Nagbyahe na ulit kami pabalik ng Makati kahit ayaw pa nila ay kailangan na. Gabi na nang makarating kami sa bahay ko. Hinatid ako ni Taxon kaya nagkwe-kwentuhan lang kami habang tinatahak ang daan papunta sa bahay.
"Grabe ang saya talaga roon. Sama mo ako palagi, huh?" Nakangiti kong sabi.
"Kahit hindi mo sabihin isasama kita," ngumiti rin siya sa akin.
We're a good best friend! Masaya ako!
"Natata--" Natigilan ako sa pagsasalita nang makita si Brekley sa harapan ng bahay.
"Brekley.." Mahina kong sabi habang nakatingin sa kaniya.
Masama ang tingin niya kay Taxon. Magsasalita pa lang sana ako ulit pero nasuntok na niya. Natumba si Taxon at napaupo.
"Sabi ko sa'yo layuan mo ang girlfriend ko!" Galit na galit na sigaw ni Brekley.
Akmang lalapit pa siya ulit kay Taxon pero hinarangan ko siya. Galit ko siyang tiningnan.
"Subukan mong saktan ulit si Taxon.." Gigil kong inilapit ang mukha ko sa kaniya. "Maghihiwalay tayo," nagngitngit ang ngipin ko. Madiin at maawtoridad ko iyong sinabi kay Brekley.
Natigilan siya at nagkuyom ng palad.
Puro pangbababae ang alam niya! Hintayin niyang dumating ang araw na kahit kaunting pagmamahal hindi ko na kayang ibigay!
Inalalayan ko patayo si Taxon.
"Okay ka lang?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya. Tumango lang siya.
Muli akong bumaling kay Brekley, masamang-masama ang tingin.
"'Wag mo akong pakialaman pagdating sa kaibigan ko, Brekley!" Galit na galit ako, ito ang unang pagkakataon na sinigawan ko talaga siya sa harap ng ibang tao.
"Bakit gusto mo ba ang lalaking 'yan?! Huh? Vinea?!" Gigil ding sabi ni Brekley at itinuro pa si Taxon.
Pinitik ni Taxon ang hintuturo niya. "Don't point on me," walang emosyon niyang sabi.
"Gago ka ta--" Akmang lalapit nanaman si Brekley.
"Sige! Saktan mo!" Ibinigay ko pa sa kaniya si Taxon. "Saktan mo at nang makita mo kung paano kita talikuran!" Nanginginig ang buong katawan ko sa galit kay Brekley.
"Kailan ba magma-mature ang utak mo?! Hindi ka ba marunong umintindi ng salitang kaibigan?!" Walang nagawa si Brekley kung hindi ang tingnan ko.
Sa unang pagkakataon ay nagpigil siya ng galit. Inilalayan ko si Taxon papasok ng bahay. Sinundan kami ni Brekley at hindi na nagsalita. Iniupo ko si Taxon sa sofa at pumasok sa kusina upang kumuha ng tubig at panggamot sa sugat niya. Hindi pa nga lubos na magaling ang labi niya ay pumutok nanaman.
Sa harap mismo ni Brekley ko siya ginamot.
"A good scene," tiim bagang sabi ni Brekley habang pinapanood ako.
"Kasalanan mo susuntok-suntukin mo!" Galit kong sigaw. Nakatayo siya at nakasandal sa pader ang likod.
Nang mapasulyap ako kay Taxon ay nakangiti siya.
Anong nginingiti-ngiti ng isang ito? Petchay!
Hindi ko na lang siya pinansin at ginamot na lang ang labi niya. Nang tumayo ako ay nagulat ako sa biglaang pagyakap ni Brekley sa likuran ko. Sa harap ni Taxon, bigla ay nag-alala ako sa mararamdaman niya, sa iisipin niya. Nakita kong nag-iwas siya ng tingin.
"Sorry na." Malambing na bulong ni Brekley.
