LAYLAYDEN SIK A.
Kumunot ang noo ni Paloma nang mabasa ang text sa kanya ni Jeyrick. Kanina pa siya nagbabasa-basa ng libro habang hinihintay na mag-text ang binata na nakauwi na ito. Tapos ay ganito ang text na matatanggap niya. Di niya maintindihan. Ibig bang sabihin no’n nakauwi na ito?
Lumabas siya para maghanap ng signal nang makatawag. Text message lang kasi ang nakakapasok sa numero niya. Iniwan niya si Jimarah na busy sa pagkasyas ng toner sa mukha nito. Nakarating siya sa gripo kung saan nakapasok ang tawag niya.
“Hello, Jeyrick. Are you home? Ano ‘yung tinext mo sa akin?” tanong niya. Narinig niya ang hagikgikan ng dalawang babae. Di naman sumagot ang mga ito. “Hello. Number ito ni Jeyrick. Kaano-ano ninyo siya?”
Paano kung nawala o nalaglag ang cellphone ng lalaki? Paano niya malalaman kung safe itong nakauwi sa bahay nito?
“Hello po. Kayo ba ang girlfriend ni Kuya Jey?” narinig niyang tanong ng isang babae.
“Kapatid ka ba ni Jeyrick?” tanong niya. Naalala niya na may tatlong kapatid na babae si Jeyrick at ang dalawa ay nasa high school na.
“Opo. Ako si Aiza. Ikaw si Paloma na ikinukwento niya sa amin sa text. Ikaw daw ang pinakamagandang babae sa Baguio.”
“Ha? Sinabi niya iyon?” natatawa niyang tanong.
“Girlfriend mo na ba si Kuya? Kasama ka ba niya dito sa Kadaclan?”
“H-Hindi. Magkaklase lang kami. May special project lang kami. Tutulungan namin ang isang professor namin,” paliwanag niya.
“Bawal pang mag-girlfriend si Kuya. Pangako niya sa atin di siya maggi-girlfriend hangga’t di lahat nakakatapos ng college,” kontra naman ng isa pang babae.
“Charlene! Aiza! Bakit ninyo pinapakialaman ang cellphone ko?” narinig niyang tanong ni Jeyrick.
“Nakiki-text lang, Kuya. Tapos may tumawag kaya sinagot namin,” depensa naman ni Charlene.
“Doon na kayo. Baka maubusan kayo ng chicharon,” sabi ni Jeyrick at narinig niya ang papalayong yabag ng dalawang kapatid nito. “Hello, Paloma. Pasensiya ka na sa mga kapatid ko. Anong sinabi nila sa iyo?”
“Na hindi ka pa daw pwedeng mag-girlfriend habang di pa sila nakakatapos lahat ng college,” sabi niya at tipid na ngumiti. “Ano nga pala ibig sabihin ng laylayden sik a?”
“Bakit alam mo iyon?” gulat na tanong nito.
“Iyon kasi ‘yung text sa akin. Ibig bang sabihin no’n safe ka nang nakauwi?”
“Matulog ka na.”
“Ha? Iyon ba ibig sabihin ng laylayden sik a?”
“O-Oo,” anitong alanganin ang sagot. “Maaga pa tayo bukas. Magpahinga ka na.”
Naalala niya ang sunrise watching nila. “Okay. I am just glad na safe kang nakauwi. Laylayden sik a, Jeyrick,” sabi niya at tinapos ang tawag. “Laylayden sik a. Laylayden sik a.”
May ngiti sa labi niya nang pumikit at paulit-ulit na nag-replay sa isip niya ang bagong salitang natutunan. Di niya alam kung bakit kinikilig siya at napapangiti sa simpleng “Matulog ka na”.
“Paloma, hindi ka ba natitigasan sa kama? I miss my bed at home. There’s no hot shower, no room heater, and the bed is so stiff. I can’t sleep like this. There are so many weird sound. Paano kung may aswang dito?”
Hinapit niya ang comforter sa sarili. “It is all in the mind. Si Jeyrick nga safe na nakauwi sa kanila. Wala namang aswang. Saka okay lang sa akin ‘yung kama. Mabuti nga may kama tayong nahihigaan.”
“Why aren’t you complaining?”
