How to Heal: A Broken Heart(Taglish) Chapter 22

Kinaumagahan ay maagang nagising si Storm. Hindi siya gaanong makatulog dahil pakiramdam niya ay naninibago siya sa loob ng bahay nila. Naninibago siya na hindi kasama ang mga magulang. Naninibago siya na ang kapatid lang ang kasama niya. At hindi niya maintindihan ang pakiramdam na meron siya mula pa kahapon nang makita niyang kasama ng kapatid niya si Ashy. Nagulat siya na siya pala ang mapapangasawa nito. Kung paano at kelan ay hindi niya maipaliwanag.

Hindi niya alam kung paano nangyari. Hndi niya alam na sa dinami dami ng babae ay bakit si Ashy pa. Bakit ang babaeng minahal niya ng sobra.

Dumating siya ng bansa na hindi alam kung ano ang totoo. May mga bagay na mahrap paniwalaan na eto at totoo nga.

Umupo siya sa may veranda ng kanilang bahay kung saan madalas siyang tumambay nuon. Eto nga at malaki ang ipinagbago ng kanilang bahay.

Binago ang disenyo nito mula nang mamatay ang kanilang mga magulang.

Hindi man sila ganun kalapit sa isa't-isa may mga bagay parin naman kung saan nagkakasundo sila.

"Gising ka na pala. Ang aga pa ahh? Wala ka banag jetlag?" Maya-maya pa ay narinig niyang tanong ng kapatid sa likuran niya na may hawak pang kape at halatang kagigising lang niya.

"Okay lang naman ako. Hindi naman nkakapagod ang biyahe. Hindi rin naman ako sanay na magising ng late." Uminom siya ng kape na hawak niya saka umupo sa upuan.

"Salamat nga pala at umuwi ka. Kahit paano makakapag-focus ako sa pag-ayos ng kasal namin ni Ashy. Finally," tugon niya rito.

"Saan ko siya nakilala? I mean, paano?" Pumikit siya panandalian saka dumilat ulit.

"Ahh siya ba? Una ko siyang nakita sa welcome party ko. Tapos ipinakilala siya sa akin ni Jem yung kaibigan niya. Naging personal secretary ko siya at nagibg magkaibigan kami. Hanggang sa unti-unti ay nagka-developan kami." Sagot nito na mukhang proud na proud siya sa sarili niya.

"Mabuti naman kung ganun. Akala ko kasi.." hindi na nito itinuloy pa ang sasabihin.

"Akala mo hindi ako magkaka-girlfriend? Akala mo ganito na ako habang-buhay. Walang plano sa sarili. Walang patutunguhan ang buhay." Emosyonal na sagot nito.

"Wala akong sinabing ganun. Sarili mo yan at ikaw ang nakakaalam. Matand aka na at hindi na kita kailangang palalahanan. Just do your part and you'll get what is right for you." Seryosong sagot nito.

Hindi man nila lantarang sabihin ay halata na may gap nga sa pagitan nilang dalawa. Gaano man sila kalapit ay merong isang bagay na naghihiwalay sa kanila.

"Hindi mo kailangang sabihin para maintindihan ko. Hindi lang ikaw ang matalino Storm, lahat ng tao may kanya-kanyang talinong taglay." Tumingin iyo sa kanya at uminom ng kape.

"Kung gagawa ka ng isang bahay siguraduhin mong sa tamang paraan. Yung walang ibang taong madadamay, yung desisyon na hindi kailangang may maisakripisyo para lang makuha mo ang gusto mo. Hindi ka na bata Paul." Matinding sagot nito sa kanya. Mariin niyang tinitigan ito na hindi alam kung saan naggagaling ang mga sinabi niya.

"Kung sasama ka sa akin sa opisina mabuti pa ay maghanda ka na. Sumabay ka na sa akin." Utos nito saka tinalikuran ang kapatid na hindi alam kubg saan galing ang mga sinasabi nito.

"Mauna ka na. Alam ko ang daan papunta roon." Pabalang na sagot ni Storm tsaka ito tumayo s kinaupuan niya.

Umiling-iling na lang si Paul na umakyat s akwarto niya upang maghanda at nang makapasok na rin sa opisina. Kailangan niyang kumuha ng ilang biwan na leave upang maasikaso nila ang kanilang kasal. Gusto kasi niya na hands-on sila ni Ashy sa paghahanda rito.

Hidi nga sumabay si Storm sa kapatid. Inantay niya itong mkaalis bago bumaba ng kwarto niya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla na lang siyang nainis sa kapatid. Ohh dati an talagang hindi sila magkasundo. O dahil ba sa katotohanan na si Ashy ang mapapangasawa nito.

Pilit man niyang iwaksi sa isip niya ang babae ay hindi niya ito magawa. Hindi niyaaiwasang isipin ang mga panahon na magkasama sila. Mga panahon na sila ang magkatabi sa kama. Ang pagmasdan ang magandang hibog ng katawan niya na hindi niya pagsasawaang tingnan at halikan.

Ioinikit niya ang kanyang mga mata upang alisin sa isip niya si Ashy, hindi tama na isipin niya ang ganun sa babaeng mapapangasawa ng kapatid niya.

Nagdesisyon na siyang bumaba upang makapasok na rin siya. Kailangan niyang hawakan panandalian ang posisyon ng kapatid upang makapag-focus ito sa paghahanda ng kasal.