Pinalambot noon ang puso ko pero hindi ko kayang makita kami ni Taxon nang ganito.
"I'm going," bigla ay tumayo si Taxon, walang emosyon, hindi nakatingin sa akin.
Tinanggal ko ang pagkakayakap ni Brekley.
"Mag-usap tayo mamaya. Ihahatid ko lang si Taxon," sabi ko kay Brekley. Himalang tumango siya at ngumiti.
"Tara," yaya ko kay Taxon palabas, sumunod naman siya.
"Pasensya ka na sa kaniya, huh?"
"It's okay," tipid siyang ngumiti.
"Salamat sa vacation. Nag-enjoy ako," masigla kong sabi.
"Anytime, Blabby," mabibigat ang paa niyang naglakad papasok ng kotse at ibinaba ang windshield.
"Ingat ka!" Nakangiti akong yumuko upang magpantay kami. "Salamat ulit, best friend!"
"Okay, good night," pilit siyang ngumiti.
"Ba-bye! Good night!" Nakangiti akong kumaway sa kaniya.
Nang makaalis na siya ay nagulat ako sa presensya ni Brekley nang humarap ako sa likod ko.
"Where did you go?"
"Sa Camarines Norte."
Naglakad kami papasok ng bahay.
"With him?"
Ikinagulat ko ang tono ni Brekley. Para bang mahinahon at naglalambing. Palagi niya kasi akong sinisigawan kaya hindi na ako sanay na ganyan siya.
"Oo, marami kami. Hindi ko nga alam na magka-birthday kami. Doon ako nag-celebrate ng birthday ko." Malungkot kong sabi dahil hindi niya naalala iyon.
Iniupo niya ako sa hita niya nang makaupo siya sa sofa. Hinayaan ko lang siya.
"I'm sorry, I was busy. Didn't you miss me?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Anong nakain nito? Bakit ang lambing niya?
Pinakatitigan ko ang mukha niya. Nakangiti siya ngayon at ang guwapo niya.
"Na-miss," bumuntong hininga ako. "Hindi mo man lang ako binati. Iyak kaya ako nang iyak."
"Kumain tayo sa labas."
"Busog ako," pagtanggi ko.
Naninibago ako sa tono niya ng pagsasalita. Baka naman talagang na-miss niya ako kahit ang totoo simula nang tumawag siya hindi ko na siya masyadong inisip dahil pinapasaya naman ako ni Taxon.
Niyakap niya ako nang mahigpit. "Miss na miss kita."
Nangilid ang luha ko. Sa tagal naming magkasama naglalambing lang siya kapag sinaktan niya ako pero ngayon ay hindi ko alam kung ano ang inaasal niya.
Dinampian niya ng halik ang pisngi ko. "Kumusta ang bakasyon mo?"
Muling kumunot ang noo ko. May mali, eh. Hindi siya ganito o baka naman nasanay lang akong palagi siyang galit?
"Masaya, nando'n ang idol ko. Marami kami roon, magandang tanawin basta masaya lang," masigla kong kwento.
"That's good," natigilan ako nang mahigpit niya akong niyakap. Ipinatong niya ang ulo sa balikat ko.
"Let's get married."
Huminto ang mundo nang sabihin niya 'yon. Hindi ko maintindihan ang kinikilos niya.
Paano nangyaring bigla siyang naging ganito?
"Huh? Nag-aaral pa ako at saka ang bata ko pa."
"Baka maagaw ka pa ng iba sa akin."
Huminto ulit ang mundo.
'Baka maagaw ka pa ng iba sa akin.'
"I'm sorry I was selfish. I'm always hurting you. Hindi ko napansin nawawala ka na sa akin," may tumulong likido sa balikat ko. "Pipilitin kong magbago, Vinea."
Tumulo na rin ang luha ko. May kung ano sa akin na masaya akong sinabi niya 'yon.
Taxon.
