HORRIBLE YOU Chapter 29

Pagkagising ko ay wala na si Taxon sa tabi ko kaya bumangon ako kaagad. Nakita ko siyang tinutulungan si Lola Rita na magsibak ng kahoy. Maganda na ang sikat ng araw. Mamaya lang ay makakauwi na kami. Muli akong natawa dahil sa bestidang suot niya kaya napatingin sa akin silang dalawa.

"Good morning!" Bati ko sa kanila.

"Good morning, kumain na tayo dahil gising na siya," yaya ni Lola Rita.

Si Taxon ay masama ang tingin sa akin dahil pinipigilan ko ang pagtawa. Habang buhay ko siguro siyang tatawanan sa pagsuot niya ng bestida. Nakasampay na ang mga basa naming damit kaya hinihintay na lang namin matuyo.

Umupo kami sa isang maliit na lamesang kahoy at may tatlong upuan. Ihinain sa amin ni Lola Rita ang nilagang saging at camote.

"Masustansya ang mga 'yan." Nakangiti niyang sabi.

Napangiwi agad si Taxon. Malamang ay hindi nanaman siya kumakain ng mga 'yan. Hindi siya mahilig sa prutas, gulay at masu-sustansyang pagkain. Tuwing napapasulyap ako sa suot niya ay napapabungisngis ako. Wala siyang magawa kung hindi tingnan ako nang masama.

"Kumain kayo nang kumain," sabi ni Lola Rita.

Pinagbalat ko si Taxon ng saging at isinubo agad iyon sa kaniya. Tumango-tango siya animo'y nagustuhan niya ang lasa kaya kumuha na rin siya at kumain.

"Boiled banana is delicious," sabi niya at sumubo nang malaki.

Nakangiti ko lang siyang pinagmasdan at kumain na rin.

"Lola Rita, maraming salamat po," sabi ko sa kaniya at niyakap pa siya.

"I'll go back here. Papakabitan ko po kayo ng kuryente," sabi ni Taxon.

Umiling agad si Lola Rita at isenenyas ang kamay na 'wag na.

"Nako hindi na. Ikaw talagang bata ka. Welcome kayo rito kung kailan niyo gustong bumalik mag-iingat kayo."

"Salamat po," todo pasalamat kami ni Taxon bago umalis.

Nakita na rin namin agad ang kotse niya at pumasok na roon.

"Kawawa naman siya mag-isa lang sa bahay niya. Ang tanda na niya dapat may kasama siya roon." Malungkot kong sabi.

"Yeah. Gusto mo dalhin ko siya sa mansyon?" Tanong ni Taxon.

"Mabuti 'yon kung papayag siya."

"Marami naman siyang makakasama roon at kung gusto niya kunin ko siyang mag-aalaga ng anak natin."

Napalingon ako sa kaniya. Nakangiti siya at animo'y nag-iimagine.

"Hoy! Taxon! Anak ka riyan! Iilang araw pa lang tayo anak na agad iniisip mo! Imaginero ka riyan!"

"'Ayan nanaman po ang bibig niya."

"Petchay ka!"

"I'm not vegetable," nakangisi niyang sabi.

Pinaandar niya na ang kotse. Nagpatugtog lang ako sa player ng kotse niya. Natigilan kami parehas nang may humarang na kotse.

"Fuck!" Nauntog ako sa unahan kaya nag-aalala siyang hinawakan ang noo ko.

"You okay?"

Tumango lang ako. Parehas kaming natigilan nang makitang ang Mayor nanaman ng bayang ito ang nakita.

"Ohh men. Hindi ba siya titigil? Ugh!" Inis na sabi ni Taxon.

Inilabas niya ang ulo sa bintana at sinigawan ang Mayor at tauhan niya.

"Hey! Get lost! Go to hell!"

Hinila ko si Taxon.

"Petchay ka ba?! Anong sinasabi mo riyan? Mamaya barilin ka niyan bigla."

"Edi binaril, nasugatan," sarkastiko niyang sabi kaya kinurot ko ang pisngi niya.

"Umayos ka!"

Hinampas ng isang tauhan ang kotse at pinababa kami.

