Nanlamiig ang buong katawan niya. Tumor sa utak. Paano siya nagkaroon noon? She had a healthy lifestyle. Workaholic siya pero di naman siya ganoon kapabaya sa katawan. “Saan ko po ito nakuha, Doc?” nakatigagal niyang tanong.
“Posibleng nakuha iyan sa pakikinig ng malalakas na music lalo na’t parte iyon ng trabaho mo. Parehong hearing nerves mo ang apektado kaya maaring hereditary ito. Taglay mo na ‘yan ipanganak ka pa lang. Your tumor is big enough to cause threat. Kailangan na natin itong tanggalin sa pamamagitan ng surgery sa lalong madaling panahon.”
“P-Paano po kung hindi ko ipaopera?” may kalamigan ang boses na tanong niya. “H-Hindi naman po cancerous ang tumor ko. Hindi ko naman siguro kailangan pang galawin.”
Ayaw niya ng operasyon. Natatakot siya. Sa operasyon namatay ang tatay niya. Hindi ito ang oras para maging mahina siya at magkasakit. Marami pa siyang trabaho. May isang kaibigan niyang nag-e-encourage sa kanya na mag-audition sa Hollywood. Ito na ang pagkakataon niyang sumikat at umangat ang career niya sa ibang bansa. Abot-kamay na niya ang pangarap niya.
Umiling ang doktor. “Miss Fabregas, hindi na natin pwedeng ipagwalang-bahala ang tumor mo. Kailangan na nating tanggalin sa pamamagitan ng surgery dahil masyado nang malaki at nagsisimula nang maipit ang brainstem mo. Sa tantiya namin ay nasa three point five by five centimeters na ang tumor mo. Masyado na itong malaki kaysa sa karaniwang brain tumor na wala pang three centimetres. That is deadly.”
Marahan siyang umiling. “H-Hindi pa po ako pwedeng mamatay.”
Hindi niya matatanggap na dahil lang sa isang tumor ay mawawala sa kanya ang lahat ng pangarap niya. Masyado pa siyang bata para doon. Masyado pa siyang bata para mamatay. And she hated things she couldn’t control.
“Kung ganoon, kailangan na nating mai-set ang surgery mo. Kung mas maaga nating tatanggalin, baka pwede pang isalba ang pandinig mo.”
“P-Pwede pong isalba?” tanong niya. “Ibig sabihin p-pwedeng di na ako makarinig?”
“Karamihan ng may acoustic neuroma ay di na bumabalik ang pandinig pagkatapos ng treatment. But I am very positive about this. We have hearing preservation surgery. Twenty-five percent pa ng pasyente ang maipe-preserve ang kakayahan nilang makarinig kahit na hindi iyon kasing-lakas ng dati.”
Tumayo siya at galit na binayo ang mesa. “Ayoko ng possibility lang. Ayoko ng twenty-five percent lang. Gusto ko one hundred percent ninyong matitiyak sa akin na maibabalik ang pandinig ko.” The numbers were not comforting enough. Twenty-five percent? Mas malaki ang posibilidad na hindi siya makarinig. She couldn’t even risk it. Paano kung makasama siya sa statistics na hindi na makakarinig? Ganoon na lang ba iyon? Statistics na lang siya?
“B-But w-we can’t really promise that. Kailangan lang nating maging positibo…”
“Positibo? Paano kung kasama ako sa seventy-five percent? At sabi ninyo na hindi na iyon kasing lakas ng dati.”
“But we have hearing aid to help you out.”
“Hearing aid? Imbalido ba ako, Doc? I am a star. Ako ang Ultimate Diva. Alam ba ninyo na malapit na akong mag-audition sa Hollywood? Gusto ninyo mag-hearing aid ako? Naiintindihan ba ninyo ang sinasabi ninyo sa akin, Doc?” Ngayon pa lang ay nararamdaman na niya ang stigma. Anong gagawin ko sa inyo kung hindi na ninyo maisasalba ang pandinig ko?” Hindi ito nakapagsalita na lalo niyang ikinagalit. “Hindi na ako makakarinig. Paano pa ako kakanta? Paano pa ako magpe-perform? Paano pa ako mamumuhay ng normal? Is this some kind of cruel joke? Without my hearing, I am as good as dead. Paano ang mga pangarap ko? Maibabalik ba ninyo iyon?”
“Miss Fabregas, alam ko na masakit sa iyong tanggapin ang kondisyon mo. You can ask for a second opinion. Pero sana huwag mo itong ipagwalang-bahala. Alalahanin mo na masyado nang malaki ang tumor mo. May ilang buwan pa para maihanda natin ang katawan mo sa surgery. Hindi na natin maaring patagalin pa nang higit sa anim na buwan bago tanggalin ang tumor. Baka malaki na ang maging damage sa utak mo kung hahayaan nating mas lumaki pa ang tumor.”
“T-Tinataningan ninyo ang buhay ko ng anim na buwan? Sinasabi ba ninyo sa akin na maaring mamatay ako matapos ang anim na buwan?”
Bumuntong-hininga ito. “Alam kong hindi kami Diyos, Miss Fabregas. That’s why I want you to be positive about it. May oras pa tayo para isalba ka. Kung matatanggal natin ang tumor kahit sa loob ng kalahating taon, gagawin namin ang lahat para isalba ang pandinig mo at ang buhay mo.”
