Wala sa sarili na pinagmasdan ni Toni ang mga taong di magkamayaw sa dance floor habang nakasandig sa bar counter. Ayon sa resort staff na tinutuluyan niya ay ang bar na iyon ang pinaka-wild sa buong Boracay. Lahat daw ay mapapasayaw sa musika doon at sadyang maingay ang tugtugan. Sa gabing iyon ay isang DJ na galing pang New York ang nasa DJ booth at nagse-set ng mood sa party.
Subalit wala siya sa mood mag-party. Hindi niya ma-appreciate ang maingay na tugtugan. Ni hindi niya alam kung paano susunod ang katawan niya sa indayog ng musika. Dahil kapit pa makabasag-eardrum ang tugtugin sa bar na iyon ay wala pa rin siyang maririnig. Her tumor was being a bitch again.
Mas gusto sana niyang manatiling nakakulong lang sa bahay pero pinilit siya ni Mommy Jho na mag-unwind. Naghahanda na ito ng bakasyon sa kanya kasama ito, ang road manager niya at PA niya pero ayaw niyang maraming kasama. She wanted to be alone.
She flew to Boracay. Pagdating niya ay tumuloy siya sa isang salon na nag-i-sponsor sa kanya. pinaputulan niya ang buhok niya hanggang balikat at nagpalagay ng bangs. Binago niya ang itsura niya. She wanted to feel a bit different.
Mag-enjoy daw siya sa Boracay hangga’t gusto niya sabi ni Mommy Jho. In no time, she would surely have the time of her life. Babalik din daw ang sigla at buhay niya. Gugustuhin ulit niyang magtrabaho. Ngunit mukhang imposible iyon.
She can’t even enjoy her life anymore. Dati ay napapangiti at napapasayaw siya ng isang simpleng tugtog. She could be the life of the party if she wanted to. Without the music, without even the slightest sound, she was as good as dead. Pumikit siya at ininom ang pang-limang shot ng tequila na nai-serve sa kanya. At least she could still enjoy the liquor. Pwede pa siyang magpanggap na nag-e-enjoy sa lugar na iyon. Na pwede pa siyang makaramdam. Yes. She could still feel and taste the pain.
Naramdaman niya ang mainit na hininga sa mukha niya at ang nakakahilong pabango ng lalaki. Dumilat siya at lumingon. Isang guwapong lalaki ang nakangisi sa kanya at hinaplos ang pisngi niya. He mouthed the word, “Hi, babe.”. Hindi na niya nasundan kung ano pa ang ibang gusto nitong sabihin sa kanya. Kung nagyayaya ba itong magsayaw o ibibili siya ng inumin.
Hinawi niya ang kamay nito. “I am not interested.”
Mukhang wala itong balak na tantanan siya at gumiling-giling pa sa harap niya. Kumunot ang noo niya at nawalan na siya ng gana. Sa tahimik niyang mundo kung ito pa ang makikita niya ay tiyak na hindi siya mag-e-enjoy. Nakakawalang-gana.
Naglabas siya ng tatlong five hundred bills saka inilapag sa harap ng bartender. Saka siya naglabas ng one thousand peso bill mula sa wallet niya at ihinagis sa lalaking nagsasayaw sa harap niya. Saka siya naglakad palabas ng bar.
"You are no fun and boring. Find someone else to pester."
May kamay na pumigil sa braso niya at galit siyang ihinarap ng lalaking may pangarap yatang maging macho dancer.
Galit na galit ito habang iwinawagayway sa mukha niyang ang isang libong pera.
"Bakit? Wala kang panukli sa one thousand? Sa iyo na ang sukli. Just leave alone."
Umangat ang kamay nito at akmang sasampalin siya. Pumikit lang siya at hinintay ang pagtama ng palad nito sa mukha niya. Hindi na siya natatakot sa sakit. Mas matinding sakit pa doon ang pinagdadaanan niya. Sinaktan na siya ng mga taong mahal niya. Anong kaibahan kung saktan siya ng mga taong walang halaga sa kanya?
Subalit hindi dumating ang malakas na sampal na inaasahan niya. Nang dumilat siya ay nakabitin sa ere ang kamay ng lalaki at may pumipigil dito. Sumikdo ang dibdib niya nang makitang si Rushmore ang pumipigil dito. Matiim ang anyo nito at mukhang di nito mapapatawad ang lalaki sa pagtatangkang manakit sa kanya.
Anong ginagawa nito doon? Sinusundan ba siya nito?