"Pauwi pa lang kami. Hayaan niyo munang magpahinga kami," mahinahong sabi ni Taxon.

Nasapo ko ang noo ko dahil kung makipag-usap siya ay parang walang kakaba-kaba. Tumago ako sa likuran niya at sinisilip lang sila. Nagulat ako nang hilahin ako ng isang tauhan. Hindi rin inasahan ni Taxon kaya galit siyang tiningnan ang may hawak sa akin.

"Don't touch her!"

Natigilan na lang ako nang may panyong ipinaamoy sa akin kaya nagdilim na ang paningin ko.

Pagmulat ko ng mata nasa bangko ako at nakatali.

"Taxon?! Nasaan ka?" Tumulo na agad ang luha ko.

Anong nagyari sa kaniya?

Sana ligtas siya. Natatakot ako. Pinasadahan ko ng tingin ang kwartong kinalalagyan ko. Abandonado at maraming vandalism.

"Taxon!"

Nagulat ako nang bumukas ang pinto at itinapon si Taxon sa harap ko. Sumakit ang dibdib ko nang makitang bugbog ang buo niyang katawan, puno ng pasa at duguan.

"Taxon," pumalag ako nang pumalag.

Nakangising pinasadahan ako ng tingin ng lalaking nagdala kay Taxon kaya gumapang ang takot sa buo kong katawan.

"Tingnan mo napala ng boyfriend mo. Ang lakas kasi ng loob na banggain ang Mayor. Hindi ko alam kung makakalabas pa kayo ng buhay rito."

Iyon lang at tinalikuran na kami ng lalaki. Pagkalabas niya ay nagulat akong nakakatayo pa si Taxon.

"Ang hina nilang manakit," tumawa pa siya.

Sa hitsura niyang bugbog na. Malakas pa din siya?

"Paano mo nagagawang tumayo pa?"

"I'm a trained Baider. Wala lang ang ginawa nila sa pinagdaanan ko bata pa lang ako."

Tinanggal niya ang pagkakatali ko.

"Bakit ka nagpabugbog?" Lumuluha kong hinawakan ang pisngi niya. Halos wala na ngang mapaglagyan ang pasa sa mukha niya pati sugat.

"Because they say they will hurt you."

Niyakap ko siya nang mahigpit. Takot na takot akong baka may mangyaring masama sa amin. Sinilip niya ang pinto.

"May dalawang bantay," bulong niya sa akin.

Sumunod na lang ako sa kaniya nang hilahin niya ako pero bago siya makalabas may pinindot siya sa relo niya.

Ano 'yon?

Parang nakita ko rin ang relong 'yon sa lahat ng miyembro ng pamilya nila.

"Hey," nagawa pang batiin ni Taxon ang dalawang bantay bago sipain sa mukha.

Ang astig talaga ng taong ito. Punong-puno ako ng paghanga sa kaniya.

Natigilan kami nang makita ang Mayor na prenteng nakaupo.

"Tindi mo rin talaga. Duguan ka na nakakalaban ka pa."

"This," tinuro pa ni Taxon ang mukha niya. "Maliit na sugat," nagawa niya pang mang-asar.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya nang walang pasabing sumugod na ang mga kalaban. Hawak niya ang kamay ko habang naninipa. Sinipa niya sa mukha ang isa kaya tumimbuang ito. Nagpalipat-lipat ang paghawak ng kaliwa't kanan niyang kamay sa akin. Hindi niya ako binibitawan kasi baka makuha nanaman ako.

Kahit hindi siya masiyadong makagalaw dahil hawak niya ako ay hindi siya nabibigong patamaan ang kalaban.

Gano'n siya kalupit?

Pinanood ko lang ang bawat kilos niya kahit kabadong-kabado ako. Sa dami nilang 'yan baka isang tama lang ay talo na agad siya.

Pinatid niya ang isa at inapakan ito sa dibdib nang matumba. Dinibdiman niya ang akmang palapit na isa pa dahilan upang tumalsik ito.

"Taxon!" Napasigaw ako nang matamaan siya sa mukha pero parang hindi niya ininda iyon patuloy lang sa paglaban.

