HIDING FROM MY HEARTLESS HUSBAND Chapter 21

Rachell POV

"Ugh!!!" Daing ko ng maramdaman ko ang sakit ng ulo nang magising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

"Dalawang baso lang naman ang nainom ko kagabi ahh bakit sobrang sakit ng ulo ko?" Bulong tanong ko sa sarili ko habang nakapikit pa din nasisilaw kasi ako sa sinag ng araw na nagmumula sa kung saan man.

natigilan siya ng may maalala "Teka, ang cottage na tinutuluyan ko ay may nakaharang na malaking puno diba?" Kunot noong tanong niya sa sarili habang nakahawak sa noo pumipintig sa sobrang sakit.

"So bakit nasisinagan ng araw ang kwarto ko?" Tanong pa niya syaka niya dahan dahan dinilat ang mga mata niya na nanlaki sa nakita.

Ganun nalang ang gulat niya ng malaman nasa ibang kwarto siya. Wala siya sa cottage inupahan niya para pansamantalang tuluyan ng isang araw at gabi. Wala siya roon kundi nasa loob mismo siya ng hotel to be exact sa loob ng isa sa kwarto ng hotel.

"F*ck sh*t ka self anong ginawa mo? Anong kagagahan ang ginawa mo kagabi self? " Gulat na Saad niya sa sarili siyaka napatingin sa sarili na taklob ng kumot at walang kahit na anong pangloob. Mabilis na niyakap niya ang sarili at mahigpit na hawak hawak ang kumot, mabilis na umupo siya mula sa pag kakahiga at nag sumiksik sa gilid ng kama ng marinig niya ang pagbukas ng pinto ng kwarto kung saan siya nagising.

"Kevin?" Gulat na tanong niya ng makita niyang pumasok si kevin na may dalang isang tray ng pagkain at inumin.

"Goodmorning mí amor." Nakangiting bati ni kevin sa kanya na di pinansin ang gulat na bumalatay sa mukha niya ng makita niya ito.

Anong ginagawa nito dito? Bakit andito ito? Kwarto niya ba ito? May nangyari ba saamin? f*ck sh*t ka self nag pagalaw ka na naman ba sa asawa mo?

"G-goodmorning mo mukha mo! Anong ginagawa ko dito? Bakit ako nandito? Anong ginawa mo saakin?! Bakit andito ka?” Sterikal niyang tanong kay kevin habang nakatitig siya ng masama dito. Nanatiling kalmado itong nakatingin sa kanya.

"Ako wala, pero ikaw meron." Nakangising saad nito saakin di pinansin ang masama kong tingin at ang tunog ng pagtataray ko.

"Anong sinasabi mo?" Takang tanong ko dito habang nakakunot at masama ko pa din itong tinitignan. Mas hinigpitan ko ang kapit sa kumot na nakataklob sa katawan ko ng makita ko itong palapit.

"Hindi mo naalala?" Saad nito habang nakangisi at umakmang gagapang mula sa dulo ng kama papunta saakin ng mas umusog pa ako palayo dito.

"A-ng alin?" Nakakunot pa din noong tanong ko dito kinakabahan sa maaaring sagot na matatanggap ko mula rito.

"Yung kagabi, you know ." Saad nito siyaka pinakita saakin ang mag labilang daliri nito sa kamay na tumuturo saakin at sa kanya sabay Pagdidikitin niya ito habang nakakaloko at nakangising nakatingin saakin.

"Ano nga yun?!" Walang pagdadalawang isip na binato ko ito ng unan na malapit saakin na nasalo naman nito. napipikon ako sa tunog ng boses nito at sa kakaibang ngising nakabalatay sa labi nito.

"Bakit ba namamato ka!" Kunot noong tanong nito saakin ng masalo nito ang unan na binato rito.

"Kung ano ano kasi ginagawa mo! Hindi mo nalang ako diretsyohin at bakit? Gusto kitang batuhin e at may pagapang gapang ka pang nalalaman." Masungit na saad ko dito na binaliwala lang nito.

"Wala ka talagang naaalala?" Binaliwala nito ang galit ko.

