Nagising ako nang marinig ang matunog na halik ni Brekley sa labi ko.
"Good morning, Babe," masigla niyang bati.
"Good morning, Babe."
"Stand up, we're having a date."
Nakangiti ko siyang sinulyapan.
"Talaga?"
"Yes," bago siya tumayo ay humalik ulit siya sa labi ko.
Nakangiti ko siyang pinanood paalis. Ito ang pangarap kong relasyon parang unti-unti nang nagkakatotoo. Ang saya ng puso ko.
Mr. Horrible calling.
"Best!" Masaya kong bati sa kaniya.
"You happy?"
"Yes, aalis kami ni Brekley. May date kami!"
"Good to know."
"Kumusta ka?"
Nakita kong pumasok ulit si Brekley. Nakakunot na ang noo niya.
"I'm busy."
"Lagi ka na busy, ah?"
"Yeah, I'm tired."
"Kumain ka naman baka hindi ka nakakakain nang maayos," paalala ko sa kaniya.
"Ahem," napatingin ako kay Brekley nang tumikhim siya.
"Sige na, ba-bye!"
Wala akong narinig na asik ni Brekley. Napakahimala talaga no'n. Tumayo na ako at naghanap ng damit.
Tiningnan ko siya nang makita ko ang sexy'ng damit.
"Wear what you want."
"Talaga?"
"Oo."
Tumalon-talon pa ako papasok ng banyo. Habang itinatali ko ang buhok ko ay naiinis na ako kasi laglag lang nang laglag. Naalala ko tuloy si Taxon, nami-miss ko na siya. Palagi siyang busy.
Nang makalabas ako ay narinig kong may kausap sa phone si Brekley.
"Pwede ba tigilan mo na ako?! Stop this, Alexa!"
Alexa? 'Yon 'yong babaeng na-met ko sa The Rose.
Walang pasabing inis na ibinaba ni Brekley ang phone.
"Babe? Kanina ka pa riyan?"
Umiling ako. "Sino 'yon?"
"Si.. Alexa."
Nakahinga ako nang maluwag nang magsabi siya ng totoo.
"Bakit daw?"
"Kinukulit ako. Ex ko kasi siya."
Nanlaki ang mata ko. Hindi ko alam 'yon.
"Saan mo gustong pumunta?" Nakangiti niyang tanong habang pasakay kami ng sasakyan.
"Sa park. Gusto kong subukan mag-bicycle," nakangiti kong sabi.
Minsan lang siya magtanong kung saan ko gustong pumunta kaya sinagot ko na agad.
"Are we going to eat first?"
"Later."
"Okay."
Naalala ko tuloy si Taxon sa 'okay' iyon ang palagi niyang sagot sa akin. Walang pamimilit basta kung ano ang gusto ko 'yon na 'yon.
May nag-text sa akin kaya kinuha ko muna iyon.
From: Mr. Horrible
Enjoy your date. Take care! :)
Ang sweet niya talaga. Wala sa sariling napangiti ako. Sinilip ni Brekley ang phone ko.
"Attorney, again?" Kunot-noo niyang tanong.
"Hindi na."
Hindi na ako nakapag-reply pa. Hinila ko na lang si Brekley. Maraming babae ang napapatingin sa kaniya dahil alam ko namang malakas talaga ang karisma niya.
Nag-rent siya ng bike kaya sumakay kami agad.
"Dahan-dahan," malambing niyang sabi.
Sinusubukan kong mag-pedal pero natatakot akong matumba. Hanggang sa matuto ako. Magkahawak-kamay kaming nagpatakbo ng bisekleta.
"I love you!"
Narinig ko nanaman iyon sa kaniya kaya ngumiti ako.
"I love you, too!"
Lumipas ang mga oras na masaya lang kaming dalawa. Ganito kami nagsimula noon. Puro saya lang bago kami palaging naging pulos away.
Umupo kami sa bench na nadoon masayang nagkwe-kwentuhan at nagtatawanan.
Hinawi niya ang buhok na humaharang sa mukha ko.
Taxon.
Bakit ba laging siya? Ano bang nangyayari sa akin?
Lahat ng gawin niya ay kinagugulat ko.
"Brekley?"
Umakbay siya sa akin. "Bakit?"
"Anong nakain mo at naging sweet ka?"
Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Akala ko kasi wala akong paki saiyo." Bumuntong hininga siya. "I thought you're just a trash to me. I'm sorry for being an asshole."
Tumulo ang luha ko na pinalis niya.
"I know my mistakes, being a playboy, hurting you physically. I'm so asshole. 'Til one day, I realized.. I cried because I don't want to lose you," sinsero niyang sabi.
"Pinapatawad mo na ba ako, babe?"
