HIS PERSONAL MAID Chapter 21

The next morning, Karina felt better. Naigagalaw na niya ng mabuti ang katawan. Kaunti na lang ang pananakit ng katawaan niya. She felt light now. Siguro ay tumalab naman sa kanya ang gamot na binigay ni Winston. Hindi pa rin maiwasang sumama ang kanyang loob dahil sa ginawa nito kahapon. Wala na tuloy siyang cellphone ngayon para magamit. Importante pa man din 'yon sa kanya dahil ultimo iyon lang ang naipundar niya sa paghihirap niya na magtrabaho sa bar bilang waitress. Halos lahat kasi, napupunta sa malupit niyang tiyahin.

Tumayo siya mula sa pagkakahiga at kinuha ang basag basag niyang cellphone sa sahig. Mariin siyang napapikit habang nararamdaman ang pagpatak ng luha sa kanyang pisngi.

"Ang sama mo, Winston."

Kung gaano niya kagustong maniwala na may kabutihang itinatago si Winston, gano'n rin nito kino-kontra ang iniisip at paniniwala ni Karina sa kanya. Kung kailan naman pakiramdam niya ay medyo naglalapit na sila. Ngayon pa ito nangyari.

Napaiyak na lamang siya habang matiyagang pinupulot iyon.

Pumasok si Aling Sela sa kuwarto na may dalang breakfast.

"Hija, ako na riyan. Inutusan ako ni Sir Winston na linisin ang kuwarto mo. Magpahinga ka na dahil kagagaling mo lang sa lagnat," anito sa kanya.

Plastikadang ngumiti si Karina.

"Hindi na po, Manang Sela, kaya ko na ito. Personal maid naman niya ako kaya nga niya ito ginagawa sa akin." Mapait niyang sabi.

"Maupo ka nga, hija. Ano ba ang nangyari?" Pag-uusisa nito.

Bumuntong hininga si Karina. Gusto niyang magkwento pero hindi na makapagsalita pa ang bibig niya ng tungkol dito. What for? Tapos na iyon. Nasaktan na siya. Ayaw na niyang balik balikan pa.

"Wala ho, Manang," magalang na sagot niya

"Ang sabi ni Sir Winston, pagkatapos mong kumain ag uminom ng gamot, puntahan mo raw siya sa baba at may pupuntahan kayo.

Kumunot ang noo ni Karina. Pupuntahan? Wala naman silang pinag-usapan na pupuntahan.

"P-Po? Bakit daw po? Kagagaling ko lang, pakisabi na lang po sa kanya na hindi ako sasama. Baka mabinat ako." Pagdadahilan ni Karina.

"E, natatakot ako sa kanya, hija. Iba ang awra niya ngayon, e. Ang mabuti pa, ikaw na ang kumausap sa kanya nang mapag-usapan ninyo iyan ng masinsinan." Ngumiti si Manang Sela sa kanya saka hinagod ang kanyang likod.

"Ayaw ko po talaga." Umiwas ng tingin si Karina.

"Mas lalo iyong mag-aasal tigre, hija. Sige na, kumain ka na at uminom ng gamot nang tuluyan ka nang gumaling. Maiwan na muna kita dahil marami pa akong naiwang trabaho sa kusina."

Napabuntong hininga na lang si Karina. What is he planning to do this time? Ni hindi nga niya alam kung magaling na ako talaga o kung may lagnat pa ako tapos sasabihin niyang aalis kami? Okay lang ba siya? Pagwewelga ni Karina sa kanyang isipan.

Ilang minuto pa siyang pabalik balik na naglalakad sa kuwarto niya at pinag-iisipan kung pupuntahan ba niya si Winston sa baba o hindi na. Pero naalala niya, personal maid nga lang pala siya. It's her duty to follow and obey Winston kaya wala na siyang nagawa kundi ang puntahan na lang ito. Medyo okay na rin naman siya kaya kinaya na niya.

Pagkababa niya, tinuro agad siya ng isang maid sa pool area kung saan naghihintay si Winston. Nag-alangan pa siyang puntahan ito mamaya sa galit nito, maitulak pa siya sa pool. Erase erase, Karina. Hindi naman niya siguro gagawin iyon.

Nadatnan niyang nagbabasa ng libro si Winston habang naninigarilyo. Ke aga aga ay sigarilyo ang agahan nito. Napa-tsk agad si Karina sa kanyang isipan.

"Ano ang kailangan mo at ipinatawag mo ako?" palaban na tanong niya.

Isinara ni Winston ang libro na binabasa niya saka tiningnan si Karina ng mata sa mata. Malamig ang titig nito. Walang ekspresyon na mababasa sa kanyang mukha.

