mag kakaanak na kami? Mag tatalon kaya sya sa sobrang tuwa pag nalaman niya ito? Ipag sisigawan niya ba na magiging tatay na sya oras na malaman nya ito?
" oh? Bakit parang di ka masaya na buntis ka?" Takang tanong ni kevin ng makita nito ang mukha ko nang humiwalay na ito sa pag kakayakap saakin.
"Iniisip ko kasi kung anong mararamdaman o magiging reaction ni kevin kapag nalaman nya na... heto buntis ako." Bulong ko habang nag lalakad pero tama lamang para marinig niya.
" hayst wag kang magalala andito ako . Kapag di niya tinaggap ako na bahala sa inyong mag ina." Tanging nasabi nalang nito na kinatigil ko.
"Franz hindi mo naman kailangan akuin ito, kung hindi man tanggapin ni kevin to. Bahala na marami naman single mother dyan na nakayang buhayin yung mga anak nila na sila lang kahit na walang ama." Pampalubag loob ko dito para di na ito mag alala pa saakin. Pero yung totoo natatakot ako sa mga maaaring mangyari.
"Ayan! Ayan! Ang kilala kong Rachell palaban sa kahit anong problemang dumating sa kanya. Pero kahit kaya mo na andito pa din ako para saan pa at naging mag kaibigan tayo kung hahayaan nalang kita?" Saad nito na nag pangiti at nag paluha saakin siguro dahil sa bigat at sa sobrang emotional ko ay Hindi ko na talaga napigilan hindi humagulgol habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib nito. Sobrang swerte ko ang naging kaibigan ko ito.
"Thank you franz." Tangi ko nalang nasabi dito.
"Sige na pasok ka na sa loob mag pahinga ka at wag mong s-stess-in ang sarili mo. Alalahanin mo ang inaanak ko." Nakangiting saad ni franz ng maihatid na ako nito sa tapat ng bahay naming mag asawa.
Hindi ko alam kung dapat ba akong pumasok sa loob pero bandang huli ay napag disisyon ko na din na mag paalam kay franz para pumasok sa loob.
"Salamat franz ahh sa lahat lahat." Pag papasalamat ko dito habang may ngiti sa labi.
"Don't mention it, ikaw pa malakas ka saakjn e." Saad pa nito. Napapailing nalang akong pumasok sa loob ng gate namin at hindi ko na hinintay pang umalis si franz bago pumasok.
Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Sa tuwing iaapak ko ang mga paa ko papasok sa bahay na puro sakit lang naman ang naidulot saakin ay mas lalong nadadagdagan yung kabang nararamdaman ko.
At mas lalong lumala ito ng makita ko si kevin pababa sa hagdanan at sobrang bihis na bihis na tila may pupuntahan ito.
"Saan ka galing?" Tanong nito habang hindi pinuputol ang napaka lamig nitong titig saakin habang pababa ng hagdan.
Malamig? Anong nangyarI sa malambing nitong boses at pakikitungo na tila totoong mahal ako nito?
Lahat ba yun ay hindi totoo? At Kailangan kong magising sa katotohanan na kahit kailan hindi nito magagawa saakin ang ganitong gestures dahil ang lahat ng meron kami ay matatapos din at may babaeng mahal ito na nag hihitay sa muli nyang pagiging binata oras na mawalan bisa ang kasal namin.
" s-sa... dyan sa tabi tabi lang kumain ka na ba?" Pinilit kong maging normal ang tunog ng boses ko at kilos ko. Humahanap pa kasi ako ng tiyempo para sabihin sa kanya ang kalagayan ko.
" pwede ba Rachell wag mo akong pinagloloko." Madiing saad nito nang mahuli nito ang braso ko at hawakan nito ito ng napaka higpit para hindi ako makaalis sa harap nito.
"Saan ka nagpunta?!" Tanong muli nito sa mataas na boses na tila nag titimpi pa. Hindi ko maiwasan di magulat sa sigaw nito at matakot sa kakaibang awra ng mukha nito.
"K-kevin nasasaktan ako." Daing ko nang higpitan pa nito lalo ang pag kakahawak sa braso ko.
"Talagang masasaktan ka kung di mo sasabihin kung saan ka nang galing. Ano? Mag kasama nanaman kayo ng lalaki mo?Nag landi ka nanaman. Saan kayo nag punta? Nasarapan ba kayo kaya ganitong-." Hindi nito natuloy ang sinabi nito ng sampalin ko ito.
