How to Heal: A Broken Heart(Taglish) Chapter 19

Habang nasa sasakyan sila ay tahimik lang na nakaupo si Ashy. Hindi niya maibtindihan ang nararamdaman niya ng mga panahong iyon.

"Akala mo hindi na kita sisiputin noh?" Biglang tanong sa kany ni Paul.

Napatingin ito sa kanya saka nagsalita. "Oo nga ehh,uuwi na sana ako." Sagot niya na totoo naman.

"Pwede ba naman 'yon? Ikaw pa? Malakas ka sakin ehh." Ngumiti ito tsaka ibinaling ang tingin sa daan.

Tumahimik na lang si Ashy.

Nakarating sila sa isang garden restaurant kung saan makikita sa entrance pa lang kung gaano ito ka ganda at kasosyal. Halatang lugar ito para sa mga taong mayayaman lang.

Pinagbuksan siya ni Paul ng pintuan at hinawakan ang kamay niya upang tulungang bumaba sa sasakyan.

Sinalubong sila ng waitress at itinuro sa kanila ang lugar. Maganda ang lugar. May lugar para sa mga gustong mag-bonefire, may mga malalaking puno sa paligid kung saan may kubo sa taas na intended for VIP's, isa nga sa mga ito ang i akyat nila.

Pagdating sa taas nito ay halatang decorated at pinag-aksayahan ng oras at panahon.

"So how do you like it? Maganda ba ang place?" Tanong ni Paul na nakangiti habang nakatingin sa kanya." Ngumiti naman siya.

"Oo, ang ganda, napakaromantic ng lugar at sobrang nakakagaan ng loob mag-stay dito." Sagot niya.

Umupo na sila at hinibtay na lang ang pagkain nila.

Tahimik silang kumakain,halatang nagpunta lang sila duon para kumain.

Pagkatapos nilang kumai ,nag-serve ng wine ang waitress.

"I hope you enjoyed the dinner." Itinaas ni Paul ang wineglass.

"Oo naman. Masarap ang pagkain at maganda ang lugar halatang pinag-aksayahan ng panahon.." Tipid na sagot ni Ashy.

"This is all for you. I want to make you feel better. I want you to feel that I'm here for you." Bigla ay nasabi niya. Hindi halatang pinagsisihan niya ang anumang sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin Paul?" Takang tanong sa kanya ni Ashy.

Bumuntong-hininga ito saka nagsalita.

"Hindi do alam kung anong past mo, pero wala akobg pakialam. Basta ang alam ko at nararamdaman ko ay mahalaga ka sa akin at iyon ang mahalaga."

"Paul, natural lang naman sa isang boss ang pahalagahan ang mga tao niya, ta ba ako? Dun mo makijita kubg anobg klaseng tao ka. Kubg paano mo mahalin ang mga taong nakakafulong sayo." Paglilihis niya sa usapan, sa loob loob niya ay alam na niya ang ibig niitong sabihin.

Maya-maya pa ay hinawakan na ni Paul ang mga kamay niya.

"That's not what I mean Ashy, its beyond employee toemployer relationship. I want more. I'm falling for you and I want you to be my girlfriend. I'm not telling you to say yes now, gusto ko lang malaman mo kung anong narardaman ko sayo." Paglilinaw nito.

"Baka hindi ko pa kaya Paul. Ayokong isipin na gagawin ko lang ito para makalimot. Ayokong mag-paasa ng tao at lalong ayokong makasakit." Sagot niya na totoo naman talaga. Kahit may nararamdaman siyang kilig para rito ay gusto parin niyang makasiguro sa kung ano ang nararamdaman  niya.

"I know,willing akong maghintay Ash. That is what love really means the willingness to wait.

"Salamat.." ngumiti ito at saka uminom ng alak.

Sa isip niya, hindi na siya basta papasok sa isang relasyon na hi di siya sigurado. Kahit paano ay gusto niyang maramdaman yung pagmamahal sa puso niya. Kailangan na rin niyang kalimutan ang taong nagibg sanhi ng takot niya upang magmahal ulit.

Matapos silang kumain aay nakpagdesisyon silang umuwi na. Hinatid na siya ni Paul at nagpaalam din ito upang makauwi na.

Pagpasik niya sa bahay nila ay andun ang mama niya at halatang hinihintay siya nito.

"Ohh andiyan ka na pala. Halika na at ng makakain na tayo." Niyaya siya nitong kumain pero alam niyang hi di na siya makakasabay dito dahi tapos na siya.

"Ma, sorry ha? Hindi kita natawagan agad. Kuamin na kasi kami. Nag-yaya kasi si Paul na kumain sa labas kaya..."

"Alam ko, fumawag sa akin si Jem. Nakita niya kayo. Kwentuhan mo na lang ako habang kumakain." Utos nito tsaka umupo sa mesa ulang kumain.

"Anong ikukwento ko ma?" Ku wari ay tanong niya rito.

"Wag ako Ash... alamko na iyan. Yang mga pabulaklak na yan, sundo, hatid. Galibg na ako diyan anak hindi mo na kailangang ilihim pa sa akin. Isa pa, wala namang masama. Dalaga ka, binata naman siya." Itinigil nito ang pag-nguya saka tumingin sa kanya.

"Nanliligaw siya ma. Pero hindi ko alam kung dapat ko ba siyang sagutin."

