HORRIBLE YOU Chapter 27

Hindi ko nasagot si Taxon at nagbaba na lang ng tingin. Gusto ko naman talaga siya kaya lang masakit pa rin ang puso ko dahil kay Brekley. Magiging unfair ako kung magiging kami habang nagmo-move on ako.

"Taxon, kasi hindi pa ako nakaka-move on."

"Okay."

Nang mag-angat ako ng tingin ay nakangiti na siya. Tiningnan ko ang mga mata niya walang bahid ng lungkot o kung ano. Kaya humahanga ako sa kaniya dahil sa ugali niya. Hindi siya namimilit. Ang lahat ng gusto ko ay okay lang sa kaniya.

Ngumiti ako sa kaniya at kumapit sa braso niya.

"Alam mo crush ko ang mukha mo, gusto ko ang ugali mo at mahal ko ang buong ikaw." Nakangiti kong sabi.

"Really?"

"Oo." Hinila ko siya at inilubog sa tubig.

Lumangoy kaming dalawa habang tinitingnan ang isa't isa sa ilalim. Ang guwapo niya kahit nasa ilalim ng tubig. Hinawi niya ang mga buhok na humaharang sa mukha ko. Hinawakan ko ang pisngi niya.

Dati akala ko okay lang na maging mag-best friend kaming dalawa habang buhay. Nalilito lang talaga ako sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam at ayaw ko nang isipin dahil sumasakit lang ang ulo ko.

Nakatitig lang kami sa mukha ng isa't isa sa ilalim ng tubig. Hinapit ko ang batok niya. Ayaw kong maulit ang halik pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Petchay! No!

Wala siyang ginawa kung hindi tingnan lang ang mukha ko at hawiin ang mga buhok ko.

Bahala na!

Hinapit ko ang batok niya.

Taxon.

Ako ang unang gumalaw at lumapit sa kaniya upang halikan ang labi niya. Ang lambot, ang sarap, ang tamis at ang pagmamahal niya ay ramdam ko.

Natigilan ako nang matanggal ang pagkaka-hook ng bra ko dahil siguro sa pressure ng tubig.

Petchay! Nasira yata.

Nanlaki ang mga mata ni Taxon at nagmadaling umangat sa tubig.

"Petchay!" Nilubog ko ang dibdib ko sa tubig habang inaayos ang hook pero hindi ko maayos.

Nasira ba? Petchay! Nakakahiya nakita niya ba? Kakainis! Woah!

Nakaiwas lang ng tingin si Taxon at hindi ako tinitingnan. Namumula ang pisngi niya at kagat ang labi.

"Taxon," tawag ko sa kaniya nang hindi ko na magawang ikabit.

"Hmm?" Hindi pa rin niya ako tinitingnan.

"Ano.. hindi ko makabit." Naiilang kong sabi. "Pwede bang ano.. ikabit mo?" Gumapang ang init sa pisngi ko. Nahihiya ako sa kaniya. Napaka-awkward ng moment.

Bakit ba kasi natanggal? Petchay naman, oh.

"Are you sure?" Tiningnan niya na ako pero sa mukha ko lang ang tingin niya. Tumango lang ako.

"Eh.. hindi ko alam paano ikakabit 'yan. Ugh!" Inis na sabi niya.

Pilit ko pa ring inaabot at kinakabit pero hindi ko magawa.

Ano ba naman 'yan?

"Ugh.. fine. Paano ba 'yan? Wooh!" Nagpakawala pa siya nang marahas na exhale.

Tumalikod ako sa kaniya. Napapikit na lang ako dahil sa pagkapahiya nang maramdaman ang kamay niya sa likod ko.

"Saan ko ikakabit sa pang-una o pangalawa?"

"Sa pangalawa."

Hindi ako makagalaw nang kinakabit niya na iyon.

"Fuck! This is really awkward," inis niyang sabi.

"Hehe.. sorry."

Sa wakas ay naikabit niya rin. Haharap na sana ako sa kaniya pero natigilan ako nang yumakap siya sa likuran ko. Pigil ko ang hininga ko dahil sa ginawa niya. Ang puso ko ay malakas ang talon. Nakakailang man dahil ito ang unang beses na yumakap siya sa likuran ko.

"Let me do this, please." Ipinatong niya ang mukha sa balikat ko at bumulong sa tainga ko. "I love you, Blabby."

Hinayaan ko na lang siya. Naramdaman ko ang pagdampi niya ng halik sa leeg ko na nagdulot ng bulta-bultaheng kuryente at nag-init ang katawan ko.

Taxon, nakakainis ka naman!

Ganito pala siya ka-sweet talaga. Noon ko pa alam 'yon pero iba yata ang pagiging sweet niya ngayon. 'Yong sweet na hindi bilang kaibigan kung hindi espesyal na babae o baka hindi ko lang iyon binigyan ng malisya noon.

"Are you still thinking of Brekley?"

"I'm sorry," malungkot kong tugon.

