I Remember the Boy, Carrot Man Chapter 19

SUNUD-SUNOD na tilaok ng manok ang gumising kay Paloma pati na rin kakaibang huni ng mga hayop. Bahagya siyang dumilat at kinapa ang cellphone sa mesa sa tagiliran ng kama. “Aga-aga naman gumising ng mga manok,” ungol niya. Katutulog pa lang niya ay nagtitilaukan na ang mga ito.

Nagimbal ang dalaga nang makita ang oras sa cellphone. “Hala! Six-thirty na? Sersyoso?” usal niya at bumangon. Nag-alarm naman siya pero di niya narinig. Masyado na siyang late para usapan nila ni Jeyrick. Malamang ay tirik na ang araw nang ganoong oras. Kinalabit niya si Jimarah na mahimbing pa rin ang tulog. “Arah! Arah! Gising na! Six thirty na!”

“Yaya, I am still sleepy. Five more minutes,” ungol ng kaibigan. “Can you just leave the breakfast and prepare my bath?”

“Hoy! Hindi mo ako yaya,” sabi niya sa kaibigan at tinampal ang balikat nito. “At wala ka rin sa mansion ninyo. Nasa Kadaclan tayo. You need to get up. Seven-thirty ang breakfast natin. Wala kang yaya dito.”

Dumapa ito at isinubsob ang mukha sa unan. “Can you prepare my dress and draw a hot bath for me? I still wanna sleep like the whole day.”

Wow! Siya pa ang ginawa nitong yaya. Wala yatang planong mag-adjust sa buhay ng kaibigan.

“No.” Bumaba si Paloma ng kama at iniligpit ang pinaghigaan niya. “You must get up. Pati ang kilos natin bibigyan ng grade,” pananakot niya dito at kinuha ang toiletries niya. “I am sorry but you have to fend off yourself for the whole week. Pareho lang naman tayo.”

“Don’t tell me you are leaving this room like that,” nanlalaki ang matang sabi ng kaibigan. “Di ka man lang nagsuklay.”

“So?” usal niya at saka lumabas ng kuwarto. Isinuksok na lang niya ang suklay sa buhok. Wala siyang oras sa pagpapaganda ngayon.

Paglabas niya ay naabutan niya si Jeyrick na nakatanghod sa de kahoy na kalan sa tabi ng gripo. Nahihiya siyang lumapit dito. “Hi!”

“Magandang umaga,” nakangiting bati ng lalaki sa kanya. “Gusto mo ipagtimpla kita ng kape?”

“Naku! Huwag na.” Siya na nga ang hindi nasipot sa usapan nila, siya pa ang ipagtitimpla nito ng kape. Sumenyas siya na magsesepilyo lang siya.

Napahiyaw siya nang maghilamos sa gripo. Nangilo siya sa lamig ng tubig. Malamig din ang tubig sa Baguio pero may heater naman sila.

“Di ka muna dapat naghilamos. Nagpapainit pa naman ako ng tubig.”

Nag-thumbs up si Paloma. “Ayos lang ako. Para magising.”

“Nasa bukid pa sila Professort Fe. Tinatanong niya kung gumising na ang mga prinsesa natin. Dapat daw isasama niya sa bukid para manguha ng gulay. Baka naman mamaya pang tanghalian babangon ang mga iyon,” walang prenong sabi ni Rjan na may dalang timba. Napaurong ito nang makita siyang nagsesepilyo. “O! Gising na pala si Paloma. Hindi kita nakilala. Nagugulo rin pala ang buhok ng mga prinsesa.”

“Not a princess,” sabi niya at ipinagpatuloy ang pagsesepilyo. Akala ba ng mga ito ay di nagugulo ang buhok niya? She didn’t really care much if she didn’t live up to her princess-like appearance in the morning. It was actually liberating.

She was trained by her aunt to always look good and immaculate in front of the people. Walang kaibahan sa motto ni Jimarah na “I woke up like this”. She’d be rather caught dead than look less than perfect. Gumigising pa ito nang sobrang aga para lang magpa-make up at magmukhang maganda.

