HORRIBLE YOU Chapter 23

"I'm going to launch a new design of shirts. I'm pretty sure that our company will gain a highest percentage of sell because of this product," inilipat ko ang slides.

Nakatayo ako sa harapan at ipinapakita ang shirt.

"V-neck shirt with different color available. I assure all of you that these will suit to any beautiful man out there," dagdag ko pa. "Simple but yet attractive."

Ang shirt ay simple lang pero may nakalagay sa gitna na 'Horrible.' Kahit sa mga designs ng shirt siya pa rin ang laman ng isip ko.

Nagustuhan nilang lahat ang damit na bukod sa simple ay may magandang tela. Ako pa rin ang nagpre-present ng mga ideas dahil mas bihasa ako roon at alam ko kung paano ang takbo ng negosyo dahil dati na akong raketera plus the course that I've been finished. Nasanay na rin ako madalas na mag-english kahit hindi ko naman 'yon ugali.

Nang matapos ang meeting ay pagod akong umupo at sinapo ang noo. Abala ang lahat dahil sa kasal namin ni Brekley na gaganapin na sa susunod na buwan.

Brekley calling..

"Hello?"

"I'm not going to fetch you. A lot of projects."

"That's fine."

"I love you."

Natigilan ako, hindi ko alam paano sasagutin iyon.

"Okay, bye. I'm busy. See you tom."

Ibinaba ko na ang tawag. Bumuntong hininga ako.

Umayos ka, petchay, ikakasal ka na!

Inayos ko ang sandamakmak na papel na kailangan kong i-review. Hindi ko na napansin ang oras.

11 pm.

Tumayo na ako at nagligpit ng gamit. Tinahak ko ang madilim na parking lot. Pinatunog ko ang kotse ko bago iyon lapitan. Nagulat na lang ako nang may magtutok ng patalim sa baiwang ko. Hindi ako nakagalaw.

"Sama ka sa amin, Ganda."

Kinilabutan ako nang maramdaman ang hininga niya sa tainga ko. Gumapang ang takot, pangamba at kaba ko.

Taxon.

Nakakatawang isipin na siya pa rin ang hinihingian ko ng tulong. Matagal na siyang wala. Tumulo ang luha ko. Hindi ko magawang gumalaw.

Kinuha nila ang bag ko. Limang lalaki sila na malalaki ang katawan.

Nasaan ba ang mga guard? Petchay!

Nangatog na ang tuhod ko. Kinuha na nga nila ang lahat ng gamit ko gusto pa nila akong isama.

"Tara na.." Sabi ng isang lalaki.

Hinihila nila ako pasakay ng puting van.

"Tulong!" Ubos lakas kong sigaw nang magkaroon ng pagkakataon.

"Bingi yata ang guard dito," nagtawanan sila.

"Ano ba! 'Wag mo akong hawakan!" Asik ko. Pinipilit nila akong ipasok sa van pero nagmamatigas ako.

"Pumapalag," nagsipagtawanan nanaman sila.

Taxon.

Patuloy ako sa pagpupumiglas at pagsigaw.

Nasaan ba ang mga tao rito?!

"Fuck these bastards who told you to touch her?!"

Namaang ang bibig ko nang makita ko si Taxon.

Mabilis na lumapit si Taxon malakas niyang sinipa agad ang isa. Bawat suntok at sipa ay gigil.

Napaupo na ako at niyakap ang mga tuhod ko. Nanginginig ang buo kong katawan.

Saan ako pupulutin kung naisama nga nila ako?

Umiiyak ako habang nakatingin sa mabilis na kilos ni Taxon. Sumugod ang dalawa kahit walang tinginan ay nakakasuntok siya.

Iyon nga siguro siya.

Sa haba ng panahon naming hindi nagkita. Himalang masaya akong makita ang kaniyang masamang tingin sa mga kalaban.

Taxon.