"I understand," dinampian niya ulit ng halik ang leeg ko.

Ano bang ginagawa niya hindi niya ba alam na nagdudulot 'yon sa akin ng kakaibang pakiramdam?

Kahit pa nasa tubig kami at malamig nag-iinit ang buong sistema ko o baka gawa lang ng alak?

"Do you still love him?" Napalingon ako sa kaniya at hindi ko inaasahang labi niya ang nakaharap kaya naglapat muli ang labi namin.

Petchay! Ang awkward naman.

"I know you still love him. It's not easy to forget," mahinahon niyang sabi.

Hindi na lang ako nagsalita. Naiilang ako sa pagkakahawak niya sa tiyan ko wala akong damit naka-two piece lang at hindi naman ako sanay na may humahawak sa tiyan ko.

"Kung hindi ba kita nilayo kay Brekley papakasalan mo pa rin siya?" Malungkot ang tinig niya, nakikita ko iyon.

"Hindi ko rin alam ang sagot. Ang gulo-gulo kasi ng isip ko."

Iniharap niya ako sa kaniya at humawak sa baiwang ko. Napakislot ako nang maramdaman ko ang palad niya.

"Sorry. Hindi ka sanay sa hawak ko." Sinsero niyang sabi.

"Okay lang sadyang nirerespeto mo lang talaga ako kaya hindi mo ako basta-basta hinahawakan," humawak ako sa batok niya.

Petchay ka!

Nakita ko nanaman ang labi niya. Hindi naman ako ganito kay Brekley pero bakit sa kaniya parang laging gusto ko maramdaman palagi ang halik niya?

Nagpakawala siya nang matunog na buntong hininga.

"Blabby, 'wag ka naman masyado lumapit. Gusto kong halikan ka."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Paano nga ba ang umiwas sa kaniya? Sa labi niya? Hindi naman kami at nag-iinarte akong 'wag muna maging kami tapos ang nangyayari halikan?

Edi wow! May gano'n ba?

Baka nga kailangang maging official na kami?

Tama naman siguro 'yon, 'di ba? Hindi 'yong ganito! Woah! Sumasakit ang ulo ko.

Bahala na!

Kung siya ang mamahalin ko habang buhay edi susugal ako.

Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at pinagdikit ang noo namin. Kita ko ang paulit-ulit niyang paglunok. Hinaplos ko ang batok niya papunta sa dibdib.

Petchay! What is happening to me?!

Dapat hindi ako uminom! Kung anu-ano na ginagawa ko.

"Fuck! Blabby! What are you doing?" Hinuli niya ang kamay ko.

"Taxon, paano kung sabihin kong gusto na kitang maging boyfriend?"

Nanlaki ang mga mata niya at napabitaw sa kamay ko.

"Hindi naman masamang sumugal kahit pa wala pang isang linggo ang break up namin ni Brekley." Humawak ulit ako sa batok niya. "Kung ikaw naman ang mamahalin." Bulong ko sa tainga niya.

"I love you, Taxon Ken Baider."

Sa wakas ay nasabi ko rin 'yon sa kaniya. Gumaan bigla ang loob ko at napuno ng saya.

Bahala na ang bukas ang mahalaga ay ang ngayon.

Akmang magsasalita siya pero tinulak ko na siya palapit sa akin. Naaadik talaga ako sa labi niya. Hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko na pinakawalan ang labi niya nang mahuli ko. Pumikit na lang ako at dinama iyon. Nilaro lang namin ang labi ng isa't isa hanggang sa tumigil na kami at humalik siya sa noo ko.

"I'm now officially yours," madamdamin kong sabi.

Nakita ko ang emosyunal niyang mukha na halos pangiliran pa ng luha.

"I love you, Vinea Clee," niyakap niya ako nang sobrang higpit.

Kung mayroon mang masayang nangyari sa buhay ko ay iyon ang sinipa ko ang bato at tumama sa kaniya. Simula nang makilala ko siya naging masaya na ako. Lalo na ngayong boyfriend ko na siya. Kilala ko na ang ugali niya at siya ang kabaliktaran ni Brekley. Hindi siya nauubusan ng kabutihan sa puso at iyon ang gustong-gusto ko sa kaniya.

Magkahawak kamay kaming umahon sa tubig at malaki ang ngiti.

"I can smell the love." Nakangising sabi ni Kil.

"Anong amoy?" Malokong tanong ni Mel Zeke.

"Hindi ko alam na may low gets pa lang kapatid si Shine," sabi ni Kil.

"Nagtatanong lang, eh." Sumimangot pa si Mel Zeke.

Kunot naman ang noong nakatingin sa amin si Mel Zaimon.

"Find other girl, z3, kay Taxon ay kay Taxon." Pang-aasar ni Elle kay Mel Zaimon.

Nagkamot naman ng ulo si Mel Zaimon. "Bakit kasi hindi ko siya nakilala agad? Sayang crush ko pa naman."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Harap-harapan sa amin?