"What took you so long? I have been waiting for hours. Malapit ko nang matapos ang librong 'to kahihintay sa 'yo. My time is precious, Karina. You just wasted i—"

"Hindi ko naman sinabing hintayin mo ako, ah? Saka, wala namn tayong usapan na may pupuntahan tayo so don't blame me for wasting your time because it's your choice," diretsang sagot nito na sadyang nakapagpainit ng ulo ni Winston.

Nilagnat ka lang, Karina, naging palaban ka na, ah? Nakakatapang pala ang sopas na pinakain sa 'yo ni Winston? O, baka epekto 'yon ng gamot? Char!

Winston smirked.

"You are talking back now? I am your boss, Karina. Tandaan mo 'yan. Ikaw, personal maid ka lang kaya matuto kang lumugar!" singhal nito sa kanyang pagmumukha.

Again, nanikip ang kanyang dibdib habang pinagmamasdan si Winston na nakatingin sa kanya at nag-aapoy sa galit ang mga mata.

"Yes, I am just your maid. Pero sana, matuto ka rin na respetuhin ang personal kong buhay. My personal life isn't yours to interfere!"

Kanina, habang hindi pa siya nakakababa ay iniisip na ito ni Karina. She wants to quit. Babalik na lang siya sa bar at maghahanap ng mare-rentahan na apartment o boarding house na mura. She badly wants to stay, pero hindi na niya kakayanin pa kung ganito rin lang araw araw si Winston. Palaging hindi mabasa at paiba iba ng ugali.

"I have the access to your personal life because you are my personal maid! Bawat parte ng serbisyo at katawan mo ay binabayaran ko! Binabayaran kita, Karina. Hindi ka libre."

"No. Hindi na ngayon, Winston," mariing sagot ni Karina. Tagos hanggang buto niya ang mga salitang binitawan ni Winston. Bakit pagdating kay Winston ang dali niyang masaktan? Sobrang sakit, para siyang pinipiga, para siyang dinudurog.

"What are you talking about?" sarkastiko nitong tugon habang nakangisi pa.

Napalunok si Karina ng laway saka tiningnan si Winston ng mata sa mata.

"Because I'm going to quit. I resign, Winston. Ayaw ko na."

After saying those, tumalikod na siya kay Winston and started to walk away. Bawat hakbang niya ay naging masakit. Pilit siyang kino-kontra ng isipan niya na 'wag umalis. Na piliting manatili at magtiis para kay Winston at para sa buhay na pinapangarap niya na makamit pero masyado nang nasasaktan ang puso niya at kailangan na rin nito ng pahinga.

She heard Winston's sarcastic voice before she totally went away.

"I am expecting this, Karina. Wala kang pinagkaiba sa kanila. Iiwan mo rin ako."

Napatigil pa no'n si Karina sa paglalakad pero pinagpatuloy niya pa rin na umalis. She went inside her room and packed her things. Buo na ang desisyon niya. Aalis na lamang talaga siya. Pagod na siya. Nakakapagod. Hindi niya kayang magtagal.

Napatingin si Winston sa cellphone sa lamesa niya. He bought her a new phone as a sorry gift dahil nga hindi niya masabi ang salitang sorry sa harap nito so he just bought her a phone para sabihin that he felt really sorry for what he said at dala lang naman talaga 'yon ng init ng ulo at impulse niya pero wala na. Hindi na niya naibigay ng tuluyan. Umalis na ito. Katulad ng ibang naging mga personal maids niya, hindi rin nagtagal si Karina sa ugali niya. He admits, he has a bad temper at mabilis magbago ang mood niya lalo na kapag nakaka-trigger ang situation. Pero sa lahat ng naging personal maids niya, kay Karina lang siya na-attach ng ganito. It's so hard for him to let her slip away. But she already decided to leave him. Alam niyang may kasalanan siya. Pero takot siyang aminin 'yon sa sarili niya. He admits he has a bad temper, na akala niya matatagalan ni Karina. Akala niya lang iyon.

Sa inis niya ay nasipa niya ang lamesa sa kanyang harapan dahilan para matumba ito at mahulog ang cellphone. Dumiretso iyon sa pool. He didn't mind it as long as nailalabas niya ang sama ng loob niya. Ayaw rin niyang maghabol kay Karina because of his pride. He is a billionare. He can get what he wants. Alam niyang babalik rin si Karina kapag nahirapan na ito.

Mabilis na nag-empake si Karina. Paglabas niya ay pinagtinginan pa siya ng mga maids at body guards ni Winston dahil sa dami ng dala niyang gamit.

"Saan ka pupunta, Miss? Mag-a-out of town ka ba?" Simpleng nag-biro si Marky. Body guard ni Winston.

Ngumiti lang si Karina sa kanya.

"Hindi, Marky. Aalis na ako. Salamat sa inyo."

