How to Heal: A Broken Heart(Taglish) Chapter 23

Wala ng magawa si Ashy kundi umoo na lang. Paano niya haharapin ang mga susunod na araw na kasama si Storm sa iisang lugar? Ngaun pa nga lang ay gusto na niyang mag-leave rin upang hindi niya ito makita.

"Okay lang ba sayo hon, I mean I'll be out of your sight for a month or more and I'm not sure when will I get back?" Tanong nito sa kanya habang nakatingin sa kanya.

"Oo naman, huwag kang mag-alala hindi naman natin kailangang magmadali." Sagot nito tsaka ngumiti.

"Okay, we're settle then. And siguro its an opportunity na rin para makilala niyo ang isa't-isa." Dagdag pa nito.

Pagkatapos nun ay lumabas na si Ashy. Bigla siyang pinagpawisan ng malamig dahil sa narinig. Hindi niya inakala na darating siya sa punto kung saan kailangan pa niya itong makasama ng matagal na sila lang.

Inayos niya ang kanyang mga trabaho. Maya-maya pa ay nakita niya si Jem na papalapit sa kinauupuan niya. May mga dala-dala itong papel at siguradong magpapapirma ito.

Napatingin siya sa loob ng opisina ni Paul at biglang kumunot ang noo nito. Hindi man sabihin ay alam na nito ang sasabihin niya.

"My Gosh, Ash, totoo ba ang nakikita ko? Tapikin mo nga ang mukha ko,please!" Dahan-dahan itong umupo at pabulong na kinausap ang kaibigan.

Hindi naman alam ni Ashy kung paano ito ipaliliwanag sa kaibigan.

"Tumahimik ka nga." Sambit nito na bahagyang tumingin sa mga nasa loob.

"Ash, si...."

"Oo. Si Storm aang nakikita mo." Mahinang sagot nito kahit hindi pa man nito naririnig ang itatanong ng kaibigan.

"Anong ginagawa niya rito? I mean bakit magkakilala sila ni Paul?" Kunwari ay may inaayos ito upang hindi halatang nakikipag-tsismisan siya.

"Mamaya na tayo mag-usap. Mamaya ko na sasabihin. Bumalik ka na sa trabaho mo baka mamaya may makakita pa sayo dito isipin n nagtsitsismisan tayo." Pabulong na pagtataboy sa kanya ni Ashy.

Tumayo na nga ito at umalis na,halata sa mukha nito ang pagkagulat, hi di na magtataka si Ashy kung mkaramdam bg ganun ang kaibigan,dahil siya mismo ay ganun din ang naramdaman hanggang sa mga panahong iyon.

Lunchbreak na. Umalis si Paul para sa isang meeting kasama si Storm, kaya malaya silang nakapagkwentuhan ni Jem.

"Ohh my Gosh! Seryoso ka ba sa sinasabi mo?" Gulat na tanong ni Jem sa kanya habang hawak ang tinidor. Kasalukuyan silang kumakain ng oras na iyon.

Jumagat muna siya s akinakain niya bago ito magsalita.

"Oo nga,nagulat din naman ako kahapon nung dumating siya sa bahay ni Paul. Hindi ko inexpect na siya pala yung kapatid niya na sinasabi niya. Hindi ko alam kung ano ba nag dapat kong maramdaman." Npabuntong-hinibga na lang siya habang iinom ng tubig.

"Nako, malaking problema yan Ash. Idagdag pa na hindi alam ni Paul na siya yung sinasabi ko na ex m." Dagdag pa nito na halatang namomroblema na rin.

"Hindi, kasi nga bago pa sila magkita ay napalitan na ang apelyido ni Storm, kaya pala walang reaksiyon si Paul nung sabilin mo ang buong pangalan ni Storm.

Napailing na lang ang kaibigan.

Tumingin ito sa kanya tsaka umiling ng paulit-ulit.

"Ehh yung asawa niya kasama ba?" Muli ay nagtanong ito at lumabas nanaman ang pagigibg imbestigador.

"Namatay daw ang asawa sa sakit,yung anak naman niya naiwan sa US. Yun ang sabi sa akin ni Paul." Sagot niya rito.

"So pwede na ulit maging kayo." Bigla ay nasabi niya. Hi di man niya ito sinasadya ay may punto siya rito.

"Ano ka ba? Kubg anu-ano nanaman ang pumapasok s isip mo. Hindi yun ang iniisip ko sa ngaun. Ang iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Paul ang totoo nang hindi siya magduda sa akin." Tinakpan nito angukha niya sa pamamagitan ng kanyang mga palad dala ng pagkabalisa.

"Alam mo sissy simple lang naman yan ehh. Kausapin mo siya ng masinsinan. Ipaintindi mo sa kanya kung paano at bakit. Matalino naman si Paul maiintindihan niya iyon." Payo ni Jem sa kanya na hinawakan pa ang mga kamay nito. Ramdam niya kubg ano ang mararamdaman nito ngga panahong iyon. Nangingibabaw sa lahat ay ang pagkadismaya dahil bumalik nga ito ngunit hindi na puwedeng magibg sila.

Matapos nilang kumain ay bumalik na agad sila sa kani-kanilang puwesto.

Hindi mapakali si Ashy. Napagdesisyonan niya na anuman ang mangyari sa araw na iyon ay sasabihin na niya kay Paul ang totoo. Maya-maya pa ay biglang dumating si Storm. Iniiwas niya ang tingin niya rito na para bang matutunaw siya kapag tinitigan niya ito.

"Its nice to see you again Ashy. What a small world. Sa dinami-dami ng puwede mong mapuntahan at mabiktima sa kapatid ko pa talaga." Mariing sabi nito sa kabya na hi di inaalis ang tingin niya rito.