Lumuwag ang pagkakahawak ng lalaki sa braso niya. Simantala niya ang pagkakataon. Kumawala siya dito at nagtatakbo palabas ng bar. Palayo kay Rushmore.
She couldn't face him right now. Nangako siyang magiging matatag. Na hindi siya susuko sa problema. Pero hindi na niya kaya.
Nagtatakbo siya hanggang makarating siya sa isolated at madilim na bahagi ng beach.
Nagulat siya nang isang lalaki ang may hawak na patalim at nakaumang sa kanya. Pakiramdam niya ay kaharap niya ang kamatayan.
"B-BOSS, pasensiya na po. Hindi na po ako uulit. Pakawalan na po ninyo ako bago pa mabali ang kamay ko,” namimilipit sa sakit na sabi ng lalaki na muntik nang sumampal kay Toni. Mabuti na lang at napigilan ni Rushmore kundi ay mas malaking gulo pa ang pwedeng mangyari.
“Talagang mababali ang kamay mo kung sinaktan mo si Toni,” gigil niyang wika.
Napasugod siya sa Boracay nang ibalita sa kanya ng katiwala sa bahay niya na may nakakita daw kay Toni na dumating ng isla nang mag-isa. Parang tsismis lang iyon noong una hanggang makumpirma niya kay Mommy Jho. Kumustahin daw niya si Toni. Ayon sa pagtatanong niya sa resort na tinutuluyan nito ay lumabas ito. Ini-recommend pa daw ng mga ito ang isang sikat na bar.
Hindi niya ito nakilala noong una dahil nagpaputol ito ng buhok at nagpalagay ng bangs. Sa palagay nga niya ay di rin ito kilala ng ibang tao doon lalo na’t nagbago ito ng anyo. Looks like she was starting a new life. Na naroon ito para magpakasaya pero sa nakita niya ay mukhang hindi ito nag-e-enjoy. Akmang lalapitan niya ito nang sumingit naman ang lalaki.
“Hindi ko naman po siya gustong saktan. Gusto ko lang naman po siyang makasayaw. Kaso kung anu-anong masasamang salita ang sinabi niya sa akin. Hinagisan pa niya ako ng pera na parang hinahamak ang pagkatao ko.”
Binitiwan niya ang lalaki nang makita niyang tumalilis palabas ng bar si Toni. Darn! Saan na naman ito pupunta? Bakit na naman siya nito iniwan? Baka kung saan na naman ito magsuot at kung anong gulo na naman ang dalhin nito.
Nang huling beses silang magkasama ay mukhang miserable ito. Pero matapos nilang magkausap ay umasa siya na mas bubuti ang kalagayan nito.
Paglabas ng bar ay hindi niya ito makita kung nasaan. Lumapit siya sa bouncer na nakabantay sa bar. “Nakita ba ninyo kung saan nagpunta ‘yung babaeng naka red net blouse, may ganoon ding headband at hanggang balikat ang buhok at may bangs?”
Itinuro nito ang papunta sa mas liblib na parte ng beach. “Doon po, Sir. Nagmamadali nga pong umalis. Boss, mukha pong artista. Parang si Toni Fabregas. Kapatid po niya iyon?”
“Tanga! Mas maganda si Toni sa kapatid niya kaso iniwan ng boyfriend,” anang isang bouncer.
Matapos magpasalamat ay tinunton niya ang pinuntahan ni Toni. Madilim na banda doon at mas palayo sa mga resorts at bar. Anong ginagawa nito doon? Delikado na ang panahon ngayon ay di pa ito nag-iingat. Bakit kailangan nitong lumayo sa kanya? Di naman siya kalaban.
“Toni! Toni!” tawag niya dito.
Di nagtagal ay narinig niya ang boses nito. Sa tulong ng malamlam na liwanag ay napansin niyang may kaharap itong lalaki at mukhang may nakatutok na isang ibagay kay Toni. “Anong gagawin mo sa akin? Papatayin mo ako? Patayin mo ako. Patayin mo na lang ako. Ginawan mo pa ako ng pabor. Sige!” sigaw pa nito at humalakhak.
Drat! The woman was pure crazy. Inilabas niya ang pito sa bulsa ng shorts niya na lagi niyang dala para sa emergency. Pumito siya at nakuha niyon ang atensiyon ng lalaki. Nagtatakbo ito palayo. Namumungay ang matang tumingin si Toni sa direksiyon niya.
Hinawakan niya ang balikat nito ang hinaplos ang braso. “Are you okay? Hindi ka ba niya sinaktan? Wala ba siyang nakuha sa iyo?”
