HIDING FROM MY HEARTLESS HUSBAND Chapter 22

Rachell POV

Gulong gulo ang isip ko at ang puso, ni hindi ko nga alam ang gagawin ko e. mahigit isang buwan na simula ng takasan at pag taguan ko muli si kevin. Kung tungkol naman sa trabaho ko nakiusap ako kay lizaira na ipalit si montez ang isa sa napaka misteryoso nitong alalay para palitan ang pwesto ko pasalamat nalang ako at di niya question ang bigla kong pag tanggi sa trabahong nakalaan para saakin.

Hindi ko kasi alam kung paano ako makakaiwas kay kevin kung palagi ko itong nakikita sa tuwing dunadalaw ito sa opisina ng boss ko, kaya naman umalis na ako doon. Hindi ko alam kung natatakot ba ako sa maaaring gawin ni kevin saamin ng mga anak ko o baka natatakot lang akong muling saktan at muling madurog ang puso ko para sa lalaking lubos kong minahal noon?

Naguguluhan na ako at hindi ko alam kung dapat ko bang mas bantayan ang mga anak ko o puso ko na unti unting nawawarak ang harang na matagal kong tinayo para hindi na muling masaktan.

Wala sa sariling nag lalakad ako habang iniisip ko ang mga bagay na nag papagulo sa isipan ko "Rachell!" Tawag nang kung sino sa malayo habang pauwe na ako galing sa bahay ni black kung saan pansamantala kong tinatago ang mga anak ko mula sa ama nila.

"Kunot noo ko itong nilingon at tinignan medyo di ko kasi kita ang mukha nito dahil napakalayo ng distandya nito saakin. Nakita kong tumakbo ito palapit saakin.

"Franz?" Unti unting nabuo ang ngiti sa labi ko ng makilala ko ito.

"Yup, ang pinaka gwapo, matcho at mabango mong kaibigan." Nagyayabang na saad nito habang nakangiti syaka ako inakbayan nito na parang naka yakap ito saakin.

"Ang lakas ng hangin." Bulong ko na tama lamang para marinig nito at minuwestra ko pa ang kamay ko na parang may hangin talaga. Inirapan ko ito ng ngumiti ito ng todo saakin.

"Anong ginagawa mo dito?" Baliwala ko sa pagiging mahangin nito.

"Wala, napadaan lang ako malapit kasi dito ang bahay ng girlfriend ko." Sagot nito na kinatigil ko. Babaero kasi ito at ni isa sa babaeng nakakasama nito ay ni hindi nito nagiging girlfriend noon at sa nakikita ko, mukhang may babaeng nag patino na sa kaibigan kong napaka babaero.

"Wow, may pumatol pala sayo akalain mo yun." Ngising asar ko dito.

"May papatol talaga saakin kasi gwapo ako. Wala ka bang tiwala sa mukha ng kabigan mo?" pag darama nito saakin na kina irap ko. “ Wala, mukhang manloloko ka e.” Sagot ko dito na kinisimangot nito. “Grabe ka naman saakin, Ahh basta mukhang gwapo ako hindi mukhang manloloko.” Sagot nito.

"Napakayabang mo talaga, pero syempre gusto kong makilala yung babaeng nagpatibok sa puso ng bestfriend ko kaya ipapakilala mo ako dun ahh." Saad ko dito matapos ay ngumiti ako dito ng napaka aliwalas.

"Sure bukas, ida-date ko kayo saan mo ba gusto?" Tanong nito.

"Aba, bakit ako ang tinatanong mo dyan? Ang girlfriend mo ang tanungin mo makikisingit lang naman ako sa inyo no." saad ko dito

"All right, sabi mo e."

"So kamusta ang kambal?" Tanong nito maya maya.

"Okay lang, mga makukulit na." Nakangiting sagot ko dito matapos namin maupo sa isang tabi malapit dito sa park.

"Parang namiss ko tuloy sila." Bulong nito. Napangiti ako ng bahagya ng makitang lungkot sa bukha nito. Si franz kasi ang nag alaga saakin noon buntis ako sa kambal at nung araw na manganib ang buhay namin tatlo ng mga anak ko andyan siya at di niya kami iniwan. Super thankfull ako kasi binigyan ako ng dyos ng kaibigan na tulad niya. Siya ang tumayong sandalan ko bukod kay frey at ama ng kambal ko kahit pa alam ng mga anak ko na hindi si franz ang tunay nilang ama still hindi nag bago ang pakikitungo nila sa bawat isa.

"Namimiss na nga rin nila ang super papà nila e." Bulong na nag paparinig na naging dahilan ng pagtingin nito saakin.

"Talaga? Gusto ko tuloy silang makita at puntahan. Saan ba kayo nakatira? Para madalaw ko ang mga bata" Saad nito na tila masaya.

Parang hangin na nawala yung ngiti ko dahil sa tanong nito "ahm... ano kasi, h-hindi ko kasama ang kambal sa tinitirahan ko-" nakangiwing saad ko dito.

"What? Bakit?" Kunot noong tanong nito saakin.

"Kasi nahanap na ako ni kevin at natatakot ako na baka malaman niya ang tungkol sa kambal ko. Ang mga anak ko nalang ang meron ako ngayon at di ako papayag na pati sila ay mawala saakin. Franz mababaliw ako pag nangyari yun." Saad ko dito. Kasabay ng pagpatak ng luha ko. Naiintindihang tumango ito saakin siya ako marahan niyakap.

Kevin POV

"F*ck sh*t bro hanggang ngayon pala karibal mo pa din yang best friend ng asawa mo." Pangaasar ng kapatid niya sa kanya. Kanina pa kasi nila sinusundan si Rachell mula sa malayo. Gusto niya kasi na masigurong ligtas ang asawa sa kung ano mang kapahamakan nag hihintay pa sa kang asawa.

Minsan na itong muntik mapahamak at hindi na siya papayag na maulit muli iyun.

"Pwede manahimik ka dyan marvin, kung ayaw mong mag lakad pauwe ." Kunot noong saad niya dito nakangising nag taas ito ng mga kamay na tila sumusuko.

“Chill, to naman di mabiro.” Saad ng kapatid niya.

"May tiwala ako sa asawa ko, alam kong galit lang siya saakin pero ramdam ko mahal pa rin ako ni Rachell at gagawin ko ang lahat bumalik lang siya." Bulong niya habang nakatingin sa likod ng dalawang tao na may mga ngiti sa labing nagyayakapan.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.