Pagdting niya sa opisina ay namangha siya sa entrance pa lang. Hindi niya maikubli ang paghanga sa loob niya. Higit sa lahat hindi niya maitago ang excitent na makita ulit si Ashy.

Pagdating niya sa opisina ay una niyang nakita si Ashy na nkaupo sa swivel chair malapit sa sliding door.

"Goodmornibg sir." Bati niyo ng ng makuta niya ito.

Imbes na sumagot ay pinili niyang manahimik na lang at pumasok sa opisina ng kapatid.

"So anong ongoing na dapat pag-usapan? May bago bang project?" Tanong agad ni Storm, umupo siya sa upuan malapit sa mesa nito.

"Problema eh." Sagot nito na mukha ngang mabigat ang problema dahil nakakunot ang noo nito.

"What ist it?" Tanong naman ni Storm.

"I need to leave to maybe a month or more. There's an emergency from the site kung saan itinatayo ang branch at kailangan alo doon. Hindi pwedeng hindi ako pumunta." Sagot nito sabay sapo sa noo na hindi alam ang gagawin.

"Pwede namang ako na ang pumunta dun. Ikaw na lang ang maiwan dito. Alam ko naman ang dapat gawin." Binigyan niya ito ng pagpipiliian.

"Kung pwede nga lang why not. Kaso ako ang kailangan dun dahil ako ang nakapirma sa mga kontrata dun hindi pwedeng iba. Kubg kelan naman kailangan ng panahon saka naman nagkproblema. Ipinagdasal mo 'to no?" Tumingin ito sa kanya na para bang siya ang sinisisi.

"Why should I? Wala nman akong nakikitang dahilan para gawin yun."

"Then you have to stay here. Ang please behave." Babala nito sa kanya na para bang may ibig sabihin.

"People changed Paul. Hindi man ako ganun kabait, hobdi rin naman ako ganun kasama na gaya ng inaakala mo." Seryosong sagot nito.

Tumahimik na lang ito para hindi na humaba ang usapn nila.

Kilala niya ang kapatid. Simple lang ito kung magduda at kadalasan sa mga duda niya ay totoo.

Hindi niya maiwasang hindi mapatongin kay Ashy na halatang seryoso din sa mga ginagawa niya. Gustong-gusto niya itong kausapin ngunit hindi niya alam kung paano. Ayaw niyang malaman ng kapatid kung ano ang totoo sa pagitan nila ng kasintahan nito.

"Kumusta naman pala kayo ng girlfriend mo? I mean gaano na kayo katagal?" Tanong nito na kahit siya mismo ay hibdi sigurado kung tama ba ang naisipan niyang itanong.

"Okay naman kami. Mabait si Ash. Isa pa open siya sa akin at ni minsan hindi ko pa siya nakakitaan ng kahit anong bahid ng paglilihim. Kaya hindi na rin ako nagdalawang isip na yayain siyang magpakasal. Sa palagay mo ba magiging mabuti siyang maybahay?"maya-maya pa ay natanong niya ito.

Hindi alam ni Storm kung ano ba nag isasagot. Hindi nga niya alam kung tama bang sabihin niyang oo. Alam niya kung gaano lang siya pinaasa ni Ashy nuon. Nasaktan na siya ng sobra nang hindi siya siputin sa usapan nila. Tinaguan siya at matagal siyang hindi nagpakita. Ito ang isang bagay na hindi niya hahayaang mangyari sa kapatid. Niya, habggat kaya niya ay gagawa siya ng paraan upang mailayo ang kapatid rito. Kung anumang paraan iyon ay hindi pa niya alam.

"Natahimik ka diyan tol. Simple lang ang tanong ko,hi di ko aman tinatanong kung ilan lahat ang isad as ilalim ng dagat." Nangingiting tinapik niya ito sa balikat.

"Ewan ko. Hindi ko naman siya kilala kaya hi di ko alam ang sagot sa tanong mo." Sagot niya rito.

"Sabagay, ngayon nga lang pala kayo nagkita. Di bale makikilala mo pa naman siya dahil magkakasama kayo rito sa opisina araw-araw. Ayaw naman kasi niyang mag-stay sa bahay habang inaasikaso namin ang kasal para mas makilaka mo pa sana siya." Dagdag pa niya rito.

Hindi malaman ni Storm kung ano ang mararamdaman ng mga sandaling iyon. Bumubulong ang konsensiya niya ngunit nangingibabaw ang kagustihan na magibg masaya ang kapatid at mapatunayan abg sarili niya.

"Hindi naman kailangang magkasama palagi para makilala smang isang tao. Kadalasan aimpleng tingin lang makikilala mo na."makahilugan nitong turan sa kapatid.

Maya-maya pa ay ouamok si Ashy sa loob ng opisina kung saan ay naguusap ang magkapatid.

Nakangiti itong humarap sa kapatid. Ni hindi man lang siya nito tiningnan. Pakiadam niya ay hi di siya nageexist sa mundo nito. Deep inside him ay nasaktan siya the way she treated him. Hi di siya sanay na ganun siya pakikitunguhan nito.

"Hon may kailangan ka?" Magiliw na tanong nito kay Pal

"Wala naman hon, siya nga pala. I'll be out of the country for a month or more,I'm sorry about this but I really need to leave. Anyway si Storm muna ang makakasama mo rito. Sinabi ko na sa kanya ang mga upcoming transactions at kayo na ang bahala. Total malayo pa nag kasal may panahon pa tayo." Hinawakan ang kamay nito upang maramdaman ang pang-unawa nito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.