“Bakit mo siya tinakot?” galit nitong tanong.
Nagulat siya dahil parang siya pa ang may ginawang mali. “What the… what’s wrong with you? Iniligtas kita sa holdaper na iyon tapos tinatanong mo ako kung bakit ko siya tinakot? Is this some sick game of yours? Kung sinaksak ka niya, ano nang mangyayari sa iyo kung hindi ako dumating?”
“Madadali ang buhay ko. And I did the world a favor.”
Siya ang kinilabutan sa mga sinasabi nito nang maamoy niya ang alak mula sa bibig nito. “Lasing ka na. Come. Ibabalik na kita sa resort mo,” aniya at kinuha ang pouch na hawak nito. Kaya naman pala sa halip na matakot sa holdaper ay ito pa ang naghahamon na saksakin ito. Parang hindi na ito takot mamatay.
“Bakit iniligtas mo pa ako?” tanong nito at ihinilig ang katawan sa kanya.
“What kind of question is that? Natural lang na iligtas kita.”
“My life is worthless. I am going to die soon anyway. Why prolong the agony? Hindi ko na kailangan pang maghirap.” Hindi niya alam kung seseryosohin ito o hindi. Parang may pinaghuhugutan ito ng emosyon.
“Everything will be okay,” bulong niya dito at hinaplos ang buhok nito. “Everything will be okay.”
Umiling ito at tumingala sa kanya. Parang wala nang pag-asa sa mga mata nito. “Hindi na ako naniniwala diyan. But there’s one thing I want to do before I die.” Yumakap ito sa leeg niya. “Kiss me and make love to me, Rushmore.”
She kissed him fiercely and he felt like electricity run though his body. Hindi siya ang tipo ng lalaki na basta-basta nagpapaapekto sa pang-aakit ng isang babae. He perfected that with all the indecent proposals he got from women. Madali para sa kanya na i-reject ang mga ito.
Pero hindi niya alam kung paano tatanggihan si Toni. He didn’t have the strength to push her away. He wanted to kiss her back and take the pain away. It was wrong. Hindi niya kayang mag-take advantage sa isang lasing na babae.
Hinawakan niya ang balikat nito at inilayo sa kanya. “W-We can’t do that here. This is not right. And besides, I don’t want you,” aniya at umiling.
Natigilan ang kamay nito sa pagkalas sa string ng bikini bottom nito. “A-Ayaw mo sa akin?”
Tumango siya. “Yes.”
Parang sinabugan ito ng bomba at naestatwa sa kinatatayuan. Isinuot nito ang net blouse nito. “I don’t even know why I am wasting my time here. Akala ko…” Tinalikuran siya nito at naglakad papunta sa dagat. “Huwag mo na akong pipigilan at huwag mo akong susundan.”
“Toni, don’t be unreasonable. Pag-usapan natin ‘to. I don’t do one night stands and so do you. You willl regret this in the morning. I am just doing you a favor.”
Ang alam nga niya ay inakusahan pa itong frigid ng isang kaibigan ni Aya dahil hindi daw ito mahilig sa intimacy. Why would she just throw it away? Siya ang mas nasa tamang huwisyo sa kanila. Di niya pwedeng pagbigyan ang request ng isang babaeng lasing. Pagsasamantala sa kahinaan ang tawag doon. At di siya ganoong uri ng lalaki.
Subalit di siya nito pinansin at nagpatuloy lang ito sa paglalakad papunta sa dagat habang kumakanta. “I’ll say goodbye to love. No one ever cared if should live or die…”
Hinabol niya ito nang makita niyang lumusong ito sa tubig. What if she was suicidal? At hindi rin tamang mag-night swimming ito dahil walang liwanag sa area na iyon at madilim din ng gabi. Nakainom pa ito kaya baka mapahamak ito.
“Toni! Toni!” sigaw niya nang makitang tinangay ito ng alon. Subalit parang di naman ito kumakampay man lang. Nahagip niya ang katawan nito. “Toni, are you okay? Please say something!” pakiusap niya ngunit wala siyang nakuhang sagot mula dito. Hanggang maidala niya ito sa pampang ay di pa rin ito nagkakaroon ng malay.
Hindi na mahalaga kung wala man itong malay. Ang mahalaga ay buhay ito. Hindi na niya pwedeng iwang mag-isa si Toni mula ngayon. Maipapahamak lamang nito ang sarili nito.
Siya ang mag-aalaga dito hanggang umayos na ang kondisyon nito at bumalik sa normal. Mag-uusap sila ng masinsinan oras na bumalik ito sa huwisyo.