Umalis nga si Paul itinuloy parin niya ang kalokohan niya. Hindi niya hahayaan na manaig ang kasinungalingan. Kinakailangan niyang patunayan na hindi si Ashy ang babaeng magpapasaya sa kanya.
Kinaumagahan ay naghamda na si Storm upang pumasok s opisina. Kailangan niyang makarating duon upang sa ganun ay mauna siya bago pa man dumating ang sekretarya niya.
Hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam tuwing iisipin na si Ashy ang mapapangasawa ng kapatid, hi di siya ganun katanga para hayaan na lang na gawin ang anumang gustuhin nito.
Pagdating sa opisina ay nakita niya na wala pa si Ashy,. Tumawag siya sa telepono.
May-maya pa ay dumating na siya at mukhang nagtataka kung ankit nauna itong dumating kesa sa kanya.
Maya-maya pa ay pumasok ito sa kinaroroonan niya dala-dala ang mga dokumento na kailangan niyang pirmahan
"Goodmorning sir. Eto na po pala ang mga dapat niyong pag-aralan at pirmahan. By the way,kailangan po pala ang ilan sa mga yan dahil kailangan na raw sa site." Ibinaba nito ang mga ddokumento nang hindi pa ito nagsalita.
"Gaano na katagal Ash? How long it has been since you are using my brother?" Bigla ay tanong nito sa kanya.
Biglang umakyat ang dugo sa ulo ni Ashy dahil sa narinig. Hindi niya inaasahan na ganun ang sasabihin nito sa kanya. Kung hindi lang niya inisip na nasa opisina sila ay baka nasampal na niya ito.
"Pardon?" Ulit nito.
"I'm not aware na may pagka-bingi ka na pla ngaun. Nice try Ashy, but not in me. Kung nakaya mong paikutin ang kapatid kon, ibahin mo ako. Hindi ako madadala sa mga pagpapa-cute at paawa effect mo. Alam ko naman na ikaw ang nag-insist sa sarili mo para magistuhan ka ni Paul. Pero hanggang diyan ka na lang. Don't expect for the wedding that he promised you. Dahil sigurado akong walang kasal na mangyayari." Matindi ang salitang binitawan nito sa kanya.
Humarap sa kabya si Ashy, tinitigan siya sa mga mata. Titig na mag halong poot at galit. Galit na nararamaan niya sa kasalukuyan at galit na ramdam parin niya mula sa nakaraan.
"Ang galing mo namang mang-akusa ng tao Mr. Chavez, diki naman inexpect na judgemental ka rin pala. Anyway, magtataka pa ba ako? Ehh ganyan din naman ang mama mo diba? Hindi pa man nila ako nakikilala hinusgahan na nila ako. Well hindi ko na problema kung hindi ka convinved sa kung anong meron kami ni Paul, as far as I am concern, siya ang dapat kong pakisamahan at hindi ikaw." Itinaas nito ang mga kilay niya upang ipakita at iparamdam sa kabya na hindi siya nito matitinag.
"Dahan-dahan ka sa pananalita mo. Alam ko naman na ginagamit mo lang siya for publicity. Wag na wag kang magkakamali na gawin s akanya ang ginawa mo sa akin Ash, dahil ako ang makaklaban mo." Binantaan niya ito na parang batang nakagawa nga matinding kasalanan.
"Akin sa mga ginawa ko Storm? Yung mahalin ka ng totoo? Bakit? Aino ka para pagbawalan ako na mahalin ang kapatid mo. Huwag kang mag-alala dahil hi di ko siya mamahalin gaya ng pagmamahal ko sayo nuon,mamahalin ko siya ng higit sa paamahal na binigay ko sayo. Yung pagmamahal na kahit kelan ay hindi mo mararamdaman." Akmang tatalikod na ito ngunit hinila ang braso niya paharap sa kanya.
Mariin siya nitong tinitigan. Ra niya ang sakit at galit na nagmumula sa mga titig nito. Kulang na lang ay sakalin siya nito upang matauhan siya.
"Pinaasa mo ako, binitawan mo ako sa ere na parang wala lang. Pinaghintay mo ako sa wala. Umalis ka nang walang pasabi. Ginawa mo akong tanga. Oinatunayan mo sa akin na tama ang mga magulang ko. Pinaramdam mo sa akin kung gaano kalaking pagakakamali ang piliin ka. Tapos ngayon, makikita kita dito, malalaman ko na ikaw ang mapapangasawa ng kapatid ko? Para ano? Para iparamdam sa kanya kung gaano kasakit ang mahalin ka?" Hinigpitan pa nito lalo ang pagkakahawak sa kanya.
Hindi maintindihan ni Ashy ang mga salitang nagmumula kay Storm. Hindi niya alam kung saan nanggagalibg ang poit na ipinapakita nito sa kanya. Bakit lumalabas na siya ang may kasalanan. Bakit pakiramdam niya siya ang nagkamali kaya sila nagkahiwalay.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo Storm. Una hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ang galit mo sa akin. Pangalawa, hi di ko alam kung bakit inuungkat mo ang nakaraan. Hindi ko ito sisnadya, kung alam ko lang na magkapatid kayo di sana hindi ako nagtrabaho rito. Di sana hindi kami nagkakilala at hindi naging kami. Things happened without your presence,kaya siguro naman wala ka ring karapatan na manghimasok sa relasyon namin." Matatag na sagot nito.
