HORRIBLE YOU Chapter 26

"Saan ako matutulog?" Naglalakad kami sa hagdan paakyat.

"Sa kwarto ko," ngumisi siya.

"Huh? Ayaw ko roon."

"Magkatabi nga tayo natulog kagabi."

"Malay ko bang tumabi ka sa akin, Best friend," pinakadiinan ko pa ang salitang 'yon.

"Best friend, tsk." Sarkastiko niyang sabi pero ang ngiti ay hindi naalis sa labi.

"What are you smiling at?"

"Hmm. Because you're mine."

"Who said?"

"Me."

"Ikaw lang 'yon, ako.. wala akong sinabi."

"Hmm," ngumiti siya. Ang saya niya ay kitang-kita mo sa mga mata niya.

Nang makapasok kami sa kwarto ay humiga ako agad sa kama.

"Doon ka matulog sa ibang kwarto." Pagpapalayas ko sa kaniya.

"This is my room." Lumapit siya at umupo sa kama.

Kaya tumayo ako at akmang lalabas.

"Edi ako na lang aalis."

"Fine." Tumayo na siya. "Ayaw mo akong katabi." Tiningnan niya ako nang masama.

"Bakit ka ba tabi nang tabi. Hindi naman kita asawa o boyfriend man lang." Pagbibiro ko kahit totoo 'yon.

Totoo naman. Hindi ko naman siya boyfriend at saka haler uso ang move on hindi 'yong magbo-boyfriend agad.

"Okay. Good night." Malungkot niyang sabi kaya naawa naman ako.

"Sige na rito ka na matulog ikaliligaya mo 'yan." Pagkasabi ko noon ay padarag akong humiga at tumalikod sa kaniya.

"Are you angry, Blabby?" Paglalambing niya. Naramdaman kong umupo siya sa kama. "Sa ibang kwarto na lang ako matutulog kung ayaw mo talaga akong katabi."

"Sabi ko rito ka na matulog." Mahinahon kong sabi. "Good night." Nilagyan ko ng harang ang gitna namin.

Naalala ko pa rin si Brekley. Siya ang madalas kong katabi matulog. Hindi naman gano'n kabilis makalimot.

Pagkagising ko ay tulog pa rin si Taxon. Tulugin nito, sa bagay maaga ako nagigising palagi. Tiningnan ko lang ang mukha niya. Kitang-kita ang ilong niya.

Kay gandang lalaki.

Napasimangot ako nang maalalang wala akong phone. Tinapon ko pala wala tuloy akong libangan. Nakita ko naman ang phone ni Taxon. Matingnan nga 'yon. Kinuha ko ang phone niya pagkailaw pa lang ay nagulat na ako dahil mukha ko ang nando'n kaya napatitig ako sa kaniya.

Ito 'yong picture five years ago. 'Yong may gumamela ako sa tainga na kinuhaan niya. Nainis ako nang makitang may password. Ang hilig ko talaga magkutingting ng phone kaya ako nasasaktan kung ano ang makita ko, eh. Ibabalik ko na sana sa sidetable nang magsalita si Taxon.

"Vinea.. Vinea ang password ng phone ko." Nakapikit niya iyong sinabi.

Napamaang ang bibig ko.

Talaga?

"Bakit Vinea?"

"Because I want." Nakapikit pa rin siya.

Binuksan ko nga 'yon at kinutingting, wala man lang games puro babasahing apps. Tiningnan ko ang message niya naloka ako dahil puro sa kaso lang ang nando'n na kinakausap niya. Sa gallery ay wala ring photos o video maliban sa nag-iisa kong picture.

Ano ba namang lalaking ito? Ang boring ng phone.

Nakaupo lang ako at nakasandal ang likod sa headboard.

"Vinea Clee." Malambing niyang sabi.

"Bakit?"

"Can I hug you?" Nakapikit pa rin siya.

"Ayaw ko."

"Okay."

Hindi talaga siya mapilit 'no? Kapag ayaw ko okay agad. Teka nga lang nanliligaw ba ang lalaking ito o ano?

"Sige na nga, hug mo na ako."

Kahit nakapikit ay nakita ko ang pagngiti niya. Yumakap siya sa baiwang ko.

Humakay ulit ako, inaantok pa ako kasi maaga pa kaya humiga na lang ulit ako. Hinayaan ko siyang nakayakap sa baiwang ko.

