"Cecelia!" Nagtatakbo ako sa hallway at yumakap sa kaniya.
"Na-miss kita!" Mangiyak-ngiyak na sabi niya. Nagyakap kami nang sobrang higpit.
Third year na kami kaya naman sobrang saya ko. Napahinto si Cecelia nang makita ang singsing ko.
"Ano 'yan? Magpapakasal ka na?"
"Eh? Oo pero hindi pa ngayon pagka-graduate ko," pilit akong ngumiti.
Sigurado ba ako rito sa engagement namin ni Brekley?
Mamayang gabi raw ay susunduin ako ni Brekley. Ipapakilala niya ako sa buong pamilya niya at ia-announce ang tungkol sa engagement. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Taxon ang tungkol dito.
"Sigurado ka ba riyan? Vinea naman! Alam naman natin na tarantado 'yong si Brekley!" Sermon niya.
Bumuntong hininga ako. Alam ko naman 'yon. May nakita pa nga akong mga text pero heto nanaman ako at umaasa.
Papakasalan niya ako baka naman mahal niya naman talaga ako?
"Jerick!" Parehas kaming tumakbo ni Cecelia nang makita siya.
"Na-miss ka namin!" Tumalon-talon pa ako.
"Kayo rin! Kamusta ang bakasyon?"
Sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa room.
"Ako masaya, sinama ako ni Taxon sa Camarines Norte!" Masigla kong kwento.
"Talaga? Edi nakasama mo ang idol mo?"
"Oo, maraming nangyari pulos masasaya!"
Natigilan kaming tatlo nang makitang may tatlong box ng beng-beng na nakalagay sa upuan ko. Tumakbo ako agad para tingnan 'yon.
"Akin ba ito? Woah!" Kinuha ko iyon at niyakap. Nakita ko ang sticky note na nakalagay.
To: My best friend, Blabby.
Smile, study well.
Kay Taxon galing! Ang sweet talaga no'n!
"Kanino galing?" Usisa ni Cecelia.
"Kay Taxon!" Nakangiti kong sabi.
"Bakit best friend?" Sumimangot si Cecelia. "Iba na pala ang best friend mo?"
"Syempre ikaw pa rin! Dalawa kayo," yumakap ako sa kanya.
"Pahingi, ah."
"Sige, lima lang," parehas kaming tumawa.
Dumating na ang professor kaya naman natahimik na kami. Hindi ko mapigilan ang sarili kong kumain ng beng-beng. Nakakainis naman kasi si Taxon sana mamaya na lang uwian niya ibinigay.
Nang matapos ang klase ay lumabas na kami. Magkasama kaming tatlo ni Cecelia at Jerick. Linga ako nang linga dahil baka makita ko si Taxon.
Wala siya?
"Hinahanap mo nanaman 'yong isa mong best friend?" Nakasimangot na sabi ni Cecelia.
"Oo, para sana magpasalamat pero wala yata siya."
Nasaan ka 'yon? Hindi siya pumunta kay Mr. Baider?
"Kil!" Nakita ko si Kil sa hallway kaya tumakbo ako palapit sa kaniya. "Nasaan si Taxon?"
"Why are you finding him?" Sumilay ang ngisi ni Kil.
"Ah, kasi ano.." Wala akong makapang sagot.
"Miss him?" Nang-aasar nanaman siya.
"Gusto ko lang makausap. Ano ka ba naman.. Nasan nga?" Pangungulit ko.
"Busy, eh. May case na inaasikaso. Don't worry I know that if he's done with his case. Pupuntahan ka niya."
Napanguso ako. Ilang linggo ko na siyang hindi nakikita simula no'ng gabing sinuntok siya ni Brekley.
Nami-miss ko na siya.
"Makakarating na nami-miss mo na siya."
"Hoy, hindi! Gusto ko lang makausap." Nag-iwas ako ng tingin.
"Roger that." Nakangisi pa rin siya bago ako iwan.
"Ano nasaan daw?" Tanong ni Cecelia.
"Busy may case," tipid kong sagot.
Ilang klase pa ang lumipas. Nag-focus na lang ako sa pag-aaral. Nang makalabas ako ng laurente maglalakad na sana ako pauwi nang may tumabi sa akin.
"Miss mo na raw ako?"
Napangiti ako nang malapad nang makita ko si Taxon.
"Best friend!" Malakas kong sabi at saka tumalon para yakapin siya.
"Miss mo na nga ako," nakangiti niyang sabi.
Kinuha ko agad ang beng-beng binuksan at ibinigay sa kaniya. Habang kumakain kami naglalakad kami pauwi sa bahay.
"Salamat sa beng-beng!" Masigla kong sabi.
"Any--" Natigilan siya nang makita ang singsing ko.
Lahat sila ay gano'n ang reaksyon.
"Are you going to marry him?" Diretso siyang tumitig sa mata ko.
"O-oo," nag-iwas ako ng tingin.
"Okay."