Pero hindi na nawala pa sa isip ko ang pangalan niya. Gumapang ang kalituhan sa buong pagkatao ko.
"Let's get married, please," pag-uulit niya. Umiiyak at puno ng sinseridad. "Wag mo nang sasabihin sa akin na makikipag-hiwalay ka. Natatakot ako."
Umiiyak na rin ako. Ang tagal kong hinintay na sana isang araw magbago siya. Sa sinasabi niya mukhang ito na ang araw na 'yon.
Nagulat ako nang maglabas siya ng pulang box. Binuksan niya iyon, nag-unahang tumulo ang luha ko.
Totoo ba ito?
"Let's get married," madamdamin niyang sabi.
Taxon.
Bumalik sa alaala ko ang lahat ng pinagsamahan namin. Magmula sa natamaan siya ng sinipa kong bato. Unang beses kong nakitang ngumiti siya, kumain kami ng beng-beng, sinorpresa niya ako noong birthday namin. 'Yong halos 'underwater kiss' na kung tawagin kahit hindi sinasadya. Ang pagtulak ni Rev sa kaniya dahilan para hindi nanamang sinasadyang magdampi ang labi namin.
Ang maalala lahat ng 'yon ay ang lalong nagpaiyak sa akin.
Nalilito ako, sobrang nalilito ako. Si Brekley ang boyfriend ko pero palaging si Taxon ang laman ng isip ko.
Mag-best friend lang kami at hindi mo maitatanggi ang katotohanang iyon.
"Please, Vinea?"
Napabalik lang ang isip ko nang marinig ang pagmamakaawa ni Brekley.
"Pero.. hindi pa ako tapos mag-aral," nag-aalangan kong sabi.
"Hindi naman agad-agad pagkatapos mo na."
Tama, mag-best friend lang kami ni Taxon. Ayaw kong masira 'yon. Isa pa, walang kasiguraduhan kung gusto niya rin ako. Siguro naman malabong mangyari 'yon.
"Yes," pinasigla ko ang tinig kahit ang totoo 'ayaw ko.'
"Thank you," humigpit ang yakap niya. Isinuot niya ang singsing sa akin. Tiningnan ko lang 'yon.
Iniharap niya ako sa kaniya at maingat na hinalikan sa labi.
Wala, wala na akong maramdamang excitement sa halik niya.
Taxon.
Naalala ko si Taxon kaya tumugon ako sa halik ni Brekley kahit ang totoo hinihiling ko na sana siya na lang ang kahalikan ko ngayon.
Tumagal ang halik, nilaro niya ang mga labi ko. Sinundan ko lang ang galaw niya.
Siya ang boyfriend ko. Walang masama kahit ang totoo napakalungkot ko.
Idiniin pa ni Brekley ang sarili sa akin. Hinawakan niya ang batok ko, humawak rin ako sa ulo niya. Ang tagal ng halik na 'yon nang magbitaw kami ay malapad ang ngiti niya. Ako naman ay pinilit hindi maging peke ang ngiti.
"Dito ako matutulog."
Hinila na niya ako papasok ng kwarto. Natakot ako, sobrang takot ako dahil hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.
Pero ang takot na ito ay nararamdaman ko lang kay Taxon tuwing nakikita ang natural niyang masamang tingin pero kay Brekley
Wala akong tiwala sa kaniya.
Iyon ang totoo. Kahit nagkaroon kami ng pagkakataon ni Taxon sa iisang kwarto. Hindi siya natulog sa tabi ko pinili niyang mahirapan sa pagkakayuko sa gilid ng kama.
Nakahinga ako nang maluwag nang humiga lang siya sa tabi ko. Yumakap siya sa akin at ipinikit na ang mga mata.
Bakit ba natatakot ako sa sarili kong boyfriend?
Inihilig ko ang ulo sa dibdib niya. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko. Hanggang sa nakatulog na rin ako.
