Rachell POV
"Frey? Gising ka pa ba?" Alanganing tanong ko kay Frey pag kapasok ko sa kwarto nito.
Halos isang buwan ko nang hindi nakikita si kevin, hindi ko alam kung talaga bang napagod na siya kakahanap saakin o may iba pa siyang binabalak kaya di niya ako ginugulo ngyon ni hindi ko nga din maintindihan tong nararamdaman ko mag mula kasi ng di na siya nag paramdam, pakiramdam ko ang lungkot- lungkot ko na parang na mimiss ko siya na ewan. Pilit ko nalang sinasabi sa sarili ko na di ko dapat siya ma miss kasi galit ako sa kanya.
Galit na galit.
But at the end of day hindi ko naman maitatanggi sa sarili ko na mahal ko pa din naman ang lalaking yun. Siguro natabunan lang nga talaga ng galit yung nararamdaman ko para sa kanya, pero hindi mababago nito ang pag mamahal na nararamdaman ko para kay kevin.
"Please Rachell patulugin mo naman ako." Paos na reklamo nito saakin. Apat na linggo ko na rin kasi siyang iniistorbo. Sa tuwing mag mamadaling araw na kasi palagi nalang akong may hinahanap na kakaibang pagkain kahit alam ko naman na napakalabo na may mabili kami, i mean si Frey ng mga pag kain na gusto ko.
e sa iyun, yung hinahanap ng sikmura ko e.
"Pero frey... nagugutom ako." Bulong ko dito nasa tono ko ang pag mamakaawa. Ayoko sana siyang gisingin dahil ilang linggo ko na siyang iniistorbo kaso tinatamad akong lumabas pero nagugutom ako.
May hinala na ako sa mga sintomas na nararamdaman ko. Iisang lalaki lang naman ang gumalaw saakin at hindi malabong di mag karoon ng laman tong tyan ko dahil wala naman ginamit na protection si kevin nung may nangyari saamin, yun ang pag kaalala ko. plus the fact na katatapos lang ng regla ko nun. Sabi kasi nila kapag ang babe katatapos lang niregla at ginalaw ng isang lalaki may malaking posibilidad daw na mabuntis ito.
"Okay, fine. fine. Kung di kita kaibigan nilayasan na kita." Bangon nito mula sa pag kakadapa sa hinihigaan nito.
"Kaya nga mahal na mahal kita e." May kinang ang matang ngiti ko dito.
"Wag mo na akong bulahin anong gusto mong ipabili?" Saad nito bago humikab umakto naman akong nag iisip iniisip ko kung ano ba yung gusto kong kain ngayon.
Parang gusto kong kumain ngayon ng pakwan. hnmm
"Pakwan." Saad ko.
"Okay pakwan lang pala e." Saad nito na tila napaka dali lang ng ipapahanap ko.
"Yup pakwan na ang kulay ng loob ay puti samahan mo rin ng pintang kulay pula ang loob." Nakangiting saad ko dito ng tumayo ito natigilan ito sa sinabi ko.
"F*ck sh*t ka friend saan mo ako pag hahanapin nun?" Namomoblemang tanong nito saakin.
"Di ko alam, basta ayun ang gusto kong kainin ngayon nga pala yung walang buto ahh." Nakangiti ko pa ding Saad dito.
"Nakakapanggigil ka talaga Rachell, Ano bang meron dyan sa tyan mo ?Bakit ganyan mga gusto mong kainin!" Pag rereklamo nito. Pero kahit nag rereklamo ito ay kumilos pa din ito at nag bihis upang makaalis na.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng antok ng pumasok si Frey sa cr upang mag bihis. Hinayaan ko nalang ang sarili ko na lamunin ng antok.
Someone's POV
"Sa ano mang oras maaari silang sumugod sa atin kaya ang gusto ko maging handa ang bawat isa saating lahat." Saad nito sa mga kasama niya.
"Tama, kailangan di tayo maging kampante sa pagiging tahimik nila paniguradong may masamang plano nanaman ang grupong yun kaya nananahimik." Saad ng isa.
"Kaya nga wag kang mambabae ng mambabae maging focus ka sa misyon natin kung hindi babae alak naman ang inaatupag mo." Kunot noong saad ng isa sa mga kaibigan nila.
"Sorry di ko ma pigilan e, I love girls you know ." Nakangising sagot nito sa kaibiga.
"Sapakin kita dyan e-" aakmang susuntukin niya sana ito ng pigilan sila ng lalaking nakaupo sa dulo.
"Pwede ba kahit ngayon lang tigilan nyo ang mag bangayan. Kailangan natin mag focus dito. Kailangan kumilos na tayo ilang taon na ang nakakaraan pero hanggang ngayon di pa din nakakamit ng magina ko ang hustisyang para sa kanila. Hindi ako papayag na pagala gala pa ang taong pumatay at sumira ng pamilya ko." Saad nito sa lahat.
"Don't worry bro andito lang kami para mabigyan ng hustisya ng magina mo." Saad ng katabi nito na panay ang inom ng alak.
Napabuntong hininga nalang ito habang nakalapat sa labi niya ang labi ng basong may laman na alak at marahan itong ininom.