HORRIBLE YOU Chapter 25

Napabalikwas ako nang magising. Katabi ko si Taxon at nakayakap sa baiwang ko. Natakot ako nang makita na iba na ang damit ko. Pinakiramdaman ko ang sarili kung may ibang nararamdaman. Nakahinga ako nang maluwag ng wala naman kakaiba sa akin.

Iginala ko ang mata. Napailing ako nang makita kung nasaan kami.

Sa mansyon ng mga Baider sa Camarines Norte.

Bumangon ako at lumapit sa pinto. Hindi ko mabuksan 'yon.

"Don't waste your energy."

Nilingon ko si Taxon na ngayon ay nakaupo na sa kama at nakangisi sa akin.

"Bakit mo ako dinala rito?"

"Because I want to." Matalim niya akong tiningnan. "Kasi kung iiwan kita sa lalaking 'yon. Nagpakatanga ka na habang buhay."

Yumuko ako at umiyak.

"Dapat pala noon ko pa ito ginawa. Edi sana may mga anak na tayo ngayon."

Natigilan ako at tumingin sa kaniya.

Anong sabi niya?

Napaatras ako nang lumapit siya.

"Hmm? It's not too late to create a child." Nakangisi niyang sabi.

Gumapang ang takot sa buong katawan ko. Hindi siya nagbibiro 'yon ang ugali niya.

Ikinulong niya ako sa mga braso niya.

"I love you."

Umalingawngaw ang tinig niya sa tainga ko.

'I love you.'

'I love you.'

'I love you.'

Nagpaulit-ulit iyon sa pandinig ko. May masayang pakiramdam na dulot sa akin pero agad ding nawala nang maalala ko si Brekley.

Heto nanaman ang pagkalito.

"Laugh all you want. Ganyan ka naman lahat ng sinasabi ko tinatawanan mo." Dire-diretso niyang sabi.

Yumuko lang ako pero itinaas niya ang mukha ko at inilapit ang mukha niya sa akin. Nagkadikit na ang ilong namin. Pigil ko ang hininga at rinig ko ang tibok ng puso ko. Ito 'yong gusto kong mangyari matagal na pero ngayon parang gusto kong umatras dahil sa kalituhan.

Ano ba talaga, Vinea?! Ang gulo mo.

Lalo akong dumasiksik sa pader nang tingnan niya ang labi ko.

"I always want to kiss you. I stopped myself using my thumb."

Nanlaki ang mga mata ko. Naalala ko ang ilang beses niyang pagdampi sa labi ko gamit ang thumb niya. Alam ko na ngayon ang sagot kung bakit niya ginagawa 'yon.

"But now, I can't stop myself.. " Duling na ang mga mata niya habang nakatingin sa labi ko.

"I desperately want your.. lips."

Bago pa ako makapagsalita ay hinalikan niya na ako. Napapikit ako nang maramdaman ang malambot niyang labi.

Matagal ko na ring gustong gawin ito. Paulit-ulit kong pinigil ang sarili ko pero ngayon wala na akong pakialam.

Mas ibinaon pa ni Taxon ang sarili sa akin. Hawak niya ang pisngi ko. Sinundan ko ang bawat galaw niya.

Petchay!

Ang tagal kong hinintay na makabalik siya. Ito na yata ang pinakamasayang sandali ng buhay ko.

Ngayon sigurado na akong siya talaga ang mahal ko. Kahit na alam kong talagang mayroon pa rin si Brekley sa puso ko pero hindi kasing lala ng pagmamahal ko sa kaniya. Hindi naman madaling kalimutan si Brekley pitong taon kaming magkasama. Natatakot pa rin naman akong magmahal muli dahil ang bilis naman at kung gano'n pero anong gagawin ko kung si Taxon na 'yon?

Taxon Ken Baider.

Ang pinaka-malupet, pinaka-astig, pinaka-maangas at pinaka-maalagang attorney.

Iniyakap ko ang kamay sa batok niya. Ang sarap niyang halikan, ang tamis at pananabik ko ay ramdam na ramdam ko. Lumalalim ang halik wala na akong pakialam. Bumaba ang halik niya sa leeg ko pero ramdam ko ang matinding pagpipigil niya. Bumalik siya sa labi ko, marahan subalit may kaunting diin ang halik niya.

"Vinea."

"Hmm. Taxon?"

"I miss you," bulong niya sa pagitan ng labi namin.

