HORRIBLE YOU Chapter 28

Nagising nanaman ako nang maaga, nakayakap sa akin si Taxon at nakaunan naman ako sa dibdib niya. Tumunghay ako sa mukha niya. Nanggigil ako kaya kinurot ko ang pisngi niya.

Oo na, ikaw na ang guwapong maangas ang hitsura!

Nilaro ko ang pilik mata niya at ang tungki ng ilong.

Tulugin talaga ito, laging tanghali na gumising. Siguro naman kapag may trabaho na siya maaga siya. Tanghali ba talaga o ako lang itong laging maaga kung gumising?

"Hmm," ungol niya dahil siguro sa paglalaro ko sa mukha niya.

Niyakap ko siya nang mahigpit at siniksik ang sarili sa kaniya. Inamoy-amoy ko pa siya dahil ang bango. Nababaliw na ako. Nagmulat siya ng mata nanlaki agad ang mata niya. Kunot noo ko siyang tiningnan parang may nakita siyang kung ano.

"Hey, cover your breast!"

Nang tingnan ko ang sarili ay hindi naman nakalabas. Kaunti lang kasi nakasando ako. Inis niya pang itinaas ang sando ko.

"Wag kang lalabas nang 'yan ang suot mo. Puro lalaki pa naman ang kapatid ni Shine," bumangon siya.

"Ang OA mo hindi naman nakikita." Napanguso ako.

"Nakita ko nga," diretso siyang pumunta ng banyo.

Nagpalit na lang ako ng damit. Buhaghag ang buhok ko, malaki ang shirt at padarag na umupo sa kama.

Wala akong phone. Kumusta kaya ang kompanya ko?

Bigla ay tumunog ang phone ni Taxon kaya kinuha ko.

"Hoy, Mr. Horrible may tumatawag!" Sigaw ko.

"Answer it." Sabi niya na ngayon ay nasa banyo.

Kaya sinagot ko. Nanlaki ang mata ko nang babae ang nagsalita. Agad gumapang ang selos ko.

"When do you come back to work?" Kumunot ang noo ko dahil sa lambing ng boses ng babae.

Tiningnan ko at ang pangalan ay 'Adriana'. Pinakinggan ko lang siya.

"I already miss you na. Wanna go outside? Balik ka na sa trabaho. What are you doing ba kasi riyan sa province niyo?"

Tumaas ang gilid ng labi ko. Sa boses niya ay naglalandi siya! Nilalandi niya ang 'boyfriend' ko!

"Aren't you miss me? Hey, kinikilig ka siguro kaya hindi ka nagsasalita? Hihi, that's fine. Ako lang ito."

Tumaas na ang kilay ko at inis na inis kong tiningnan ang pinto ng banyo.

"Hey, sungit. I miss you," malandi niyang sabi.

"Blabby, who's that?" Tiningnan ko nang masama si Taxon na ngayon ay kakalabas lang ng banyo.

"Miss ka na raw!" Mataray kong sabi at ibinigay sa kaniya ang phone. Kunot-noo niya namang kinuha 'yon.

Tiningnan niya kung sino ang caller lalong kumunot ang noo niya.

"Don't disturb my vacation with my girlfriend.. bye," pinakadiinan niya pa ang salitang girlfriend.

Inis akong tumalikod sa kaniya para hindi makita ang mukha niya.

Miss pala, huh? Kapal! Sabunutan ko siya, eh.

Natigilan ako nang lumapit siya. Inilagay niya ako sa pagitan ng hita niya at yumakap sa likuran ko.

"Girlfriend na kita. So, I have permission to do this." Inayos niya ang buhaghag kong buhok. Itinali niya iyon.

Nakasimangot pa rin ako at hindi siya kinakausap. Nang iharap niya ang mukha ko sa kaniya ay masama ang tingin ko.

"What?!" Lumobo ang pisngi niya dahil sa pagpipigil ng tawa. "Are you jealous?" Hindi na niya napigilan ang tumawa.

Kinurot ko ang pisngi niya at pinanggigilan.

"Sino 'yon, huh?!"

"A friend."