'Okay?' Palaging gano'n. Kung ano ang gusto ko suportado siya. Ang sarap niyang maging kaibigan.
"Aalis din ako agad. Busy ako ngayon, eh. I just went here to see you," nakangiti niyang sabi.
"Thank you, ba-bye!" Kumaway ako sa kaniya nang marating namin ang bahay.
Ang lapit lang ng bahay ko at kahanga-hangang pumunta siya para lang sunduin ako. Tinext ko siya.
To: Mr. Horrible
The best ka talaga, best friend!
Nag-reply siya agad.
'Anytime, Blabby.'
Nakangiti akong pumasok sa loob ng bahay at naghanda na para sa pag-alis namin ni Brekley.
Isinuot ko ang binili niyang white na fitted. Long sleeve at may pagka-pormal. Napasimangot ako dahil hindi talaga ako marunong magtali ng buhok ko. Dapat pala nagpatali muna ako kay Taxon bago siya umalis. Sinuklay ko na lang ang buhok ko. Naglagay ako ng kaunting lipstick at blush on.
Maya-maya pa ay may kumatok na.
"Woah! Ang ganda ng fiancee ko," nakangiting bati ni Brekley.
Parang first time kong narinig sa kaniya 'yon. Yumakap siya sa akin kaya niyakap ko rin siya.
"Let's go, babe."
Magkahawak kamay kaming lumabas ng bahay at sumakay sa kotse.
"Ang ganda mo, babe," nakangiti pa rin siya hindi na 'yon natanggal.
Bago pa niya paandarin ang kotse ay hinalikan niya ako sa labi. Ngumiti lang ako.
Narating namin ang hotel. Maganda, en grande, maraming tao at halatang matataas na tao ang nandoon. Naagaw namin ang atensyon ng karamihan dahil sa magkahawak kamay kami.
"Mom, Dad," nagbeso si Brekley sa mga magulang niya.
Nahihiya ko silang tiningnan. Ngayon lang nila ako nakilala. Matalim ang tingin ng tatay ni Brekley sa akin. Peke siyang ngumiti.
"Hija, kumusta?" Ngumiti siya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit nagbabait-baitan lang siya? Dahil marami ang nakatingin?
Pero ang mommy ni Brekley ay malapad ang ngiti.
"Okay lang po ako, kumusta po kayo?" Ngumiti rin ako.
"We're good."
"Dad, mom, she's Vinea, my fiance," pakilala ni Brekley.
"Fiance?" Pigil ang inis na tanong ng dad ni Brekley.
"Yes," nakangiti pang sabi ni Brekley.
Hinila niya ako papunta sa stage. Naagaw namin ang lahat ng atensyon.
"Good evening everyone!" Nakangiting bati ni Brekley sa lahat. Nakahawak ang isang kamay sa mic at ang isa ay nasa baiwang ko.
Nagtanguan, ngumiti at bumati rin sa kaniya ang lahat.
"This beautiful lady is Vinea Clee Torrefiel, my future wife!" Masiglang anunsyo ni Brekley.
Narinig ko ang bulong-bulungan nila.
"Engage na ang panganay nilang anak?"
"Maganda naman 'yong babae kaso parang hindi classy."
Marami pa silang sinasabi pero nakayuko lang ako.
Inilapit ni Brekley ang bibig sa tainga ko. "I love you."
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at ngumiti. "I love you, too."
Bumaba na rin kami ng stage. Ang ilan ay bumabati ng 'congratulations' pero ang iba ay hindi makapaniwala.
"Bro!" Lumapit ang sa tingin ko ay nakababatang kapatid ni Brekley.
"He's Breley, my 'lil bro," nakangiting pakilala ni Brekley.
"Hi!" Binati ko siya. "Ako si Vinea," naglahad ako ng kamay pero tinabig 'yon ni Brekley.
Pati sa kapatid magseselos siya?
"Congrats to the both of you," iyon lang ang sinabi ni Breley at umalis na.
Lumapit naman ang dad ni Brekley. Natatakot ako sa kaniya dahil masama ang tingin niya sa akin. Mayor pa naman siya.
"I'll talk to the both of you later," ma-awtoridad nitong sabi.
Ngumiti nang malapad si Brekley. "Sure."
Nang matapos ang party ay nangatog ang tuhod ko nang dalahin ako ni Brekley sa mahabang lamesa dahil kakausapin kami ng pamilya niya.
"Why didn't you tell me this, Brekley?!" Asik ng daddy niya.
Yumuko lang ako at pinaglaruan ang daliri.
"You're busy," prenteng sabi ni Brekley.
"Are you embarrassing me? Bigla ka na lang pupunta sa stage at ipapakilala mo ang babaeng 'yan!" Turo sa akin ng daddy niya.
Tahimik naman si Breley at ang mommy niya.
"Don't point at her! Isa pa, hindi lang siya basta babae. Whether you like it or not! I'll marry her!"