It was a tiring habit. Di naman ugali ni Paloma na mag-make up. She was fine with powder at lip balm. Pero big no-no na makita siya ng iba na di man lang naghihilamos o nagsusuklay. Well, she had an excuse to look less than perfect now. At sa palagay naman niya ay hindi iyon big deal kay Jeyrick.

“Sorry. Tinanghali ako ng gising,” sabi niya kay Jeyrick matapos maghilamos. “Di ko narinig na tumunog ang alarm clock. Hindi tuloy ako nakasama sa iyo na mag-sunrise watching.”

“Okay lang. Late din naman ako dumating,” sabi ni Jeyrick.

“Oo. Mga pasado nang limang minuto sa alas singko,” pambubuko ni Rjan na naglinis ng mesa. “Naabutan kong nakatanghod dito habang nakatitig lang sa kuwarto mo at inaabangan kang lumabas. Kaso sarap yata ng tulog mo.”

Lalong na-guilty ang dalaga. Mahigit isang oras itong naglakad mula sa bahay nito papunta sa homestay para lang masamahan siyang manood ng sunrise pero tinulugan lang niya ito.

“Sorry ulit,” sabi niya.

“Ayos lang, Paloma. Alam ko na napagod ka sa biyahe.”

“May maitutulong ba ako?” tanong niya sa lalaki. Napansin niya na nagtatrabaho na ang mga ito kahit umaga pa lang.

Umiling ito pero si Rjan ang sumagot. “Magpakain ng bibe at unggoy.”

“Unggoy?” tanong niya. Ngumuso ang lalaki sa kulungan ng mga bibe. Saka lang niya nakita ang tubo sa taas ng kulungan na may bibitin-bitin na unggoy. “Cute.” Kumuha siya ng saging sa mesa at inabot sa unggoy. “Anong pangalan niya?”

“RG, kakambal ni Rjan,” biro ni Jeyrick.

Nakabiting kinuha ng unggoy ang saging sa kanya. Humagikgik si Paloma. “I can see the resemblance.”

“Hoy, kayong dalawa! Narinig ko iyon,” sigaw ni Rjan. “Yung mga bibe pakakainin pa. Ang bagal-bagal. Magdidilig pa ng halaman. Mamaya na ang ligawan.”

Nagtawanan na lang sila ni Jeyrick. “Mabuti pa maligo ka na. Kumulo na ang tubig mo.”

Naging mabilis ang kilos ni Paloma. Ayaw niyang ma-late sa agahan at paghintayin ang mga kasamahan. Sa palagay niya, pati attitude niya at kung paano siya kumilos ay bibigyan ng grado. She would try to adjust herself. Ang problema lang niya ay kung paano tutulungan si Jimarah na makapag-adjust. She was a princess through and through. Hindi nito naranasan na maghirap. Hindi niya kayang alalayan ito lagi.

Eksaktong alas siyete ay nakabihis na si Paloma at naitirintas na rin ang tuyong buhok. Habang gulo-gulo pa ang basang buhok ni Jimarah at nanginginig sa lamig habang namimili ng isusuot na damit.

“I need to find a dress. A really, really nice one,” sabi nito habang inilalabas ang mga damit sa maleta.

Kinuha niya ang gray T-shirt at black jogging pants. “Ito na lang ang isuot mo.”

Maasim ang mukha nitong nilingon ang damit na napili niya. “I want a really nice dress. Kailangan kong bumawi. I want to look good. Interview iyon, di ba?”

“Relax,” saway niya sa kaibigan. Natataranta na ito at di na alam ang gagawin. “Hindi ka naman lalabas sa TV sa interview. Simplehan mo lang ang damit mo. Be practical. Nasa bundok tayo. Di ka naman magmo-mall. Mas unahin mo ang comfort.”

Sinapo nito ang pisngi. “Wala na akong oras mag-make up. I don’t look that good. I feel bare without make up.”

“That’s fine. Wala rin naman akong make up. Hindi mo dapat isipin na pangit ka kapag walang make up. That is silly.”

“Okay lang talaga na wala akong make up?” tanong nito sa kanya.

“Yes. Tutal papawisan din naman tayo at mahuhulas din ang make up mo. Natural is beautiful. Ang totoong maganda, maganda kahit walang make up,” pagpapalakas ng loob niya sa kaibigan. “Be confident.”

