Makalipas ang ilang linggo, niyaya ni Paul si Ashy sa kanilang bahay. Gusto niyang makita nito ang magiging bahay niya.
Para kay Ashy malaking bagay ito para sa kanya. Hindi niya ito naranasang makilala ng maayos ang mga magulang ni Storm nuon. Ngayon ay hindi siya ganun kasigurado kung paano ang pakikitungo sa kanya ng mga magulang ni Paul.
Pagdating nila sa bahay ng lalake ay nagtaka siya na parang ang tahimik ng bahay nila. Parang walang katao-tao.
"Hon, sinong tao rito? I mean diba hindi ka nman nag-istay rito? So sinong nakatira dito?" Tanong ni Ashy kay Paul.
"Mga maid. Masyado kasing malaki ang bahay, nalulula akong mag-isa rito." Nakangiting sagot nito.
"Parents mo pala nasaan?" Takang tanong ni Ashy na hindi maialis ang tingin sa kanya.
Hinawakan nito ang kamay niya saka ito inaya papasok sa loob.
"My parents passed away by a vehicular accident. Nasa US kami nun. We tried our best to save them but, wala na kaming nagawa. Kaya ako umuwi dito dahil kailangan ako sa kumpanya. Nakalimutan ko ang pansarili kong kaligayahan dahil nakatutok ako sa negosyo. Wala akong magagawa kundi sundin kung ano ang gusyo nilang gawin ko." Bumuntong-hininga ito saka umupo sa sofe.
"I'm to hear that. Hindi mo kasi nabanggit sakin na ganun ang nangyari sa parents mo. Wala kang kapatid?" Tanong niya ulit dito.
"Meron pero nasa US siya. Hindi ko alam kung may plano pa ba siyang bumalik dito or wala na.ay pamilya na siya at alam kong masaya na siya dun. Huwag kang mag-alal someday makikilala ko rin siya. Sa araw ng kasal natin." Ngumiti ito at hinawakan ang baba niya.
Ngumiti lang din naman siya sa sinabi nito.
Pagdating sa harap ng bahay ni Paul ay bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Hindi niya alam kung bakit siya nakaramdam ng ganung bagay sa bahay ng kasintahan. Kung anuman ang dahilan ay hindi na niya pinagkaabalahan pang hanapin ang sagot.
"Dito na tayo titira pagkatapos ng kasal. Mas maganda dito at mas malaki. Natural isasama na nayin dito ang mama mo. Makaka-buo na rin tayo ng pamilya natin bilang mag-asawa." Tinitigan siya nito na parangay iba pang gustong sabihin.
Gustuhin man niyang marinig kung ano 'yon ay hi di na nangyari dahil wala na itong sinabi pang kahit na ano.
Sa bahay ni Paul ay nagpahanda ito ng makakain nila. Lahat ng paborito niyang pagkain ipinahanda nito. Ramdam na ramdam ni ashy kubg gaano siya kamahal ng kasintahan na di magtatagal ay magigibg asawa na niya. Hindi man sya ganun ka intimate pagdating sa relasyon nila, alam niya at ramdam niya kung paano nito binibigyang halaga ang mga pangakong binitawan niya. Una sa pagiging gentleman niya, sa lahat ng bagay.
"So after nito ihahatid na ba kita o may gusto ka pang puntahan?" Maya-maya ay tanong sa kanya ni Paul.
"Uwi na lang ako after this hon. Gusto ko na din kasibg magpahinga. Bukas may pasok nanaman. So kailangan magrelax." Sagot naman nito na hinawakan pa ang kamay niya.
Palabas na sana sila ng dining room nang biglang sumalubong ang katulobg niya.
"Sir, andiyan po ang kapatid niyo." Balita niyo sa kanya.
Tiningnan siya ni Paul na para bang may gusto itong sabihin sa kanya.
"Sige sabihin mo andiyo ako." Utos niya sa maid at biglang sumeryoso ang mukha nito.
"Yun yung kapatid mo na nasa US?" Tanong sa kanya ni Ashy.
"Oo dumating daw halika ipapakilala kita sa kanya." Bulong nito tsaka hinawakan ang kamay niya papunta sa sala.
Malapit na sila sa kiaroroonan ng kapatid ni Paul. Nakatalikod ito at nakita nila ang mga gamit nito sa sala na isa-isang ini-aakyat ng mga katulong. Hindi makita ni Ashy ang mukha nito dahil nkatalikod nga. Bigla siyang kinabahan na parang pinagpapawisan siya ng malamig habang nakatitig sa likuran ng kapatid ng Paul. Ayaw niyang isipin pero pilit itong nagsusumiksik sa utak niya.
"Tol, welcone back. Akala ko dededmahin mo ang invitation ko sayo." Inilagay nito sa knyang beywang habang hinihintay ang kapatid naagsalita at humarap sa kanila.
Halosahimatay si Ashy nang humarap sa kanila ang lalake. Hindi nga siya nagkamali. Si Storm ang lalaking bisita ng kasintahan niya, ang kapatid niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman ng mga oras na iyon. Matutuwa ba siya o malulungkot na nakita niya itong muli.
Malaki ang pinagbago nito. Mas nagmatured ang mukha niya at lumaki ang katawan niya. Ang ipinagtataka niya, nasaan ang asawa at anak nito.
"Nabigla lang ako sa invitation mo. Hi di ako makapaniwala kaya umuwi ako upang maksigurado. Mukhang totoo nga." Sagot nito na nakatuon lang ang tingin sa kapatid.
