HIS PERSONAL MAID Chapter 22

Gawa ng pag-aalala ni Evo, he rushed into he Miller's residence kinaumagahan agad para bisitahin si Karina at dalhan ito ng prutas at flowers. Inamoy amoy pa niya ang mga bulaklak habang papasok sa loob ng bahay ng mga Miller's. He parked his car inside the miller's garage, sa sobrang laki ng garahe nila, kahit pa siguro benteng kotse, kasya rito. Isa pa, they own different brands of luxurious cars doon.

Sinalubong agad siya ng mga body guards ni Winston pagpasok sa loob. Kalahati sa body guards nito ay nakabantay sa labas ng bahay at ang kalahati ay ang sumusnod at nagbabantay sa kanya to keep him safe.

"Where is WInton?" he asked them.

"At the pool area, Sir," maagap na sagot ng isa sa mga body guards.

Napatingin silang lahat sa bulaklak na hawak nito.

"Ganda ng boquet, Sir, ah? Para kay manang Sela ba 'yan?" Nakangising asar ng isa.

Sabay na nagtawanan silang lahat.

"Sira ulo ka talaga, Marky. Syempre naman, hindi!"

Kilala ni Evo si Marky dahil isa ito sa pinakamalapit na body guard kay Winston.

"E, para kanino po? Wala namang dalaga dito bukod kay Karina, ay umalis na nga pala siya."

Natigilan si Evo nang marinig iyon sto he stopped from totally entering the mansion.

"What did you say? Umalis si Karina?" Hindi niya napigilan ang sarili na magtanong.

"Yes, Sir. Wala kaming idea kung bakit." Nagkibit-bailikat ito.

Whatever the reason is, kailangan niya iyong malaman. He needs to confront WInston today dahil nandito na rin naman siya.

Dumiretso siya sa pool area kung nasaan si Winston. Halos kasing laki ng olympic pool ang swimming pool nina WInston. Kahit buong barangay pa siguro ang mag-swimming ay kakasya rito.

He saw Winston feeling the shade undera palm tree. Nakasuot ito ng shades habang nagre-relax.

"Bro!" Bungad ni Evo sa kanya.

Kunot noo niyang tinanggal ang suot niyang shades saka saka napabangon ng mabilis. He knows that it was Evo who came at mukhang alam din niya ang dahilan kung bakit ito naririto.

"Don't tell me you came here for Karina?" he coldy asked.

Ipinatong ni Evo ang boquet sa lamesa saka ang dala niyang isang basket ng fruits.

"Yes, Bro. I as worried about her nang malaman kong nagkasakit siya. Pero, ano iyong sinabi sa 'kin ni Marky na umalis na daw si Karina?"

Winston just tsked.

"Marky is really nosy. Wala na si Karina. She's not working for me anymore because she resigned," walang gana niyang sagot saka isinuot ulit ang shades niya.

"What? E, may sakit pa siya, why did you let her leave?" nag-aalalang tanong nito.

"Kagagaling niya lang kanina. Let's not talk about people who leaves, bro."

Gustong sabihin ni Winston sa best friend niya na isa rin ito sa mga dahilan kuung bakiit naging marahas siya kay Karina pero hindi niya ito masabi.

"The heck, Bro! Kagagaling lang pala, paano kung mabinat 'yon? Do you know her address? Pupuntahan ko siya."

"Stop cocncerning yourself to people you don't know, Evo. Specially to people who are not on our level."

Hindi nagustohan ni Evo ang naging tabas ng dila ni Winston.

"No, bro. Karina is different. At sigurado ako na kung bumalik siya sa kanila, pahihirapan siya ng doble ng tiyahin niya ngayon. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagre-resign niya pero sana, sana lang, bro hindi mo siya sinaktan."

That hit Winston. Sa galit niya ay hindi na niya naisip ang maaaring sapitin ni Karina sa pagbabalik nito sa tiyahin niya. Naalala niyang bigla ang umiiyak nitong mga mata. Punoiyon ng sakit, puno ng pagdaramdam. Nakita niya iyon pero nabulag siya ng galit.

"Ano? Wala ka man lang gagawin to save her? Kung ayaw mo, ako na lang."

Hindi na nag-atubili pa si Evo na umaliis dahil mukhang wala siyang mapapala kay Winston. Matigas talaga ang puso nito. Hindi na siya puwedeng mapatumpik tumpik pa dahil baka ano mang oras ay naghihirap na si Karina. He can't let them hurt her again. Tama na ang lahat ng pinagdaanan nito.

He asked Winston's body guards outside kung may isa man sa kanilang nakakaalam ng address man lang ni Karina at hindi naman siya nabigo.

"Ako, Sir. I know her address dahil ako ang naghatid sa kanya," sagot ni Marky.

Kahit papaano ay may pakinabang naman pala itong si Marku. May kwenta ang pagiging maingay nito.

"Thanks, Marky. Write down the address on this paper." Saka inilabas ni Evo ang isang maliit na pirao ng papel at isang ballpen to write down Karina's address.

Evo drive in to Karina's location. Halos kasing bilis ng kidlat ang speed niya dahil kailangan niyang patakbuhin ang kotse ng mabilis kung gusto niya talagang maabutan pa si Karina nang hindi nasasaktan.