"Bakit wala bang spark? Hindi ka ba nakakaramdam ng kilig sa kanya? Yuwing tinitingnan ka niya hi di ka ba nakakaramdam ng hiya?" Tanong niya ulit rito na daig pa ang imbestigador kung makatibhin at makapagbitaw ng salita.

"Nakakaadam po."

"Ohhh naman pala ehh... teka, si Storm ba? Siya ba ang dahilan kung bakit hirap kang buksan ulit ang puso mo? Anak, matagal na panahon na kayong wala ni Storm. Masaya na rin siya sa buhay niya at dapat ganun ka rin. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan,huwag mong hayaan na maapektuhan ang magandang kinabukasan na naghihintay para sayo. Andito lang ako at susupirtahan kita kahit anobg mangyari." Hinawakan ng ina niya ang mga kamay nito upang iparamdam sa kanya ang pang-unawa na kailangan niya.

Ngumiti siya at bumuntong-hininga.

"Naisip ko na din yan ma. Ayoko lang pong magmadali sa mga bagay bagay. Gusto kong makasiguro sa nararamdaman koa t kung maari ay ayoko ng magkamali." Mapait na ngiti ang nakita sa mga labi nito.

"Wag kang matakot magkamali. Ang pagkakamali ay normal sa buhay ng isang tao. Ang pagkadapa ay kasama na sa buhay na tatahakin natin. Pero kailangan natin bumangon at magibg matapang." Ito ang mga bagay na hi di niya maipagpapalit. Ang pagkakaroon ng supportove na ina na handang unawain siya sa lahat ng pagkakataon.

"Salamat ma, huwag po kayong mag-alala kapag naging kami na po sasabihin ko poa gad sa inyo. Kayo ang unang makakaalam nito." Pangako niya sa ina.

##########

Dumaan pa ang mga araw at buwan....

Dumating na rin sa punto kung saan puspusan na ang panliligaw ni Paul kay Ashy. Nakita nito ang sinseridad sa panliligaw niya at tiyaga nitong maghintay. Hanggang sa sinagot na niya ito at pormal na silang magkasintahan.

Ikinatuwa naman ito ng mama niya at siyempre ang kaibigan niyang si Jem na mas kinikilig pa kesa sa kanya.

"Sa wakas! Ang tagal tagal pa kasi ng hinintay, ohh kayo din naman pala sa huli.." panunukso nito sa kanila.

Nagakayayaan silang maghapunan sa bahay nina Ashy kasama ang mam nito.

"Ito kasing kaibigan mo ehh. Pinahirapan ako ng sobra. Muntikan na tuloy akong umatras. " pagbibiro naman ni Paul na nuon ay agad na hinawakan ang mga kamay niya saka ito hinalikan na lalong ikinakilig ni Jem.

Masaya sila sa mga kwentuhan nila na hi di na matapos tapos hanggang sa hindi na rin nila nmamalayan ang oras. Kaagad ng nagpaalam sina Jem at Paul upang makauwi na at ng makapag-pahinga na rin ang mag-ina.

"Hon alis na kami. Hatid ko na muna si Jem tapos uuwi na rin ako. Pahinga na kayo ha?" Hinalikan niya ito sa noo at nagpaalam na din sa mama niya.

"Ingat kayo hon," sagot naman niya rito.

Ngumiti na lang itos aka tumalikod.

Hinatid niya ng tanaw ang sasakyan nito na papaalis,nang mawala na ito sa paningin niya ay saka ito pumasok sa loob ng bahay nila.

"Pahinga ka na anak. May pasok ka pa bukas. Ako  na ang bahala rito." Utos ng ina, na nuon ay nagliligpit ng mga ginamit nila.

"Tulungan na kita ma para mas mabikis at nang makapagpahinga na po tayo pareho."sagot niya rito saka nagsimulang iligpit ang mga gamit.

"Masaya ako para sa iyo. Alam ko na hindi nagibg madali ang lahat. Pero natutuwa ako na ngaun ay kampante na ako na may mag-aalaga sayo. Alam kong mabuting tao si Paul, nakikita ko sa mga mata niya ang kung gaano ka niya kamahal at kung gaano ka niya pinahahalagahan. Nakikita ko kung paano ka niya mahalin ng buong-buo." Hinawakan ng mama niya ang mga kamay nito saka hinalikan.

"Nagdadrama ka nanaman ma ehh, okay lang po ako. Mahal ko din naman po si Paul, alam ko po na hindi ako sigurado pero anga pagmanahak umuusbong yan lalo  na at katulad niya ang mamahalin." Tinapik niya ang balikat ng ina saka itinuloy ang kanyang ginagawa.

"Wag mong kakalimutan na ang problema sa isang relasyon ay hindi nawawala anak. Darating at darating yan. Kung dumating man, isipin mo ang taong mahal mo. balikan mo ang mga panhon kung saan una mo siyang nakilala, kubg bakit mo siya minahal at kung bakit piniki mo siya." Palala ng ina.

Napalingon siya sito. Yun ba ay payo para sa kasalukuyan niyang relasyon? O payo para sa nakaraan niyang lpag-ibig? Paano nga ba kung ganun ang mangyari? Paano kungisang araw ay bumalik ang dati niyang pa-ibig? Gaano niya ito katapang na haharapin.

Paano kung isang araw ay maramdaman niyang siya parin ang gusto nitong makasama? Makaya ba niyang panghawakan ang pag-ibig na meron siya ngaun?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.