How to Heal: A Broken Heart(Taglish) Chapter 24

Pagdating sa bahay nila ay galit nagalit si Storm

Hindi niya alam kung anong eksaktong dahilan. Pero ramdam niya ang galut mula sa kaloob-looban niya. Galit ng isang taong nagmamahal sa isang kapatid.

Maya-maya pa ay kumuha siya ng bote ng alak at walang pagdadalwang isip na ininom ito. Nagpalakad-lakad siya sa may pool. Gusto niyang makausap ang kapatid. Alam niyang hindi siay dapat makialam sa relasyon nito ngunit hindi niya hahayaang masaktan ito gaya ng sakit na naaaan niya nuon.

Is apa alam niya kung ano ang ugali merin ang kapatid niya at kilala niya ito mula ulo hanggang paa.

Maya-maya pa ay nakita na niya iyong papalapit sa kanya na may hawak ding alak.

"Ano to tol, celebration ba ito o pagluluksa?" Tanong nito na nakangiti sa kanya.

"Despedida para sa pag-alis mo bukas." Pabirong sagot nito.

"Paano ikaw na ang bahala sa opisina ha. Pakitingnan-tingnan na rin ang futire wife ko. Minsan kasi may pagkamahiyain yun pero masasanay ka rin,magiging close din kayo." Seryoso sa mukha nito ang sinabi niya.

"Naninibago ako sayo. Hindi ko inakala na.."

"Hindi mo inakala na kaya ko. Hindi mo inakala na magkaka-girlfriend ako at makakapag-asawa ako. Tol, may mga bagay na akala natin hindi natin kaya. Pero kapag natagpuan na pala natin ang taong yun, kaya pala naging gawin lahat kahit ang pinaka-nakakabaliw na ideyang pwede nating maisip. I didn't expect I would love her,it juat happen." Sagot nito na dinepensahan ang sarili.

"Hindi ko alam. Kiala kita, alam kong hindi ka ganun agad-agad susunod sa maga magulang natin lalo na kung ang kapalit ay ang maging masaya ka." Uminom ito ng alak. Saka tumingin sa tubig.

"Kinaya ko dahil yun ang gusto nila. Alam nating pareho kung ano ang stand ko sa mga maya nila. Nagpapasalamat ako sayo na binigyan mo ako jg pagkakataon na magawa ang part ko at maipakita kung ano ang kaya ko. Yung mga bagay na alam kong ayaw kong gawin pero kailangan dahil kailangan ko ring magsurvive." Uminom ito nng alak saka umupo sa upuan na nasa tabi ng pool.

"Ginusto mo yan. Walang pumilit sayo. Kung nasaan ka man ngayon dahil yun nyung daan na tinahak mo at wala kang ibang sisisihin kundi ang sarili mo lang din." Seryosong sagot niya rito.

"Kaya nga sinubukan ko diba. Kinaya ko,hindi lang..."

"Hindi lang dahil sa pera? Kung hindi lang dahil sa pera, ano pa? Ano pang puwedeng dahilan na kaya mong sabihin sa akin maliban sa pera? Pagmamahal? Kanino? Kay Ashy ba?" Umiling ito.

"May kaso ba kung si Ashy ang napili kong mahalin?" Tanong nito.

"Mahalin? Naririnig mo ba ang sarili mo o binabangungot ka lang? Alam mo Paul, kung gagawa ka ng mga desisyon sa buhay mo siguraduhin mo namang tama at walang ibang taong madadamay. Wag mong pairalin ang pagiging makasarili mo." Hinarap niya ito upang lalao pa niyang maintindihan ang ibig sabihin ng pagmamahal.

Napatungo na lang ang kapatid. May punto nga naman ito ngunit hindi niya iyon basta na lang bibitawan. Hindi niya hahayaang mapunta lang ang lahat sa wala.

"Kung anuman ang desisyon ko, yun ay dahil kahit papano gisto ko ring maging proud sa akin ang mama at papa. Hindi man nila ako kasama, lahit man lang sana ngayon mapatunayan ko kung ano ang kaya kong gawin." Tumingin ito sa langit na parang kinakausap ang mga magulang na nawala na.

"Masaya ako para sa pagbabagong nakikita ko. Pero gawin mong tama at huwag mong kalimutan kung saan ka naggagaling. Hindi man nila nasabi sayo pero alam ko na mahal na mahal ka nila." Tumingin ito sa kanya ng seryoso

gusto niyang ipalala kung bakit siya umuwi ng Pilipinas.

"Kung masaya ka para sa akin, hindi ka gagawa ng kahit na anong ikasisira ng mga plano ko. Masaya ka na sa buhay mo, hayaan mo na akong maging masaya din. Hayaan mo akong makuha kung ano ang dapat na para sa akin." Uminom ito saka kunot-noong tumingin s akanya.

"Gawin mo sa tamang paraan Paul. Huwag mong idamay si Ashy sa kubg anuman ang binabalak mo. Huwag mo siyang gamitin para lang makuha kung ano ang gusto mo. Dahil hindi ko hahayaan na pumasok ka sa isang bagay na alam kong pagsisisihan mo lang. Bibalaan na kita minsan. Binigyan kita ng pagkakataon na pumili kung anong tatahakin mo. Pero mas pinili mong magtago." Tumingin ito sa kawalan.

