How to Heal: A Broken Heart(Taglish) Chapter 20

Lumipas ang mga oras, araw taon.. naging masaya ang relasyon nina Ashy at Paul, walang maututuring na dull moments nila. Hindi niya maalala na may pinag-awayan sila sa loob ng dalawng taon nilang magkarelasyon. Sa loob ng dalawabg taon na iyon ay walang kahit anong nangyari sa kanila. They never tried making love and that was boring. Hindi kagaya kay Storm nuon na unang sabak palang ehh meron na agad-agad.

Napahanga siya sa tindi ng  respeto na ibinibigay nito sa kanya kahit minsan madalas siyang tuksuhin ng kaibigan.

"So ano meron na ba?" Isang araw ay kumakain sila dahil lunch reak nila at nataon na nasa out of town meeting si Paul.

"Merong ano?" Takang yanong naman ni Ashy habang sumusubo siya ng pagkain.

"My God, untill now wala pa? Alam mo sissy nagtataka na ko diyan sa boss natin ha? Hi di ko alam na may pagkatorpe din pala siya." Nakanganga ito habang nakatingin sa kanya hawak sa kaliwang kamay ang tinidor.

"Torpe agad? Hindi ba pwedeng nirerespeto lang talaga niya ako? " itinaas nito ang kikay upang bigyang diin ang salitang respeto.

"Nagtataka lang ako, hindi ka naman pangit. Ang lakas kaya ng sex appeal mo tapos hanggang ngaun wala pang nagyayari? Nako ha? Baka mamaya may kahati ka pala sa kanya sissy ha? " pinaikot nito ang kanyang mga mata bago uminom ng tubig.

"Alam mo hindi iyon gagawin ni Paul sa akin sissy. Busy lang din kasi siya tsaka hindi na mahalaga kubg may nangyari man sa amin o wala, basta nagmamahalan kami, tapos." Sagot nito sa kanya.

Kung tutuusin may point naman ang kaibigan, pero ayaw niyang lagyan ng kahit anong malisya ang relaston nila ni Paul lalao pa at matagak na din sila at wala naman itong napapansin na kakaiba sa kanya. Kapag magkasama sila wala namang tumatawag na nakakpagduda, wla din namang babae na nagououbta sa opisina nito.

"Ikaw na lang kaya magyaya sa kanya sissy. Baka nahiya lang yun," tinakpan nito ang bubganga niya matapos magsalita.

"Gaga ka talaga noh? Sa kapapanuld mo ng prn kubg ano ano na ang pumapasok diyan sa utak mo. Kung ako sayo kuamin ka na lang." Akma niya itong babatukan.

Nakaradam siya ng hiya dahil baka marinig siya ng mga kumakain duon at kung ano pa ang isipin sa kanya.

Pagkatapos nilang kumain ay dumeretso na sila sa kanilang mga puwesto.

Nagulat na lang si Ashy nang makita si Pauk na nkaupo sa loob ng opisina nito.

Lumabas siya dala ang bulaklak.

Nagukat pa siya ng bglang bumagsak ang mva petals sa loob ng ooisina na di niya malaman kung saan ba nanggaling. Kasabay ng pagbagsak ng isang tela kung saan nakasulat ang....

HON, WILL YOU BE MY WIFE?

Napaluha si Ashy sa nabasa,tumingin ito kay Paul na halatang naluluha na rin. Kaya pala kanina ay pinipilit sumiya ni Jem na kumain sa mas malayong restaurant. Dahil may naghihintay pala sa kanya sa loob.

"They are waiting," nilapitan siya ni Paul saka lumuhod sa harap niya habang naghihibtay sa sagot niya.

"Yes," tipid niyang sagot sabay yakap dito.

Isinuot ni Paul ang engagement ring sa mga kamay niya at niyakap niya ulit ito at hinalikan sa noo.

Nasaksihan ng buong kompanya ang araw na iyon. Nandun din ang mama nito na halatang isa sa mga kasabwat ni Paul.

Masaya siya dahil finally ay alam na niya kung saan papunta ang buhay niya. Soon ay magkakaroon na rin siya ng maituturing na sarili niyang pamilya. Pamilya na bubuo sa pagkatao niya at pamilya na hindi siya iiwan.

Natapos ang araw na iyon na masaya ang lahat.

Isang araw at dinalaw siya ni Paul kasama si Jem. Napagdesisyonan nila na kausapin ang coordinator ng magiging kasal nila.

"Hon, sigurado ka ba? I mean pwede pang magbago ang isip mo. Hindi din naman ako nagmamadali." Pagdadahilan ni Ashy, nakakramdam siya ng pressure pero hindi na niya ito ipinahalata.

"Yun na nga ehh. Baka isang araw magabago na lang bigla ang isip mo. Yun ang kinakatakot ko hon," pabirong sabi nito sabay hawak sa magkabilang pisngi niya.

"Shhhhh...tama na nga yang mga kaartehan niyong dalawa. Mabuti pa lumakad na tayo para may matapos na tayo. Ikaw naman sissy wag kang nega." Hinila niya ang kaibigan palabas ng pinto.. natatawa na lang si Paul na sumunod sa kanila.

Pinubtahan nga nila ang coordinator para sa kasal. Nalula si Ashy sa brochure na ioinakita sa kanya. Sa presyo pa lang ng sapatos ay pwede ng pampagawa ng bahay. Gusto niyang umatras na lang pero napansin agad ito ni Paul.

