HIS VILE CRAVING (A Tagalog Story) Chapter 27

"I THOUGHT, you wouldn't call me back e!"

Pilyo namang ngumisi si Akihiro kay Belinda na noon ay tila sawang nakalingkis sa kanyang mga braso ng oras na iyon. Nagsasawa na kasi siya sa iba niyang partners in bed kaya ito naman ang naisip niyang tawagan. Besides, hindi natuloy ang sex nila last time dahil sa emergency call ni Kiah.

"Pwede ba naman, 'yon? E, naudlot na nga last time. But don't worry, babawi ako sa'yo." Kumindat pa siya rito bago muling sumimsim ng alak sa wine glass. Nasa The Marcello sila ni Belinda ng mga oras ma 'yon kung saan n'ya ito nakita no'ng huli.

Matamis namang ngumiti si Belinda saka hinaplos-haplos pa ang matipunong dibdib niya. "I would love that, Sweetie" anas n'ya pa sa mismong tenga ng lalaki. "So, let's go? I badly wants to taste you, Akihiro." Kasabay niyon ay dinilaan pa ang punong-tenga niya.

Binigyan naman ni Aki ng matamis na ngiti ang babae saka hinapit ito sa baywang. "Okay, Sweetie. Ubusin ko lang 'to," turo n'ya sa bote ng brandy. Wala pang kalahati ang nababawas niya sa maliit ng bote ng alak na iyon.

"Marami pa 'yan, o? Do you have a plan to get drunk?" Nakasimangot pa si Belinda pagkasabi niyon.

"Anong marami? Kaunti lang 'yan, 'no? Saka 'd ako malalasing sa gan'yan," natatawa namang tugon niya sa babae saka muling sumimsim ng alak sa baso.

"Do you have a problem, Sweetie?" usisa pa nito sa kan'ya na halos kulang na lang ay ingudngod nito ang dibdib sa kaniya. Nakasuot kasi ito ng floral tube dress na halos nipples na lang nito ang natatakpan. Sobrang ikli din ng tabas niyon na parang isang dangkal lang ang haba sa hita nito.

Hindi malaman ni Aki kung bakit biglang pumasok sa isip niya ang nangyari sa pagitan nila ni Kiah no'ng sunduin niya ito. Hanggang sa makabalik kasi siya sa trabaho ay hindi man lang sila nagkibuan ng babae. May palagay siyang nagalit rin ito sa inasal niya kanina.

Ano ba kasing nangyayari sa'kin? Bakit ba biglang nagbago ang mood ko nang makita kong kasama n'ya ang Gavin na 'yon?" piping tanong ni Aki sa sarili habang sumisimsim ng alak.

Kanina kasi noong papunta siya sa university upang sunduin si Kiah ay good mood naman siya. Pero no'ng maabutan niyang masayang nag-uusap si Kiah at ang Gavin na 'yon sa tapat ng gate ay nagbago ang timpla niya. He doesn't know why, pero no'ng makita niya ang tagpong 'yon ay uminit ang kanyang ulo.

Isa pa, nainis di niya nang marinig niyang 'Gavin' lang ang itinawag ni Kiah dito na para bang close na close na sila. Samantalang siya, kung hindi may Sir, may po at opo naman ito kung tawagin. Goddammit! Hindi naman 'yon ang gusto niyang itawag nito sa kan'ya. Ayaw n'ya ng masyadong pormal dahil tunog matanda iyon. What the fuck? Twenty-six years old pa lang siya, napakabata pa, ubod ng gwapo, at matinik sa kama.

Feeling tuloy niya, para siyang bata na inagawan ng candy at nag-tantrums. Hindi pa s'ya nagkaganoon sa tanang-buhay niya. Iyon pang feeling niya, natalo siya ng walang kalaban sa isang ubod ng walang kwentang tao.

"Why are you so quiet?" untag ni Belinda na siguro ay sa matagal na niyang pananahimik.

"Wala, may naisip lang." Umiling pa siya at sinamahan ng ngiti nang sumagot. Matapos niyon ay pinagmasadan niya sandali si Belinda at nag-isip. "Pwede bang next time na lang ulit tayo magkita? Naalala kong may pupuntahan pa pala 'ko."

Bigla kasi niyang nawala sa mood na makipag-sex sa babae, sa hindi niya malamang dahilan. At isa malaking himala para sa kaniya. Wala pa siyang tinatanggihang babae basta game makipag-sex.

Fuckshit! Hindi ikaw 'to, Akihiro! Hindi ikaw 'to! sita ni Akihiro sa kanyang sarili.

Awtomatikong sumama naman ang mukha ni Belinda nang marinig iyon saka padabog na tumayo. "What the fuck! Ang sabihin mo lang, wala ka sa mood! Fuck you!" singhal pa nito saka nagmartsa palayo sa kan'ya.

Sinundan na lang ng tingin ni Aki ang papalayong babae saka umiling-iling, pagkatapos ay muli niyang binalingan ang bartender doon. "One bottle of brandy, please?"

"Yes, Sir! Right away."

"Thanks!"

He doesn't know why he wanted to get drunk. Basta pakiramdam lang niya, kailangan ng alak ang kanyang sistema. He needed alcohol, and not sex as he thought.

Nang makaramdam ng pagkahilo ay nagpasya nang umuwi si Aki. At kahit nga pakiramdam niya ay umiikot ang paningin niya, nagawa pa rin niyang makapag-drive nang hindi nababangga.