"I miss you, too," ngumiti siya at muling lumapat ang labi namin.

Lasang-lasa ko ang tamis. Parang gusto kong pabagalin ang mundo. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ito. Gusto kong isantabi muna ang mga sakit at namnamin ang sandali. Gusto kong iparamdam ang pagmamahal ko na sa tingin ko ay matagal nang naitago. Nakapikit kong pinakiramdaman ang labi niyang patuloy pa rin sa paggalaw hanggang sa tumigil siya.

"I love you."

Ngumiti ako at hinawakan ang pisngi niya. Nakita ko ang pagpikit niya. "I love you, too."

"Do you love me?" Pinaglapat niya ang mga noo namin.

Nahihiya akong tumango. Ngumiti siya nang malapad.

"Seriously?"

"Oo nga!" Nag-init ang pisngi ko.

Muli niya akong siniil ng halik.

Halik na puno ng pagmamahal.

Halik na may paglalambing.

Halik na may pag-iingat.

Halik na may pag-intindi.

At higit sa lahat halik na may respeto.

Siguro iyon nga ang tatak niya. Sa kabila ng nakakatakot niyang tingin at tindig ay mas mangingibabaw ang kabutihan at pagmamahal kapag lubos mo siyang kinilala.

Tumigil siya at tumitig sa mga mata ko. Hinawakan niya ang kamay ko at pumunta kami sa kama. Umupo kami roon at saglit na tiningnan ang mata ng isa't isa. Nakikita ko sa kaniya na may malalim siyang iniisip. Hindi ko nanaman mahulaan kung ano iyon.

"Si Bright Sun ang panganay na apo ng mga Baider pero dahil namatay na siya.. ako na ngayon ang panganay," mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.

"This is not an ordinary family. We have secrets, flaws and imperfections, but the important is we love each other to the point that every member should be protected, all the time." Pinakadiinan niya ang salitang 'all the time'.

Nalito ako at naghagilap ng sagot. Hindi ko maintindihan wala akong maintindihan. Natural lang na protektahan ang miyembro ng pamilya pero may kung ano sa sinasabi niya na may mas higit pa 'yong pakahulagan.

"Blabby, are you willing to love me even if the possibility could kill you?"

Natigilan ako at tumitig sa mukha niya. Hindi pa naman gano'n siguro katindi sa punto na mamamatay ako.

May gano'n ba na mamamatay ka kung magmamahal ka?

Kay Brekley pa baka mapatay ako no'n sa pananakal niya pero sa kaniya na puno ng pag-iingat sa akin, malabo sigurong mangyari 'yon.

Ano nanaman bang gusto niyang sabihin?

Hindi niya ako pinagsalita. Dinampian niya ulit ng halik ang labi ko. Hinawakan ang pisngi ko at tumitig lang sa mata ko.

"Answer me if you're ready." Humalik siya sa noo ko. "Ang mahalin ako ay ang pagtaya mo sa sarili mong buhay."

'Ang mahalin ako ay ang pagtaya mo sa sarili mong buhay.'

Hindi ko maintindihan? Buhay ko ang kapalit ng pagmamahal ko sa kaniya?

"You will know everything when you say yes to be my wife."

Hindi niya ulit ako pinagsalita. Hinila niya na ako palabas ng kwarto. Gusto kong mainis dahil pinipindot lang pala ang doorknob sa gitna para mabuksan. Ang ginawa ko ay pinihit 'yon.

Nakita ni Taxon ang reaksyon ko kaya tumawa siya.

"Bad mo." Kinurot ko ang pisngi niya.

Pagbaba namin ay nandito pala ang mga Baider. Nakangisi sina Elle at Kil.

"Hindi na kayo best friend?" Pang-aasar ni Kil.

"Back off, bro." Inis na sabi ni Taxon.

Inalalayan niya akong makaupo. Hinanap ko si Jave pero wala siya. Tanging ang mga Baider lang. Si Mr. Baider, Laureyna, Jerex, Laurex at Tassiana (dad at mom ni Diamond), Kil, at Elle ang nandito.

"Vinea, are you going to marry our Taxon?" Nakangiting sabi ni Tita Laureyna, mom ni Taxon.

Kasal agad?

Naalala ko nga ikakasal ako kay Brekley, ngayon ang araw na 'yon pero dahil sa nangyari. Tingin ko kawawa si Brekley haharapin niya ang lahat sa kahihiyan.

