HIDING FROM MY HEARTLESS HUSBAND Chapter 15

SIX YEARS LATER ...

Kevin POV

"Hanggang ngayon ba hinahanap mo pa din sya?" Tanong ng kapatid nitong si Marvin sa kanya.

Imbis na sumagot ay nanatali nalang syang nakatalikod dito habang nakatanaw sa napaka lawak na tanawin sa loob ng opisina niya matapos ay tinungga ang laman ng kupitang kanina pa niya hawak.

"Kung di ka ba naman gago hindi ka sana nag hahanap ngayon." Pabulong na saad nito ngunit tama lamang upang marinig niya ito.

"Kung wala kang tama na sasabihin pwede ba umalis ka na! Hindi ka nakakatulong!"mabilis na hinarap niya ito at kinuwelyohan.

"Hoooo... chill bro nag sasabi lang ako ng totoo. Kung hindi ka nakinig sa baliw na babaeng arianne na yun edi sana kasama mo mag ina mo ngayon. Hindi sana mala biyernes santo mukha at mood mo araw araw." Saad nito matapos tabigin ang Pag kakahawak niya sa kwelyo nito.

"I know, at gagawin ko ang lahat mabuo lang ulit ang pamilyang nasira ko noon."

"Mukhang nag hihimala si lord ahh ngayon lang kita ulit narinig na mag salita ng matagal parang kailan lang pipe ka." Tila nang aasar na saad ng kapatid niya.

"Yeah himala nag salita ka na." Saad ng boses mula sa likod ng kanyang kapatid.

"At himala nag pa kita ka." Blanko ang mukhang saad niya sa kaibigang si Joshua na kadarating lang mula sa kung saan mang lupalop.

"Tsk! Wag nyo na nga akong kastiguhin tungkol sa pag tatago ko alam nyo naman na may tinataguan naman talaga ako umuwe lang ako kasi si mama may sakit at hinahanap ako." Pag dadahilan nito.

"Kung hindi lang kita kaibigan at kung hindi ako pinipigilan ng barkada baka matagal na kitang sinisante alam mo bang nag karoon ng malaking problema ang kumpanya at dahil wala ka syempre hindi mo alam yun. Pasalamat nalang talaga tayo at nagawan ng paraan ni Paul ang problema kundi pare-parehas sana tayong nasa kankungan na." Sermon niya pa dito.

"Nako wag mong pag papansinin yan stress lang yan kasi hindi niya pa nahahanap ang missing in action niyang asawa, you know Rachell." Saad ng kapatid niya tapos ay hininaan nitong banggitin ang pangalan ng asawa niya.

Nakita niyang tatango tango ito " Anong ginagawa mo dito? Diba may sakit si tita dapat nasa tabi ka niya wala dito." Sa halip ay tanong niya dito habang nakakunot ang noo.

"Kanina sinesermonan mo ko kasi ilang taon ako na wala ngayon naman parang gusto mo na akong umalis-." Sagot nito na tila mag dadarama pa ata.

"Sasagot ka ng maayos o gusto mong pulutun sa kankungan?" Walang emosyon tanong niya dito.

"To naman di mabiro, ehem tumawag kasi saakin si mark nag hahanap ng kasama sa inuman alam nyo na broken hearted kaya dito na ako dumiretsyo kasi wala daw sa kani kanilang bahay si Paul at si Kyle kaya kayo nalang sana ang yayain ko." Saad nito.

"Game saan ba?" Mabilis na sagot ng kapatid niya.

"Ikaw talaga napaka bilis mo pag dating sa mga ganyan." Matapos batukan ang kapatid na saad niya.

"Bro narinig mo ba yun broken hearted nanaman ang kaibigan natin alanganaman di ko damayan." Balik sagot nito. Iiling na na sagot nalang ang sinagot niya dito. Syaka napipilitang tumayo para puntahan ang kaibigan, barag nanaman ang puso.

Halo halong kulay ng mga ilaw, usok mula sa sigarilyo at amoy ng pinag halong usok ng sigarilyo at alak at mga taong kung ano anong kababalaghan ang sumalubong sa kanilang mag kakaibigan ng makapasok na sila sa entrance.

Hindi pa lumilipas ang ilang segundo ay agad na nakita na nila ang kaibigan mag isang umiinom sa sulok.