KINABUKASAN
Pagkagising ko nakatunghay sa akin si Brekley. Nakayakap pa rin ako sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at humalik sa labi ko.
"Good morning, Babe."
"Good morning," pumikit ako dahil inaantok pa ako.
"Nagpa-deliver ako ng food."
Kung si Taxon 'yon, magluluto siya kahit hindi marunong.
Napangiti ako sa naisip.
"Kinikilig ka?" Masayang tanong ni Brekley.
"Oo hihi," kay Taxon.
Petchay! Hoy! Mr. Horrible umalis ka nga sa utak ko! Na-stress na ako saiyo kagabi ka pa. Hindi ka nagpapaalam nakatira ka na pala sa isip ko! Petchay!
Masaya kaming nag-umagahan ni Brekley.
Kung titingnan mo si Brekley, maamo ang mukha niya maaakit ka agad sa charm niya lalo na kapag ngumiti siya at lumabas ang dimples niya. Maganda ang mata na animo'y laging nakangiti. Malayo sa astig na mata ni Taxon na parang laging galit pero madating siya dahil sa angas niya pero kung kikilalanin mo namang mabuti ay may mabuti pa lang puso. Kung si Taxon mukhang bad boy pero good boy pala. Si Brekley mukhang good boy pero siya ang totoong bad boy.
Pagkatapos namin kumain ay naligo siya. Nang nasa banyo na siya kinuha ko ang phone ko.
'I'm one call away.'
'Blabby.'
'Is he hurt you?'
'Good night.'
'I'll meet you in dream land.'
'Good morning, Blabby. Eat a lot of foods.'
Ang daming text ni Taxon kaya napangiti ako bago mag-type.
'I'm okay. Good morning din Mr. Horrible. Ingat sa pagpasok.'
Wala pang minuto ay nag-reply na siya.
'Ingat ka rin. I'm busy na may case akong inaasikaso. Take care again. I order a food for you tonight. Eatwell. Bye.'
Lumapad ang ngiti ko. Maasikaso talaga ang best friend ko. Magta-type pa lang sana ako nang makita kong umilaw ang phone ni Brekley. Kinuha ko 'yon at binuksan.
May password, hinulaan ko ang pass niya at nagtagumpay naman ako.
Tumulo ang luha ko nang makita ang lahat ng laman ng phone niya.
'See you later, Baby.'
'Okay, sa hotel na lang.'
'Hi, Hon. Saan tayo magkikita?'
'Do you have plans today, Sweetheart?'
Lahat ng endearnment ay nagamit niya na. Clara, Rita, Crizel, Samantha, maging si Alexa at marami pang babae siyang kausap. Lahat 'yon ay landian, lahat ay masasabi mong may ginagawang milagro. Ibinalik ko sa sidetable ang phone niya.
Hindi ko na kaya.
Tumulo lang nang tumulo ang luha ko. Kahit nakita ko na gusto ko pa rin ng ebidensya. Napakatanga ko naman.
Ganito bang klase ng lalaki ang gusto kong pakasalan?
Tiningnan ko ang singsing sa daliri ko.
Pagod na ako.
Hihintayin ko na lang dumating ang araw na suko na talaga ako. Pinalis ko ang luha ko.
'Don't waste your tears. Ako.. mahal kita.'
Naisip ko tuloy 'yong sinabi ni Taxon. Kung bilang kaibigan ay masaya na ako. Edi habang buhay kaming magmahalan bilang magkaibigan.
Lumabas si Brekley, naka-towel lang. Ngumiti ako nang malapad at hindi pinahalata ang galit at hinanakit ko. Akmang lalapit siya para halikan ako pero umiwas ako.
Nakakadiri ka.
"Sa sala muna ako," diretso akong naglakad papunta sa sofa at matalim na tiningnan ang pinto ng kwarto.
Hintayin mong dumating ang araw na kahit tingnan ka hindi ko na magawa.