“Mag tatanong ba ako kung meron?“ irap ko pa dito.

“Tigilan mo pag iirap baka hindi ko mapigilan sarili ko at hindi ka na makalakad bukas.” Naiinis na Saad nito na kinatigil ko Mabilis na binato ko ito.

“Bastos ka talaga kahit kailan!” Sigaw ko rito. Mabilis na hinila nito ang paa ko at kinubabawan ako. “ ahhh.” Tili ko.

“bitiwan mo ko! Hayop ka talaga ano ba!” Pumiglas ko ng hawakan nito ang dalawang kamay ko at inipit sa itaas ng ulo ko.

“Babe, stop don’t worry hindi ko gagawin sayo ang iniisip ko ng walang permisyo mo. Wala ka ba talagang naaalala?” Tanong nito.

Pinilit kong isipin kung ano bang ginawa ko kagabi at nagkaganito kami ang alam ko kasi ang boss ko ang kasama ko tapos umalis siya saglit tapos may lalaking kumausap saakin at pinainom ako ng isang baso ng alak tapos nakaramdam na ako bigla nun ng hilo na parang naiinitan na ewan tapos biglang dumating ang boss ko kasama si-

"Kaano ano mo ang boss ko?" Mabilis na tanong ko kay kevin ng maalala kong kasama nito ang boss ko ng bumalik.

"Kaibigan ko at ka business partner ko. Yan lang ba nag naaalala mo?" Tila disappointed nitong tanong.

Tatango sana ako ng biglang nalang sumagi sa ala ala ko yung sa elevator. Naglalaki ang matang tinignan ko ang desmayadong mukha ni kevin ng maalala ko ang eksenang ginawa ko sa elevator.

F*ck sh*t ka self anong ginawa mo? Bakit ginawa mo yun? Bakit kasi ininom mo pa ang alak na yun? Bakit ang rupok rupok mo!!!

"Naaalala mo?" Maya maya'y tanong ni kevin na may bahagyang ngiti sa labi.

"H-hindi... w-wala akong maalala s-syaka dapat bang alalahanin ko pa yun?"pilit kong iniiwas ang tingin ko dito ng magtanong ito.

"Baliwa naman na yun e lasing ako malamang lasing ka d-." Dagdag ko pa.

"Hindi ako lasing kagabi ni butil ng alak ay wala pa akong natitikman that time." Tila malungkot nitong saad siyaka tumayo ng diretsyo mula sa kama.

"E-edi... a-ano... tingin mo ba papatulan kita kung di ako lasing? Sagad nga sa buto ang galit ko sayo kaya bakit kita papatulan?" Pilit kong tinatago ang awa at sakit na nararamdaman ko ng makita ko sa mga mukha nito ang sakit sa bawat bigkas ko ng masasakit na salita na paniguradong kinadudurog nito ngayon.

Pero diba ganun ang ginawa niya saakin noon mali ba na ilayo ko yung sarili ko sa sakit na pinaranas niya saakin noon?

"I'm you're husband." Saad nito na pilit tinatago ang lungkot na nararamdaman.

"yes you are, but you never played your role as my husband before tapos ngayon na okay na ako siyaka ka babalik para guluhin ulit yung mundo ko na minsan mong sinira at mag isang kong inayos. Hindi ako ganito noon alam mo yan kevin pero binago mo ako sa isang iglap lang, binago ako ng sakit na pinardam mo saakin noon. But to be honest hindi ko pinagsisisihan na nakilala kita kasi naging malaking lesson ka saakin e ang pinag sisisihan ko lang ay yung minahal kita ng higit pa sa sarili ko na sana di ko ginawa." Saad ko dito habang patuloy na tumutulo ang luha ko pati rin ito ay lumuluha din habang taimtim na nakatitig sa mga mata kong hilam sa luha.

Ang mahalin ang dapat kaibigan ko lang ang pinaka malaking pagkakamali na nagawa ko noon kasi kung di ko yun ginawa hindi sana ako nasasaktan ng ganito katindi ngayon.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.