Nagpanting ang pandinig ni Ashy sa sinabi ni Storm. Ang kaninang nararamadaman niyang hiya ay biglang napalitan ng galit. Bigla niyang naalala ang sakit nung mga panahong kailangan niya ng pang-unawa niya pero wala siya dahil mas pinili niyang lumayo at mag-asaw.

"Pardon sir?" Tanong niya rito.

"Come on Ash, hindi mo ako kailangang sagutin ng tanong. Alam naman natin pareho kung ano ang pakay mo sa isang lalake. Ang mag-paasa. If that is your plan then mabuti pa ngayon pa lang umurong ka na." Sagot niya rito na halos julang na lang ay ipalit niya ang mukha niya sa mukha niyo dahil sa sobrang lapit.

"Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo Storm, kubg anuman ang nasa isip mo ay problema mo na iyon. Huwag mong ipasa sa akin ang problema mo." Itinaas nito ang kanyang mga kilay.

Dama niya ang galit sa puso nito. Natawa naman siya bigla. Siya pa ba nag may karapatang magalit samantalang siya ang unalis at nagn-iwan? Sa kabila nun ay nkaadam siya ng pagkasabik na mayakap ito. Pagkasabik na makasama ito ng mas matagal pa.

"Kung sa tingin mo mabibilog mo ang ulo ng kapatid ko, puwes nagkakamali ka. Hi di ko hahayaan na gawin mo sa kanya kunga numan ang ginawa mo sa akin." Mariing tugon na rito na hinawakan pa ang braso niya upang sa ganun ay mailapit niya ito sa kanya.

"Wow! Hanga naman ako sa galing mong manghula  Storm. Bigla kang mawawala, tapos bigla kang darating at aakusahan ako ng kung anu-ano. Ano bang malay ko na magkapatid pala kayo. Ano bang malay ko na sa dinami-dami ng puwedeng magibg kapatid ni Paul ay ikaw pa. Samantalang ang layo niyo sa isa't-isa. Ni wala ka nga sa kalingkingan niya ehh." Sagot niya rito na hindi na rin siya nakapagtimpi pa.

Natawa na lang si Storm sa sagot niya rito. Halatang marami itong alam tungkol sa kapatid niya at mukhang hindi siya naniniwala sa sinasabi nito.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo Ash. Pero kung ako sayo, umatras ka na habang maaga pa. Dahil sisiguraduhin ko sayo na walang kasal na mangyayari." Banta nito at sa tingin niya ay hindi ito nagbibiro.

"Sasabihin mo sa kanya ang totoo? Sasabihin mo na naging tayo? Mabuti naman kung ganon. Mabuti kung sayo na rin mismo manggaling, that is infavor of me. Idetalye mo ha? Isama mo na rin pati yung biglaan mong pang-iiwan sa akin,yung para kang bulang naglaho na hindi mawari kung saan nagsuot. Para sa ganun maintindihan niya kung bakit ganun katindi ang galit ko sayo." Tinitigan niya ito sa mga mata mata.

Aa niya ang mga luhang nagbabantang mahulog mula sa kanyang mga mata ngunit pinihil niya ito. Hindi niya hahayaang makita ni Storm na jung gaano siya kahina pagdating sa kanya. Gusto niyang ipakita na nagbago na siya at mas matapang kesa dating Ashy na nakilala niya. Yung dating Ashy na sinaktan at iniwan niya sa ere.

Mukha namang hindi natinag si Storm sa sinabi niya. Nakatitig lang ito sa kanya at hinihintay na mag-alis ito ng tingin. Sa huli ay si Ashy parin ang talo. Inalis niya ang mgaata sa mukha nito dahil hindi niya matagalan ang pagkakatitig nito sa kanya.

"We are not supposed to be having conversation like this Storm. Nasa loob tayo ng opisina at hindi na natin dapat pinag-uusapan ang nakaraan. Nasaan na ang pagiging professional mo." Wika nito na nuon ay nkatingin na lang siya sa pader.

Kung nagkalakas sana nmsiya ng loob na titigan ito ay nakita sana niya ang emosyon na nagharo sa kanyang guwapong mukha. Titig na gustong-gusto siyang yakapin ay halikan.

"Pasensiya ka na. Pero uulitin ko. Hindi ako papayag na magkatuluyan kayo ng kapatid ko." Muli ay ipinagdiinan niya ito.

"Bakit? Dahil hindi ako mayaman? Dahil hindi ako kagaya niyo na galing sa mayayamang pamilya na tinitingala ng karamihan? Dahil mahirap lang ako,at hindi ko kaya ang mga kaya niyong gawin ganunba?" Tiningnan niya ito at buong tapang na sinalubong ang mga titig niya.

"Kubg anuman ang dahilan ko ay labas kana dun. Wala akong dapat ipaliwanag sayo. Ako parin ang kapatid niya at alam ko kung ano ang tama at mas makakabuti sa kanya." Mariing sabi nito.

"Kapatid ka lang niya,hindi mo kayang ibigay kung ano ang magpapasaya sa kanya.  Siya ang amgdedesisyon kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay niya." Sagot niya rito.

"Tama ka, siya lang ang nakakaalam kung ano ang makakapagpasaya sa kanya, at sigurado akong hi di ka kasali dun, ako aprin ang boss mo sa mga susunod na araw. Hindi ito ang una at huli." Hinawakan niya ang braso nito saka binitawan, kasabay nun ay pumasok na siya sa kanyang opisina.

Naiwan namang naiwan si Ashy kasama ng mga tanong sa makahulugang sinabi ni Storm.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.