Nagmamadali siyang lumabas ng klinika nito. Lutang siyang naglakad sa corridor ng ospital. Ngayon pa lang ay mahirap na sa kanya na mamuhay nang nilalamon ng tumor sa utak niya ang pandinig niya. Na posibleng bilang na ang araw niya sa mundo. Sabi ng tatay niya ay born singer daw siya. Kapag may magandang tugtog sa radyo ay sinasabayan niya ng iyak at may tono iyon baby pa lang siya. Musika na ang bumuhay sa kanya at sa pamilya niya. Musika na ang buhay niya. She was even sort of audio-Narcissistic because she loved the sound of her own voice. Ang sarili niyang boses ang nagsisilbing lullaby niya at nagpapatulog sa kanya sa gabi. Iyon ang gusto niyang marinig sa umaga. Boses din niya ang huling gusto niyang marinig bago matulog.
Anim na buwan. Masyadong maiksi iyon para sa mga pangarap niya. Akala niya ay abot-kamay na niya ang mga bagong pangarap niya pero lahat ay babawiin sa kanya sa isang iglap. Parang gumuho ang mundo niya.
Wala sa sarili siyang naglakad palabas ng ospital. Nagri-ring ang cellphone sa loob ng bag niya. Alam niyang si Dianne iyon at naghihintay sa sasakyan. Hindi niya iyon pinansin. Gusto niyang mag-isa. Gusto niyang mag-isip-isip.
Kahit ang nakakairitang ingay ng mga sasakyan o ang mga usap-usapan sa paligid niya ay hindi na niya maririnig pa. Magiging tahimik na ang mundo niya. At ang mundo kung saan siya namamayagpag ay di na siya maaring makabilang pa. Bigla ay parang mawawalan siya ng silbi. Kung nabuhay siya para sa musika, ano pa ang rason upang mabuhay siya kapag nawala iyon? Ano na si Toni Fabregas kapag walang musika?
Isang malakas na busina ang narinig niya at tumigil bigla sa paglalakad. Nagulat na lang siya nang makita ang sarili sa harap ng isang Toyota Fortuner. Muntik na siyang masagasaan. Ni hindi niya napansin na tumatawid na pala siya ng kalsada at may paparating na sasakyan.
Isang malakas na busina pa ang pinakawalan ng driver at galit na sumilip sa bintana ng sasakyan. “Are you blind or plain stupid? Don’t you know how to look at the traffic light?”
“I-I’m sorry,” nanginginig niyang sabi at dali-daling tumawid ng kalsada.
Ganoon pala ang pakiramdam ng muntik nang mamatay. Ano pa kaya ang pakiramdam ng taong malapit nang mamatay? Yes. Maari na rin siyang mamatay. Kung hindi pa niya ipapatanggal ang tumor niya, tiyak na mamamatay siya.
May humawak sa balikat niya. “Toni, are you okay?”
Lumingon siya sa may-ari ng kamay na humawak sa balikat niya. It was Rusmore. Bakas ang magkahalong iritasyon at pag-aalala sa mukha nito. She was relieved that he was there. “Rushmore!” Niyakap niya ito nang mahigpit. “Rushmore, natatakot ako.”
Tinapik-tapik nito ang likod niya. “Hush now. It’s okay. It’s okay.”
Umiyak siya ng umiyak habang yakap nito. Hindi siya sanay na umiyak sa harap ng ibang tao. Ayaw niyang magmukhang mahina. Pero hindi na talaga niya kaya ang pasaning dinadala niya. Sobrang bigat na ng mga pagsubok na dumadating sa buhay niya. Parang lahat na lang ay gustong kunin sa kanya ng Diyos.
“Huwag tayo dito. Naka-park lang malapit dito ang kotse ko,” sabi nito at inakay siya papunta sa kotse nito. Iniwan lang siya nito sandali at pagbalik nito ay may dala na itong iced chocolate. “Wala akong nakitang chocolate store kaya ito na lang. Bakit mag-isa ka lang? Nasaan ang mga PA mo at ang sasakyan mo?”
“I-Iniwan ko sila. Gusto ko lang maglakad-lakad sandali.”
“Anong problema?” tanong nito. “Baka pwede mong sabihin sa akin.”
“Hindi ba dapat nasa Davao ka na ngayon?”
“Yes. May flight nga ako mamayang hapon kaya namimili ako ng pasalubong. May oras pa naman ako para makinig sa iyo. Kung ise-share mo sa akin, mas gagaan ang pakiramdam mo,” anito at binigyan siya ng isang ngiti nitong puno ng charm. That charming smile could make her spill her innermost secrets before.
Pero ngayon ay pinili niyang itago na lang sekreto ang tungkol sa sakit niya. Hindi pa rin niya matanggap ang kalagayan niya. Natatakot siyang tanggapin ang nakatakdang pagkawala ng pandinig niya o ang posibilidad na mamatay siya.
Uminom siya ng iced coffee at iniwas sa labas ng sasakyan. “I am sorry. Hindi ko pa kayang mag-confide sa iyo.”
“I understand. Pero may isang lugar kang pwedeng puntahan na siguradong makakatulong sa mga problema mo.”