HIS VILE CRAVING (A Tagalog Story) Chapter 20

"GOD! Bakit ko ba nagawa 'yon?" frustrated na saad in Aki sa sarili habang nakahiga sa kama at nakatingala sa kisame. "Bakit kasi may pa-haplos haplos pa akong nalalaman?! Baka bigyan n'ya pa 'yon ng kahulugan. E, naaawa lang naman ako sa kan'ya," kausap pa ni Aki sa sarili habang hindi maalis-alis sa isipan ang ginawa kani-kanina lang.

Aywan rin niya alam kung bakit wirdo ang naging epekto sa kan'ya nang makitang may tinamong bukol ang dalaga. Bigla-bigla nakaramdam siya ng matinding pag-aalala. Kaya naman pakiramdam niya sa sarili kanina ay para siyang ibang tao.

"Shit! Nakainom lang ako kaya gan'on! No way! Naawa lang talaga ko sa kan'ya!" giit pa niya sa sarili habang panay ang iling.

Totoong nakaramdam siya ng awa matapos makita ang bukol sa noo ni Kiah. Ang buong akala niya, hindi ito sinaktan ni Melody at pinagsabihan lang. Nalaman niyang nagkaharap ang dalawa nang magkita sila ni

Melody sa bar kung saan sila nagkayayaang mag-inom ng mga kasamahan.

Ang sabi lang sa kan'ya ni Melody, kinausap lang nito si Kiah tungkol sa pamamasukansa kaniya. Sinabi pa nitong pinagbilinan lang nito ang babae na ayusin ang pagtatrabaho. Pero hindi naman akalain ni Aki na gan'on pala ang ginawa nito.

You will pay for this, goddamn bitch!

Oo, alam niyang no'ng una pa lang ay mainit na ang dugo ni Melody kay Kiah. Nagseselos kasi ito sa babae. Hindi lang 'yon, madalas rin siyang pagbintangan ni Melody na hindi lang daw kutulong ang papel ni Kiah, kung hindi gumagawa rin daw sila ng milagro nito. What the fuck?

Kung tutuusin, wala naman silang relasyon ni Melody o sa kahit na kaninong babae na naka-partner n'ya sa kama. Pero si Melody ang pinaka-proprietorial sa lahat. Daig pa nito ang asawa kung umasta, na naging dahilan naman para ayawan niya ito. Pero hindi yata uso ang delikadesa rito.

Hays! Makatulog na nga! Nababawasan ang gandang lalaki ko 'pag kulang ako sa tulog!

Inis na ibinaon ni Akihiro ang mukha sa malambot na kama. Bukas na lang n'ya aayusin ang gusot sa pagitan ni Kiah at Melody. Sa tingin din niya, kailangan na n'yang magbawas ng basura. Masyado nang nagiging toxic sa buhay n'ya si Melody.

For now, he badly wants to sleep. Hindi pa naman maganda sa kan'ya ang napupuyat. Nawawala ang gandang-lalaki niya.

• • •

"Masakit pa ba ang bukol mo, Kiah?"

Naudlot ang sana'y paghahanda ni Kiah ng mga kubyertos nang marinig ang boses ng lalaki. Nilingon niya ito at nakita niyang nakatayo ang amo sa may hamba ng pinto ng kusina. Magka-ekis ang braso sa dibdib at mukhang bagong ligo na.

"Ay Sir! Nar'yan na po pala kayo," nakangiting turan niya sa lalaki. Ang gwapo-gwapo naman ni Sir, isip-isip ni Kiah. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng kilig habang pinagmamasdan ito. "Huwag po kayong mag-alala, Sir. Ayos lang po ito, saka nalagyan ko na ito ng yelo kahapon kaya medyo umimpis na," paliwanag niya na sinamahan pa ng ngiti.

"Are you sure?"

"Opo," agad na sagot niya pagkatapos ay iminuwestra ang hapag. "'Lika na, Sir Aki. Kain na po tayo," alok niya pa rito.

"Okay. Basta 'pag nakaramdam ka ng anuman, tell me. Pupunta tayong doktor," sabi nito at saka naupo na sa hapag. "Ang again, I'm sorry for what happen, Kiah. Talagang selosa ang babaeng 'yon, e!"

Umiling si Kiah sa lalaki saka bahagyang ngumiti. "Naku, Sir! Wala po kayong dapat ihingi ng tawad. Ayos na po iyon. At saka naiintindihan ko po si Ma'am Melody. Mahal lang po kayo ng nobya niyo kaya siya ganoon," sagot niya saka nagsimulang magsandok ng pagkain.

Totoo naman iyon. Hindi iyong malaking isyu para kay Kiah. Isa pa, ayaw na niyang palalain pa ang sitwasyon. Ayaw niyang mag-away ang mga ito dahil sa kaniya. Bukol lang naman iyon at malayo sa bituka. Pero huwag lang uulitin, Ma'am Melody! Dahil kapag naulit pa, hindi na ako mangangakong mapaoalampas ko pa.

