5 years later.
Nakaupo ako sa swivel chair habang tinitingnan ang graph line representation ng kita ng kompanya.
Vinea Clee's Company.
May sarili na akong kompanya. Isang sikat na brand ng damit. Nakakatuwang isipin na naging successful nga ako sa larangan ng business.
"Is anybody here?" Malokong sabi ni Jerick sa labas ng office ko kaya natawa ako.
"Pumasok ka na ang arte mo pa," inikot-ikot ko ang swivel chair.
Natigilan ako nang makita ang bugkos ng bulaklak na dala ni Jerick kasama niya si Cecelia, parehas silang nakangiti.
"Para kanino 'yan?" Turo ko sa bulaklak.
"For you," nakangiting ibinigay sa akin ni Jerick ang bulaklak.
Napatitig ako roon dahil isa iyong tulips. Sa limang taon palaging may nagpapadala ng tulips.
"Na-curious lang talaga ako Vinea. Sino kaya ang secret admirer mo?" Nakangising sabi ni Vinea.
"Dinala ko na rito nakita ko kasi 'yong delivery boy sa baba," sabi ni Jerick at sumalampak ng upo sa malambot na sofa.
Nakangiti kong tiningnan ang note.
From: Mr. H
Smile :)
Wala namang ibang nakalagay kung hindi 'smile'.
Sino kaya si Mr. H? Han, Harold, Hunk? Whatever, sino kaya siya?
Petchay!
Lagi akong pinag-iisip kung sino siya tuwing may dumarating na bulaklak.
"Bakit ba naman kasi napakaganda mo? Ikakasal ka na nga may nagpapadala pa rin ng bulaklak," dire-diretsong sabi ni Cecelia.
"Dati pa ito, nagtataka lang ako."
"Hoy, Vinea baka naman gusto mo akong regaluhan ng isang bundok na shirt sa sarili mong brand. Magbi-birthday na ako," sabi naman ni Jerick lumapit siya at ininom ang milk tea ko.
"Hoy, bakit mo ininom? Petchay ka!"
"Samantalang dati kung ubusin mo ang milk tea ko!" Asik niya sa akin. "Regalo ko, huh?"
"Sure," ngumiti ako.
"Tingin ko mas maganda saiyo 'to," lumapit si Cecelia, bago pa ako nakalayo ay nilagyan niya na ng blush on ang pisngi ko.
"Hoy! Busy ako 'wag ka makulit."
"Gagawin kitang clown para pumangit ka," tumawa siya. Iwas ako nang iwas sa kaniya.
"Insecure ka pa, sino ba ang Ms. Laurent University noon?"
"Noon 'yon!" Umirap siya sa akin.
"Jerick, ilayo mo nga ito ginugulo ako!" Sinamaan ko ng tingin si Cecelia dahil ang kulit niya. Nagta-type ako sa computer.
Natawa ako nang hapitin siya ni Jerick sa baiwang. "Halika na, bebe," kumindat pa ito.
Lumakas ang tawa ko nang makita ang ngiwi at pandidiri ni Cecelia. Binitawan siya ni Jerick.
"Choosy," ngumiwi rin si Jerick matapos ay malakas na tumawa.
Tumawa ako nang malakas dahil nakakatawang pagmasdan ang kulitan nila sa isa't isa. Ewan ko ba sa dalawang ito bakit hindi maging sila. Kinulit pa siya ni Jerick.
"Come here, bebe. Yieee," sinundot-sundot niya si Cecelia sa baiwang.
"Sasapakin kita! Layo!" Inis na inis na sabi ni Cecelia.
"Ikaw na nga ang ginugusto umaayaw ka pa. Bulag ka kung hindi mo nakikita ang kapogian ko!" Yumakap pa si Jerick kay Cecelia pero binatukan siya.
"Ang sakit, ah. Love pa rin kita yiee kinikilig 'yan," pang-aasar nanaman nito.
Umiling-iling na lang ako habang nakangiti.
Ang kulit nila.
"Kain ka ng chocolate," sinubuan pa ni Jerick si Cecelia. Tumindi ang pagtawa ko nang isubo niya nga ito pero nasobrahan pati daliri ay nakagat na. Pinangigilan niya pa ang daliri ni Jerick.
