HORRIBLE YOU Chapter 24

Nagising ako kinaumagahan nang nakayakap sa baiwang ko si Brekley. Tiningnan ko lang ang natutulog niyang mukha.

Nilito nanaman ako sa nararamdaman ko.

Mahal ko si Brekley, mahal ko rin si Taxon.. petchay!

Bumangon na ako at tumungo sa banyo. Nagsepilyo at nag-ayos ng sarili. Magaan na ang loob ko siguro iyon ay dahil sa nakita ko na ulit si Taxon.

Nanlaki ang mata ko nang biglang pumasok si Brekley at diretsong umihi sa bowl kaya napatalikod ako at mabilis na naglakad palabas. Palagi siyang natutulog dito pero hindi ko siya tinitingnan tuwing lalabas siya ng banyo na naka-towel lang, o hindi kaya wala siyang shirt. Kapag nandito siya hindi ako lumalabas ng naka-towel lang din. Magmula nang maging okay kami nakita ko na ang respeto sa kaniya kapag ayaw ko hindi niya pinipilit.

"Babe, gusto mo ba rito na lang ako? Hindi ako papasok ngayon kailangan mo ba ng kasama?"

"I'm okay. Pumasok ka na."

Tumango lang siya at nag-ayos na ng sarili.

"Aalis na ako," humalik siya sa labi ko.

"Sige, ingat ka."

"I love you."

Hindi ko masagot ang sinabi niya kaya napabuntong hininga na lang siya at umalis na.

Naglinis ako ng condo. Hindi na ako papasok ngayon. Gusto ko magpahinga.

Nanonood lang ako sa sofa nang may kumatok.

Bumalik ba si Brekley?

"Oh, babe bakit ka buma--"

Natigilan ako nang makita si Taxon.

"Hi!" Masigla kong bati.

"Are you free today?"

"Oo, hindi ako pumasok."

"Let's be together." Nakangiti niyang sabi at isinandal ang braso sa gilid ng pinto.

Nakagat ko ang labi ko.

Anong 'let's be together' na pinagsasasabi nito? Pwede namang 'tara alis tayo' kakaiba talaga ang mga linyahan ni Taxon Ken.

Nagmadali akong magbihis. Nakangiti ako nang lumabas.

"Let's go!" Masigla kong yaya sa kaniya.

Akala ko ay kung saan kami pupunta. Hindi niya dinala ang kotse naglakad lang kami hanggang marating ang magandang park. Sa dulo ay beach. Na-miss ko tuloy ang Camarines Norte. May nakita kaming nagtitinda ng ice cream kaya bumili kami.

"Kumusta ang pag-stay mo sa America?"

"Okay lang. Malungkot kasi wala ka."

Napalingon ako sa kaniya pero ang mata niya ay nakatingin sa beach.

"Na-miss mo siguro ang kadaldalan ko?"

"Yeah, the whole you."

Hindi niya ako tinitingnan. Kausap niya ako pero ang mata ay nasa malayo.

"You're going to marry, Brekley. You should be happy." Pilit siyang ngumiti. Nahahalata ko iyon.

"Dati pa naman kami engage."

"Yeah, I know."

"Bakit ka pala pumupunta ng America?"

"Blabby."

"Eh, na-curious ako. Ano 'yong family's thing?"

"I told you to be my wife five years ago, right? If that's happened you would know everything."

Napatitig ako sa mukha niya. Hindi ko napansing tumutulo na pala ang ice cream sa damit ko.

"Ohh, men." Inabutan niya ako ng panyo. "Punasan mo 'yang dibdib mo."

Napasimangot ako nang makita kong ang lagkit na ng damit ko. Natigilan ako nang mag-sink in sa akin ang sinabi niya.

Talagang seryoso siya sa bagay na 'yon?

Hindi ko magawang magtanong natatakot ako sa isasagot niya.

"Ang dungis ko na." Pilit kong iniba ang usapan kaya nagmaktol ako, nakanguso at parang bata na iwinagayway ang paa sa hangin kahit ang isip ay nagtatanong kung ano ba ang nais niyang iparating.

Natigilan ako nang dampian niya nanaman ng thumb ang labi ko.

"Umuwi na tayo para magpalit ka ng damit."

"Taxon?"

"Hmm?"

"M-may, ahm, asawa ka na ba?"

Mabilis niya akong nilingon. "Mayroon na."

"H-huh? Totoo?"

"Mayroon na sana kung pinakasalan mo ako."

"H-huh?"

Ngumiti siya pero ang mata ay malungkot. "Nevermind."

Kung noon ay kumakapit ako sa braso niya ngayon hindi ko na magawa 'yon parang may pader na sa pagitan namin. Parehas kaming nag-matured. Tingin ko nga tumangkad ako ng kaunti pero siya parang walang nagbago sa hitsura niya. Gano'n pa rin siya kung ano siya noon maging ang ugali, kilos, pananalita, walang nagbago.

Siya pa rin si Mr. Horrible.