Ramdam ni Storm ang pagkalito sa mukha ng kapatid. Alam niyang magmula nung dumating siya ay balisa na ito. Alam niya na kahit anong oras ay maaring mawala sa kanya ang lahat. Gusto niyang mapabuti ito, at alam niyang hindi si Ashy ang makakapagpasaya sa kanya.

Concern nga ba siya sa kapatid niya, o mas iniisip niya ang maaring maging problema ni Ashy, problema nga ba ni Ashy o problema niya. Alam niyang mali ang hinagawa ng kapayid niya at hindi niya hahayaan na si Ashy ang makakapanakit sa kanya.. gagawin niya ang lahat bago pa man nito masaktan ang kapatid niya.

"Ito ang tanging tama na alam ko. Bakit ba masyado ka yatang against sa mga desisyon ko ngayon? Napag-usapan naman na natin to diba? Alam mo na nuon palang ay ganito na ang magiging kalalabasan ng lahat. So why the sudden changed? Why do I feel like you don't want me to push through on that marriage?" Maya-maya pa ay nakardam na ito ng pagdududa sa kapatid.

"Coz you don't deserve marrying that girl." Sigaw niya na halos marinig sa buong bahay.  Mabuti na lang at mga katulong lang ang tanging kasama nila.

"Why not? Mabait si Ashy at alam kong mahal niya ako. Alam kong magigingabuting asawa siya sa akin. Iibgatan niya ang pangalan na ibibigay ko sa kanya. Siguro naman hindi iyon ganun kahirap intindihin. Kung mahalaga sayo ang kapakanan ko hahayaan mo ako sa mga magiging desisyon ko. Oh baka naman gusto mong sarilinin lahat kaya gusto mong hadlangan ang kasal ko?" Alam niya kung ano ang sinasabi niya.

Bago pa man siya umalis ng US ay napag-usapan na nila ng kapatid kung ano ang gagawin niya.

"You're talking nonsense Paul, we both know where are you coming from. Alam natin ang dahilan kung bakit ka magpapakasal.  Sadly, its not about love, its about the inheritance." Prangka niya itong sinabi sa kapatid.

"May mga bagay na hindi pera ang dahilan tol, may mga bagay na minsan kailangan nating gawin hindi para sa sarili natin kundi para sa ibang tao. Wala kang alam sa kung ano ang nangyayari kaya wala kabg karapatangagsalita ng ganyan against me and my decisions. Someday pasasalamatan mo ako. Pero kung hindi man, pasensiyahan na lang tayo." Ito lang at akma na itong tatalikod upang pumasok sa loob ng kanilang bahay nang biglang magsalita ulit si Storm.

Lumapit ito sa kanya.

"Aalis ka, its not because of business, aalis ka dahil naghihintay siya sayo tama ba ako. Kaya mong iwan si Ashy mag-isa rito para sa kanya. Kaya mong magsinungaling s akanya para lang mpagbigyan yung isa. Ngayon sabihin mo sa akin kung yan ba ang pagmamahal na alam mo. Love don't cheat Paul, at alam kong pag nalaman ito ni Ashy, hinding-hindi siyaagdadalawang isip na hiwalayan ka." Pagbabanta niya rito.

"Kung sakali man malaman niya ang tungkol dito,wala akong ibang sisisihin kundi ikaw. Ikaw at ako lang ang may alam ng totoo. Nasa iyo na yan  kung ilalaglag mo ako. Hindi ko hinihiling na makasama siya habang-buhay ang gusto ko lang ay gawa kung ano ang gusto ng mama at papa, yun lang at wala ng iba." Sagot niya rito na nakatalikod parin sa kapatid.

"Siguraduhin mo Paul. Ang tao kahit gaano man ang paglilihim na gagawin, lalabas at lalabas ang katotohanan. Puwedeng mahawa mo at makuha mo ang gusto mo, pero darating din s apunto na mapapagod ka hanggang sa wala ka ng choice kundi bumigay na lang. Sinasabi ko ito hindi para pigilan ka. Dahil kahit ano pang sabihin ko kung yun at yun parin ang gagawin mo ay wala na akong magagawa. You're not a kid anymore. Kung dati kaya ko pang saluhin lahat ng pagakakamali mo, ngayon hindi na. Ang kaya ko na lang gawin ay ang itama kunga ano ang ankikita kong mali." Mahabang turan niyo sa kapatid.

"Salamat sa concern mo. Tutuloy ako sa pupuntahan ko bukas, ikaw na ang bahala sa opisina. Ikaw na rin muna ang bahala kay Ashy, alam ko namang harmless ka at alam kong hi di mo ako bibiguin tol." Tinapik nito ang balikat niya saka na ito pumasok sa loob ng kanilang bahay.

Wala ng nagawa pa si Storm kundi sundan na lang ito ng tingin. Hindi niya maaribg kumbinsihin ang kapatid, pero may magagawa pa siya para kumbinsihin si Ashy na huwag pakasalan si Paul. Puwedeng matigas ang kapatid niya pero alam niyang bibigay din si Ashy oras na malaman nito ang totoo.

Hindi niya sasayangin ang pagkakataon na abot-kamay niya lang ito. Hindi niya hahayaan na mapunta siya sa isang sitwasyon na kahit kelan ay hindi na siya makakawala pa.

Kung anuman ang paraang naiisip niya ay sa kanya na lang iyon. Ngunit sisiguraduhin niya na s apagbalik ni Paul ay ibang Ashy na ang makakaharap niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.