"I got the make ups!" Tatawa-tawang sabi ni Kil habang nakataas ang kamay at ipinapakita sa amin ang make up.

Nakaupo lang kaming dalawa ni Taxon sa sofa. May distansya kami ayaw kong dumikit nang dumikit sa kaniya. Naiilang ako.

Una ay hindi ko na-gets bakit tumatawa sa Kil na dala niya ang make up saka ko lang naintindihan nang bumaba si Diamond, nanlilisik ang mata at sinabunutan si Kil.

"I told you not to touch my things! Bading ka ba, huh?!" Asar na asar na sabi niya habang si Kil ay tumatawa at nilalayo ang make up.

"Stop that!" Saway ni Taxom pero hindi siya pinakinggan noong dalawa. Patuloy pa rin sa rambulan.

"Akin na! Kakalbuhin talaga kita!" Hila-hila ni Diamond ang buhok ni Kil.

"What the?"

Napalingon kami kay Elle na ngayon ay nakatingin kala Diamond. Kakababa niya lang ng hagdan at nasa tainga ang phone.

"Para kayong si Carme at Clench 'yon nga lang make up ang pinag-aagawan niyo," umupo si Elle sa tabi ko. "My brothers are coming. Magbabakasyon daw rito."

Mame-meet ko na rin ang mga kuya ni Elle. Nakangiti ko siyang tiningnan.

"Gusto ko nang umuwi, nami-miss ko si Flair," nakangusong sabi ni Elle at inis na winagayway ang paa. "At si Shivelle Flear. Mamaya iyakan noon si Flair dahil hindi ako nakikita."

"Tsk. Ilang araw ka pa lang dito at ang anak mo hindi 'yon umiiyak kapag naiintindihan niya," sabi naman ni Taxon.

Umusog si Elle at dinasiksik si Taxon hanggang sa magkatabi kaming dalawa, sobrang dikit.

"Ang layo niyo sa isa't isa. Nagkakailangan pa kayo," pang-aasar niya.

Sabay kaming nagkamot sa ulo ni Taxon. Hindi nga siguro kami sanay na may mutual understanding kami hindi katulad noon na magkaibigan lang kami.

"Are you two officially in a relationship?" Bigla ay tanong ni Elle at saka umakbay kay Taxon.

Hindi ako nagsalita at iniwas na lang ang sarili. Wala pa ako sa tamang isip na makipagrelasyon agad-agad. Kakahiwalay lang namin ni Brekley, ayaw kong magmadali.

"Not yet, I'm still waiting for Vinea," pagpapakatotoo ni Taxon.

"Sa bagay, kakahiwalay lang nila. Ganyan din ako noon kay Kean hindi ako agad nakipag-relasyon kay Flair." Napalingon ako kay Elle.

Ex niya si Kean?

Nangati nanaman ang bibig ko at gusto iyong itanong. Chismosa ko talaga pagdating sa buhay niya.

"Ex mo pala si Kean?" 'Ayon nga natanong ko na nga hindi ko kayang tiisin ang sarili. Petchay!

"Oo, he's my first boyfriend, my handsome," tumawa pa siya na ipinagtaka ko.

My handsome?

Kahit ex na niya tinatawag pa rin niyang gano'n?

Kung gano'n ang mature ng naging break up nila.

"Matagal ba kayo ni Kean?" Gusto kong mainis sa pagiging daldalera ko talaga.

"Hindi masiyado, eh. We broke up because of Yannie." Kwento niya.

Si Yannie 'yong asawa niya ngayon. Na-curious talaga ako sa buhay ni Elle.

Wahh! Idol ko kasi siya kahit hanggang ngayon.

"Yannie was suffering from depression that time, kung iniwan siya ni Kean baka nagpakamatay na 'yon." Tiningnan niya ako at ngumiti. "Why are you so interesting about my life?"

Napakamot ako sa noo ko. "Eh kasi idol kita alam mo naman 'yon." Nahihiya kong sabi.

"Until now?"

"Hehe, oo."

"Hey, people of the Philippines! We're here!"

Napalingon kami sa isang lalaking nakangiti sa amin. May kasama pa siyang dalawang lalaki baka sila na 'yong mga kapatid ni Elle.