"Hindi na ako papasok. Nag-text kasi ang client ko. She needs me." Sabi niya, nasa may pinto lang siya.

Pinanood ko na lang ang paglayo niya. 'She' babae ang client niya.

Ano naman, Vinea? Wala ka nang pakialam doon.

Nagbihis ako. Nakatulugan ko ang panonood sa sofa. Nagising lang ako sa katok. Nang buksan ko ay si Brekley, mapungay ang mata, amoy alak at susuray-suray lumakad.

Ngayon ko na lang ulit siya nakitang maglasing. Hindi niya na iyon gawain.

"Bakit naglasing ka?" Inalalayan ko siya papasok ng kwarto.

"Pakialam mo!"

Nabitawan ko siya nang makita ko nanaman ang dating Brekley.

Sasaktan niya nanaman ba ako?

Lumayo agad ako sa kaniya at umupo sa gilid. Niyakap ang tuhod at itinago ang mukha. Hindi ako umiiyak pero ramdam ko ang takot na maulit ang noon na palagi niya akong sinasaktan.

"Bakit sumama ka nanaman kay Taxon?! Magpapakasal ka na Vinea! Ano bang nasa isip mo at hindi mo malayuan ang lalaking 'yon?! Huh?!"

Heto na nga ang kinatatakutan ko ang bumalik siya sa dati.

Akmang lalapit siya pero agad akong lumayo.

"Sagutin mo ako!" Nanlilisik ang mga mata niya.

"N-natatakot ako saiyo." Tumulo na ang luha ko.

"Talagang dapat kang matakot sa akin! Galit na galit ako. Hindi ako tanga! Siya ang mahal mo!"

Umiling lang ako. Mahal ko rin naman siya kaya nga siya ang papakasalan ko kahit magulo ang isip ko.

Natigilan ako nang hawakan niya ako sa braso at ihagis sa kama.

"Dapat matagal ko na itong ginawa! Akin ka! Akin ka!"

Hinubad niya ang shirt niya at tinatanggal niya na ngayon ang sinturon.

"Brekley! Lasing ka! Ano ba! Umayos ka!" Humahagulgol na ako nang todo dahil takot na takot na ako sa kaniya.

Tumakbo ako palabas ng kwarto pero nahawakan niya ako sa baiwang at muling ihinagis sa kama.

Dumagan siya sa ibabaw ko at marahas akong hinalikan.

"Ano ba! Brekley! Ayaw ko, please! Brekley!" Paulit-ulit ko siyang tinatawag pero lango siya sa alak.

Naramdaman ko na napunit niya na ang damit ko. Nagpumiglas lang ako at umiyak.

"Please, Brekley! No! Please naman."

Bumaba na ang halik niya sa dibdib ko. Umiiyak at nagpupumiglas ako nang paulit-ulit.

Nakahinga ako nang maluwag nang tumigil siya. Umiiyak siyang ibinagsak ang mukha sa tiyan ko. Matapos ay umupo siya sa kama sinabunutan ang sarili at umiyak na sa palad niya.

"See? Hindi na kita dapat pinipilit kung ako talaga ang mahal mo! Hindi ko rin naman kayang makitang nagmamakaawa ka. Ang asshole ko nga talaga!"

Naawa ako sa kaniya dahil umiyak siya na parang bata. Naging matunog ang iyakan namin sa kwartong 'yon. Ipinulupot ko ang kumot para matakpan ang sarili ko.

"Natatakot lang naman ako na iwan mo ako at sumama ka sa kaniya Alam kong paulit-ulit na akong nagso-sorry pero sinubukan ko naman, 'di ba? Limang taon akong naging mabuting boyfriend saiyo. Hindi na kita pinilit sa gusto ko. Nakakapagod din naman, Vinea, na ako ang kasama mo nasa malayo ang isip mo." Todo iyak siya. Nagtataas baba ang balikat at talagang sobra na ang emosyon niya.

"Akin ka.. akin ka nga ba talaga?" Tiningnan niya na ako ngayon.

Humigpit ang hawak ko sa kumot dahil natakot ako nang tingnan niya ako. Galit ang mga mata niya.

"Nandito nga ako, 'di ba? Kasama mo nga ako alam mong saiyo ako. Ang gusto ko lang kasal bago natin ito gawin. Mahirap ba 'yon?"

"Ang tanong ay kung talaga bang gusto mo akong pakasalan? Napipilitan ka lang! Hindi naman ito ang habol ko saiyo, Vinea. I just want to know how much you love me! Hindi ko maramdaman, Vinea. Simula pa lang parang ang liit ng pagmamahal mo sa akin."

Hindi ako nagsalita at yumuko na lang.

"Fuck this life!" Tumayo si Brekley.

Isinuot muli niya ang shirt at inayos ang sarili.

"Hindi ako ito, eh. Hindi ako nagi-stick sa isang babae! Nakukuha ko kung ano ang gusto ko! Bakit saiyo hirap na hirap ako? Kahit nga pagmamahal mo wala! Ang mga babae ang naghahabol sa akin. Bakit pagdating saiyo halos mabaliw na ako sa kakaisip na isang araw iiwan mo ako!"