Well, madalas naman siyang ganoon. Lalo na kapag inaabot siya ng madaling-araw sa pagpa-party. Pinipilit pa rin kasi niyang umuwi kahit na lasing. Ayaw niyang matulog sa kahit sino, lalo na sa babae. Mahirap na, mapikot pa siya.

Nang marating ang unit ay agad niyang binuksan ang front door gamit ang keycard. Pasuray-suray siyang pumasok sa loob at nagdire-diretso sa sala. Pero nagulat siya nang makita si Kiah na nakatayo sa harapan niya.

Napalunok pa siya at biglang nag-init ang pakiramdam nang makitang naka-maikling shorts lang ito saka puting sando. Dahilan para humakab ang dibdib nito pati na rin ang perpektong hugis ng katawan.

Inayos ni Aki ang sarili saka umakto ng normal sa harapan ng babae. "Bakit gising ka pa?"

"Hinihintay kasi kita."

Kumunot ang noo ni Aki sa narinig. "Bakit mo naman ako hinihintay? May kailangan ka ba?" tanong niyang pilit nilalabanan ang pagkabuhay ni Polaris.

Yumuko si Kiah sa mga palad nito saka atubiling nagsalita. "G-gusto ko lang humingi ng sorry kung may trabaho akong hindi nagawa, kaya nagalit ka kanina," saad nito saka muling nag-angat ng tingin. Nabasa naman niya ang takot doon. "Sa susunod, pagbubutihan ko na ang tra---"

"Sino bang may sabi na 'yan ang dahilan kung bakit ako nagagalita, ha?" sikmat niya rito. Maang naman siyang pinagmasdan ng babae. Bumalatay ang takot at pagkalito sa anyo.

"K-kung ganoon, ano? Dahil ba sa pagtawag kong sir? Okay sige, simula ngayon, A-Aki na lang ang itatawag ko sa'yo," saad pa ni Kiah sa nanginginig na boses.

Tumayo si Aki sa kinauupuan saka pinukol ng malamig na tingin si Kiah. Sa halip kasi na matuwa siya sa mga sinasabi nito ay nakaramdam siya ng pagka-insulto. Napaatras naman ang babae nang makitang humakbang siya patungo rito.

"Sa tingin mo ba talaga, 'yon ang ikinagalit ko, ha? Hezekiah?" mariing tanong ni Aki saka pinukol ito ng matalim na tingin.

"P-pero, ano? Kung hindi ang mga iyon, ano? Dahil ba kay Gavin, ha? S-sige, hindi na ako lalapit sa kaniya. . ."

Dahil sa sinabi nito ay marahas na hinablot ni Aki ang isang braso ni Kiah saka malakas na hinatak papalapit sa kan'ya. Sa lakas niyon ay nasubsob pa ito sa kanyang dibdib. "Alam mo bang naiinis ako sa tuwing sasabihin mo ang pangalan ng bwisit na 'yon, ha?" mariin niyang saad saka inilapit nang husto ang mukha sa babae. Halos magsalo na nga sila sa hanging nilalanghap dahil gahibla na lang ang agwat nita sa isa't isa.

Samantalang si Kiah naman ay hindi malaman ang gagawin nang mga oras na iyon. Ramdam niya ang takot sa binata pero nakararamdam din siya ng pagbilis ng tibok ng puso dahil napakalapit nila sa isa't isa. Kaunting pagkakamali nga lamang ng kilos ay tiyak na mahahalikan na nila ang bawat isa. Nalanghap rin niya ang amoy-alak na hininga ng lalaki.

Kung ganoon, naglasing pala siya. Pero bakit? Dahil ba kanina? Pero ano ba kasing nagawa ko?

Naputol ang paglalakbay ng diwa ni Kiah nang maramdamang humigpit ang pagkakahawak ni Aki sa braso niya. Napadaing rin siya sa sakit.

"A-Aki nasasaktan ako. . ." daing niya. Ngunit nagmistulang tengang-kawali lang ang lalaki habang madilim ang anyo nakatingin sa kaniya.

Hanggang sa naramdaman ni Kiah na lumapat na ang likod niya sa pader, senyales na wala na siyang maatrasan pa. Hindi malaman ni Kiah ang gagawin kaya't ang isa niyang libreng kamay ay hinawak niya sa dibdib ng lalaki upang itulak ito. Ngunit ni hindi ininda ni Aki ang ginawa niya. Aywan kung dahil ba sa malakas ito o dahil nanghihina siya.

"Magagalit ba ang asawa mo kung hahalikan kita?" tanong ni Aki sa kaniya na ikinasinghap niya.

"A-ano? A-ano bang sinasabi mo, Aki?" nagkakanda-utal utal na tanong ni Kiah sa amo. Kinakain siya nang labis na kaba pero nakakapagtakang may parte rin sa pagkatao niya ang tila kinikiliti dahil sa narinig.

Pero hindi na sumagot pa ang lalaki sa tanong niyang iyon. Sa halip, naramdaman na lamang niya na lumapat ang malambot na labi nito sa kaniya. Para siyang na-estatwa dahil sa pagkabigla, ngunit sandali lamang iyon. Mayamaya, namalayan na lang niyang ipinikit niya ang sariling mga mata at ninamnam ang tamis ng una niyang halik.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.