May palapit na isa sa akin kaya pinilit kong sipain siya. Nagtagumapay naman ako kaya nakahinga ako nang maluwag.

Parami nang parami ang sumusugod kay Taxon. Nag-aalala na ako dahil pagod na siya. Tumutulo lang ang luha ko dahil wala akong magawa.

Lumapit kay Taxon ang isang matabang lalaki at matagumpay na naipalo kay Taxon ang kahoy na hawak niya. Napaluhod si Taxon, akmang hahampasin niya pa pero niyakap ko na siya at ako ang napalo. Ramdam ko ang masakit na palong gumapang sa buong likod ko.

"Fuck! You'll regret what you did!" Asik ni Taxon at hinaplos ang mukha ko.

"Blabby."

Tumutulo lang ang luha ko. Mahigpit kaming nagyakap. Doon na kami dinumog ng mga kalaban. Ramdam ko ang pagpalo, pagsipa, pagsuntok, lahat ng pananakit kay Taxon na pinipilit kong saluhin pero hindi niya ako hinahayaan. Gusto kong sumigaw sa sakit dahil may paulit-ulit na palo rin sa akin. Umiiyak lang ako. Hindi nila kami pinaghiwalay sa pagkakayakap habang sinasaktan kami.

"A beautiful love story," sarkastikong sabi ng Mayor.

"Mayabang ka kasi, bata, kaya hindi ko magawang palampasin ka," nakita ko ang mala-demonyong ngisi niya.

Tumumba kami ni Taxon. Pilit na pinatatatag ang bawat isa. Gumagapang kaming inaabot ang kamay ng isa't isa.

"Ang sayang panoorin," masiglang sabi ng Mayor at inapakan pa si Taxon sa likod.

"Tama na, please," pagmamakaawa ko.

Pinalakas ko ang sarili upang maabot siya. Lumuluha, nasasaktan at napapagod na ako. Mas masakit nga lang makitang naghihirap na si Taxon. Matindi na ang inabot niya.

"Please," pagmamakaawa ko ulit.

Lumapit ang Mayor sa akin at sinabunutan ako.

"Wag siya! Ako na lang!" Sigaw ni Taxon. "Kahit patayin mo ako okay lang! 'Wag lang siya!" Nakita ko na ang pagtulo ng kapirasong luha niya.

Inilapit ng Mayor ang mukha niya sa akin.

"Ako si Mayor Calandria, walang pwedeng bumangga sa akin. Sabihin mo 'yan sa maangas mong boyfriend." Ngumisi siya. "Yon ay kung mabubuhay pa kayo."

Nangilabot ako sa sinabi niya. Tinutukan niya ako ng baril napapikit na lang ako sa takot.

"Stop that! 'Wag siya! Ako na lang!"

"Sabihin mo munang nagmamakaawa ka," nagtawanan silang lahat.

"Please," walang anu-ano'y sabi ni Taxon.

"'Di ko sinabing tatanggapin ko ang please mo."

Humagulgol lang ako ng iyak dahil natatakot ako. Hawak niya pa rin ang buhok ko. Ramdam ko ang sakit noon.

"Fine! Kill us! I'll swear there is someone who hunts you and make you suffer," sumilay ang ngisi ni Taxon.

"Sino naman? Mayabang ka lang talaga."

"You'll see."

Ang ngisi ni Taxon ay para bang may nakikita siyang hindi namin nakikita.

"Sino nga?"

"Ako."

Napalingon ang lahat sa babaeng nagsalita. Matalim ang mga mata at anumang oras ay sasabog na sa galit.

Si Elle.

Lumabas sa likod niya sina Kil at Diamond. Pare-parehong matalim ang tingin.

"Can you see them, Mayor Calandria?" Mapang-asar na sabi ni Taxon.

"Anong magagawa ng dalawang babaeng maganda at isang lalaki para iligtas kayo?" Tumawa pa siya.

"Watch and learn," nakangising sabi ni Taxon.

Nagtawanan silang lahat dahilan upang taas noo silang tingnan ng tatlong Baider.

"No one can hurt any member of the Baider's family," mahinang sabi ni Taxon.

"That's a tradition."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.