"Hindi ako ganyang klase ng tao. Alam mo yan! Ikaw Lang ang lalaking gumalaw saakin kaya wag mong ibabaleng saakin ang ginagawa nyo ng ex mo!" Saad ko dito habang pinipigilan ko ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Hindi ito nakaimik ng banggitin ko ang ex nito. Tila hanggang ngayon apektado pa din sya sa ex niya pero heto parang tatay ko kung bantayan at husgahan ako.
Bumuntong hininga muna ako bago ako muling ang salita. "Galing akong hospital." Saad ko tila lumbot ang mukha nito ng marinig nito ang sinabi ko pero maya maya din ay bumalik din ito sa walang emotion. Hinintay ko ito na mag salita pero ng hindi na ito nag salita pang muli ay nag salita akong muli.
Tila bumalik lahat ng kaba na nararamdaman ko kanina ng pandisiyonan ko nang sabihin kay kevin ang kalagayan ko
"K-Kevin... I-I'm pregnant." Saad ko umaasa na magiging masaya sya sa magandang balita na sinabi ko.
"What?" Kunot noong tanong nito. Tila nabingi ito sa sinabi ko.
"Buntis ako kevin." Pag uulit ko dito. Akala ko magiging masaya sya sa mandang balita pero taliwas dito ang sinabi niya.
"abort that baby, hindi ikaw ang gusto kong maging ina ng mga magiging anak ko. Kaya ngayon palang tanggalin mo yan dahil kakamuhian ko lang yan." Saad nito sa blakong tingin hindi ko alam kung bakit at paano niya ito nasasabi sa magiging anak namin pero tila gumuho na ang mundo ko ng bigkasin niya ang mga salitang nangwasak sa natitirang pagasa ko na maranasang maging buo ang pamilyang ipinagkait saakin noon ni tadhana.
"Paano mo nasasabi yan? Papatayin mo tong anak natin para sa babaeng yun? Nahihibang ka na ba kevin? Pa- paano mo nasasabi yan sa magiging anak natin kevin.Hindi naman siguro masama na mag kaanak tayo una sa lahat kasal tayo at asawa mo ko." Gusto ko sana itong itanong at sabihin sa kanya ngunit naunahan na ako nito nang bigla ako nitong hilahin papalabas.
"K-Kevin w-wait saan mo ako dadalhin?" Kinakahaban man ay tinanong niya pa din ito nang hilahin sya ng lalaki palabas papunta sa sasakyan nito.
"Sa lugar kung saan pwedeng tanggalin yang nasa tyan mo."Saad nito nang marinig ang sinabi ng lalaki ay agad agad syang nag pumiglas mula sa napakadiin at higpit na pag kakahawak nito.
"No, kung ayaw mo sa baby ko then palayain mo ako. Lalayo kami ng baby ko pangako h-hindi kami mag papakita sayo, just please wag mong gawin to sa anak natin." Pag mamakaawa niya dito. Kita niya ang walang imusyong pag titig nito sa kanya. Tao pa ba ito? Hindi ito ang lalaking minahal ko
"No!" Matigas na saad nito.
"Wait kevin... please anak mo pa din ito maawa ka-." Pag mamakawa ko pa dito.
"No! pag pinalaya kita. Para ko na rin pinakawalan ang mamanahin ko. Kaya sa ayaw at sa gusto mo ipapalaglag natin ang pesteng nasa tyan mo." Muli ay hinila sya nito papasok sa kotse nito.
“Sandali Kevin! Ano ba! Peste ang tawag mo dito? Jusko kevin kilabutan ka nya sa lahat ng sinasabi mo! Anak mo rin ito! Please kevin!” kaawa niya pa habang pino na ng luha ang mukha tila binge itong ipinipilit pa rin siyang papasukin sa sasakyan nito ngunit nanlaban na sya binuhos niya ang lahat ng lakas niya wag lang mawala ang sarili nilang anak. Kung di siya lalaban ang anak niya ang mawawala sa kanya at hindi siya papayag na mangyari yun.
Nang makakawala sya mula sa mahigpit na pag kakahawak nito ay agad syang tumakbo palayo sa lalaki bahala na jung saan sya mapunta basta wag lang syang mahuli muli ng sariling asawa. Agad syang nag tago sa nakitang lumang pabrika na nakita niya. Sigurado kasi syang hinahabol na din sya ng mga lalaking butler nto kasama ang mga guardya na nakabantay sa labas. Kita niya ang pag hahanap ng mga ito sa kanya mula sa pinag tataguan niya.
"Who are you." Matigas na boses mula sa babaeng nasa likod niya sasagot na sana sya ng bigla nalang syang mawalan ng malay.
“There are two hardest things to say to someone in life, it is a hello that you always say when you meet a new person and second one is goobye when he/she have to leave, even it’s hurts. goodbye kevin.”