Hindi siya mapakali, hindi hangga't hindi niya makitang ayos ang lagay ng dalaga. He's more than worried dahil kagagaling lang pala nito sa lagnat ang puwede siyang mabinat at lagnatin ulit kapag nagpagod siya. Knowing how ruthless her aunt is.

Pagdating sa address na nakasulat sa maliit na papel na 'yon, ni-park niya ang kanyang kotse sa gilid. Nadatanan niyang nagsusugal sa labas ng bahay ang kumpulan ng limang babae na naglalaro sa isang pabilog na lamesa. Inisip niya agad na baka isa rito ang tiyahin ni Karina.

"Sino iyang lalaki, mare? Mukhang yayamanin, ang gara ng kotse!" buong ng isa sa mga amiga ng tiya ni Karina..

"Hindi ko alam, Mare, pero kung madatung, sana naman boypren na lang ni Karina nang mapakinabangan ko naman ang hipokritang 'yon!"

Evo cleared his throat para matigil sa pagbubulungan ang dalawa. Kahit kasi nakabulong ang mga ito, rinig na rinig niya.

"Excuse me po, sino po sa inyo ang Tita ni Karina de Joseph?"

Isang mataray na babae ang dumura pa sa isang gilid saka yumupyop ng yosi nito.

"Ako, bakit? Sino ka ba at hinahanap mo ang pamangkin ko?"

"K-Kaibigan niya po ako."

Tumaas agad ang kilay ng Tiya Alicia ni Karina.

"Kaibigan ka lang ba talaga?" taas kilay na tanong nito.

"O-Opo, nandiyan po ba siya?" tanong ni Evo at nagbabak-sakali na may makuhang matinong sagot mula kay sa tiyahin ni Karina.

Tumikhim muna ito bago nagsalita.

"Wala!" singhal niya sa binata.

"Tumatanggap naman po siguro kayo ng cheke?"

Napalunok ng laway ang tiya ni Karina. Parang nabingi yata ito sa sinabi ni Evo.

"Hah! A-Anong akala mo sa akin? M-Mukhang pera?! M-Magkano ba 'yan?!" nakapamewang nitong tanong.

"Twenty thousand pesos lang naman po." Inilabas ni Evo mula sa kanyang bulsa ang cheke. He knows how to handle people like Karina's aunt. Madaling mabili ang mga taong mukhang pera.

Namilog pati ang mga mata ng kasamahan nito. Bumulong pa sa kanya ang isa.

"Mare, ang laki no'n. Kunin mo na!"

"Ano ba, tahimik! Diskarte ko 'to!" suway ng tiyahin ni Karina.

"Ehem, hindi mo ba puwedeng mahilot hanggang trenta mil?"

Ngumisi si Evo. Talagang humirit pa ito. Napailing iling na lang siya sa kapal ng mukha ng tiyahin ni Karina. Kung gaano kabait ang dalaga, gano'n naman kasama ang ugali ng tiyahin nito.

"Walang problema. So, nariyan ba si Karina?" tanong ni Evo.

"Oo, nandito siya. Sandali, tatawagin ko lang."

Kumaripas ng pasok si Aling Alicia sa loob ng mumunting bahay nila. Nadatnan niyang nagkukuskos ng lababo ang pamangkin niya.

"Pst! Karina! Itigil mo 'yan! Magpaganda ka! May naghihintay sa 'yo sa labas! Nagbayad na sa akin ng trenta mil. Magdamit ka ng disente, bilisan mo!"

Pakiramdam ni Karina, binibenta na siya ng mukhang pera niyang tiyahin. Sandali pa siyang natigilan.

"Po? Ayaw ko po. H'wag niyo po akong ibugaw." Pagmamakaawa niya.

"Gaga ka ba?! Chance mo na 'to na makaahon sa hirap! Bilisan mo na bago pa kita makaladkad!"

Sa takot ng dalaga, napaiyak na lang siya habang sapilitang pinag-empake ng malupit niyang tiyahin. Pagkatapos niyon ay lumabas na sila. Hindi niya inasahan ang lalaking makikita niya sa labas.

Saglit siyang natigilan ng makita ito.

"E-Evo?!" Nagulat si Karina saka napayakap kay Evo.

Pakiramdam niya ay safe na siya gayong nandito na si Evo.

"Karina! How are you?!"

"O-Okay ako, Evo. I-Ikaw ba ang sinasabi ni Tiya Alicia?" bulong ni Karina saka kumalas sa yakap.

"Oo, ako nga. Binayaran ko siya para sa 'yo. Mukhang iyon na lang ang paraan para pakawalan ka niya, e." Napakamot ng ulo si Evo.

"Hoy, ikaw. Ibalik mo iyang si Karina, ha! Kulang pa itong bayad mo kapag nawala iyan!" singhal nito habang nakapamewang.

They were about to leave. Sasakay na sana si Karina sa loob ng sasakyan ni Evo nang biglang may humigit ng kanyang kamay. Dahan dahan niyang tiningnan kung sino itong lapastangang pumigil sa kanya. Sabay pa silang napatingin ni Evo.

"W-Winston?"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.