Ngumiti ako at hinawakan ang pisngi niya. "Yes, my future husband."
Walang kasing tamis ang ngiti niya sa mga sandaling ito. Dinampian niya ng halik ang labi ko kaya napapikit ako pero nahagip nanaman ng mata ko ang isang lalaking magka-krus ang kamay at nakatingin sa amin.
Taxon?
Ngayon sigurado akong si Taxon 'yon. Napatayo ako at tiningnan siyang mabuti pero mabilis siyang tumalikod at naglakad palayo.
"Why?"
"Wala," umupo ulit ako.
Bakit palagi kitang nakikita pero hindi mo ako nilalapitan? Busy ka ba talaga o sadyang iniiwasan mo lang ako?
Naglakad ulit kami ni Brekley. May kwene-kwento siya pero lumilipad ang utak ko. Inaalala si Taxon.
"Babe?"
"Babe?"
"Babe?"
Napalingon ako sa kaniya. Batid kong ilang ulit niya na akong tinawag.
Blabby..
Pero boses ni Taxon ang nagpalingon sa akin kay Brekley.
"Are you okay?" Nag-aalala niyang sabi.
"Ah, oo."
"As I was saying where do you want to marry? Is it america, Korea, or any country you want?"
"Dito na lang siguro."
Ginugulo ng utak ko ang mga alaala namin ni Taxon.
Paano ako magpapakasal kung si Taxon ang lagi kong iniisip?
'Be my wife.'
Napapikit ako nang marinig ang tinig niya sa isip ko. Hindi ko napapansing lumuluha na pala ako.
Taxon.
Miss na miss na kita, Kenny.
"Babe, why are you crying?"
Pinalis ko kaagad ang luha ko. "Ah-ano masaya lang ako," pagdadahilan ko, sinungaling.
"Babe?" Tawag ko sa kaniya. "Pwede ba tayong pumunta kay Taxon?"
Napatigil siya sa paglalakad at kunot noong tiningnan ako.
"Bakit?"
"Ano k-kasi i-tatanong ko sana kung saan ang bahay ni Elle gusto kong dalawin," nag-iwas ako ng tingin.
"Elle? Or you want to see him?" Naiinis na siya.
"Hindi, gusto ko lang talaga mal--"
"No!"
Hinawakan niya ako sa kamay. "Hindi na siya makikipagkita pa saiyo kahit kailan dahil nag-usap na kami!"
Nag-angat ako ng tingin at pinakatitigan siya.
"Anong pinag-usapan niyo?"
Tumalim ang tingin sa akin ni Brekley. "Na akin ka at hindi na siya dapat pa lumapit saiyo."
"Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo na magkaibigan lang kami?"
Peke siyang tumawa. "That's the reason why I want to marry you! Naagaw ka na niya sa akin!"
Tumulo na ang luha ko.
Sa tingin ko tama siya pero wala naman sa isip ko na ipagpalit siya hindi ako gano'n.
"Pero.."
"Stop, Babe, please. I don't want to be mad," pinigil niya ang galit.
Tumango ako. Umakbay siya ulit sa akin. Napansin ko lang na hindi pala ako humahawak sa braso niya o umaakbay rin sa kaniya katulad ng ginagawa ko kay Taxon. Malayo na sa kung ano ang ginagawa ko noon kay Brekley tinangay na ng panahon dahil sa paulit-ulit na sakit na nadulot niya.
Kaya pala hindi ako pinupuntahan ni Taxon pero patuloy pa rin siya sa pag text, pagpapadala ng kung anu-ano, paalala na kumain ako, hindi niya pa rin ako nakalimutan.
"I'm sorry, Babe, kung nasigawan kita."
Nasa kotse na kami at pauwi na. Tumango lang ako at pilit na ngumiti. Rinig ko pa ang buntong hininga niya.
Nang marating namin ang bahay ay diretso akong pumasok ng kwarto at humiga. Napapagod ako.
"Babe?" Tawag niya sa akin. Umupo siya sa gilid ng kama. "You are going to marry me, right?"
Umupo ako at isinandal ang likod sa semento. "Yes, bakit mo tinatanong?"
"I'm scared."
Nagtataka ko siyang tiningnan. Bigla ay naging vocal siya. Parang hindi siya si Brekley na palaging sinisigawan at sinasaktan ako.
"Saan ka natatakot?"
"Baka kasi.." Tumulo ang luha niya.
Nakikita ko naman siyang iniiyakan ako pero sa pagkakataong ito parang sobrang sakit ng nararamdaman niya.
"Baka kasi mahal mo na si Taxon," tumulo na nang tumulo ang luha niya.