Lumunok ito. “I will try.”

Tinuyo niya ang buhok ng kaibigan sa pamamagitan ng hair dryer. Hindi ito masaya na maglagay lang ng powder sa mukha pero wala na itong ora para sa make up.

She realized her friend’s weakness. May insecurity ito. Ayaw nitong mapintasan o masabihang pangit. Pinagtatakpan lang nito sa pagiging masungit at sa magandang make up.

Ipinusod lang niya ang buhok ng kaibigan. Tahimik lang ito nang lumabas at nakita niya na malikot ang mata nito nang dumulog sa hapag-kainan. Parang naghihintay ito ng mamimintas dito. But there was none. Kahit nga si Rjan na lagi nitong kaasaran ay hindi ito pinansin. Tahimik lang ito at si Jeyrick habang pinag-uusapan ang mga kaganapan sa lugar ng mga ito.

“Malapit na daw desisyunan ang boundary dispute ng ancestral domain natin sa Mayaoyao” sabi ni Sir Jonnie. “Ilang taon na rin iyon. Di pa ata ipinapanganak si Jeyrick, problema na natin iyan.”

“Medyo mabagal ang pag-usad sa gobyerno pero pasasaan ba’t mareresolba din iyan,” sabi ni Professor Fe.

“Saan po ‘yung Mayaoyao?” tanong ni Paloma.

“Sa Ifugao. Sa kabila ng bundok na iyan ay Ifugao na. Importante na mai-set ang boundary lalo na’t nakakaapekto iyon sa buhay ng mga naninirahan dito. Kailangan kasi iyon para mas tumibay ang ipapasa namin na papeles para sa pag-claim ng ancestral domain land titles.”

“Ano ‘yung tungkol sa ancestral domain?” tanong ni Paloma kay Jeyrick nang tulungan niya itong maghugas ng pinagkainan.

“Ancestral domain ay tungkol sa isang lugar na pag-aari ng mga indigenous people gaya ng Kadaclan na mula pa sa mga ninuno namin. Lahat ng nasasakop nito mula sa mga ilog, rice terraces, hanggang sa burial ground na nasasakop ng ikinabubuhay namin at ginaganapan ng mga tradisyon namin ay sakop nito. Kapag idedeklara na ng gobyerno na ancestral domain ang isang lugar, may karapatan kami na tanggihan kung anumang development na mangyayari dito na maaring makasira sa kultura at kalikasan ng lugar namin at makaapekto sa mga naninirahan dito at sa mga susunod na henerasyon. Kailangang namin I-preserve ang culture at tradition dito,” paliwanag ni Jeyrick sa kanya.

“May kinalaman ba ito sa research paper ninyo Ma’am Fe?” tanong ni Paloma sa babae na inaayos ang sinampay sa balkonahe ng kuwarto nito. “Tungkol po ba saan iyon?”

“I am writing paper on the challenges faced by a community by indigenous people like Kadaclan in a world of development. Kaya bang I-preserve ang culture at ang kalikasan na nandito ngayon sa banta ng mabilis na progreso?” paliwanag ng propesor. “The same reason why we have to come up Ancestral Domain Sustainable Development and Protection Plan. Magiging part iyan ng research ko. At umaasa ako na magiging educational ito di lang para sa mga kabataan ng Kadaclan kundi maging sa mga kabataan gaya ninyo na hindi naman tagadito. Kung gaano kahalaga ang kultura ng mga indigenous people at kung paano tayo magiging cultural sensitive dito.”

“Ma’am, pwede pong pakiulit? I didn’t get it,” anang si Jimarah na nagkukumahog kunin ang cellphone na nagtsa-charge pa.

“Cultural sensivity lang, di pa makuha,” pasaring ni Rjan dito.

“Kaya nga nagtatanong kasi gusto kong matuto,” pambabara ni Jimarah dito.

Lumambot ang anyo ni Rjan. “Buti naman gusto mo nang matuto.”

Tinapik niya ang kamay ng kaibigan. “Don’t worry. Ipapaliwanag ko sa iyo.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.