Sa biglaang pagsugod ni Elle ay nagkagulo na ang lahat. Itinapon ako ni Mayor Calandria sa kung saan kaya sobrang sakit nang bumagsak ako. Mahinang-mahina na rin si Taxon. Hamahagulgol ako papunta sa kaniya. Gumagapang lang ako dahil ramdam ko ang kirot sa buong katawan ko. Hirap na hirap na rin si Taxon parehas kaming pinipilit gumapang upang marating ang isa't isa. Nang maabot ko siya ay mahigpit naming hinawakan ang kamay ng isa't isa. Kahit hawak lang sa kamay ay may dulot na lakas sa akin.
Nilingon ko ang tatlong Baider, lahat sila ay nanggagalaiti sa galit lalo na si Elle. Gigil ang bawat suntok niya nakikita ko iyon dahil dumudugo agad ang ilong ng nasusuntok niya. Galit na galit siya, sinipa niya ang isa at hindi lang 'yon nang bumagsak ito ay inapak-apakan niya ito sa tiyan. Sinuntok niya agad ang sumugod bumagsak ito, pagbagsak pa lang ay sinipa-sipa niya na agad. Gano'n siya kagalit.
Si Diamond ay nakikita ko ang ngitngit niya. Matalim ang mga tingin malayo sa madalas niyang pagtataray. Madalas ay nananapak siya pero gano'n nga yata kalakas iyon para pamulahan ng pisngi ang kung sinumang tinatamaan noon. Hindi ko lubos maisip na matapang pala si Diamond at marunong din sa ganitong bagay. Ang buong akala ko puro pagpapaganda lang ang alam niya. Siguro nga gano'n din katindi ang galit niya kaya nagagawa niyang pagkatapos sapakin ay tinutuhod niya pa ang kalaban dahilan ng pag-iyak nito sa sakit na inabot sa kaniya.
Si Kil ay kahanga-hanga, ang natural na palabiro niyang mukha ay napalitan ng nakakakilabot na awra iyong tipong hindi naman ako ang kinagagalitan niya pero ramdam ko ang takot ko sa kaniya. Bigla ay nakita ko sa kaniya ang umaanggulong pagkakahawig niya kay Taxon. Hindi sila magkamukha pero may parte sa ekspresyon niya na nagtutugma sa hitsura ni Taxon. Ang bawat suntok niya ay malakas dahilan upang maging ang kasusunod na kalaban ay natatamaan niya. Double kill o triple kill, ganoon mo siya mailalarawan.
Kung titingnan ko silang tatlo malayo ang mga emosyon nila ngayon sa kung paano ko sila nakilala.
Ito pala ang matinding sikreto nila.
Ang isa sa pinaka-kinatatakutang pamilya, hindi mo alam at hindi mo malalaman dahil hindi nila sasabihin.
Magugulat ka na lang natuklasan mo na.
"B-blabby.. are you o--kay?" Hirap na hirap na sabi ni Taxon at pinilit abutin ang pisngi ko.
Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko. Pinakadiinan ko pa ang kamay niya sa pisngi ko.
"O-okay lang a-ako," pinilit kong palakasin ang sarili pero hindi ko na kaya. Matindi ang mga tama naming dalawa. Ipinagpapasalamat ko na lang dahil buhay pa kami.
Gumapang pa ako dahil mas malakas pa ako sa kaniya. Siya ay tipong hindi na makagalaw. Nang maabot ko na ang mukha niya ay pinaglapit ko ang mga noo namin.
"Wag kang p-pipikit, huh?"
Nakita ko na ang pagluha niya. Sunod-sunod, hinaplos niya ang buhok ko at nahihirapang humalik sa noo ko.
"We're safe. They're here," halos pabulong na lang na sabi niya.
Mas masakit ang makita siyang nahihirapan kumpara sa mga sugat ko. Ang sakit ng dibdib ko. Ayaw kong makita siyang ganito. Kung marami akong tama mas marami siya at kung hindi niya lalabanan ay baka ikamatay niya. Lalo akong humagulgol sa naisip ko.