Napatayo ako at tumitig sa lalaking matangkad at kunot ang noo ngayon. May kung ano sa dibdib ko ang masaya na makita siya kaya lumapit ako agad at pinakatitigan siya.

"Ah, si Vinea nga pala," pakilala sa akin ni Elle pero ang tingin ko ay nasa lalaki pa rin. "Si Mel Zen, Mel Zeke at Mel Zaimon."

Mel Zen.

Iyon ang pangalan niya. Ngumiti ako nang malapad sa kaniya. Ang kunot niyang noo ay biglang pumorma nang malaking ngiti.

"Vinea," inilahad ko ang kamay ko na nakatingin pa rin kay Mel Zen.

Ano bang nararamdaman ko bakit para ang saya kong makita siya?

Umaasa akong may magtatapik ng kamay ko tuwing maglalahad ng kamay sa lalaki pero wala, nasanay siguro ako kay Brekley. Aabutin na ni Mel Zen ang kamay ko pero si Mel Zaimon ang umabot. Nakangiti nang malapad na halos hindi na makita ang mga mata ni Mel Zaimon.

"Hi!" Masigla niyang bati. Napangiwi ako nang hindi na niya binitawan pa ang kamay ko.

"Hmm. z3? You wanna die early?" Sabi ni Elle kay Mel Zaimon.

"Ayaw." Nakangiti niyang sagot pero ang mata ay nasa akin at hindi na matanggal pa ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Vinea is Taxon's girl," nakangising sabi ni Elle.

Gusto ko nang hilahin ang kamay ko pero ang lalaking ito ay ayaw bitawan.

"Ohh, may nagustuhan nga taken naman," malokong sabi ni Mel Zeke. "Good luck, bro." Tinapik niya si Mel Zaimon sa balikat at nilampasan na kami. Nakipag-batian siya sa iba pang taong naroroon.

"Ahem," tumikhim si Mel Zen, doon lang napabitaw sa kamay ko si Mel Zaimon.

May hitsura siya, si Mel Zaimon, moreno at mala-kpop ang buhok niya. Magkamukhang-magkamukha nga sila ni Mel Zeke.

Kambal ba sila?

"S-sorry.. ang ganda mo kasi," nahihiyang sabi ni Mel Zaimon at saka nag-iwas ng tingin.

Nilingon ko si Taxon na ngayon ay nakaupo pa rin sa sofa. Nakatingin lang sa amin, walang emosyon.

Hindi pala siya seloso?

Nakakagulat talaga ang ugali niya. Hindi niya sasabihin kung ano siya ikaw ang makakatuklas noon.

"Girlfriend ka ni Taxon?" Bigla ay tanong ni Mel Zaimon.

"Not yet," si Taxon ang sumagot pero hindi pa rin umaalis sa sofa. Nakayakap ang kamay sa likod ng upuan at nakadekwatro.

Nakita ko ang ngiti ni Mel Zaimon. Nailang akong umiwas ng tingin. Mukhang tinamaan pa ang isang ito sa akin. Halatang-halata, eh.

"Sige, nice to meet you." Sabi ko na lang at tinalikuran siya. Nakangiti niya akong pinanood paalis.

Tumabi ulit ako kay Taxon. Sa pagkakataong ito malapit na, walang distansiya.

Narinig ko ang pagbungisngis niya.

"Yan ba ang hindi maganda?" Tanong niya. "I actually predicted that you're going back to me. Wherever you go, you'll always come back to where your heart is," bulong niya.

Hindi na lang ako nagsalita. Tama naman siya.

KINAGABIHAN

Nakaupo lang ako sa buhanginan nakatingin sa malayo. Ang dami kong iniisip, hindi ko itatangging kasama roon si Brekley. Ang hirap talagang mabuhay.

Kung nagpakasal ba ako sa kaniya agad magkakaganito ba ang lahat?

Pero mahirap namang magpakasal kung may ibang taong laman ang isip mo.

Napalingon ako nang may tumabi sa akin. Si Mel Zen may hawak na drink in can. Binuksan niya ang isa at ibinigay sa akin.

Bakit ang gaan ng loob ko sa kaniya?

Sobrang gaan 'yong pakiramdam na parang kapatid ko siya, katulad ng nararamdaman ko kay Arah.

"Need a kuya?"