Pakiramdam ni Ashy ay hindi siya nageexist saaga mata niya. Nakikita niya sa mga mata nito ang lihim na galit at pagkamuhi sa kanya.
"Ganun talaga. Nabigla ka kasi hindi mo inakala na magakakagirlfriend at makakapag-asawa na rin ako. Siya nga pala I'd like you to meet my soon to be wife Ashy Lopez. Hon meety brother Storm Chavez." Ngumiti ito habang ipinapakilala sila sa isa't isa.
"Nice meeting you Ashy, anyway mamaya na tayo mag-usap pagod ako sa biyahe." Yun lang ang sinabi nito at umakyat na siya papapunta sa kuwarto niya." Ni hindi man lang siya nito nilingon. Ni hindi man lang niya nakita sa mukha nito ang pananabik na makita siya. Hi di niya alam kubg dapat ba niya itong ikatuwao dapat ba siyang malungkot dahil ramdam niya na wala siyang epekto sa kanya.
"Pasensiya ka na sa kapatid ko ha? Ganun talaga yun. Medyo naging seryosos ang buhay niya mula nubg mamatay ang asawa niya. Yung anak naman nila hi di niya kasama. Baka wala nga talaga siyang planong magtagal rito." Umupo ito sa sofa habang nakatingin sa kanya.
"Gusto ko ng umuwi, okay lang ba kung ihatid mo na ako? Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko." Pagdadahilan nito.
Sumang-ayon naman ito at agad na kinuha ang susi ng sasakyan ulang maihatid siya.
Habang nasa daan sila ay tahimik lang na nagmamaneho si Paul, mukhang walang planong sabihin sa kanya kung ano nga ba ang nangyayari. Patingin-tingin lang ito sa kanya.
Maya-maya pa ay hindi na ito nakatiis pa at siya na nag nagtanong sa kanya.
"Hon, meron ka bang dapat sabihin sa akin? I mean tungkol sa kapatid mo. Kilala ko siya." Pag-amin nito. Nang mga panahong iyon wala siyang pakialam kung ano ang sasabihin nito. Ang mahalaga sa kanya ay masabi niya kung ano ang totoo.
"Na ano hon?" Takang tanong nito.
"Diba nabanggit ko ang pangalan ng ex-boyfriend ko nuon, hindi mo na ba naalala?" Tanong niya ulit dito.
Matagal bago natahimik ito mukhang pinagiisipan kung anong pangalan ang sinabi niya.
"Hmmm oo pala sabi mo Storm Robles. Magkapangalan sila ni Storm,yung kapatid ko. Pasensiya ka na nawala 'yon sa isip ko. Alam mo kasi yang si Storm adopted talaga ng parents ko yan. Hmatagal bago nila naisunod sa pangalan namin. Hindi nga kami ganun kaclose ehh kasi hindi naman talaga kami ngakasama as we grow up.
"Ahh ganunba? Baka nga mali lang ako.baka kamukha lang niya." Yun ang napili niyang dahilan. Hindi niya inakala na hindi pala nito alam na Robles ang dati niyang apelyodo.
Naguluhan siya bigla. Ano na ngayon ang gagawin niya ngaung alam niya na nsa malapit na lang si Storm. Paano pa siya makakapag-focus sa relasyon nila ni Paul lalo't alam na nito na patay na pala ang asawa nito.
Ganunpaman hindi nito ipinahalata na kilala niya ang kapatid.
"So anong ikinamatay ng asawa niya.?" Tanong nito.
"Nagkasakut nung andito palang sila sa Pilipinas, walang choice kundi iuwi siya sa US. Kaya kahit ayaw niyang umalis dito nun napilitan siya." Tumingin ito sa kabya saka ibinaling ang tingin sa daan.
"Kawawa naman pala siya. Kaya pala moody siyang tingnan. Mabuti naman at nakumbinsi mo siyang dalo sa kasal natin." Ngumiti si Ashy sa kanya saka ito tumingin sa labas.
"Well, dalawa lang ang dahilan kubg abkit siya andito. Para manmanan ako o para sirain ang kasal ko. Hindi kami ganun ka-okay. You know between us, may gap talaga kami. Siguro dahil hindi naman talaga kami magkapatid. Masama ang loob ko dahil sa kabya lahat ipinagkatiwala. Ganuna ko kawalang kwenta para sa mga magulang namin. Kaya hindi ako magtataka kung isang araw mawala na lang ang lahat sa mga kamay ko." Seryosong sagot nito. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin.
"Hindi naman siguro hon. Mukha namang wala sa itsura niya ang manggulo," sagot naman ni Ashy na oilit kinakalma ang kasintahan.
"Hindi ako ganun kasigurado. Basta kahit anong mangyari magtiwala ka lang sa akin. Wag kang papaapekto sa kanya. Alam ko gagawin niya ang lahat para maagaw ang anumang iniwan ng maga magulang ko sa akin." Matinding tingin nag ibinigay nito sa kanya.
"Hon, 'wag kang mag-isip ng mga bagay na ganyan. Dapat positive ang iniisip mo. Magkapatid kayo at kubga anuman ang iniwan ng mga magulang niyo ay dapat magtulubgan kayo para mapalago pa niyo ito lalo." Hinawakan nito ang kamay niya.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo hon. Mahirapa magsalita ng tapos." Itinigil niya ang sasakyan nito sa tapat ng bahay nila.
"Uwi ka na agad ha?" Paalam nito saka siya hinalikan sa pisngi.
Ngumiti naman ito saka pinaandar ang sasakyan.