"Mom, 'wag mo siyang madaliin. She is now facing the heart break." Sumubo si Taxon.

Napayuko na lang ako.

"I see." Iyon lang ang sinabi ng mommy niya.

"But, if one of these days that you are really sure to marry him, be ready." Ngumisi si Diamond kaya natakot ako.

"Diamond!" Saway ni Taxon.

"What? I'm just telling the truth! Buti man lang kung katulad siya ni Jave, the King of Deadly Martial Arts na hindi mo na ikagugulat na nakaligtas sa patunay." Dire-diretsong sabi ni Diamond.

Kumunot ang noo ko at napuno ng tanong ang utak ko.

Ano 'yong patunay? King of deadly martial arts si Jave?

Sumakit ang ulo ko sa ibat't ibang tanong na pumasok sa utak ko.

Tahimik lang si Elle, seryoso at mabagal na kumakain.

Anong mayroon? Bakit bigla ay naramdaman kong napaka-misteryoso ng pamilyang ito?

"Sabi ni lola, kung pu--" Sabi ni Kil napalingon ako sa pagsabay ni Elle at Taxon.

"Kung puro at totoo ang pagmamahal makakaligtas sa patunay," sabay-sabay na sabi ni Taxon, Elle at Kil.

"At 'wag matakot magmahal," dugtong ni Laurex na sumulyap kay Kil at Diamond. "'Wag matakot magmahal Kil at Diamond," pag-uulit niya.

Nakita ko ang malapad na ngiti ni Mr. Baider. Wala man akong ideya sa pinag-uusapan nila nakikita ko ang pagmamahal nila sa isa't isa. Nakikita ko kung gaano katindi iyon sa kabila ng pagiging misteryoso nila.

"Sinong hindi matatakot sa patunay, Tito?" Sabi ni Taxon kay Laurex.

"Ikaw," ngumiti ito nang malapad kay Taxon. "Trust her," dagdag pa ni Laurex na isenenyas ako.

Kunot noo ko silang tiningnan. Pakiramdam ko ay nosebleed ako sa pinag-uusapan nila.

Ano ba kasi 'yong patunay?

Hindi sumagot si Taxon at yumuko lang.

"I rather die single," sabi ni Diamond.

"Die single, kasi wala ka pang nakakaharap na playboy na katapat mo." Prangkang sabi ni Kil.

"Apo, masama 'yan naglalaro ka ng feelings ng mga lalaki." Sabat ni Mr. Baider na sinasabi niya kay Diamond.

"Lolo, love doesn't matter in this family." Mataray na sabi ni Diamond at umirap pa.

"It matters, anak. Kung hindi bakit ka namin nabuo?" Singit naman ni Tassiana.

"That's because you two found your.." Hininaan ni Diamond ang boses sa huling linya. "Pure and true love." Malungkot niyang ani.

'Pure and true love.'

Ngayon ko lang narinig iyon. Akala ko ba pinaparamdam 'yon, hindi hinahanap kung hindi kusang ipaparamdam saiyo.

"How about you, Kil?" Bigla ay tanong ni Jerex sa anak.

"Dad, ba't ako nasali si Diamond ang topic." Nag-iwas ng mata si Kil at sumubo na lang ng malaki.

"Trying to slant my question, huh?" Sarkastikong sabi ni Jerex sa anak.

"Didn't you like, Arah?" Bigla ay nasamid si Kil sa tanong ni Elle.

"You like her, but you push her away." Dagdag pa ni Elle.

Natigilan ako.

Parehas pala nilang gusto ang isa't isa bakit hindi nila pinu-pursue? Ang gulo ni Kil kung gano'n.

"Stop that, Shine." Sumama ang tingin ni Kil kay Elle.

"Whatever," si Diamond ang sumagot at umirap pa.

Nang matapos ang awkward na breakfast ay nagkaniya-kaniya na rin sila. Gusto kong tanungin si Elle kung ano 'yong patunay kaso baka isagot niya rin 'family's thing' tulad ni Taxon. Pumunta na lang ako sa veranda at tiningnan ang beach.

Brekley.

Syempre naiisip ko rin siya. Mahalaga rin naman siya sa akin. Hindi ko lubos maisip kung paano niya hinaharap ang araw na ito.

Brekley calling...

Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin iyon pero sa huli ay sinagot ko. Hagulgol niya agad ang bumungad.