"Nope. She's not my girlfriend."

"Sir?" maang na tanong pa ni Kiah. Bigla ay bumalik siya sa huwisyo nang marinig iyon. Hindi nobya pero nagpupunta sa bahay ni Sir at ang lambing-lambing? Maaari pala ang ganoon? isip-isip niya. Palibhasa laking probinsya si Kiah, wala siyang kaalam-alam sa mga ganoong bagay.

Samantalang sinulyapan naman ni Akihiro si Kiah dahil bakas ang pagtataka at kainosentehan sa mukha nito. Well, hindi n'ya masisisi ito. Laking probinsya ito at marahil ay hindi alam ang salitang fling.

"'Wag mo nang isipin 'yon, Kiah. Finish your food at may pupuntahan tayo," aniya saka tumayo na. Wala siyang ganang kumain dahil hindi rin naman siya makapag-focus. Parang x-ray kasi ang mata niya habang nakatunghay sa babaeng walang suot na bra. Kaya't bago pa magising si Polaris ay tumayo na siya. Mahirap na, baka hindi siya makapagpigil.

"Sir? Bakit po? Saan tayo pupunta?" clueless pang tanong nito sa kan'ya.

"Basta, mamaya mo malalaman," tugon pa ni Akihiro at saka pumihit na patalikod. Pero muli siyang bumaling kay Kiah nang may maalalang isang bagay. Hindi talaga siya mapapanatag pati si Polaris 'pag hindi niya nalaman ang sagot doon.

"N-nag-susuot ka naman ng undies 'pag umaalis, 'di ba?" diretsa n'yang tanong sa babae. Gustong pa nga niyang sampalin ang sarili dahil pakiramdam niya, siya ang nahihiya ng sabihin iyon.

Fuck! Sanay na sanay akong magtanggal at magbalik ng bra gamit ang isang daliri! Pero pagdating sa kan'ya, itatanong ko lang, nahihiya pa ko? Shit! This is not me!

"O-opo Sir Aki."

• • •

"SO hija, are you Maria Hezekiah Delgado?" tanong ng may-edad na lalaki kay Kiah. Mukha itong mabait at kagalang-galang.

"Opo Sir," kabado ngunit magalang naman na sagot ni Hezekiah.

Ang totoo'y walang siyang ideya kung bakit siya dinala ni Akihiro sa pinagtatrabahuhan nito. Ang sabi lamang nito'y may taong kakausap sa kaniya. At sa kanyang palagay ay ang lalaking kaharap niya ngayon ang tinutukoy ng amo.

"I'm Mr. Dominguez. Sa akin nagtatrabaho ang amo mong si Akihiro Tetsuya," pormal na pagpapakilala nito sa kaniya sabay abot ng palad upang makipagkamay.

Kaagad naman iyong inabot ni Kiah. "Masaya po akong makilala kayo, Mr. Dominguez," aniya habang nakangiti sa kaharap.

"Okay hija, siguro ay nagtataka kung bakit ka nandito ngayon, ano?" Tumango naman si Kiah bilang sagot. "Nasabi ni Agent Tetsuya na isa ka raw sa mga babaeng nailigtas niya sa The Hidden Paradise at kinukop, pagkatapos ay binigyan ng trabaho. At kaya ka naririto dahil ang aming foundation ay naghahanap ng mga out-of-school youth na bibigyan namin ng scholarship upang makapag-aral. Huwag ka sanang ma-o-offend hija, pero ang sabi ni Agent Tetsuya ay highschool lamang ang natapos mo. Kaya ikaw ang irekomenda niya sa aking bigyan ng scholarship," ani Mr. Dominguez na ikinasinghap ni Kiah.

Nanlalaki rin ang mga mata niya at halos hindi makapaniwala dahil sa mga narinig. Hindi niya lubos maisip na ang pangarap niyang makapag-aral muli ay magkakatotoo. Pangarap kasi niya talagang makapagtapos kahit bokasyonal lamang pero dahil sa maagang naulila sa ama at kapos sa pera ay isinantabi na lamang niya ang pangarap at inuna ang pagtatrabaho para sa kanyang Nanay at mga kapatid.

"T-totoo po ba ang sinasabi niyo, Mr. Dominguez?" puno ng pagkasabik na tanong pa ni Kiah. Punong-puno ng balak ang kanyang dibdib ng mga sandaling iyon.

"Yes hija, totoo ang narinig mo."

Diyos ko! Maraming salamat, Panginoon ko! "Maraming salamat po, Sir! Hindi ko po akalain na matutupad na ang pangarap kong makapag-aral muli!" bulalas ni Kiah. Hindi rin niya mapigilang maiyak dahil sa napakagandang pangyayari ngayon sa buhay niya. Matutulungan ko na rin ng maayos ang Nanay at mga kapatid ko!

"Natutuwa ako dahil matutulungan ko ang gaya mo, hija. H'wag ka nang umiyak."