"A friend? Nami-miss ka na!" Sarkastiko kong sabi.

"I don't miss her," ipinatong niya ang ulo sa balikat ko. "But you, I miss you even if you're here beside me." Hinalik-halikan niya ang leeg ko.

"Ewan ko saiyo!" Akmang tatayo ako pero hinila niya lang ako pabalik.

"Don't be jealous. I don't like her. Naiinis nga ako sa kaniya buntot nang buntot." Inis na sabi niya at lalo pang hinigpitan ang yakap.

"Talaga lang, huh?" Sarkastiko kong sabi. "Sinong mas maganda ako o siya?"

Nakita kong napanganga siya sa tanong ko at nag-iwas ng tingin.

"Mas maganda pala siya!" Nagmaktol na ako at hindi na siya tiningnan. Naiinis ako!

"Ohh.. well, because she's wearing a full pack make up like Diamond."

"Kahit pa! Mas maganda pa rin siya!"

"Yeah, but who cares? Maganda nga siya hindi ko naman gusto. Look.. I'm just being honest here, Blabby."

Mahaba ang nguso ko ngayon at kunot na kunot ang noo. Nakakairitang malaman na may mas maganda sa akin sa paningin niya.

"Hey, Blabby.. Don't be mad." Malambing na sabi niya. "Selosa ka pala," gumuhit ang ngisi sa labi niya.

Ngayon ko lang din na-realize na bakit selosa ako pagdating sa kaniya? Hindi ako ito. Petchay! Eh, anong magagawa ko naiinis ako. Minsan nga pinagtitinginan na siya ng mga babae kaya inis na inis ako.

Nakasimangot akong sumunod kay Taxon papasok sa kotse. Aalis daw kami pupunta sa hills dahil maganda raw ang lugar na 'yon. Pati pag-upo ko ay padarag. Maghapon akong naiinis sa kaniya.

"Stop being mad at me, Blabby." Sabi niya sa akin habang paupo sa driver's seat. Hindi ko siya kinausap lukot pa rin ang mukha ko.

"Come here." Parang wala akong narinig. "I said.. ugh! I hate repeating lines, Blabby," naiinis na siya.

Bahala siya riyan doon na lang siya sa 'friend' niya na nami-miss siya!

"If you didn't talk to me in a second.. I swear we'll make love inside this car!"

Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa kaniya.

Petchay! Hindi siya nagbibiro. Iyon pa naman ang kinatatakutan ko sa lahat.

"Ano ba kasi?"

"Galit ka pa rin? Hindi ko nga 'yon gusto." Nauubusan na siya ng pasensya. "Ikaw lang ang mahal ko, understand?"

Inis kong pinagpapadyak ang paa ko. "Eh, bakit ba tumatawag pa saiyo? Tapos sasabihin miss ka! Nakakainis naman, eh!"

"Fine!" Kinuha niya ang phone at may kung sinong tinawagan.

"Don't call again. If you call me again I'll block you, understand?" Maawtoridad niyang sabi kaya nanlaki ang mata ko.

Ibinaba niya na ang tawag at tiningnan ako. "Okay na?"

Napangiti ako nang malapad. Baliw na ba ako? Masigla akong tumango.

Nilandas namin ang daan papunta sa kung saan. Nawili akong pagmasdan ang iba't ibang uri ng puno. May acacia, manggo tree, banana, at marami pang iba't ibang uri ng puno. Nilanghap ko ang sariwang hangin na tumatama sa mukha ko dahil nakabukas ang windshield. Nang magsawa ay kinulit ko si Taxon. Habang nagda-drive ay humalik ako sa pisngi niya kaya sumilay ang mala-adonis niyang ngiti.

Narating namin ang mataas na lugar. Makikita mo ang mga bahay na nasa baba dahil mataas ang lugar. Totoong maganda ang lugar. Kahit medyo malayo ang nilakad namin dahil iniwan ang kotse sa baba ay sulit ang kagandahan ng lugar.

Yumakap sa likuran ko si Taxon.

"You like here?"