"Suwail ka talaga!" Tumayo na ang dad niya pero pinigilan ng mommy niya.
"Hayaan na natin ang bata wala tayong magagawa kung gusto niyang magpakasal. Malaki na siya," malumanay na sabi ng mommy niya.
"Matapos niyang sirain ang pangalan ko? Puro pangbababae, paglalasing, at laging gumagawa ng gulo ang batang 'yan! Tapos ngayon gagawa nanaman ng ingay!"
"Dad, let him. Malay mo magbago si Kuya," mahinahong sabat ni Breley.
"Ano pang pagbabago ang gagawin ng batang 'yan?! Suwail!"
"Fine! Say what you want. I'll marry Vinea! I don't care about you!" Masama ring tiningnan ni Brekley ang tatay. "Hindi lang ako ang masama ikaw rin!"
Pinigilan ko ang akmang pagtayo ni Brekley.
Ako ang tumayo. "I'm sorry for the mess po. If you don't want me to be part of the family, it's okay. Hindi pa naman po ngayon nag-aaral pa ako. Kung ang estado ko sa buhay ang inaalala niyo. Nag-aaral po akong mabuti at pagmamayabang man pong sabihin balang araw 'magiging successful' din po ako," pinakadiinan ko ang salitang 'yon.
Yumuko ako. "Sorry for making a trouble. We'll see again three years from now."
Nakanganga ko silang tinalikuran. Hinabol ako ni Brekley. Tumulo na ang mga luha ko. Alam ko naman na 'yon ang kinagagalit niya. Nang dahil sa 'wala akong mataas na pangalan' gusto niya magpakasal ang anak niya sa kasing yaman nila o mas higit pa. Nagsalita ako ng english para ipakita na marunong din ako no'n na kaya ko ding makipag-englishan sa kung kanino.
Niyakap ako ni Brekley. "I'm sorry."
"Okay lang."
Napalingon ako sa bandang madilim na parte. Parang nakita ko si Taxon.
Namamalikmata yata ako? Anong ginagawa niya rito?
Madalas nagtataka ako sa presensya niya kung saan-saan siya sumusulpot.
Inihatid na ako ni Brekley. Nasa bintana lang ang tingin ko.
Bakit nando'n si Taxon? Imposible naman? Busy daw siya!
Paulit-ulit iyon sa utak ko.
Hay nako, petchay ka, Mr. Horrible!
"Nandito na tayo."
Napabalik lang ako sa diwa ko nang sabihin iyon ni Brekley. Inalalayan niya ako pababa. Ang daming nagbago kay Brekley kaya pinagtataka ko iyon.
Umakbay siya sa akin nang tahakin namin ang daan papasok ng bahay.
Nang makaupo kami sa sofa ay kinausap niya ako.
"Nagkikita pa ba kayo ng attorney na 'yon?"
Natigilan ako at tumingin sa kaniya.
Hindi kaya dahil kay Taxon kaya siya nagbago? Natatakot siyang agawin ako ni Taxon?
"Oo, kanina lang magkasama kami."
Nakita ko ang pagkuyom ng palad ni Brekley pero halatang pinipigilan ang sarili.
Lumapit siya at yumakap sa akin. Ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko.
"Bakit mo tinatanong?"
"Wala. I love you."
Kumunot nanaman ang noo ko. Ilang beses niya nang sinabi 'yon.
"I love you, too."
Pagkasabi ko no'n ay dinampi-dampian niya ng halik ang leeg ko at saka umakyat at humalik sa labi ko. Hindi katulad noon maingat at malambing na ang halik niya.
Anong nangyayari sa kaniya?
Inilayo ko ang sarili sa kaniya.
"Matutulog na ako."
Tumayo na rin siya. "Dito ako matutulog."
Nagtataka ko siyang tiningnan. Dati naman hindi siya natutulog dito.
Binuhat niya ako nang pangkasal, maingat at tumatawa. Inihiga niya ako sa kama. Nagtataka man ay masaya na rin ako dahil mukhang nagbago na talaga siya. Humiga siya sa tabi ko at yumakap. Pumikit na rin siya. Nang makatulog siya ay kinuha ko ang phone niya.
Nagtataka ako kung bakit wala nang message ng babae. Puro text ko na lang ang makikita, ang wallpaper ay picture naming dalawa. In-open ko ang facebook niya. Kahit doon ay puro naka-blocked na ang mga babae niya. Nagpalit din siya ng profile at cover, picture naming dalawa.
Hindi ako makapaniwalang nagbago na talaga siya.
Napangiti ako siguro dahil 'yon sa engagement.
Tiningnan ko ang maamo niyang mukha. Pakiramdam ko ito na ang bagong simula nang masayang pagsasama naming dalawa.
Humalik ako sa labi niya. Mahimbing na ang pagtulog niya at saka ako yumakap sa baiwang niya.
"I love you, Brekley."
Pumasok sa isip ko si Taxon.
Bakit ba lagi siyang laman ng isip ko?