Dahil sa nangyari, nawalan ng confident si Ashy na humarap kay Paul. Mabuti na lang at isang buwan itong mawawala, by that time magiging okay na siya. Ramdam niya ng panahong iyon ang init ng halik s akanya ni Storm aminin man niya o hindi, namiss niya ito sa dahilang hindi niya maipaliwanag ay alam niyang mali na basta na lang makaramdam ng ganun lalo pa at magiging asawa na nito ang kapatid niya.
Tahimik lang itong nakaupo sa mesa. Lunch break na at lalabas na sana ito upang yayai si Jem na kumain nang biglang mulapit sa aknya si Storm.
"Sumabay ka ng kumain sa akin. I ordered food for two baka gusto mo akong sabayan." He politely asked her.
Tumingin lang ito sa kanya.
"Sorry Storm pero naka-oo na ako kay Jem. Isa pa hindi ako sanay na kumain kasama ka." Sagot nito at dali-dali na utong lumabas ng opisina niya.
Naiwan si Storm na nakatayo ay hiantid na lang ito ng tingin. Alam niyang hindi niya ito bast-basta makukumbinsi ngunit tiwala siya na mapapa-amo niya din ito.
Wala na siyang nagawa kundi pumasok sa opisina niya at hintayin ang pagkain an inorder niya. Ano pa nga ba, kundi kakain siyang mag-isa na dilat ang mata. Natawa na lang siya bigla sa mga nabubu-ong plano sa isip niya. Kung alam lang niya na ganito ang madadatan niya ay hindi na lang sana siya tumuloy pa.
Sa kabilang banda, hinahanap naman ni Jem ang kaibigan na kanina pa niya hinihintay para kumain. 30 minuto na at wala pa rin ito. Maya-maya pa ay dumating na ito na ang itsura ay daig pa ang binagsakan ng limang bagyo nang sabay-sabay.
"Ohh ba't ang tagal mo? Kanina pa ako nagugutom. Saan ka ba galing at parang biyernes santo yang mukha mo?" Maang na tanong nito sa kanya.
Umupo ito at hinawakan ang ulo habang nakapatong ang kamay sa mesa. Tinakpan ang mukha sa pamamagitan ng kanyang palad. Naiyak ito nang hindi niya alam kung tungkol saan ang pag-iyak niya. Pinahid niya agad ito dahil baka kung sino pa ang makakita nito at kung ano pa ang isipin.
"Huy, sissy... bakit? Anong nangyari? May problema ba?" Tanong ni Jem na bahagyang lumapit ito sa kinauupuan niya.
"Nagkausap kami ni Storm, bakit ganon? Bakit parang ako ang sinisisi niya kung bakit hindi kami ang nagkatuluyan? Bakit ako yung lumalabas na nang-iwan at nag-paasa sa kanya. Alam mo naman diba kung ano ang nangyari. Alam mo kung paano ako pinagtabuyan ng mama niya. At alam mo ang eksaktong salita na lumabas sa mga bibig niya nung sabihin niyang mas pinili niya ang pakasalan si Girlie." Humagulgol ito sa iyak.
"Bakit di kayo mag-usap, yung kayo lang. Yjng wlang makikialam sa inyo. Malay mo baka may nangyari na nagind dahilan kung bakit siya nagdesisyon ng ganun? Baka merong mga bagay na hindi mo alam na nanatiling lihim na lang upang sa ganun ay maghiwalay na lang kayo." Paliwanag ng kaibigan na hindi alam kung paano ito pagagaanin ang nararamdaman.
"Hindi ko alam. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Ni hindi ko nga matawagan si Paul. Hindi ko alam kung kumusta na siya." Himutok nito. Minsan ay nagtataka na rin siya kung bakit madalas itong umaalis. Ano nga bang dahilan ng pag-alis nito lagi. Sobrang mali para mag-isip siya ng hindi magamda sa taong walang ginawa kundi ang magtrabaho lang.
"Ngayon naguguluhan ka na. Naguguluhan ka dahil nasa paligid lang si Storm. Naguguluhan ka kasi hindi mo alam kung itutuloy mo pa ang kasal o hindi na. Nagugukuhan kasi hindi mo maamin sa sarili mo na hanggang ngayon mahal mo parin si Storm at wala ka naman talagang ibang minahal ku di siya lang." Prangkang sinabi ni Jem sa mukha niya ang katotohanan tungkol sa totoong nararamdaman niya.
Hindi siya makapag-salita dahil sa sama ng loob n anararamdaman niya. Hindi niya mawari pero parang oinaglalaruan lang siya ng panahon. Bakit kung kelan okay na siya, kung kelan handa na siyang magmahal ulit ay saka naman ito nagpakita. Para ano? Para guluhin ang mundo niya na pilit niyang inaayos. Para ipaalala ang sakut na naadan niya nung mga panahong kailangan niya ng karamay.
"Naguguluhan ako dahil hindi ko alam kung bakit ito nangyayari sa akin. Nagugukuhan ako dahil hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo bakit siya pa ang naging kapatid niya. Nung makuta ko siya hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa, o kung dapat ba akong matakot s apwedeng mangayari. Eto nga at dumatung na ang kinkatakutan ko." Tumingin ito sa kaibigan habang nakatingin sa mesa na parang nahihiyang tumingin sa kanya.