"I l-love you, Taxon," bulong ko sa kaniya.
"I-i l-love you more, Blabby."
Nilapit kong mabuti ang mukha ko at dinampian siya ng halik.
Paano kapag nagtagal pa ito? Baka kung mapano siya?
"Fuck you!" Napatingin ako sa galit na galit na sigaw ni Elle.
Parang anumang oras ay makakapatay siya.
"Shine Clear!" Ubos lakas na sabi Taxon.
Alam kong mahina iyon kaya ni hindi man lang napalingon si Elle. Parang gusto niyang sawayin ang pinsan dahil madilim na talaga ang mga mata nito. Mabilis niyang sinasalubong ang mga kalaban. Nanlaki ang mga mata ko nang maglabas na siya ng kutsilyo.
Anong gagawin niya?
"Shine Clear! Control yourself!" Pilit pinapalakas iyon ni Taxon.
Siguro nga ay ganoon si Elle. Nagugulat ako sa kaniya dahil kung tutuusin sa pagkakataong ito hindi siya ang Elle na hinangaan ko. 'Yong Elle na laging nakangiti, magaling sumayaw at kumanta. Iyong puro talent lang ang ipinapakita hindi ang masamang awra.
Patuloy siya sa pagsugod. Hawak niya na ang kutsilyo at iyon ang ginagamit niya. Pinapatamaan niya sa tiyan ang sinumang sasalubong.
May pagpipigil pa rin siya.
Iyon ang nakikita ko dahil kung hindi saksak ang gagawin niya. Ang ginagawa niya lang ay parang dinadaplisan niya sa tiyan ang mga kalaban. Sumugod ang isang malaking tao, nagkaroon iyon ng pagkakataon na patamaan siya sa mukha. Natumba si Elle kaya napasigaw ako pero wala pang segundo itinuon niya ang paa at doon siya kumuha ng lakas. Napaka-flexible ng katawan niya. Akalain mong iyon pa ang isa sa kalakasan niya. Inis niyang sinugod ang malaking tao. Sinuntok niya sa dibdib pero hindi ito natumba. Nang sumuntok ito ay tinamaan nanaman si Elle. Hanggang sa sumilay ang ngisi sa labi ni Elle may naisip na kung ano. Kinuha niya ang kutsilyong tumilapon kanina. Namutla ang lalaki, mabilis niya itong sinugod pero imbes na gamitin ang kutsilyo ay paa ang ginamit niya upang patirin ito. Nang matumba ito ay napapikit ako nang akmang itatarak niya sa mukha nito ang kutsilyo.
"Shine!" Ubos lakas na sigaw ni Taxon kaya natigilan ito at tumingin sa kaniya.
Hindi lang pala maawtoridad si Taxon pagdating sa kanila. Bumabalanse rin siya sa galit ng mga ito.
Nang makita niya si Taxon ay nakita ko ang pagbuka ng bibig niya 'Kuya' iyon ang binabanggit niya. Tumulo nang tumulo ang luha niya.
"Anong ginawa ni Taxon para pahirapan niyo?!" Sumigaw si Elle kaya natigilan ang lahat. Napalingon siya kay Mayor Calandria at umawang ang bibig niya.
"Alam ko na! Dahil lang sa napatumba ni Taxon ang mga mahihina mong tauhan?!" Tanong niya rito.
Tiningnan siya nang masama ni Mayor Calandria. "Walang bumabangga sa akin! Ang tapang ng lalaking 'yan para patumbahin ang tauhan ko!" Sigaw niya.
Tumawa si Elle at umiling pa, hindi makapaniwala.
"You make me laugh! If you're the Mayor and we're the Baider kahit pa gaano karami ang alagad mo..." Tumalim ang tingin ni Elle. "Wala kang alam sa pamilyang ito."
"Mayabang ka rin katulad ng lalaking 'yan!" Sigaw ng Mayor.
"I'm not boastful. I'm just telling the truth!" Pagkasabi ni Elle noon ay tinahak niya ang daan papunta sa Mayor. Sa isang iglap ay hawak niya na ito sa panga.