"Sa tingin mo hahayaan ko na magtagumpay ka sa gusto mong gawin? Sa tingin mo papayag ako na ikaw ang makakatuluyan ng kapatid ko. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo. Hindi ka magigibg amsaya at pagsisisihan mo ang gagawin mong pagpapakasal sa kanya." Binataan niya ito. Hindi rin siya sigurado kung masasabi bang pagbabanta ito. O sadyang may pagtingin parin siya kay Ashy.
"Wala akong pakialam kung anong alam mo Storm. Hindi ko maintindihan kung bakit labis-labis ang pagtutol mo sa kasal namin ni Paul. Bakit? Nung ikaw ba ang nagpakasal pinakialaman ba kita? Pinigil ba kita? Sinabihan mo ba ako? Hindi diba, kaya hindi ko maintindihan kung bakit nakikialam ka ngayon. Ang lakibg tanong nito sa akin an kahit kelan hindi ko maiintindihan." Gigil na hinablot ni Ashy ang kamay mula sa pagkakahawak ni Storm.
"Meron, because I own you first and you belong with me.!" Mariing buling nito saka siya hinaoit sa beywang palapit sa kanya at akmang hahalikan siya nito ngunit nakaiwas siya.
Sinampal niya ito ng di niya namamalayan. Namula bigla ang oisngi niya dahil sa nangyari. Hindi niya inaasahan na gagawin iyon ni Storm sa kanya sa loob mismo ng opisina to think na lama nito na magiging asawa niya ang kapatid niya.
"Hindi ko alam na ganyan na pala kababa ang tingin mo sa akin Storm. Hindi ko alam na ganyan ka pala kawalang modo. Magkaiba nga kayo ni Paul, dahil ni minsan hindi niya nagawa sa akin ang kahit na anong nagawa mo. Kahit matagal na kami nanatili ang respeto niya sa akin, ni minsan hindi niya hinilibg na ibigay ang sarili ko sa kanya."
"Bakit ako hiniling ko ba? Kusa mong binigay dahil mahal mo ako. Ibinigay mo dahil aa mo diyam sa puso mo na ako ang mahal mo at alam mo kung gaano kita kamahal. Binigay mo dahil may tiwala ka sa akin at alam mong kaya kitang panindigan..." hindi na nitoa naituloy pa ang sasabihin.
"Tama ka, ibinigay ko kahit alam kong may iba ka. Kahit alam kong kahit anong oras ay puwede akong masaktan. I have given you everything despite the fact that I might end up losing everything na pati konting kahihiyan na meron ako ay pwedeng mawala na lang. Lahat binigay ko,bakit? Kasi minahal kita, kasi akala ko kaya mo akong panindigan at ipaglaban. Pero lahat ng iyon akala lang. Akala lang Storm! Akala na ni minsan hindi nagkaroon ng katuparan. Ang masakit pa, pakiramdam ko ako ang sinisisi mo, na parang ako ang mali.!" pinahid nito ang luha na hindi na niya napigilan pang tumulo.
Sinubukang hawakan ni Storm ang mga kamay niya ngunit umiwas siya. Itinaas nito ang mga kamay niya upang hindi niya ito mahawakan.
"Ipinaglaban kita Ash, ioinaglaban kita pero hindi mo ako sinipot. Pinaasa mo ako at pinatunayan mo na mali ako sa desisyon kong piliin ka. Nagpunta ako sa usapan natin inabot na ako ng gabi ngunit wala ka. Umuwi akong bigo at balot ng kahihiyan. I did everything but left me no choice,nawala k na prang bula. Ni hindi ka nagparamdam o nagsabi man lang na mawawala ka. Bakit?" Tanong niyo na bakas sa mukha ang pagkagulat.
" Hindi kita maintindihan Storm, hindi ko alam kung saan ka nanggagaling. Hindi mo kailangang gumawa ng kwento para maibunton sa akin ang sisi. It past. Tapos na kung anuman ang nagyari. Sana naman hayaan mo na lang kami ng kapatid mo." Sagot nito at lumabas na siya ng kwarto.
Hinabol siya ni Storm at hinila ito pabalik sa loob. Hinalikan niya ito sa mga laki habang hawak ang beywang nito. Nung una ay rama niya ang pagatanggi nito sa mga halik niya, ngunit di kalaunan ay bumigay na rin ito.
Halik na kahit sinong babae ay matutunaw. Ramdam na ramdam nila nag pagkasabik sa isa't-isa.
Nagsimula ngaglakbay ang mga kamay ni Storm sa katawan ni Ashy nang magising sila sa katotohanan na nasa loob sila ng opisina at salamin lang ang namamagitam sa kanila.
Lumayo si Ashy, nakayuko ito habang pinapahid ang maga luha sa sa mata. Dali-dali siyang niyakap ni Storm. Niyakap niya saka niya ito hinalikan sa noo. Yakap nang pagmamahal at pagsisisi sa mga salitang binitawan niya rito.
"I'm sorry. Hindi ito dapat nangyayari. Mag-usap tayo." Pagsusumamo nito.
Umiling-iling si Ashy,
"Wala tayong dapat pag-usapan Storm. Matagal na tayong tapos. Tapos na tapos na tayo. Sanaagibg civil na lang tayo sa isa't-isa,kung mahalaga sayo ang kapatid mo, huwag mong hayaang masira ang anumang ikasasaya niya." Yun lang at umalis na ito upang ituloy ang trabaho niya.
Naiwan si Storm na sapo ang noo.