"Aray!" Ang lakas ng sigaw ni Jerick.
Saka lang binitawan ni Cecelia at tumawa nang malakas.
"Buti nga saiyo monggoloid."
Ilang taon na ang lumipas. Araw-araw Taxon Ken Baider pa rin ang nasa isip ko. Ikakasal na lang kami ni Brekley hindi ko pa rin siya makalimutan. Unfair ako kay Brekley alam ko 'yon pero wala akong magawa siya ang iniisip ko palagi.
Hinihintay ko ang pagbabalik niya. Sabi niya tatlong taon lang pero limang taon na hindi pa rin siya bumabalik. Minsang nakita ko si Elle sa mall. Tinanong ko siya pero hindi niya sinabi kung nasaan talaga si Taxon.
Confidential daw.
Nirespeto ko na lang.
Sobrang miss na miss ko na siya.
Kahit magkaibigan lang kami okay lang 'yon basta ang mahalaga sana ay makasama ko siya kaso hindi na siya nagpakita pa sa akin.
Napasulyap ako sa bulaklak na nasa table ko.
Bakit ba hindi magpakilala ang lalaking nagpapadala niyan?
Araw-araw walang lampas mayroon.
"I'm going na. Naiinis ako sa pangit na ito!" Inis na sabi ni Cecelia.
"Pangit? Sino 'yon?" Tumingin pa sa likod si Jerick.
"Ewan ko saiyo!" Asik ni Cecelia at saka lumapit sa akin. "Bye," humalik siya sa pisngi ko.
"Bye," nakangiti kong sabi.
Pati sa paglabas ay inaaway ni Cecelia si Jerick. Nakangiti ko silang pinanood bago ko ituon ang atensyon sa monitor.
"Hi, babe."
Pumasok si Brekley. Ngumiti ako sa kaniya. Lumapit siya at dinampian ng halik ang labi ko. Natigilan siya nang makita ang bulaklak.
"Nanaman?"
Tumango lang ako.
"Psh. Who's that guy?!" Inis na sabi niya. Tinulak ang isa pang swivel chair at tumabi sa akin. Yumakap siya sa baiwang ko.
"Hindi ka pa kumakain," malambing niyang sabi.
"Later."
"You're always busy. You forget about me," pagmamaktol niya.
Nilingon ko siya. "Ang tampuhin mo," tumayo na ako. "Let's eat."
"Buti naman," hinila niya na ako at magkahawak-kamay kaming lumabas.
Puro bati ang naririnig ko nang tahakin namin ang daan palabas ng kompanya ko.
"Where are we going to eat?" Tanong ni Brekley habang pasakay ng kotse.
"I think at the Rosa Restaurant, is it okay?"
"Of course."
Nang marating namin ang Rosa Restaurant ay umaasa ako na makikita si Jave. Hindi nga ako nagkamali nandito siya.
"Jave?" Lumingon siya sa amin.
"Shut! Vinea!" Lumapit agad siya. "How are you?"
"I'm good, how about you and Elle?"
"Happily married." Sumulyap siya kay Brekley. "Hi, bro."
Ngumiti si Brekley sa kaniya. "Yeah, dude."
"Enjoy eating na lang. I'm busy, I gonna go guys, Vinea, Brekley," sabi niya matapos ay bumalik na sa ginagawa.
"What do you want to eat?"
"Special adobo," ngumiti ako.
Hindi ko gusto ang adobo noon, no'ng hindi ko pa kilala si Taxon. Palagi ko kasi siyang naaalala dahil nilutuan niya ako.
Kumain lang kami ni Brekley. Masaya kaming nagkwe-kwentuhan.
Napahinto ako nang may maramdamang nakatingin. Palagi kong nararamdaman iyon. Nilibot ko ang mga mata ko pero wala naman. Palagi kong naiisip na may nakasunod, nakatingin sa akin pero wala akong makita.
"Babe, what do you think about my project?" Ipinakita ni Brekley ang listahan ng gagawin niya para sa bayan.
Nang matapos ang daddy niya sa termino ay siya ang pumalit. Mayor na siya ngayon.
"Sa tingin ko magiging maganda ang clean and green project mo. Loving the nature, huh? Ang galing mo mag-isip, babe."
"Hanga ka naman sa akin, babe."