Sumuntok ang isa pero sinalubong ng kamao ni Taxon at pinilipit papunta sa likuran habang ang isang kamay ay abala sa pagsuntok sa iba pang kalaban. Nahawakan niya ang dalawa at magkasabay niyang pinilipit ang kamay.

Bawat gawin niya ay talagang nagngingit-ngit siya sa galit. Akmang tatakbo pa ang isa pero binato niya ito ng perfume ko dahil nagkalat na ang mga gamit ko. Tinamaan iyon sa ulo kaya namilipit sa sahig habang hawak ang ulo niya.

"Trying to escape from Taxon Ken Baider?" Pinakadiinan niya ang salitang Baider.

Gano'n nga siguro kaastig, kataas at nakakatakot ang apilyedong iyon. Isang salita pero kung hindi mo alam ang nasa likod no'n ay katatakutan mo.

Gigil niyang ibinagsak ang isa at kinuha ang sa tingin ko ay leader ng grupo.

"Who told you to touch her?" Inis niyang tanong dito. "Did I give you permission?!" Natatakot na umiling ang lalaki.

"'Yon naman pala! Bakit mo hinawakan?!" Sinuntok niya ito sa mukha.

Parang hindi na matatapos ang galit ni Taxon sa mga ito. Kagat labi, matalim na tingin at umaapaw ang galit niya.

Wala akong magawa kung hindi ang panoorin lang siya dahil wala akong lakas ng loob na pigilan, tumayo o magsalita man lang.

"Remember my name! I'm Taxon Ken Baider! BAIDER!" sigaw niya.

"I can kill if I want! I can let all of you suffer with just one snap, understand?!"

Takot na takot na tumango ang mga lalaki. Kinuha ni Taxon ang phone niya at may tinawagan.

"Make it fast!" Galit niyang sabi rito.

Akmang magsisitakbuhan na ang mga lalaking kalunos-lunos na ang hitsura pero sa isang masamang tingin ni Taxon ay tumigil sila.

Nilingon niya ako at naglakad palapit.

Bumagal ang mundo tanging siya lang ang nakita ko. Nanlalabo man ang mga mata dahil sa luha ay kitang-kita ko pa rin ang maangas, swabe, perpekto, at guwapo niyang mukha.

Taxon Ken.

Hindi ko na siya hinayaan pang makalapit. Tinalon ko ang distansya naming dalawa. Niyakap siya nang sobrang higpit at humagulgol na sa dibdib niya.

"Kenny." Mas hinigpitan ko ang yakap. "Ang tagal mong bumalik."

Patuloy sa pag-iyak pero wala nang mahalaga kung hindi ang presensya niya.

"Miss na miss kita.. alam mo ba 'yon? Ang tagal kitang hinintay.. ang tagal kong hinanap ang masama mong tingin.. ang tagal-tagal na Taxon bakit hindi mo nagawang magpakita sa akin? 'Wag mo na ulit akong iiwan, best friend tayo, 'di ba?" Dire-diretso kong sabi sa kaniya.

Wala na akong pakialam kung nababasa ko ang damit niya. Wala na akong pakialam sa takot na nararamdaman ko ang tanging gusto ko lang ay yakapain siya.

Humigpit din ang yakap niya. Batid kong sobrang na-miss na rin ako.

"Please, don't leave me again.. please Taxon.. nababaliw na ako."

"I thought you're scared because of those guys, but you're scared of losing me."

Tinanggal ko ang pagkakayakap at kinurot ang pisngi niya.

"Petchay ka! Mas nakakatakot ka pa kaysa sa mga lalaking 'yon."

Muli ko siyang niyakap nang sobrang higpit.

"Can't breathe."

"Dapat lang saiyo 'yan! Iniwan mo ako! Best friend nga tayo, eh!"

Matapos ang madamdaming yakapang iyon ay gusto kong matawa dahil hindi talaga umalis ang mga lalaki hanggang dumating ang mga pulis kusa silang sumama at humingi ng tawad sa akin.