"Babe, umuwi ka na please.. I'm sorry, hindi ko na talaga uulitin please.. Babe.. nagmamakaawa ako saiyo."

Wala akong maisagot sa kaniya kung hindi iyak lang. Masakit sa dibdib na nasasaktan ko siya.

"Babe naman.. umuwi ka na please.. Babe.. ang sakit ng wala ka.. mahal na mahal kita.. Babe."

Hindi pa rin ako nagsalita, tumutulo lang ang luha ko.

"Wala na akong pakialam sa sinasabi nila ngayon.. pwede naman tayo mag-arrange ulit ng kasal.. Babe.. Babe."

Nanlulumo akong napaupo sa sahig. Nahihirapan, nasasaktan, umiiyak, at napapagod na sa relasyon namin ni Brekley.

Tama na rin siguro ang mga hirap ko sa kaniya.

"Brekley.." Humugot ako nang malalim na hininga. "I'm sorry.. let's end our relationship."

"No.. Please.. Babe.. hindi ko kaya.. Please Babe, please." Paulit-ulit lang ang pagmamakaawa niya hindi ko na iyon pinakinggan.

"I'm sorry.." Mahina at nahihirapan kong sambit.

Narinig ko nanaman sa kabilang linya ang pagwawala niya. Kung nando'n ako takot nanaman ang mararamdaman ko.

"Ipinagpapalit mo na ako! Alam mo naman kung gaano kita kamahal! Ikakasal dapat tayo ngayon pero sumama ka sa lalaki mo!" Nagagalit nanaman siya.

Nilakasan ko ang loob ko upang magsalita.

"Tiniis ko lahat ng pananakit mo.. umasa akong balang araw magbabago ka! Alam mo ba kung gaano ako kasaya nang maramdaman kong mahalaga ako saiyo? Iyon ang pangalawa mong pagkakataon pero ang ginawa mo ngayon ay hindi ko na kaya.. ikaw ang pinipili kong pakasalan pero bakit.. bakit naman ganiyan ka? Oo.. inaamin ko gusto ko si Taxon pero wala naman akong ginawa na makakatapak sa relasyon natin.. Ikaw pa rin. ikaw pa rin ang palagi kong pinipili.." Gumaan ang loob ko nang masabi ko iyon.

"Pero tama na, Brekley. Ubos na ubos na ako.. Hindi ko na kaya ang pananakit mo." Naitakip ko na ang mga kamay ko sa mukha.

Oo, masakit, sobrang sakit ang makipaghiwalay sa kaniya. Nando'n na kasi ako sa limitasyon ng pagmamahal ko.

Kailangan ko nang maging matalino. Ang pagpili ng lalaking pakakasalan mo ay ang pagpili ng kinabukasan mo.

"Babe, please.. 'wag naman ganito." Pagmamakaawa niya. Rinig ko na parang may sinusuntok siya.

Hindi ka na talaga magbabago.

"I'm sorry. Let's forget everything about us. Sabihin na lang natin na hindi tayo nagkakilala."

Pagkatapos kong sabihin ang huling linyang 'yon ay ibinaba ko ang tawag.

Nakaupo pa rin ako sa sahig at umiiyak. Nagpadala ako ng email sa secretary ko na magbabakasyon ako ng ilang buwan. Sinabi ko rin kay Jerick at Cecelia na sila na muna ang bahala muna sa kompanya.

Pagkatapos noon ay ubos lakas akong tumayo. Matalim na tiningnan ang dagat.

"Ayaw ko na saiyo! I hate you." Mahina pero nanggigigil kong sabi at saka ko ibinato ang phone ko sa malayo.

Kailangan kong mag-move on. Walang istorbo, walang mapanakit na Brekley, iyong hindi ko mararamdaman ang sakit sa puso ko. Nang lingunin ko ang kanan ko ay nandito pala si Taxon. Siguro kanina pa siya na pinapanood ako. Prente siyang nakaupo at nakadekwatro.

"Aren't you going to hug me?"

Lumapit na ako, yumakap at umiyak sa dibdib niya. Hinaplos niya ang buhok ko rinig ko ang matunog na buntong hiningang pinakawalan niya.

"So, Blabby, whether you like it or not.. you will be crazy in love with me." Humalik siya sa noo ko.

"Mamahalin mo ako sa paraang hindi ka na makakaahon pa."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.