"Yes. Ang ganda.. tingnan mo para tayong nasa paradise!" Inilahad ko pa ang kamay ko na para bang nagpro-promote ng isang magandang produkto. "Ang gaganda ng mga puno tapos ang sariwa ng hangin. Kahit ang mga talahib ay nagsisilbing magandang view dahil sa mga bulaklak na tinatangay ng hangin. Grabe! Walang kasing ganda ang Camarines Norte!"

Nakangiti lang si Taxon.

"I first fall in love with your mouth," tumawa pa siya.

"Mouth," pag-uulit ko. "Bakit?"

"I don't know why I love hearing your noise. I hate noise, though."

"Maganda kasi ang boses ko manalita pero hindi ako marunong kumanta puro pangdadaldal lang."

"I agree with that."

Hinarap ko siya at tinitigan ang mata niya. "Paano mo ako nagustuhan?"

Nagkibit balikat siya. "I don't know I just caught myself staring at your face on the day we met."

"Talaga? Maganda pala ako?"

"Of course."

"Why are you not joking?" Ewan ko kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko.

"I'm a serious person that's why," nagkibit balikat pa siya.

"Eh, bakit kahit minsan hindi ka nag-joke? Kahit isang beses.. weh?"

Tumawa siya. "You're blabby."

"Oo nga! Alam ko na 'yon. Eh, kasi curiosity kills me! Char!"

"See, how talkative you are?"

"Kiss mo na lang ako," inginuso ko ang labi ko at pumikit. Ang tagal na pero wala siyang ginagawa kaya nagmulat ako ng mata.

"Ayaw mo?" Napasimangot ako.

"Hmm?" Pagkasabi niya noon hinapit niya na ako at hinalikan.

Kinagat ko ang labi niya sa panggigigil kaya natigilan siya.

"Ouch," hawak niya ang labi niya.

"Sharap!" Prangka kong sabi. "Isa pa nga!" Hinawakan ko ang batok niya at pilit na nilalapit sa akin.

Lumalayo naman siya at nanlalaki ang mata.

"Blabby, masakit," kinakabahan niyang sabi habang umiiwas. "You're biting my lips"

"Eh, ang sarap mangagat!" Nanggigigil kong sabi.

"Not my lips, please." Pagmamakaawa niya kaya tinawanan ko siya.

"Eh paano kung sabihin kong 'yan ang gusto kong kagatin?" Nakangisi kong sabi nanlaki ang mata niya at lumayo sa akin.

"Blabby, please no!"

Mas lalo akong natawa dahil natakot siya sa akin. Si Taxon Ken Baider ay may kinatatakutan pala 'yon ay ang kagatin ang labi niya. Tawa ako nang tawa habang nakatingin sa kaniya. Masamang tingin ang ginawa niya kaya nangatog ang tuhod ko.

"Hoy! 'Wag mo akong tingnan ng ganyan, 'di ba sabi ko saiyo!"

Sumilay ang malaking ngiti niya.

"Now, I know how to make you stop," siya naman ngayon ang tumawa.

Nagkatinginan kami ni Taxon nang biglang kumulog.

"Ohh men.. let's go blabby," hinawakan niya ang kamay ko.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya basang-basa na kami. Ang dilim na kaya hindi namin makita ang daan.

"Oh.. fuck! Where is my car? I think we're lost, ugh!"

"Petchay! Mr. Horrible nilalamig na ako." Lamigin ako kaya hindi ko ito matatagalan.

Kumikidlat at malakas ang ulan. Niyakap niya ako.

"Fuck! I'm sorry dapat hindi na kita dinala rito."

Naghanap kami ng masisilungan. Malayo na ang narating namin pero wala pa rin kaming makitang bahay. May nakita kaming bahay at may matandang babae.

"Nako mga bata ito! Dito muna kayo," tawag niya sa amin.

Pinapasok niya kami sa loob. Alalang-alala si Taxon sa akin at hindi malaman ang gagawin. Nanginginig ang buo kong katawan pati ang mga labi ko.

"Heto mainit na tubig painumin mo muna siya," sabi ng matandang babae.

"Saan ba kayo galing? Naligaw siguro kayo dahil sa ulan."