Kinuha ni Brekley ang lamp shade at binasag 'yon. Nanginig ang buo kong katawan at sobrang natakot sa kaniya.

Lumabas siya ng kwarto rinig ko ang pagbabasag niya roon.

"Fuck you! Nakikipag-kompentensya ako sa isang lalaking kahit hindi mo makita ay siya ang nasa puso't isip mo!" Sigaw niya sa sala.

Hindi ako makagalaw. Nanginginig kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Taxon.

"Hello, Blabby."

Hagulgol ko lang ang naitugon ko sa kaniya.

"Fuck! What is happening there?"

Siguro rinig niya ang pagbabasag ni Brekley sa sala.

"Edi sa kaniya ka! Magsama kayo!" Sigaw nanaman ni Brekley.

Narinig ko na lang ang malakas na pagbagsak ng pinto na sa tingin ko ay lumabas siya. Hindi ko na nagawang tumayo, nakayuko lang ako sa mga tuhod ko at doon umiyak nang umiyak.

Sobrang takot na takot ako.

"Blabby?"

Inangat ko ang tingin ko. Nakita ko si Taxon na sobrang nag-aalala. Niyakap niya ako nang mahigpit.

"Ayaw ko na kay Brekley. Natatakot ako sa kaniya."

"Oh, cheating in front of me?"

Parehas kaming natigilan nang makita si Brekley. Mabilis na tumayo si Taxon, wala pa man lang ay nasuntok na agad niya si Brekley.

"Fucking asshole! Lumayo na nga ako, 'di ba? Fuck you! Bakit sinasaktan mo pa rin?!"

Nagpambuno silang dalawa. Tinatawag ko lang sila pero walang nakikinig.

"Mang-aagaw ng fiance!" Sinuntok ni Brekley si Taxon pero hindi man lang siya nasaktan.

"Wala akong inagaw! Nirespeto ko relasyon niyo! Pero ikaw asshole ka wala kang kwenta! Nasaiyo na sinasaktan mo pa!" Galit na galit na sabi ni Taxon. Nahuli niya ang leeg ni Brekley at itinaas ito, sakal siya gamit ang isang kamay.

"Taxon! Tama na!"

"Nag-usap na tayo nangako kang aalagaan at mamahalin mo tapos makikita kong punit ang damit, sinaktan mo at pinaiyak! Hindi ko ito kayang palampasin!" Masamang-masama ang tingin ni Taxon. Nakikinita ko nang nauubusan na ng hininga si Brekley.

Tumakbo na ako at pinigilan si Taxon.

"Tama na, please!"

"Okay," binitawan niya si Brekley.

Uubo-ubong napaupo si Brekley. Lumapit ako at akmang hahawakan siya pero kinuha na agad ni Taxon ang kamay ko.

"Hindi ka magpapakasal sa lalaking 'yan!" Masama niya akong tiningnan kaya natakot ako.

Kumilos siya nang mabilis may kung anong hinalungkat siya sa closet bago lumapit sa akin at isinuot ang malaking shirt.

Hinila niya ako pero bago lumabas ay sinulyapan niya si Brekley.

"Wala kang isang salita!" Asik ni Taxon sa kaniya.

"Vinea, 'wag mo 'kong iwan," nakaupo at umiiyak na tumingin sa akin si Brekley.

Napahinto ako.

"Babe.." Mahina kong sambit.

Sunod-sunod ang pagdaloy ng luha ko. Mahal ko siya, mahal ko si Brekley. Nasasaktan ako, napahawak na ako sa dibdib ko.

Nalilito ako pero tama bang iwan ko na lang siya?

Hindi rin magawang gumalaw ni Taxon. Nakatingin lang sa akin.

Tanga na kung tanga pero tumakbo ako pabalik kay Brekley pero bago pa ako makalapit ay hinapit na ako ni Taxon. Binuhat niya ako na parang isang sakong bigas, wala na akong nagawa kung hindi ang pumalag.

"Taxon, ibaba mo ako." Pumapalag ako habang karga niya.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao na nakakasalubong namin.

"Sinusunod ko ang mga gusto mo, Vinea Clee. Ngayon ako naman ang sundin mo." Madamdaming sabi niya.

Iniupo niya ako sa kotse. Akmang lalabas ako pero tiningnan niya ako nang masama kaya tumigil ako.

Lunapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. Ngayon ko lang nakita ang emosyon sa mata niya niya, nasasaktan at sobrang lungkot.

"Ang tagal," pinakatitigan niya ako sa mata. "Ang tagal ko nang tinitiis 'to," kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa dibdib niya.

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Ang malungkot niyang awra ay napalitan ng masamang tingin.

"I'm sorry, Blabby. This time, I can be greedy."

Pumunta siya sa driver's seat.

"We can't live in the same paradise, but I can drag you in my world."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.