Nagulat si Marco sa isinagot nito.

"Ano? Anong aalis? Did you resign?"

Tumango lang si Karina.

"Wala talagang tumatagal kay Sir Winston, akala ko nga ikaw na 'yon, e." Umiling iling si Marky na tila nasasayangan.

"Halika, tulungan na kita. Akin na 'yang maleta mo."

Napangiti si Karina sa sinabi nito. Kahit paano, hindi naman pala gaanong nahawaan si Marky ng kasungitan ng boss niya.

"Salamat, Marky."

Muling tiningnan ni Karina ang buong mansyon sa huling pagkakataon. Kahit papaano, madami siyang alaala rito. Mapait siyang napangiti. Nagimg parte na ng buhay niya ang bahay sa maikling panahon pero kailangan na niyang mamaalam.

Tumalikod na siya para humakbang palabas ng bahay nang may magsalita.

"Hija? Aalis ka?" Si Aling Sela.

Malungkot ang boses nito.

Humarap sa kanya si Karina. Nilapitan niya ito saka niyakap.

"Opo, Manang," tapat na sagot ni Karina.

"Pero bakit? Hindi mo ba kaya si Sir Winston? Please, hija, h'wag kang umalis. Kailangan ka ni Sir." Pagmamakaawa nito.

Nalungkot ulit si Karina. Hindi Manang Sela, e. Hindi naman niya ako kailangan. Hindi ko 'yon maramdaman. Isa pa, she can replace me any time he wants to.

"Nakapagdesisyon na po ako, Manang. H'wag kang mag-alala. Makakahanap rin po ng kapalit si Sir Winston."

Mabigat man sa kalooban, pero niyakap niya si Aling Sela sa huling pagkakataon saka na nagsimulang maglakad papalabas at palayo sa bahay ng mga Miller.

"Okay na ba ang lahat, Miss Karina?" tanong ni Marky sa kanya. Plano niyang ihatid na lang si Karina sa kung saan man nito balak pumunta para makabawi man lang kahit sa huling pagkakataon.

"Oo, Marky. Maraming salamat." Binaling na lang ni Karina ang atensyon sa labas ng bintana.

"Saan tayo?" tanong ni Marky.

"Ihatid mo ako sa tiyahin ko, Marky," maiksi na sagot ng dalaga.

Nabingi pa ng kaunti si Marky.

"Ha? Sigurado ka ba? Nako! Hindi 'yan magandang ideya, Miss Karina."

"Ayos lang. Kaya ko na ito, Marky. Basta, ihatid mo lang ako doon. At ako na ang bahala sa sarili ko."

Nagkibit-balikat na lang si Marky. Wala naman siyang magagawa. Si Karina na ang nag-utos at nagmamaneho lang naman siya.

Huminto sa tapat ng bahay nina Karina ang kotse. Sa labas, natanaw na agad niya ang Tiya Alicia niya na nagsusugal kasama ang mga amiga nito. Nag-aalangan man ay pinilit niya ang sarili na lakasan ang loob para bumaba.

"Okay ka na ba, Miss Karina? Dito ka na lang ba talaga?" muling tanong ni Marky sa kanya na duda talaga sa planong ito ni Karina.

Tumango lang si Karina. Tinulungan siya ni Marky na ibaba ang mga gamit.

Napatingin agad sa direksyon nila ang Tiya Alicia niya dahil ito ang pangalawang beses na may nahintong kotse dito sa kanila. Mukhang yayamanin.

"Tiya Alicia," mahinang sabi ni Karina nang makaalis na si Marky.

"Oh, bumalik na pala ang natatangi mong pamangkin, Alicia! Ipaghanda mo naman ng makakain!" sarkastikong sabi ng kaibigan ng kanyang tiyahin.

Yumupyop ng yosi ang tiyahin niya saka inayos ang kanyang baraha. Tiningnan nito ng masama si Karina.

"Bakit ka pa umuwi? Siguro, hindi naging maganda ang takbo ng buhay mo 'no? Iyan ang bagay sa mga babaeng tulad mo na mababa ang lipad! Natulad ka pa kay Magdalena! Hala, sige! Pumasok ka na doon at maglinis ka ng bahay! Hanggang ngayon, wala kang kwenta! Mabuti naman, bumalik ka nang may magbigay sa akin ng pera!" Dinuro duro pa siya nito sa noo.

Impit na lang na napaiyak si Karina sa masasakit na salitang ibinigay sa kanya ng tiyahin niya. Hindi pa rin talaga ito nagbabago. Wala na yatang magandang nangyari sa buhay niya. Mukhang tama nga ang tiyahin niya, matutulad lang siya kay Magdalena, sawing palad at mababa ang lipad.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.