"I'll drive you going home," inalalayan niya ako papasok ng kotse. Masaya akong sumakay.

"Na-miss mo ba ako?"

"Yeah," tipid niyang sagot.

Kinulit ko pa siya dahil sobrang saya ko pero ipinagtaka ko kung bakit alam niya ang daan papunta sa condo ko.

Anong ibig sabihin no'n? Wala akong sinabi pero alam niya?

Diretso siyang pumasok sa loob ng mataas na building kung saan ako nakatira. Walang sumita bagkos binati pa siya nang nakangiti.

"Taxon? Bakit alam mo kung saan ako nakatira?"

Nag-iwas siya ng tingin. "Hoy, petchay! Bakit nga?"

"Blabby."

Hinarangan ko ang pinto papasok sa condo ko at pinaningkitan siya ng mata.

"Sagutin mo!"

Nag-iwas siya ng tingin at kinamot ang tungki ng matangos niyang ilong.

"Hindi mo pa rin sasagutin?!"

"Fine, I know everything about you! I'm always here you can't see." Walang emosyon niya akong tiningnan.

"Bakit?" Tumulo na ang luha ko. "Ang tagal kitang hinintay tapos nasa tabi-tabi ka lang pala!" Tinalikuran ko siya at binuksan ang pinto. "Bahala ka riyan!"

Sinundan niya ako papasok sa loob. Hindi ko siya pinansin at diretsong pumasok sa kwarto at ni-lock ang pinto. Doon na ako humagulgol.

I hate you, Mr. Horrible.

"Vinea Clee, I'm sorry, Okay?" Paulit-ulit niyang kinatok ang pinto at nag-sorry.

"I'm going to destroy the door if you didn't open it."

Natakot ako, hindi naman niya ugaling magbiro kaya alam kong gagawin niya 'yon. Wala akong nagawa kung hindi buksan.

"Let's talk."

"Talk mo mukha mo! Three years ka lang sa America naging five years, ano 'yon?!"

"Don't be mad. I'm sorry."

"Bakit ano bang ginawa mo roon?!"

"Family's thing"

"Puro ka family's thing!"

"Eh, 'yon naman talaga."

"Okay."

Inabot ko ang batok niya dahil mas matangkad siya. Ipinulupot ko ang kamay ko roon. Tumulo nanaman ang luha ko hindi ko masabi ang totoo kong nararamdaman. Kung tingnan niya ako walang emosyon hindi ko mabasa kaya naisip ko na talagang kaibigan lang ang turing niya sa akin.

Pinakatitigan ko ang mukha niya.

"I miss you so much," madamdamin kong sabi.

Tinanggal niya ang mga luha na pumapatak sa pisngi ko.

"I miss you more," doon ko lang nakita ang lungkot sa mata niya.

Wala na akong pakialam, nilapit ko ang mukha ko sa kaniya.

I want to kiss him.

Kahit isa lang.

Kahit saglit lang.

Kahit dampi lang.

Pero ayaw kong magkasala napaka-komplikado ng mundo. 'Di makatarungan kung tumakbo.

Pinigil ko ang sarili at itinago nanaman ang mukha ko sa dibdib niya at doon na humagulgol.

Hindi ko masabing siya ang mahal ko. Hindi ko masabing siya ang gusto kong pakasalan.

Hindi ko masabing nabaliw ako noong umalis siya.

Hindi ko masabing sa kaniya ko gustong ialay ang lahat sa akin.

Sa kaniya lang..

Pero gano'n din kaya siya? Mahal niya rin kaya ako katulad ng pagmamahal ko? Gusto niya rin kaya akong pakasalan?

Kung gano'ng wala naman siyang sinasabi.

Mas pinatindi noon ang sakit sa dibdib ko. Mahigpit niya lang akong niyakap.

"Stop crying. Gano'n mo ba ako ka-miss?"

"Oo!"