Lumapit ako at niyakap siya. Umiling-iling ako. "Ikaw lang ang mahal ko."
Iniharap niya ako sa akin at madamdaming hinalikan ako. Tumugon ako.
Mahal ko siya..
Siya ang lalaking mahal ko.
Pinipilit kong kumbinsihin ang sarili. Hindi ko na namalayang nakahiga na pala ako at nasa ibabaw ko na siya. Patuloy sa paglalim ang halik. Naramdaamn ko na 'yon sa leeg ko pababa sa may dibdib ko.
Bigla ay pumasok sa isip ko ang masamang tingin ni Taxon.
Nagmadali akong umupo ulit at naitulak siya. Tumayo ako agad.
"CR lang ako."
Ngumiti siya sa akin. Nang makapasok ako sa banyo ay napaupo ako sa likod noon. Tinakip ko ang kamay ko sa bibig ko upang hindi kumawala ang ingay ng hagulgol ko.
Hindi ko matanggal sa isip ko si Taxon. Araw-araw siya ang laman ng isip ko.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil kumikirot na 'yon. Sumisikip at hindi na ako makahinga.
Taxon.
Naghubad ako at naligo. Pinilit kong alisin siya pero sa tuwing pipikit ako ay mukha niya lang ang nakikita ko. Para siyang permanenting tattoo sa isip ko.
Hindi ito pwede.
Napahawak ako sa labi ko nang maalala ko ang labi niya. Kahit hindi sinasadya ang mga sandaling 'yon. Napakahalaga, napakasaya at napaka-hindi malilimutan ng mga sandaling 'yon.
Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas. Yumakap na lang ako kay Brekley kaya pinagtaka niya.
"Bakit?"
"Inaantok na ako," pagdadahilan ko.
Inihiga niya na ako at kinumutan.
"I'm going home tonight," sabi niya bago humalik sa noo ko. "Good night."
"Good night."
Lumabas na siya ng kwarto. Pagkaalis ni Brekley ay doon na ako umiyak nang umiyak. Hindi ko napigilang tawagan si Taxon.
"Blabby."
Napapikit ako nang marinig ko ang boses niya. Tumulo lang nang tumulo ang luha ko.
Nami-miss na kita..
Pero hindi ko maisatinig 'yon. Natatakot akong magkaroon ng kasalanan kay Brekley.
"Blabby, I'm going to America."
Napabalikwas ako ng bangon.
"Huh?"
"I'm on my way now. The whole family would be there. It's a family's thing."
Napahawak ako sa dibdib ko, sumasakit nanaman.
"Don't be sad, okay? I still there for 3 years."
Nalaglag ang phone ko sa sinabi niya pero agad ko ring kinuha.
"Bakit ang tagal?" Pinilit kong maging normal ang tinig kahit umiiyak.
"That's.. our tradition."
Umiiyak man ay nakunot ko ang noo ko.
Anong tradisyon doon? Hindi ko siya maintindihan.
"Take care of yourself, okay? Don't cry, eat a lot of foods and.. study well."
Sa mga paalala niya ay tumitindi lang ang sakit sa dibdib ko.
"I.."
Hinintay ko ang kasunod na sasabihin niya. Hindi ako umaasa dahil alam kong mali 'yon pero umaasa akong baka naman--
Bumuntong hininga na lang ako.
Mali ito, Petchay!
"I.. need to go. They're waiting for me."
Napapikit ulit ako dahil sa sexy'ng boses niya.
"Ingat ka... best friend," iyon na lang ang nasabi ko. "Hihintayin kita."
"I wish you all the best.. best friend. Sana maabutan ko ang kasal niyo ni Brekley. 'Wag mo akong kakalimutan."
Mas pinasakit no'n ang sakit sa dibdib ko. Patuloy sa pagluha, dahil sobrang sakit na.
"Sige.. balik ka agad, huh?" Gumagaralgal na ang boses ko.
"I love you.. best friend," nabitawan ko rin ang salitang iyon.
'Best friend.'
Iyon nga lang talaga kami.
"I will always love you, best friend."
Pero may mas sasakit pa pala sa nararamdaman ko.
Ang 'I will always love you, best friend' niya.
Napahawak ako sa dibdib sa sobrang sakit noon. Pinipigilan kong kumawala ang matunog na iyak.
"Blabby?"
"Y-yes?"
"Pinasaya mo ako.. dahil saiyo nakita ko ang kulang sa buhay ko. Palagi mong tatandaan na may nakilala kang Mr. Horrible."
"A-ano bang sinasabi mo? Babalik ka, 'di ba?"
Nawalan ng imik sa kabilang linya.
"Kenny! Sabihin mong babalik ka!"
"Farewell, Blabby."