Pagkasabi niya noon ay tumulo na ang luha ko.

Kuya.

Umulit sa isip ko ang salitang iyon. Wala akong kapatid pero dahil sa kaniya naramdaman kong parang mayroon hindi ko lang sila nakikita.

"Don't cry. What are you thinking?" Malambing niyang sabi.

"Wala akong pamilya.. hindi ko alam kung nasaan sila," nasabi ko iyon sa kaniya na para bang pinagaan noon ang loob ko.

"Ako mayroon.. pero hindi ko alam kung totoo ba talaga akong anak. I can't ask my mom and dad. I'm afraid of the answer," Malungkot niyang sabi.

Kung si Elle nga raw ang ampon hindi malabong maging sila rin. Masakit ang katotohanang iyon.

Natahimik kaming dalawa at pinagmasdan na lang ang karagatan.

May posibilidad ba na maging magkapatid kami? Paano? Paano mangyayari 'yon kung sarili kong pamilya hindi ko kilala?

Umalis na rin si Mel Zen. Tumayo ako at akmang pupunta sa dagat.

"Don't tell me you're going to kill yourself again?!" Asik ni Taxon at hinila ako palayo sa tubig.

"Hoy, hindi! Magswi-swimming lang ako."

"Okay.. I'll be with you."

Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami palapit. Bago pa kami makalapit nang tuluyan sa tubig ay huminto ako.

"Wait." Itinaas ko ang cover up ko.

Nag-iwas lang siya ng tingin. Natanggal ko ang cover up at two-piece na lang ang suot ko.

Bakit kaya ganyan siya? Ang luwag!

Hindi niya ako pinagbabawalan sa gusto ko kaya napangiti na lang ako.

Ikinagulat niya ang paglagay ko ng kamay sa baiwang niya at saka kami naglakad papunta sa tubig.

"Woah! Ang lamig! Grr."

"Gusto mo 'yan, eh."

Ngumiti ako nang makita ang ngiti niya.

So pogi.

Kinurot ko ang pisngi niya. "Girlfriend na ba kita, Blabby?" Bigla ay tanong niya.

"Hindi, paano mo ako magiging girlfriend hindi ka naman nanliligaw? Sasabihin mo be my wife agad, ano 'yon?" Pagbibiro ko sa kaniya.

"Tsk. I court you kaya," akmang hahawak siya sa baiwang ko pero inis niyang pinigil ang sarili. "I court you for five years."

"Hoy, hindi! Court you, court you ka riyan wala ka nga!"

"Hindi ba panliligaw ang pagpapadala ng mga stuff toys, chocolate lalo na ng beng-beng at tulips?"

Nanlaki ang mga mata ko at pinaningkitan siya ng mata.

"Ah-ikaw pala 'yon! Mr. H?"

Tumango siya. "Mr. Horrible. That's what you call me." Masungit niyang sabi.

Napangiti ako. All this time hindi pala talaga siya nawala. Nasa tabi ko lang siya. Nakakainis na lagi mo siyang hinahanap pero hindi mo makita.

Hindi ako nagsalita, nainis ako sa naisip kong halos mabaliw ako ng limang taon tapos nandito lang pala siya.

"Don't be mad, Blabby. Can I hold your waist?" Pagsusumamo niya.

"Ayaw ko! Ang bad mo hindi ka nagpakita sa akin!"

"Kasi.. nag-usap kami ni Brekley."

Napalingon ako sa kaniya. "Anong pinag-usapan niyo?"

"About you. You doesn't love me naman that time that's why I talked to him. Tinanong ko siya kung mahal ka ba niya talaga, he said yes kaya sabi ko alagaan ka at mahalin kapalit noon ay ang paglayo ko."

Kumunot ang noo ko.

"Sinong nagsabing hindi kita mahal? Naguguluhan lang ako pero alam ko sa sarili kong gusto rin kita, kayong dalawa ni Brekley pero sa mga panahong wala ka.. petchay ka!" Kinurot ko nang madiin ang pisngi niya. "Hinahanap kita at hindi ka na nawala sa isip ko!" Gigil na gigil ako sa pisngi niya.

"Really?" Lumapad ang pagkakangiti sa labi niya.

"Oo. Mr. H," inis kong sabi.

Mr. H pala, huh? Kainis!

"Be my girl, then."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.