Tumalikod ako at humiga na lang sa kama itinago ang mukha sa unan.

"Blabby, hey, stop crying."

Iniupo niya ako. Kahit anong pagbibigat-bigatan ko ay malakas talaga siya.

Inayos niya ang mga buhok na humaharang sa mukha ko.

Na-miss ko iyon, kahit ngayon naman ay hindi na nagulo ang buhok ko dahil maganda na lagi ang ayos no'n.

Natigilan ako nang may kung ano siyang kinuha sa bulsa at itinali ang buhok ko.

Lagi niyang dala 'yon?

"Wag ka nang umiyak nandito na nga ako, eh."

"Oo nga nandito ka nga ngayon tapos aalis ka nanaman," tiningnan ko siya nang masama.

"Hindi na."

Nangibabaw ang katahimikan nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa. Gusto kong itanong kung mahal niya rin ba ako pero natatakot ako sa sagot. Siguro noon may posibilidad na mahal niya ako pero ngayon na matagal kaming hindi nagkita baka tinangay na ng hangin ang pagmamahal niya.

Lumapit ang mukha niya sa akin. Sobrang lapit, handa na akong sunggaban siya ng halik pero nag-ring ang phone ko. Sabay kaming napatingin doon.

Brekley calling.

"Babe, where are you? Are you okay? Nasaktan ka ba? Nasaan ka?" Sobrang nag-aalala si Brekley.

"Nasa condo. Nandito si--"

"I'm on my way."

Magsasalita pa sana ako pero binaba na agad ni Brekley.

Rinig ko ang boses niya na sobrang nag-aalala siya. Sinulyapan ko si Taxon, nakababa na ang tingin niya.

"I'm going. Let's see each other again next time."

Naglakad siya palabas pero pinigilan ko.

"Hindi mo na ako iiwan ulit, 'di ba?" Tinalon ko ang distansya namin at niyakap siya nang mahigpit. "Promise?"

Tumango siya. Inilapit niya ang thumb sa labi ko. Kunot-noo ko siyang tiningnan.

"Hilig mong gawin ang dampian ng thumb ang labi ko, bakit?" Usisa ko.

"It's my way of respect."

Way of respect?

Kakaiba naman yata 'yon. Ngayon lang ako nakakilala ng taong gumagawa ng gano'n para sa respeto.

Bago pa makalabas si Taxon ay may kumatok na. Pagbukas ko pa lang ay sumalubong na ng yakap si Brekley.

"What happened? Are you hurt? Anong ginawa nila saiyo? Sabihin mo--" Natigilan siya nang makita si Taxon.

"What are you doing here?" Nagkuyom ng palad si Brekley.

"Ano--" Naputol ang sasabihin ko nang si Taxon ang sumagot.

"I didn't do anything. Hinatid ko lang siya."

Nilampasan kami ni Taxon.

"Bye," patalikod siyang kumaway sa amin.

"Kailan mo pa sya nakita?" Tiim bagang tanong ni Brekley.

"Kanina lang. Siya ang nagligtas sa akin."

Nag-iwas siya ng tingin, nakakuyom ang mga palad at nakatingin sa kung saan. Hindi na siya nagsalita pa, hinawakan niya ang kamay ko papuntang kusina at pinaghanda ng pagkain.

Tahimik kaming kumain.

"How's the feeling to see him again?"

Natigilan ako at uminom ng tubig.

"Masaya akong makita siya ulit."

Pagpapakatotoo ko, iyon naman talaga. Nirerespeto ko ang relasyon namin ni Brekley dahil kung hindi baka talagang hinalikan ko si Taxon.

Lumapit si Brekley at humalik sa noo ko. Nakikita ko ang takot sa mga mata niya, ang lungkot at sakit.

Hindi ko makayanang tingnan 'yon. Niyakap niya ako nang mahigpit at bumulong sa tainga ko.

"'Wag mo akong iiwan."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.