"O-opo Sir, opo," ani Kiah sabay punas ng luha.

Nginitian naman siya ni Mr. Dominguez. "Matanong nga kita, hija. Ano ba ang nais mong kuning course sa kolehiyo?"

Hilam man ng luha ang mga mata, ginawaran ni Kiah ng matamis na ngiti ang kaharap. "Pangarap ko pong maging isang guro, noon pang bata ako, Sir."

Tumango-tango naman si Mr. Dominguez sa kaniya. "Magandang kurso 'yan, hija. Sa tingin ko'y magiging mahusay kang guro balang-araw," komento pa nito.

Lalo namang lumapad ang pagkakangiti ni Kiah dahil sa narinig. Wala pa man ay parang nakikita na niya amg sariling nakasuot ng itim na toga at may kipkip na diploma.

"Maraming maraming salamat po ulit, Mr. Dominguez sa napakagandang oportunidad na ito. Ipangangangako kong hindi ko kayo bibiguin," puno ng sinseridad na saad pa niya sa matanda.

"Aasahan ko 'yan, Ms. Delgado."

• • •

"Sir Akihiro!"

Mula sa pagbabasa ng magazine ay nilingon ni Akihiro ang pinanggalingan niyon. Naroon siya sa waiting area sa labas ng opisina ni Mr. Dominguez at hinihintay na matapos ang interview ni Kiah sa kanilang big boss. Dinala kasi niya ito sa DISG para ipasok sa scholarship na tinutukoy ni Mr. Dominguez sa kanilang meeting last time.

"Kiah, kumusta ang interview?" tanong ni Aki sa babae ng makalapit. Bakas sa mukha nito ang matinding saya habang pinagmamasdan niya. Nagulat pa siya at nakaramdam ng kaba nang bigla siyang yakapin ng babae. Tuloy ay naramdaman niya ang malusog nitong dibdib nitong lumapat sa kan'ya.

Fuck shit! Ano ba naman, Hezekiah!

"Sir Aki, maraming salamat po sa inyo! Kung hindi ko kayo nakilala ay hindi ako magkakaroon ng magandang oportunidad!" bulalas ni Kiah habang yakap-yakap siya.

"You don't need to thank me dahil deserved mo 'yon, Kiah" ani Akihiro at saka pasimpleng tinanggal ang pagkakayapos nito sa kan'ya.

Hindi kasi niya gusto ang kaba na nararamdan niya ng mga sandaling 'yon. Isa pa'y pinagtitinginan na sila ng ilang kasamahang empleyado roon.  He also secretly wish na sana ay hindi 'yon makita ni Heinz. Sure kasi siyang aasarin na naman siya ng gago.

"Sir, para po kayong anghel na nagkatawang-tao at nagbigay ng swerte sa buhay ko. . ." madamdaming saad ni Kiah habang matamang nakatitig sa kan'ya.

Hindi naman nakapag-react si Aki nang marinig iyon. Si Kiah lang kasi ang kauna-unahang babae na nagsabi sa kan'ya niyon. Pakiramdam tuloy niya, hinaplos ng mainit na palad ang kanyang puso. Pero kasabay niyon ay ang pagtataka kung bakit tanging si Kiah lang may may kakayahang makapag-dulot sa kan'ya ng gan'ong pakiramdam.

Ano'ng mayr'on sa'yo, Kiah? Ano ba ang ibig sabihin ng bwisit na pakiramdam na 'to? pipi niyang tanong sa sarili habang nakatingin sa napakasayang mukha nito.

"Kups! Kanina pa kita hinahanap, nandyan ka lang pala."

Fuck! Lihim na napamura si Akihiro nang marinig ang pagtawag ni Heinz sa kaniya. Nilingon niya ang matalik na kaibigan na papunta sa direksyon nila, at gan'on na lang ang inis niya nang makitang nakangisi ito habang pasimpleng pinagmamasdan si Kiah. Iba na naman ang nasa isip ng gagong 'to!

"Ba't may kailangan ka?" tanong niya saka sinamaan ng tingin ang lalaki. Kilala n'ya ang ungas na kaibigan. Sure siyang kung anu-ano na namang iniisip nito sa kan'ya ng mga oras na 'yon.

"Oo. Itatanong ko lang sana kumain na kayo. Gusto ko kasi sanang makakwentuhan ang babaeng magpapatino, este ang magandang babae na kasama mo," anang Heinz pagkatapos ay ngumiti ng malapad sa kan'ya.

Gusto sana n'ya itong sapukin dahil obvious na nang-aasar lang ang hinayupak, pero dahil kaharap niya si Kiah ay ngumisi na lang siya rito. "Okay, let's go! Thank you at manlilibre ang kuripot na 'tulad mo," saad niyang nang-aasar saka iginiya si Kiah upang mauna nang maglakad. At nang tumalikod ang babae ay nilingon niya si Heinz saka nag-dirty finger na tinawan lang nito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.