"Tapatin mo nga ako Ashy, mahal mo pa ba si Storm? Mianhal mo ba si Paul o naging defense mechanism mo lang siya upang sa ganun ay hindi ka mamatay sa lungkot. Alin ba sa dalawa?" Kunot ang noo ni Jem habang nakatitig ito sa kanya at naghihibtay ng kasagutan
Wala itong masabing kahit na ano. Sa halio ay unti-unting tumulo ang mga luha niya. Tumayo si Jem upang yakapin siya. Ramdam niya ang sakit na nararamdaman ng kaibigan.
Yung sakit na gusto mong mahalin ang isang tao ngunit hindi na pwede. Hindi na pwede, hindi dahil sa ayaw na ng puso mo ngunit hindi na pwede dahil alam mong may isang tao na masasaktan. Isang tao na walang ginawa kundi mahalin ka at ibigay ang respeto na nararapat para sa kanya. Paano siya magiging masaya kung alam niyang may isang taong mangungulila?
"Kung anuman ang nakaraan namin ni Storm ay hanggang dun na lang iyon. Tapos na kami at kahit kelan ay wala ng kami. Wala ng magiging kami dahi ikakasal na ako." Sagot niya rito.
"Kaya mo ba? Kaya ba ng puso mo na magpakasal sa isang taong alam mo naman na hindi siya ang binubulong ng puso mo? Kaya mo bang pakawalan ulit ang ang pagkakataon para makasama mo ang lalakeng tanging hinahangad ng puso mo?" Makahulugang tanong sa kanya ni Jem.
"Ayokong masaktan si Paul, kung meron mang isang tao na hindi dapat makaramdam ng sakit, si Paul iyon. Hindi ko kakayaming maging masaya lalo at alam kong may isang tao na masasaktan. Wala siyang ibang ginawa kundi mahalin ako at intindihin ang mga pagkukulang ko. Nagyon sabihin mo sa akin kunga saan anko kukuha ng kapal ng mukha para suklian yun ng sakit." Pihid niya angnagbabadyang luha sa kanyang mga mata.
Wala ng nagawa pa si Ashy kundi ang umoo na lang sa kaibigan. Mali man ang desisyon nito ay alam niyang umiiwas lang siya sa gulo na maaring idulot ng pagdating ni Storm.
"Hindi pa huli ang lahat Ash, may pagkakataon ka pa para kausapin si Storm. May panahon ka pa para aminin kay Paul, sabihin mo sa kanya ang totoo. Sabihin mo kung ano ang nakaraan niyo ni Storm at ipaliwamag mo sa kanya. Gawin mo yun bago ka pa maunahan ni Storm Ash." Yun ang payo ni Jem sa kaibigan.
Ayaw niya itong pangunahan ngunit kailangan niyang sabihin dito kung anuman ang dapat niyang gawin.
"Hindi ko alam kung kakayanin ko Jem. Ngayon pa lang,hi di ko na alam kung paano ko sisimulan. Kung alam ko lang na aabot sa ganito, sana nuon ko pa sinabi sa kanya. Sana nuon pa lang, inamin ko na. Pinangunahan ako ng takot. Takot sa maaring isipin ni Paul sa akin." Hindi niya malaman kung paano haharapin ang kaibigan.
Hindi niya alam kung saan siya huhugot ng lakas ng loob upang aminin ang totoo. Nagingagulo ang buhay niya na pilit niyang inaayos.
"Kung anuman angaging resulta ng gagawin mo, lagi mong tatandaan na andito lang ako para suportahan ka. Ni minsan ay hindi pumasok sa isip ko na pabayaan ka. Alam ko kung gaano mo kamahal si Storm, saksi ako sa lahat ng sakit na naramdaman mo." Niyakap siyang muli ng kaibigan.
Matapos nilang mag-usap ay bumalik na sila sa kani-kanilang mga trabaho.
Pagdating ni Ashy sa sa upuan niya ay nakita niya ang isang bungkos ng white roses. Gusto niyang isipin na kay Paul ito galing pero ni minsan hindi siya nito binigyan ng ng ganoong bulaklak. Kinuha niya ang note na nakapatong sa bulaklak at ninasa ito.
'I'M SORRY, PLEASE GIVE ME ANOTHER CHANCE'
Yun lang at unti-unting tumulo ang luha sa mga mata niya. Lihim niyang pinahid ito upang hindi ito makita ni Storm.
Huli na ng malaman niyang nasa likuran na pala siya nito.
"Anong ibig sabihin ng iyak na yan?" Tanong nito mula sa kanyang likuran.
"I'm sorry Storm pero hindi ko ito matatanggap. Hindi ko kayang saktan ang kapatid mo. Hindi ko kayang maging masaya habang alam ko na may masasaktan akong ibang tao. Nagmahal ka rin at alam mo ang pakiramdam. Alam mo kung bakit ko ito ainasabi sayo." Hindi na napigilan pa ni Ashy ang mga luha sa knyang mga mata.
Gusto man niya itong yakapin ng mahigpit ay hindi niya ginawa. Hindi niya maintindihan ang pakiramdam niya sa mga pnahong iyon.
Maging si Storm ay labis na nasasaktan habang nakikita niyang umiiyak ang babaemg tangi niyang minahal. Ang babaeng walang naging laman ng puso niya sa loob ng tatlong taon at mahigit.
"I will wait for you to make up your mind. You know me Ash." Yun lang at pumasok na ulit ito sa opisina niya.