"Ohh men. Sorry, she's my girlfriend." Nakangiting sabi ni Taxon kaya nagsipagsigawan silang lahat.

Nge? Mga petchay!

"Congrats, bro! Hindi ka na tatandang binata," pang-aasar ni Kil.

"Sana ikaw rin." Nakangising sabi ni Taxon kaya natigilan si Kil at biglang nanahimik.

"Naalala si Arah," pang-aasar naman ni Elle at nilagyan pa ng icing ang mukha niya.

"Kuya, oh! Si Shine!" Sumbong ni Kil kay Taxon.

"Ang unti ng nilagay mo dapat ganito." Kumuha si Taxon ng icing at inilagay sa mukha ni Kil bago ito tumawa nang malakas.

Palaging may cake na dala si Elle paborito raw niya kasi pero minsan naman pinaglalaruan lang niya.

Nag-inuman kami at nagkwentuhan.

"Saan kayo nagkakilala ni Taxon?" Bigla ay tanong ni Mel Zaimon.

"Sa Laurente," ngumiti ako sa kaniya.

"Seriously? I'm always there. Why we didn't meet?" Gulat na tanong niya.

"Baka kasi gabi na kaya hindi ka nakita ni Vinea ang itim mo kasi," pang-aasar ni Mel Zeke kaya naman nagtawanan silang lahat kahit si Taxon.

Walang kaselos-selos ito sa katawan si Taxon kahit magka-usap kami ni Mel Zaimon parang wala lang sa kaniya.

Nilagyan ako ni Taxon ng inihaw ni Tilapia. Hinimay niya muna iyon at tinanggalan ng tinik bago isubo sa akin.

Natigilan ako nang makitang nakangiti si Elle at Kil na nakatingin sa akin.

"Ang sweet ni Taxon, 'di ba? Kahit masungit 'yan malambing 'yan." Pagmamalaki ni Elle sa pinsan.

"Agreed."

"That's why don't hurt him." Pairap na sabi ni Diamond.

"Ikaw nga ayusin mo ugali mo. Kala mo lagi kang nagmamaldita!" Sermon ni Kil sa kaniya.

"Paki mo," nag-roll eyes pa si Diamond.

Nasanay na lang din ako sa kaniya. Ganyan talaga siya kataray.

Hindi ko napapansin napaparami na pala ang inom dahil tawa lang kami nang tawa. Nabubusog din ako dahil walang tigil si Taxon kakasubo sa akin ng kung anu-ano. Kinuha ko ang okra at sinawsaw sa toyo at isinubo kay Taxon. Gusto ko lang siyang asarin dahil alam kong ayaw niya no'n pero wala siyang sinabi kinain niya lang.

Gano'n nga talaga siya.

Lasing na lasing na kami nang umakyat kami sa mansyon. Hilong-hilo na ako at halos hindi na makalakad kaya binuhat na ako ni Taxon paakyat at inihiga sa kama.

"Good night," humalik siya sa noo ko at akmang tatalikuran ako pero hinawakan ko ang kamay niya.

"Saan ka pupunta?"

"Matutulog sa kabilang kwarto," sa tono ng boses niya ay lasing na lasing din siya at mapungay na ang mga mata.

"Hindi ka matutulog sa tabi ko?"

"Hindi, lasing ako, eh."

Kumunot ang noo ko. 'Andon nanaman 'yong salita niyang 'lasing ako' parehas naman kami.

"Stay here. Nakakatakot mag-isa." Iniyakap ko ang sarili sa kamay niya.

"Okay."

Umusog ako upang makahiga siya. Walang nagsasalita parehas kaming nakatingin sa kisame. Hanggang sa umusog ako at ipinatong ang ulo ko sa dibdib niya.

"Sleep ka na." Hinaplos niya ang buhok ko.

"Aren't you going to kiss me?" Hindi ko alam kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko.

Lasing na talaga ako nang sobra.

"Nope."

Napasimangot ako sa sinabi niya. Tiningala ko siya at tiningnan ang mukha niya saka hinaplos ang pisngi niya.

"But I want a kiss," mahina kong sabi.

Napabuntong hininga siya at inilapit ang mukha niya sa akin. Nang maglapat ang labi namin ay hindi ko na alam naging malalim iyon. Pumaibabaw siya sa akin at nagpalipat-lipat ang labi niya sa itaas at ibaba kong labi. Tumigil siya at tumitig sa akin.

"Sabi ko na nga ba." Nasapo niya ang noo at tumingin sa akin. "Hey, don't tease me."

"I'm not."

"Wag ka na kasi humingi ng kiss lasing nga ako." Humiga ulit siya sa tabi ko.

"Ano bang mayroon kung lasing ka?"

"I can't stop myself. Don't push me alam mo na 'yon."

Namaang ang labi ko sa sinabi niya bago ngumiti.

Hindi talaga ako nagkamaling minahal ko siya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.