"Opo, sa hills po kami galing kaso umulan hindi namin makita ang kotse naligaw na kami," sabi ni Taxon. Hinigpitan niya ang yakap sa akin dahil sobrang nanginginig na ako sa lamig.

Ininom ko ang mainit na tubig pero hindi no'n nabawasan ang lamig sa katawan ko.

Inabutan kami ng towel ng matandang babae at damit.

"Isuot mo muna 'yan. Nako hijo wala akong damit na panlalaki."

"Okay lang po 'yon," sabi ni Taxon.

"Puro bestida. Eh, kung isuot mo muna pansamantala?"

Napabungisngis ako dahil na-iimagine ko kung anong hitsura niya habang nakabestida.

"Nako hindi na po ok--" tanggi agad ni Taxon.

"Suot mo na. Hindi pwedeng basa ang damit mo magkakasakit ka," pinipigilan kong matawa sa sinabi ko.

Nanlaki ang mata niya. Umayaw pa siya ng ilang beses pero wala rin siyang nagawa. Nagbihis ako ng bestida. Paglabas ko ay siya naman.

"Mag-isa lang po kayo rito?"

"Oo wala ang anak ko nasa maynila nag-aaral babalik lang siya kapag bakasyon. Ako nga pala si Rita."

"Nice to meet you po lola Rita. Ako po si Vinea, siya naman po ang boyfriend kong si Taxon," nakangiti kong sabi.

Medyo nilalamig pa rin ako. Nang lumabas si Taxon ay natawa ako nang malakas. Suot niya na ang bestida kulay pulang bestida na umabot hanggang binti niya. Masama niya akong tiningnan kaya nanahimik ako.

Pinakain niya kami ng gabihan na ang ulam ay tuyo. Noong una ayaw kumain ni Taxon pero dahil isinubo ko wala na siyang nagawa.

"Dito na muna kayo sa kwarto ng anak ko. Pasensya na at iisang kwarto lang. Magkasintahan naman kayo." Pinapasok niya kami sa kwarto.

"Maraming salamat po," sabay naming sabi ni Taxon.

Iniwan na rin niya kami para raw makapagpahinga na kami. Kahoy na higaan, banig ang sapin at maliit lang ang higaang kahoy. Maliit lang din ang kwarto at madilim. Bukas na lang kami aalis dahil sobrang lakas ng ulan.

Humiga na ako at saka tinapik ang tabi ko upang mahiga roon si Taxon.

"Mr. Horrible, nilalamig ako."

Lumapit siya at niyakap ako nang mahigpit.

"Are you still chilling?"

"Oo," niyakap ko rin sa kaniya ang kamay ko pero natawa lang ako nang makapa kong nakabestida siya.

"Stop laughing," saway niya sa akin.

Madilim sa kwarto kahit hindi ko kita ang mukha niya ay alam kong nakakunot ang noo niya.

"Attorney Taxon Ken Baider, maangas at astig nakasuot ng bestida."

"Kapag hindi ka tumigil sa pagtawa mo huhubarin ko ito. Matutulog ka katabi ang hubad kong katawan," pagbabanta niya.

Naitakip ko na lang ang kamay ko sa bibig ko. Nakakatakot talaga ang mga banta nitong lalaking ito.

"Hindi na. Natatawa lang kasi ako," napahagalpak nanaman ako. "Ops!"

"Hinahamon mo ba ako?"

"No!"

Tumigil na ako sa pagtawa kahit ang totoo gusto ko pang tumawa dahil sa hitsura niya.

Madilim kaya hindi ko siya makita naramdaman ko na lang ang mainit niyang hininga malapit na malapit sa mukha ko. Magsasalita sana ako pero dumampi na ang labi niya sa akin.

Kung bakit ba naman nakakaadik ang labi niya?

Pinakadiinan ko pa siya sa akin. Hinaplos ko ang matigas niyang dibdib. Mas lalo lang iyong nakadagdag sa init. Bigla ay nawala ang malamig kong pakiramdam.

"Taxon.." Ungol ko sa gitna ng halikan namin.

Tumigil na siya at hinaplos ang buhok ko.

"You're my light in this darkness," bulong ko sa tainga niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.