I Remember the Boy, Carrot Man Chapter 15

NAKANGANGA si Paloma habang nakatingala sa bubong ng jeep na sasakyan nila papuntang Kadaclan. “Seryoso ka? Sa bubong kami sasakay?” tanong niya kay Jeyrick.

“Doon na lang ang maluwag. Natagalan kasi tayo sa museum,” anang binata.

Pagdating nila ay siksikan na ang loob ng jeepney. Isa lang pala ang bumibiyahe patungo ng Kadaclan sa bawat araw at wala na silang ibang masasakyan. Hindi pa naranasan ni Paloma na sumakay sa tuktok ng jeep. Mainit sa taas. Wala silang kahit anong kakapitan. Wala silang kahit anong proteksyon. Kakayanin ba niya sa taas?

“Can’t I pay for a seat inside the jeepney? I am sure meron sa kanila na sanay nang sa tuktok ng jeep sumakay. I can pay for their fare,” maarteng sabi ni Jimarah.

“Arah, we can’t. Puro matatanda at mga bata na kasama ang magulang nila sa loob. Hindi natin sila pwedeng paakyatin sa bubong.”

“Hindi ako sasakay sa bubong na iyan. What are we going to do?” nakapamaywang na tanong ng kaibigan.

Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko rin alam.”

“Nasaan ang sense of adventure ninyong dalawa?” tanong ni Professor Fe. “This is your immersion, right? Ibig sabihin kailangan ninyong maranasan kung ano ang dinadanas ng mga normal na tao sa pang-araw-araw nilang buhay. Either that or you walk from here like our ancestors do. Your choice.”

“Sabi ko nga po sasakay na ako,” nakangiting sabi ni Jimarah at itinulak ang balikat niya. “Pero mauna ka nang umakyat, Paloma. You can do it, friend.”

Wala siyang magagawa kundi I-conquer ang takot niya para sa kaibigan. Di kasi ito susunod hangga’t di siya nauuna. “Kaya mo ba?” tanong ni Jeyrick na nagsisimula nang umakyat ng hagdang bakal.

“Kakayanin ko. Ayokong maglakad dito at abutin ng gabi,” sabi niya at sinundan ang bawat hakbang ng binata.

Walang kahirap-hirap dito na makarating sa bubong. Di man lang ito natakot na madulas o malaglag.“Ilang araw siguro ang aabutin kung maglalakad ka mula dito papuntang Kadaclan. Naranasan ko iyon nang magka-landslide dito. Wala kasing sasakyang nakakabiyahe,” kwento nito at inilahad ang kamay sa kanya.

Natigilan ang dalaga sa pagsampa. “Landslide? Meron ba ngayon?”

“Wala pa naman,” anang binata at inabot ang kamay sa kanya. He was not smiling. Pero mahigpit ang kahit nito sa kamay niya.

Pagsampa sa ibabaw ng jeep ay di niya binitawan ang kamay ni Jeyrick. “Salamat. H-Huwag mo na lang akong bibitawan kasi baka malaglag ako.”

“Hindi iyan. Akala mo lang nakakatakot dito pero mas masarap dito sa taas. Mas gusto nga dito ng mga turista. Mas maganda daw kasi ang view.

Hindi alam ni Paloma kung paanong maganda ang view sa taas o kung may tatagal ang biyahe doon. Kailangan nilang sumalampak sa mainit na bubong. Walang sandalan at di sila gaanong makakagalaw. May mga kahon at bag pa ng mga pasahero.

“Magpapaiwan na lang daw si Jimarah dito. Maglalakad na lang daw siya kasi mas safe sa bacteria,” kantiyaw ni Rjan. Si Jimarah naman ay isang paa pa lang ang nakasampa habang ang isang kamay ay may hawak na sanitizing spray. Pinupusitsitan nito ang hawakan ng hagdan.

Ipinusitsit ni Jimarah ang sanitizer malapit sa mukha nito. “Ikaw lang ang bacteria dito. Aakyat na ako kahit di mo alalayan.”

Napailing na lang sila ni Jeyrick. “ Ako na ang mag-aabang sa kaibigan mo. Maglabas ka ng jacket at kapote kung meron. Pwedeng umulan anumang oras lalo na kapag nasa Barlig tayo.”

“Pero maganda naman ang panahon dito sa Bontoc,” sabi ni Paloma at isinuot ang polarized shades para protektahan ang mga mata sa init n g araw.

“Isang malaking rainforest ang bayan ng Barlig at mas mataas ang elevation. At kapag ganoon ang lugar, mabilis din magbago ang panahon. Bumubuhos na lang ang ulan lalo na kung hapon. Kaya kailangan lagi kang handa.”

“Bakit isa lang ang biyahe papunta ng Kadaclan tapos nagsisiksikan pa ang lahat dito sa taas? Overload na tayo. Di ba delikad o iyon?” tanong ni Paloma kay Jeyrick nang makapili na sila ng uupuan sa taas.

Nakataklob na siya ng shawl para panlaban sa init ng araw. Punong-puno rin ng mga tao sa bubong ng jeep at di niya alam kung paano sila nagkasya. Naranasan din naman niyang sumakay sa siksikan na jeep na may mga sabit pero first time niya na sumakay sa ganito ka-blockbuster na jeep.

”Dito sa Mountain Province, limitado lang ang biyahe sa ibang mga bayan. Mahirap kasi ang daan. Hindi kami gaanong napagtutuunan ng gobyerno siguro dahil probinsiya lang kami,” anang si Jeyrick sa mapait na boses. “Kung nasa Maynila ito, baka pinatayuan na iyan ng flyover sa bundok. Kaya pakiramdam ko minsan nakalimutan na kami. Kahit na mahirap ang buhay gusto namin na makatapos para may maibalik kami para sa bayan namin.”

“Hindi lang sarili mo o ang pamilya mo ang iniisip mo kundi pati ibang tao. That is admirable.” Nahiya si Paloma sa sarili dahil madalas sarili lang niya ang iniintindi niya o ang pamilya niya. Wala pa siyang naiisip na kontribusyon sa bayan o sa kapwa.

Makalipas ang ilang minuto ay napansin niya na walang katapusang bangin ang dinadaanan nila. Mas lumalamig na rin ang simoy ng hangin. “Nakakaantok naman ang simoy ng hangin. Palamig nang palamig.” Napilitan si Paloma na magsuot ng cardigan. “Mas malamig ba sa Barlig?”

“Yes. Nandoon din ang pangsiyam sa pinakamataas na bundok sa Pilipinas - ang Mt. Amuyao. Iyon ang hilig puntahan ng mga mountaineers doon. Iyan din ang prime tourist spot sa bayan namin….”

Unti-unting pumipikit ang mata ni Paloma habang bumababa ang fog sa paligid niya. Sumisigid ang lamig sa laman niya. ”Gusto ko nang matulog, Jeyrick. Kaso baka mahulog ako o mangudngod ako .”

Tinapik nito ang balikat. “Humilig ka sa akin. Ako ang bahala sa iyo. Hindi kita hahayaang mahulog.”

Nilingon niya ang lalaki. Okay lang ba talaga dito na bantayan at alalayan siya? Di ba ito galit sa kanya? Pero nakangiti sa kanya ang lalaki. That same nice smile he used to bestow her. “Salamat,” usal niya at humilig sa balikat nito.

She closed her eyes and smelled his scene. She felt protected. She trusted him with her life. He was her partner after all.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.