"Hon, mabuti pa pumili ka na ng design na gusto mo. Oh baka may sarili kang design in your mind pwedeong ishare kay Ms. Morales para alam niya ang dapat gawin.

Sa halip na sumagot ay bumulong ito sa kanya.

"Hon, sigurado ka ba sa mga ito? I know you can afford it, kaya lang ang mamahal naman. Parang malulunod ako habang suot ang mga ito." Nakangiwing tumingin siya kay Paul.

"Wala akong hindi kayang gawin para sa babaeng mahal ko. Kahit yung pinakamahal diyan ang piliin mo walang problema." Ngumiti ito sa kanya..

"My Gosh, mag-aasawa na din ako nito. Ganito pala ang pkiramdam kapag ikakasal. Paul, wala ka bang kakambal? Please, ireto mo naman ako sa kanya.." kunwari ay pinagsama pa nito ang palad niya.

"Ano ka ba sissy,tumigil ka nga.nakakahiya na tayo." Pinandilatan na lang ni Ashy ang kaibigan.

Tumahimik na lang din ang kaibigan at palihim na tumatawa ito na ikinangiti na lang ni Paul.

Pagkagaling nila sa pakikipag-usap sa coordinator ay kumain muna sila bago sila umuwi.

Pagkahatid nika kay Jem ay hinatid na din siya ni Paul sa bahay nila. Napansin niyang medyo balisa ito na parang may gustong sabihin.

"Hon okay ka lang ba? Kanina ka pa kasi hindi mapakali. May problema ba?" Tanong nito at hinawakan ang balikat niya.

"Wala naman hon, naisip ko lang, total kayo na lang naman ni mama mo ang magkasama, bakit di na lang kayo sa bahay tumira para maasikaso natin ng mabuti ang kasal natin. Behave naman ako." Sabi nito habang hinihintay ang magiging sagot niya.

"Hon alam mo namang hi di papayag si mama. Isa pa hindi pa tayo kasal diba ang pangit naman yatang tingnan kung magsasama tayo sa iisang bahay nang hindi pa tayo kasal? Ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan at kakilala natin, na ibinahay mo na ako?" Sagot niya rito.

May punto nga naman siya at lama niyang hindi rin papayag ang mama nito sa gusto ni Paul. Kahit paano may delikadesa naman siya.

"Naisip ko lang naman hon. Para if ever na may importanteng pag-uusapan ehh andiyan na tayo agad. Hindi na kailangang magtravel diba?"

"Naiintindihan ko naman hon, kaya lang hindi talaga pwede at hindi talaga papayag si mama." Pag-uulit nito.

Tumahimik na lang ang isa tsaka itinuon ang sarili sa pagmamaneho.

Tahimik na lang sila habang nasa sasakyan. Hindi maibtindihan ni Ashy kung galit ba ito sa kanya o nagtatampo.

"Hon okay ka lang ba? Bigla kang natahimik. Nagtatampo ka ba?" Hinawakan nito ang kamay niya na nasa manibela ng sasakyan.

Imbes na sagot ay hinawakan niyo ang pisngi niya.

"I love you," yun lang ang nasabi niya. Tumingin na lang ulit ito sa daan.

Pinili na lang ni Ashy na tahimik at hintayin an ito na ang unang magsalita pero hindi na ito umimik hanggang sa makarating na ito sa bahay nila.

Bago ito bumaba ng sasakyan ay hinalikan muna niya ito. Ramdam niya na hindi ito masaya sa naging usapan nila.

Sabagay wala naman talagang pinagkaiba. Dati pa ramdam niya na iwas lagi ito pagdating sa mga bagay na may kaugnayan nang mas malalim pa sa halik. Pero hanga siya rito dahil malaki ang respeto nito sa kanya.

"Get in, then I'll leave." Ngumiti ito sa kanya saka hinalikan sa noo.

"Sige na alis kana..papasok na ako pag nakaalis ka na. Pasensiya ka na hon ha? Alam ko naman na naiintindihan mo ako." Hinawakan nito ang mga kamay niya.

"You don't have to worry about me, I'm fine. I'm just thinking about being a husband. I can't wait to see you wlaking in the aisle wearing your wedding gown. I love you that much hon, I will make you the happiest girl ever." He kissed her in the cheeks likea friend.

"Thank you hon. I can't wait being your wife." Ngumiti ito at isinandal ang ulo sa balikat ng kasintahan.

Binitiwan na nito anv kamay niya saka pumasok sa sasakyan niya. Sinilip muna niya ito bago pinaandar ang sasakyan.

Pagkaalis ni Paul ay agad naman pumasok si Ashy sa loob ng kanilang bahay, ibinagsak niya ang sarili sa upuan tsaka pumikit. Ilang buwan na lang at ikakasal na siya. Tama nga ba ang naging desisyon niya? Tama ba na magpakasal na siya kay Paul kahit hi di pa niya ito ganun kamahal? Lalagay na nga ba siya sa katahimikan o lalo lang magiging magulo ang buhay niya. Pumikit na lang ulit ito upang burahin ang hindi magandang nabubuo sa isip niya. Hangga't maaari ay ayaw niyang mag-isip ng negatibo at gusto niya positibo lang ang manaig sa isip niya. Kung paano ito gawin ay hindi niya alam.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.