“Why don’t you stop complaining for once, Jimarah?” mahina niyang angil sa kaibigan. “Pumikit ka at matulog. Hindi lalambot ang kama mo kahit magdamag kang umangal. You won’t die from a stiff bed. Pwede din tayong ipagpainit ng tubig kung gust mo ng mainit na pampaligo. People here may not be rich according to your standards. Simple lang silang mga tao at nakaka-survive sila dahil gumagawa sila ng solusyon at hindi nagrereklamo. Do you get me?”
Nakatulala lang sa kanya ang kaibigan. “You are not complaining a bit?”
“Nope. You made this bed so lie in it. At hayaan mo na sana akong matulog. Magsa-sunrise watching pa kami ni Jeyrick bukas.”
“Magsa-sunrise watching kayo ni Jeyrick? Kayo lang? Ni hindi mo man lang ako niyaya? Parang gusto mo kayo lang ni Jeyrick.”
“Well, gusto mo bang sumama? Alas singko pa lang dapat gising na.”
Nanghaba ang nguso nito. “That is too early. Nananaginip pa ako no’n.”
“Kaya nga matulog na tayo. Pareho tayong pagod. Goodnight,” usal niya at pumikit.
Unti-unti na siyang nakakatulog nang marinig niyang nagtanong si Jimarah. “Do you like him?”
“Who?” paungol niyang tanong at di dumilat.
“Jeyrick. Kasi napapansin ko na close na kayong dalawa.”
“He is my partner. Dapat lang magkasundo kami kung gusto kong tulungan niya ako sa project ko. Wala naman kaming pag-awayan. Kayo lang naman ni Rjan ang mahilig na magbangayan.”
“No. Huwag mong iligaw ang usapan. It is not about me and that barbarian. It is you and that kargador. As if you have a connection. Baka naman mamaya may gusto ka na sa kanya.”
Ngumiti siya at pumaling pataliko dito. “Bata pa tayo. Wala pa sa isip ko ang mga ganyan.” She liked Jeyrick as a person. Not in a romantic sense. “Saka may limang kapatid pa na pag-aaralin si Jeyrick bago siya mag-girlfriend. He is eldest among six and his focus is finishing school to help his family.”
“Shocks! He told you about that? Ganoon na karami ang alam mo tungkol sa kanya, Paloma. You already had that serious talk. And you don’t usually care about guys. Di ka interesado sa buhay nila. Remember that you were not impressed with Gordon’s European trip? While all of us girls were all glossy-eyed about it.”
Hindi na lang sinabi ni Paloma na kapatid ni Jeyrick ang nagsabi sa kanya na bawal pa itong magkanobya. Mas lalaki ang isyu. “Magkaiba sina Jeyrick at Gordon. Si Gordon puro lang tungkol sa yaman at yabang ang nakikita ko. Tanggalin mo ang yabang at yaman niya, sino siya? While Jeyrick is someone who has nothing. Pero doon mo mas makikita ang magagandang katangian niya - masipag sa pag-aaral, may malasakit sa pamilya, gusto niyang iahon ang sarili sa buhay, may pangarap. Di ko tuloy maiwasang itanong kung ano kaya tayo kung wala ang kaginhawahan natin sa buhay…”
“No! Don’t even think about it. I don’t want to be poor,” putol agad ng kaibigan sa mga sasabihin niya. “He is poor, he has character, blah blah blah. Fine. Pero huwag na huwag kang mai-in love sa kanya.”
“Ano ba ang problema mo kay Jeyrick?” tanong niya sa kaibigan. “Wala namang ginagawang masama sa iyo ‘yung tao.”
“Sa akin wala. Pero ‘yung kaibigan niya na impakto, salot sa buhay ko.” Nang lingunin niya ang kaibigan ay sinasabunutan nito ang sarili. “If you will be close with that kargador, I will also see his friend a lot. Please lang. My patience is hanging by the thread.”
“Be nice to Rjan. Maybe he will be nice to you as well. Magkaka-premature aging ka kapag lagi kang galit. Ikaw rin. Goodnight.”
Nakangiti niyang ipinikit ang mata at niyakap ang unan. Excited na siya sa sunrise-watching kasama si Jeyrick.