"See?" Nakangisi niyang sabi rito. "Who told you to hurt Taxon Ken Baider? You should not do this.. you'll suffer," madiin ang pagkakasabi niya sa salitang suffer.
Walang nagawa ang Mayor nang suntukin siya ni Elle, ubod ng lakas at kahit hindi ikaw ang sinuntok ay maaawa ka sa kaniya.
"Shine!" Saway nanaman ni Taxon.
Si Kil at Diamond ay nakangisi na ngayon. Doon ko lang nakitang bagsak na pala ang lahat. Namimilipit sa sakit at ang iba ay umiiyak na sa natamong sugat sa katawan.
Hindi ako makapaniwala kung gaano katindi si Elle. Sa tingin ko ang lakas niya ay walang kapantay.
Inapakan ni Diamond ang akmang pagtayo ng isang lalaki at saka sinabunutan ito.
"You want another wound?" Tanong niya rito, agad na umiling ang lalaki at bumalik na lang sa pagkakahiga.
"Good boy," tinapik pa ni Diamond ang ulo nito na parang isang aso.
Si Kil ay umupo na at prenteng tumingin kay Elle, nanonood kung paano nito pahirapan.
"After you hurt, you must leave this place. If not, I'll get your family and make them suffer, get it?" Sabi ni Elle, gumagapang na ang Mayor at pilit na umiiwas sa kaniya.
Natakot ako nang hawakan ni Elle ang Mayor sa leeg at itinayo ito gamit lang ang isang kamay.
"I want you to hit yourself." Ngumiti siya nang malapad at inabot ang kahoy.
Tiningnan niya kaming dalawa ni Taxon. "Look at them, memorize their feature now and do that to yourself," utos niya rito.
Matagal bago kumilos ang Mayor kaya nainip si Elle. "Ikaw ang gagawa sa sarili mo o ako? You choose."
Bigla ay nangatog ang Mayor. Tiningnan niya kami ni Taxon at pinalo ang sarili. Malakas itong sumigaw sa sakit.
"Lakas pa!" Utos ni Elle.
Pinalo niya nanaman ang sarili at sumigaw sa sakit.
"Lakas pa! Ang hina!"
Ilang ulit hinampas ng Mayor ang sarili niya.
"Now.. punch your face."
Napamaang ako sa sinabi niya. Talagang ang astig niya katulad ni Taxon, silang mga Baider. Si Elle ang pinakabata, siya ang bunsong apo pero siya ang pinakamalakas. Sa husay niya sa pakikipaglaban siguro ay palagi niya iyong ginagawa.
Hindi nanaman kumilos ang Mayor kaya tiningnan nanaman siya ni Elle nang masama.
"Punch your face or else I'll do that. Maco-comatose ka sinasabi ko saiyo," mahinahon niyang sabi.
Pinagsusuntok ng Mayor ang mukha niya. Nawiwili siyang pinanood ni Elle. Bawat sakit na nararamdaman ng Mayor ay nagpapatawa kay Elle.
Itinuon ko ang atensyon kay Taxon. Maputla na siya, at mapungay na ang mata. Awang-awa ako sa kaniya at sa sarili ko. Hindi ko lubos maisip na mangyayari ang bagay na ito sa buong buhay ko. Simple lang ang buhay ko at malayo sa gulo pero noong nakilala ko siya doon na nagsimulang maging ganito. Wala naman akong pinagsisihan kahit pa ibalik ako sa araw na nagkakilala kami pipiliin ko pa rin ang makasama siya.
"Taxon.." Hinaplos ko ang pisngi niya. "O-okay ka lang?" Tumango lang siya.
"Kil!" Tawag ko sa kaniya. "Dalhin na natin sa hospital si Tax--" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang makita ko ang isang lalaking dumampot ng kahoy. Mabilis siyang lumapit kay Taxon at bago pa man niya ito mahampas ay pinilit kong tumayo. Pwersahan akong humarang kay Taxon.
Hanggang sa isang malakas na palo ang tumama sa akin at nawalan na ako ng malay.
The hit from my back.