Itinago na niya ang papel. "So, let's talk about the marriage."
Natigilan ako at halos hindi malunok ang kinakain.
"Things are all settled. Why not tomorrow?"
Ngumiti ako nang pilit. "Masiyadong mabilis. We talk about it, 'di ba? Next year?"
Palaging next year ang sagot ko hanggang sa palagi 'yong nauudlot.
"Next year again? Are you really want to marry me? It's been 5 years since I proposed to you." Mahinahon niyang sabi. "Aren't you waiting for someone?"
Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang bibig. Napahawak ako sa laylayan ng damit ko.
Napilitan akong umiling. "Wala.. it's just I'm not yet ready," nag-iwas ako ng tingin.
"Is that so?" Kunot-noong tanong niya.
"Baider."
Natigilan ako at agad na nilingon kung sino ang tinatawag na Baider. Umaasa akong si Taxon 'yon pero si Kil at Diamond ang nakita ko. Tumayo agad ako at nilapitan sila.
"Hi!" Masigla kong sabi.
Naiilang nila akong tiningnan.
Bakit pakiramdam ko ayaw nila sa presensya ko?
"Vinea!" Kita ko ang pagpilit nila sa sarili na batiin din ako.
Laging ganito, kapag may nakikita akong taong konektado kay Taxon parang iniiwasan nila ang tanungin ko sila tungkol sa kaniya.
"How are you?" Sabi ni Diamond.
"I'm good. Kayo?"
"Okay rin naman. Masaya," pilit na ngumiti si Diamond.
Bigla ay kinuha ni Kil ang phone niya at may tinawagan.
"Yes? Where? In a minute.. roger that," ibinaba ni Kil ang phone at tumingin sa akin.
"Una na kami. Ingat ka, Vinea," tinapik nila ako sa balikat at nagpaalam na.
Bumalik na ako kay Brekley.
"Oh, did you find him?" Matalim niya akong tiningnan.
"No, binati ko lang sila. Stop acting like that, Brekley."
"Oh, babe. I'm not an idiot," nakuyom niya ang palad. "Seven years na tayong magkasama at sa limang taon siya pa rin ang hinahanap mo?"
"Brekley."
"No! You are finding him! You're waiting to see him again!" Nagagalit na siya kahit pigil 'yon ay nakikita kong galit na talaga siya.
"Hindi, hindi gano'n 'yon kaibigan ko rin kasi siya kaya wala naman masamang hanapin ko siya," nangilid na ang luha ko.
"Fine! Then, marry me!"
Natigilan ako at tumitig sa kaniya. Sa tingin ko wala na talaga akong magagawa. Hindi na babalik si Taxon dapat kong pakatandaan 'yon at kung bumalik man siya walang ibang label kung hindi 'best friend'.
Bakit ba kasi taon na pero si Taxon pa rin ang laman ng isip ko?
Mr. Horrible.
Kung bumalik ka man sana maging mag-best friend pa rin tayo. 'Yon na lang dahil sapat na ang sandaling makasama ka upang mabuhay ang puso kong namatay simula nang mawala ka.
Nakakatakot mang aminin.
Oo, minahal ko siya at hanggang ngayon siya pa rin ang mahal ko. Kahit nakakalito na mahal ko rin si Brekley pero siguro hindi ganoon katindi... hindi ko alam.
"Vinea, sinabi mo sa akin papakasalan mo ako."
"Brekley kasi hindi pa ako hand--"
"At kailan ka magiging handa? Kapag si Taxon na ang papakasalan mo at hindi ako?"
"Brekl--"
"Stop this, Vinea! Ilang taon na tayong magkasama! Fiance na kita noon pa bakit hindi matuloy-tuloy ang kasal?"
"I'm not ready. Sasabihin ko naman saiy--"
"Nice! You didn't bother to tell me what's going on! Ang tagal ko nang naghihintay na maikasal tayo!"
"Bre--"
"No! Marry me!"
Bumuntong hininga ako. Hindi ito matatapos hangga't hindi ako nagdedesisyon. Pinigilan ko ang maluha. Pumasok nanaman sa isip ko ang mukha ni Taxon.
Hindi na siya babalik dahil kung may balak siya, matagal na dapat siyang nagpakita.
"What? Marry me, Vinea."
"Okay, I'm going to marry you."