"So what happen to you?" Agad na tanong niya pag kalapag ng beer na inoorder nila.

"Jessa left me... iniwan niya na ako ng tuluyan at ang malala buntis sya at hindi ako ang ama HAHAHAHAHA nag mukha akong tanga." Umiiyak na saad ng kaibigan niya.

Tila na sapul siya sa sinabi ng kabigan. Ganyan ganyan din kasi ang nangyari sa kanya ang pinag kaiba lang iniwan sya ng asawa niya dahil sa katangan na nagawa at nasabi niya dito.

" Baka naman iyo talaga yun bata-." Agad na saad ni Marvin.

"Jessa told me na hindi akin ang dinadala niya na ginamit niya lang ito para di ko sya iwan but then iniwan niya din ako para sumama sa ama ng batang dinadala niya na mas mayaman pa kesa saakin." Saad muli nito sabay tungga ng alak.

"Ayun, sabi na e may tinatagong baho ang babaeng yan e. Yaman lang naman pala ang habol sayo bakit mo iniiyakan bro napaka daming babae dyan sa tabi tabi hindi lang yang Jessa na yan. May makikilala ka pang mas better at mag mamahal ng totoo sayo in the future." Saad ng kapatid niya.

"Umiiyak ako kasi minahal ko, binuhos ko lahat ng atensyon ko sa kanya by then in the end ipag papalit din pala ako."

"That the point pinag palit ka. Hindi porket pinag palit ka talo ka na may mga bagay lang talaga na nawawala kasi hindi para sayo. Hindi porket iniwan ka kailangan mo nang sirain ang buhay mo grow up bro hindi ikaw ang nawalan,kundi sya dahil pinag palit ka niya sa pansamantalang kaligayan doon palang panalo kana. Wag kang masyadong mag paka lugmok dyan may tamang taong nakalaan para sayo at hindi sya yun."mahabang salay say ni Marvin.

"Wait, kaibigan ka ba talaga namin? Bakit ganya ka mag salita? May nakain ka ba? O Baka nilalagnat ka?" Sisinghot singhot na tanong ni mark at joshua dito.

"Wala akong lagnat dati na akong ganito babaero lang ako pero may puso pa din naman ako." Balik sagot nito.

"Oh bro saan ka pupunta?" Tanong nang kaibigan niya nang tangkain niyang tumayo.

"Comfort room.” tanging sinabi niya lamang dito syaka tumayo at nag lakad sa direction papuntang comfort roon. Ngunit hindi pa sya nakakalayo mula sa puwesto ng mga kaibigan kung saan sila nag iinoman ay may naaninag syang pigura ng isang babaeng matagal na niyang hinahanap.

Tahimik na sinundan niya ito papunta din ito sa comfort room, malapit sa comfort room ng mga lalaki. Ang akala niya noon ay hindi na niya ito muling makikita pa, sa tinagaltagal pa naman ng paghahanap niya, ni anino nito ay hindi niya nakita.

Tila nag bungyagi ang puso niya ng makita muli ang babae.

Napaka laki na nang pinag bago nito. Ang pananamit nito ang lakad at ang pananalita nito, kung hindi dahil sa boses nito malamang hindi niya ito nakilala. Ang puson at bewang nito ay napaka liit, hindi mo mahahalatang minsan itong nag dalang tao.

Kamusta na kaya ang anak namin? buhay kaya siya? Tanong niya sa sarili. umaasang buhay ang kanilang anak at maaari niya pa itong maalagaan upang makabawi sa mga pag kukulang at katarantaduhan ginawa niya noon sa sariling asawa At anak.

Sa tinagal tagal na pag hahanap niya dito ay ito din pala ang kusang mag papa kita sa kanya.

Nang makitang nakapasok na ito sa loob ay tinignan niya muna kung nag iisa ito sa loob nang na siguradong nag iisa lamang ito sa loob ay agad syang pumasok at nilock ang pinto. Agad niyang hinila ang braso nito at sinandal sa pader at gamit ang isang kamay ay tinakpan niya ang bibig nito nang tangkain nitong sumigaw.

"Welcome back Mrs.Riego." Bulong niya dito sabay pag angat ng gilid ng labi nang makita niya ang pag kagulat na lumarawan sa mukha nito at panlalaki ng mata nito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.